Share

Chapter 95

Auteur: Lirp49
last update Dernière mise à jour: 2024-12-10 22:49:16

NANG kaunti na lamang ang sabaw sa mangkok ay inisang lagok na ni Katherine. Pagkatapos ay pinakita niya kay Cain na wala ng laman, nilabas niya pa ang dila upang ipakita na inubos niya talaga ang pagkain. "Ubos na, kaya pwede ka nang umalis sa harap ko."

"Uy~ fierce," si Levi ang nag-react saka tumayo, niligpit ang pinagkainan. "Ako ang aalis at may kailangan pa 'kong asikasuhin. Ang mga Nurse na lang ang bahala rito." Saka lumabas ng kwarto.

Naiwan ang dalawa at ilang sandali pa ay tumayo na rin si Cain, kinuha sa tabi ng kama ang isang maliit na luggage.

Napakunot-noo si Katherine dahil ngayon lang niya napansin na may dala pala itong maleta.

Pinanuod niya lang ang ginagawa ni Cain hanggang sa maglabas ito ng tuwalya at maliit na pouch na naglalaman ng gamit pampaligo.

Pagkatapos ay pumasok sa banyo. Ilang minuto ito sa loob at paglabas ay bagong ligo na.

Napanganga si Katherine sa pagkamangha. "Ibang klase rin, at ginawa mo nang bahay 'tong ospital."

Hindi man nagsalita pero may k
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (5)
goodnovel comment avatar
Bhie Delos Reyes
ztuloy tuloy oo salamat
goodnovel comment avatar
Maritess Asmor
thank you miss A,nakakasabik kc Ang sunod na chapter,pwedi ulit?...
goodnovel comment avatar
Editha Tomas Martinez
tapos na nmn update
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 342

    NANGHINA si Margaret sa narinig at wala na siyang ibang nagawa kundi ang lumuha habang dinadala patango sa police car.Napahinga naman nang malalim si Cain saka sumunod sa mga ito at napalingon pa nga kay Lucille na sumakay sa ambulansiya upang samahan si Katherine sa ospital. Bahagya siyang napanatag dahil may makakasama na ang asawa. Pagkatapos ay saka siya sumakay sa kotse.Si Marc naman na tahimik na nagmamaneho ay hindi maiwasang magtanong, “Ayos lang kayo, Sir?” Wala siya nang maganap ang pangyayaring iyon kay Katherine dahil magkahiwalay silang naghanap sa buong lugar. “Pasensiya na’t hindi ko man lang kayo nagawang tulungan.”“You don’t have to say sorry. Ginawa lang natin ang best option ng oras na ‘yun. Mabuti na lamang at nahanap siya agad bago pa maging huli ang lahat.”Tumango si Marc saka muling tinuon ang tingin sa daan.Pagdating sa police station ay agad nagbigay ng statement si Cain upang mapuntahan na agad si Katherine.Ngunit inabot din siya ng mahigit isang oras s

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 341

    NAGLAHO ang tuwa sa labi ni Margaret nang maalala ang dinanas na hirap matapos siyang ibigay ni Cain sa grupo na iyon. “A-Anong ginagawa mo rito?” aniyang nakaramdam ng takot.Si Cain na hinihingal pa ng sandaling iyon matapos wasakin ang pinto ay humakbang palapit.Ngunit muling hinigpitan ni Margaret ang pagkakasak*l kay Katherine. “’Wag kang lalapit kung ayaw mong makita siyang malagutan ng hininga!”Bumagsak na ang kamay ni Katherine, ang mga mata ay namumuti na at halos wala na sa ulirat. Ano man sandali ay lilisanin na niya ang mundo kung hindi siya bibitawan nito.“Pakawalan mo siya!” sigaw ni Cain.“Hindi!” hiyaw ni Margaret.“Katherine! Naririnig mo ba ‘ko?” ani Cain. “’Wag kang sumuko, ililigtas kita! Sandali na lang.”“Hindi mo na siya maliligtas pa, wala na siya!”Si Katherine na umiitim na ang paningin ay biglang nagkaroon ng pag-asa matapos marinig ang boses ni Cain. Ipinukos niya ang tingin kay Margaret saka niya hinila ang braso nito at kinagat, sanhi kaya ito humiyaw

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 340

    TILA GUMUHO ang mundo ng dalawang babae matapos iyong marinig. Ilang segundong hindi nakagalaw ang mga ito. Bukas-sara ang bibig dahil hindi makapaniwala sa narinig hanggang sa tumaas na ang emosyon ng dalawa.“B-Bakit?!”“Sandali lang naman, Sir! Hindi ata tamang basta niyo na lang kami sisisantehin!”Halos magkasabay pa iyong sinabi ng dalawa.Si Katherine ng sandaling iyon ay natigilan ng marinig iyon mula kay Shawn. Mabuti na lamang at tapos na sa pagliligpit kaya aalis na.Dahil labas na siya sa sitwasyon na iyon ay sinenyasan niya si Lucille para ipahiwatig na umalis na sila. Tumango naman ito saka kinuha ang ilang gamit at naunang lumabas ng dressing room. Sumunod siya, hindi na nagpaalam kay Shawn dahil mabigat na ang atmosphere sa loob.Pagkasara ng pinto ay naririnig niya pang nagmamakaawa ang dalawang babae hanggang sa dahan-dahan ng humina ang mga boses habang siya papalayo.Naisakay na nila ang mga gamit sa kotse pero bumalik si Katherine sa loob ng venue para pumunta sa

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 339

    KUMUYOM ang kamay ni Cain sa galit sabay hampas sa table. “Nagawa nila akong isahan?! At papaniwalain na si Margaret ang bangkay na ‘yun?!”Napalunok ng laway si Joey, kinakabahan sa galit nito. “A-Anong gusto niyong gawin ko, Sir?”Naging madilim ang ekspresyon ni Cain habang ang kamay ay namumuti na dahil sa mahigpit na pagkakakuyom. “Ipahanap mo agad si Margaret… At ‘yung grupo? Kausapin mo ang leader nila, gusto ko ng paliwanag kung bakit niya ‘ko nagawang lokohin ng ganito sa tagal ng pinagsamahan namin.”Tumango si Joey bilang tugon saka lumabas ng opisina.Nang maiwan si Cain ay biglang sumagi sa isip niya ang asawa. Kaya kinuha niya ang phone saka ito tinawagan ngunit, hindi sumasagot kahit nakailang attempt na siya.Sa puntong iyon tuluyang kinabahan si Cain kaya hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at lumabas ng opisina. “Lalabas lang ako saglit,” paalam niya pagdaan sa desk ni Joey.Nang makasakay sa elevator ay muli niyang tinawagan si Katherine. Ngunit ganoon pa rin, hindi i

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 338

    PAGLABAS sa elevator ay inaya ni Katherine ang kapatid na sa kanila na lang muna kumain.“Wala si Laura dahil hinatid niya si Tita pauwi sa kanila—“ Bigla siyang natigilan nang mapagtanto kung bakit babalik ang Ina ng kaibigan sa dati nitong tinitirhang bahay. “Now I get it! Dahil aalis ka kaya siya babalik.”Pasimpleng umubo si Sherwin sabay iwas ng tingin.“Ilang araw ka ba talagang mawawala?” panghuhuli niya pa sa kapatid.Napakamot ito sa mukha, hindi masabing mawawala siya ng mahigit-kumulang na isang buwan. Kaya upang takasan ang tanong ni Katherine ay nagkunwari siyang nagugutom. “Ano kayang niluto ni Ate Elma?”Napailing na lamang si Katherine saka sila pumasok sa condo. “Kahit kailan talaga…”Tumatakbo naman na lumapit si Shannon ng marinig ang pagbukas ng pinto. “Tito!”Sinalubong naman ito ni Sherwin sabay buhat. “Argh! Grabe, ang bigat,” biro niya sa bata.Ngunit sa halip na sumimangot ay natawa lang si Shannon. “’Cause, I’m big girl na, Tito, kaya mabigat na ‘ko,” paliwan

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 337

    MABILIS na pumikit si Katherine, hinanda ang sarili sa maaaring mangyari. Ngunit sa halip na maramdaman ang paglapat ng labi nito ay nabigla siya dahil sa pisngi dumampi kaya nagmulat siya ng mata.Natawa naman si Cain nang makita ang reaksyon nito.Natauhan si Katherine saka ito tinulak sabay tayo. “Aalis na ‘ko dahil ginagawa mo na lang akong katatawanan!”Umiling-iling si Cain saka mabilis na inabot ang magkabila nitong kamay. “No, hindi ko gagawin sa’yo ‘yun.”Nagpumiglas si Katherine, pilit binabawi ang kamay hanggang sa bigla siya nitong hinila at hinalikan sa labi. Kumabog nang malakas ang dibdib sa ginawa nito pero pilit pa rin binabawi ang kamay.“Sorry na, promise, hindi na ‘ko tatawa,” may halong paglalambing na sabi ni Cain. “Maupo ka muna, hmm?”Huminga nang malalim si Katherine, tuluyang sumuko dahil alam niyang hindi siya nito titigilan hangga’t hindi nakukuha ang gusto. “Okay, bitawan mo muna ako.”Mabilis naman sinunod ni Cain ang utos pero nilipat lang niya ang kamay

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status