BAGO pa dumapo ang kamay nito ay isang maganda at malamyos na tinig ang tumawag sa pangalan ng dalaga, "Jean!"
Sabay na napalingon ang dalawang babae. Natigilan si Katherine nang makitang papalapit si Margaret habang naka-wheelchair. "Marga, hindi ka na sana sumunod pa. Mapapagalitan ako nito ni Cain, e," ani Jean sabay tingin kay Katherine na animo'y nagyayabang. Tuluyang nakalapit si Margaret at kunot-noo'ng napatingin kay Katherine. "Oh by the way, Marga. Nakikilala mo ba siya?" ani Jean sabay turo kay Katherine. "Siya nga pala ang secretary ni Cain. Nang umalis ka ay siya ang nag-alaga sa kanya, umaga hanggang... gabi," makahulugan niyang saad. Hindi naman nakagalaw sa puwesto si Katherine. Gusto niyang magsalita pero napipi na siya ng reaksyon ni Margaret. Halatang gulat na gulat ito. Ilang sandali pa ay nagsalita, "Jean... pwede bang iwan mo muna kami. May gusto lang akong sabihin sa kanya." "Hindi pwede, baka saktan ka pa ng babaeng 'yan gaya ng ginawa niya sa'kin. Sinampal niya ko't pinahiya sa harap ng mga empleyado ni Cain." "Don't worry. I'm sure na wala naman akong sasabihin na ikasasama ng loob para sampalin niya ako sa mukha," ani Margaret. Napakurap si Jean at tila nakaramdam ng hiya ng matamaan sa sinabi nito. "O-Okay, 'wag kang masiyadong magtatagal." Pagkaalis ni Jean at maiwan ang dalawa ay agad nag-iba ang ekspresyon ni Margaret. Biglang tumapang at halatang may panghahamak sa mga mata. "Totoo ba ang sinabi niya? Kung gano'n ay maraming salamat at inaalagaan mo ang Cain ko, kung 'yun nga ang ginagawa mo. Pero kung hindi, sisiguraduhin kong hindi ka na makakalapit pa sa kanya," babala ni Margaret. Hindi naman nagustuhan ni Katherine ang timbre ng boses nito. Halatang may pinupukol tungkol sa kanya. "Kung ano man ang trabaho ko bilang sekretarya niya ay labas ka na 'ron," matapang niyang saad. Nagtaas ng isang kilay si Margaret. "Ako ang girlfriend, secretary ka lang." Napangisi si Katherine. "Wala bang nakapagsabi sa'yo na bukod sa pagiging sekretarya ni Cain... ay asawa niya rin ako? Legal na asawa, kinasal kami at nagsasama sa iisang bahay." Mas lalong nawindang si Margaret. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Gusto niyang abutin si Katherine at sabunutan pero nahagip ng mga mata niya ang paglapit ni Cain. Sa isang iglap ay bigla na lamang natumba sa harapan ni Katherine si Margaret. Nagtaka siya kung anong ginagawa ng dalaga sa sarili. Lumikha ng ingay ang pagbagsak ng wheelchair at umaray pa ito sa sakit. Bago pa man ito matulungan ni Katherine ay narinig niya ang boses ng asawa. "Margaret!" Paglingon ay patakbong lumapit si Cain upang tulungan ang dalaga. "Cain..." iyak ni Margaret sabay yakap sa bisig nito. Nang makita ni Cain na may dugo sa noo ang dalaga ay galit niyang binalingan si Katherine. "Ba't mo siya tinulak?!" "Nagkakamali ka, wala akong ginawa sa kanya," depensa ni Katherine sa sarili. "At magsisinungaling ka pa? Kitang-kita kong natumba siya," ani Cain. Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Katherine upang hindi maiyak. Bago pa niya maipagtanggol ang sarili ay bumalik si Jean. "Cain, nakita kong tinulak ng babaeng 'yan si Marga!" Sabay turo kay Katherine. Kahit ang totoo ay wala naman talaga siyang nakita at nais lang isisi rito ang nangyari ng makaganti. Umiling si Katherine. "Cain, maniwala ka sa'kin hindi ko siya--" "Enough! Tama na, Katherine, 'wag ka ng magpaliwanag." Pagkatapos ay binuhat si Margaret upang isakay sa kotse at nang madala sa ospital. Nanlamig sa kinatatayuan si Katherine. Nasasaktang mas pinaniwalaan pa ng asawa ang ibang tao kaysa sa kanya. "Buti nga sa'yo," pahabol ni Jean bago sundan ang dalawa. Nang mag-isa na lamang si Katherine ay saka lang niya pinakawalan ang pinipigilang luha. "'Wag kang umiyak," paulit-ulit niyang pinapaalala sa sarili ngunit bigo siya. "Sorry, baby. Sobrang hina ni Mommy. Hindi niya man lang nagawang ipagtanggol ang sarili," kausap niya sa anak habang hinahaplos ang tiyan. Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone at sinagot niya ang tawag ni Lian. "Sissy, sorry at ang tagal ko, may nakaharang kasing sasakyan sa kotse. Hinihintay ko pa 'yung driver para maitabi ang sasakyan." Suminghot si Katherine at iningatang huwag pumiyok habang kausap ang kaibigan. "Ayos lang, maghihintay na lang ako rito." ~*~ SA OSPITAL, matapos magamot ang sugat sa noo ni Margaret ay saglit na nagpaalam si Cain upang tawagan ang assistant. "Pasensiya na, Mr. President pero wala na po siya rito," ani Joey mula sa kabilang linya. Napabuntong-hininga siya matapos ang narinig. Ipinag-utos niya kasi sa assistant na puntahan si Katherine sa lugar kung saan ito iniwan ngunit nahuli na si Joey at wala na roon ang asawa. Nasigawan niya ito kanina at kitang-kita na natakot ito. Kaya ngayon naman ay nag-aalala siya lalo pa at mukhang mag-isa lang ito sa naturang lugar. Hindi talaga maalis sa isip niya ang mga mata nitong nasaktan at nalungkot. Pakiramdam niya ay mali siyang nagawa. Bumabagabag sa isip niya na baka totoo talagang wala itong ginawa kay Margaret? Na hindi totoong tinulak nito ang dalaga. Matagal na niyang kilala si Katherine. Alam niyang hindi nito magagawang manakit ng iba. Ngunit pinagdudahan niya pa rin ito dahil sa labis na pagkabigla nang makitang natumba at nasugatan si Margaret. "Cain?" Narinig niya ang boses ni Margaret na tumatawag kaya bumalik siya sa ward. May luha pa rin sa mga mata ng dalaga nang bigla itong yumakap paglapit niya. "Bakit, masakit pa rin ba?" aniya. Tumango lang ang dalaga saka siya tiningala. "I'm fine as long as nandito ka kasama ko." Hinaplos naman ni Cain ang buhok nito bilang tugon. "Pero... talaga bang tinulak ka ni Katherine?" Napakurap si Margaret at nag-iwas ng tingin. Nalilito kung anong dapat niyang sabihin ng mga oras na iyon. "Ang totoo... s-sinubukan niyang itulak ang wheelchair ko dahil nasa gitna kasi ng daan. Concern siya na baka maaksidente ako," kabado niyang pagsisinungaling. "So, it means ay... hindi ka niya tinulak?" Pigil hininga siyang umiling. "Mukhang tinulak niya 'ko pero hindi talaga." "Ba't hindi mo sinabi?" Ngayon ay mas lalong nagi-guilty si Cain. Dahil nasigawan at napagbintangan niya si Katherine. "U-Umiyak na kasi ako dahil sa natamong sugat," dahilan pa ni Margaret. "Gusto ko ng magpahinga," agap niya upang hindi na matanong. Pagkaalis ni Cain ay halos magwala siya sa sobrang galit. Hindi niya akalaing sa ginawang pag-arte kanina ay pagdududahan pa siya nito? Pero mas mainam na inunahan na niya si Katherine bago pa nito masabing na-frame up lang. Kapag nangyari iyon ay magmumukha lang itong masama sa paningin ni Cain at hindi siya. Pero namumuhi pa rin siyang isipin na mas matimbang na ito kumpara sa kanya. Dahil ba sa mag-asawa ang dalawa? Pero bakit hindi niya alam? Hindi man lang nagawang sabihin ni Cain ang totoo. Bakit inililihim ng dalawa? ~*~ "KATHERINE!" Napalingon siya ng marinig ang sariling pangalan. Hindi niya inaasahang binalikan siya ni Cain. "Bumalik ka," aniyang gusto itong hawakan. Pero mabilis na lumayo si Cain. "Sabihin mo sa'kin ang totoo... buntis ka ba?" Napasinghap siya saka tumango ng may ngiti sa labi. "Oo, magiging ama ka--" "Ipalagl*g mo 'yan, ayoko sa batang 'yan!" ani Cain.KASALUKUYANG nasa police station si Cain at tahimik na nakaupo sa gilid ng teble. Habang panaka-naka naman ang tingin ng pulis na nasa harap, inaayos sa computer ang mga ebidensyang kanyang ibinigay.Paminsan-minsan na humihinto ang pulis, napapaisip, saka muling magtitipa sa keyboard tapos ay bubuntong-hininga.Sumasagi sa isip kung may natitira pa bang awa si Cain. Dahil ang kinakasuhan ay hindi lang basta kung sino, kundi mismong sariling ama.Napansin naman ni Cain ang tingin ng pulis kaya tiningnan niya rin ito sabay tanong, “Matatagalan pa ba ‘yan, Sir?”Inis na ngumiti ang pulis dahil halatang naiinip na ito sa paghihintay, na tila madali lang ang ginagawa niyang trabaho. “Pasensya na, Sir pero sa tingin ko’y hindi ‘to basta matatapos ngayong gabi. Sa dami ng ipa-file na kaso sa– ehem, sa ama niyo ay baka abutin tayo hanggang bukas o ilang araw pa.”Kahit nababagalan sa trabahong ginagawa nito ay tahimik lang na tumango si Cain at hindi nagpakita ng anumang emosyon.Mayamaya pa
MASAKIT ang katawan ni Stella, para bang bawat himaymay ng laman ay nalamog at bawat galaw ay makirot. Gusto niyang umiyak, ngunit biglang bumalik sa kanya ang alaala ng nangyari at pilit na bumangon kahit nanginginig ang katawan.Hinawakan niya ang kanyang tenga dahil wala siyang marinig. Ngunit sa halip na ang sarili ay agad niyang naisip si Adrian. Doon siya kinabahan, nilingon ang kalsada at doon nakita ang binata, nakahandusay at tila walang buhay.“Adrian…” mahina niyang sambit, nanginginig ang boses.Agad na bumalik sa isip ni Stella ang nangyari ilang segundo lang ang nakakalipas. Malapit nang sumalpok sa kanya ang truck at wala siyang ibang nagawa kundi ang tumulala nang bigla siyang tinulak ni Adrian. Imbes na siya ang mabunggo, ang binata ang tumilapon at nagpagulong-gulong sa kalsada.“Hindi…”Kahit halos wala nang lakas, pinilit niyang tumayo. Mabigat ang bawat hakbang pero hindi siya tumigil. Hanggang sa malapitan niya si Adrian at lumuhod saka mabilis na hinawakan ang k
NATAPOS na ni Jared ang tungkulin sa monitoring room kaya kinuha niya ang USB, saglit na tiningnan ang walang malay na personnel sa kinauupuan saka naglakad patungo sa pinto.Ngunit bago pa man niya mahawakan ang doorknob ay kumalampag na ang pinto, nakabalik na ang kasamahan nito.“Anton, buksan mo ‘tong pinto. Nagkakagulo sa hall!” sigaw ng lalaki mula sa labas.Napapitlag si Jared, agad na lumapit sa pinto at mahigpit na hinawakan ang doorknob, pinipigilan itong makapasok.“Anton, nandyan ka ba?” tawag nito sa kasamahan. “Sino bang nandyan, buksan mo ‘tong pinto kung ayaw mong magkaproblema!” muling sigaw ng personnel, makailang ulit na kinalampag ang pinto dahil sa inis at hindi man lang nadala ang susi na naiwan sa loob.Pinagpawisan si Jared habang ang kamay ay namumuti na sa higpit ng pagkakahawak sa doorknob. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng ungol. Lumingon siya at nanlaki ang mata dahil ang personnel na kanina ay pinatulog, unti-unti nang nagigising.Delikado siya kung m
HALOS hindi na humihinga ng sandaling iyon si Cain. Sa kabila ng lamig na binibigay ng aircon ay pinagpawisan agad siya nang malala. Una niyang naisip ay tumakbo mula kay Stella, ngunit naisip din niyang mahahalata siya sa oras na gawin iyon.Bukod pa roon ay nasa gitna siya, napapalibutan ng mga bisitang abala sa pakikipag-usap sa iba pang panauhin. Sa madaling salita, wala siyang matatakbuhan dahil mahirap lumusot at hindi siya pwedeng magsalita habang nasa likod niya ng dalaga, tiyak na makikilala siya kapag ginawa niya iyon.“Excuse me, naririnig mo ba ‘ko?” ani Stella. “Ang sabi ko, bigyan mo ‘ko ng drinks.”Napapikit si Cain, pilit pinapakalma ang sarili. Matapos ay huminga nang malalim, akmang tatalikod upang harapin si Stella nang unahan ni Jared na bigla na lamang humarang paharap sa dalaga.“Miss Stella, pwede ba ‘kong sumama sa’yo? Mag-isa lang kasi ako ngayon at ayoko naman makipag-usap sa iba na puro negosyo lang ang bukang-bibig,” ani Jared, ang isang kamay ay hinila ang
NAGLAKAD palabas ng bahay si Jared habang nakasunod naman ang kanyang mag-ina. Dumiretso siya sa nakaparadang kotse at bago sumakay ay nilingon ang dalawa, niyakap sabay halik sa labi si Lian. “Aalis na ‘ko, ikaw na muna ang bahala rito.”Lumapit si Blythe at gustong yumakap kaya yumuko si Jared.“Baka magusot ang suit,” paalala ni Lian.“Ayos lang,” tugon naman ni Jared, hinayaang yakapin siya ng bata.Pagkatapos ay tumayo na siya nang matuwid sabay haplos sa buhok ng anak. “‘Wag mo na ‘kong hintayin, matulog ka na nang maaga, okay?”Tumango ang bata saka mabilis na yumakap sa hita ng Ina. “Balik ka agad, Daddy.”Natigilan si Jared, sa isang iglap ay parang ayaw na niyang umalis at gusto na lamang manatili sa bahay.Napansin ni Lian na napatulala na ito kaya nagsalita siya, “Hindi ka pa ba aalis, baka ma-late ka?”Tumango-tango naman si Jared saka mabagal na kumilos, halatang ayaw umalis hanggang sa kinawayan na siya ni Lian, nagpapaalam. At ganoon din ang ginawa ni Blythe. “Babay, D
MAKAKALABAS na ng ospital si Helen sa araw na iyon at susunduin siya ng anak kasama ng kanyang apo. Pagpasok sa silid ay tumakbo agad si Shannon palapit upang yakapin siya.“Lola!” masiglang tawag ng bata.Tumawa naman si Helen saka sinalubong ang yakap ng apo. “Mabuti at nandito ka, alam mo bang miss na miss na kita?” Matapos ang yakap ay humalik pa ito sa kanyang pisngi.Kaya hindi na niya napigilan na ito ay panggigilan at hinalikan ang mukha habang suot ang face-mask na hindi niya maaaring alisin.Si Cain naman na kakalapit lang ay niyakap din ang Ina. “Ready na kayo, ‘Mmy?”“Oo, hinihintay lang kita pero nagpunta rito ang doctor kanina. Ang sabi ay puntahan siya at may gustong sabihin sa’yo.”Tumango si Cain. “Sha-Sha, dito ka muna kay Lola, ‘kay? Sandali lang ako.” Saka lumabas ng silid.Naiwan sina Helen at Shannon, simpleng usap mula sa mag-lola nang biglang dumating si Stella.“O, hija. Anong ginagawa mo rito?”“H-Hello, Tita,” saad ng dalaga sabay lapit at beso sa pisngi nit