Share

CHAPTER 6

Author: SerenityLane
last update Last Updated: 2025-03-14 10:53:54

All eyes of the guests are now on the man standing on the stage. “Come on stage Gia,” minuwestra ni Gregory na lumapit si Georgina sa kaniya.

Nahihiya man sa atensyong natatanggap ay umakyat pa rin sa entablado si Georgina. Sinalubong siya ng asawa at inakay paakyat sa stage.

“This is Gia, my beautiful wife,” proud na pakilala ni Gregory sa asawa. Nagpalakpakan ang lahat, habang si Georgina ay parang titiklop na sa sobrang hiya.

“Stand straight,” pabulong na utos ni Gregory kay Georgina, napatuwid ng ito ng tayo dahil humawak ito sa likod niya, mas lalo pa yata siyang nailang sa pagdapo ng mainit nitong palad sa likuran niya, kahit may damit siya at dama niya ang init na nagmumula sa kamay nito.

“Give your best smile, we need to please them,” nakangiwing bulong ni Gregory kay Georgina.

“You may now continue partying.” ani Gregory bago siya giniya pababa.

“Agad na sinalubong ng mga magulang ni Gregory ang dalawa.

“Let’s talk.” Nagkatinginan ang dalawa at napatango sa isa’t isa.

~~~

“When did you get married?” Iyon ang unang tanong ni Romeo sa anak. Kasalukuyang nasa study room sila ng mansyon ng Salvatorre.

“Last week,” mabilis na sagot ni Greg.

Samanta, nakaupo si Georgina kaharap ang Mama ni Gregory sa isang sofa. Ang huli at ang ama nito ay nakatayo malapit sa study table sa tapat ng dalawang babae.

“You got married without informing us?!” Parang hihimataying tanong ni Giselle. Kinabahan si Georgina.

“Mom, Dad, I’m grown up. I don’t need the consent to marry.” Kaswal na sagot ni Gregory, hindi makahinga si Georgina sa sobrang kaba, hindi sila maaaring magkamali sa detalye.

“Pero anak, you are our only son, tapos ipinagdamot mo pa sa amin na masaksihan ang pakikipag-isang dibdib mo.” Mahabang sagot ni Giselle na halata ang pagdaramdam sa anak.

Lumapit si Gregory sa ina. “Okay, Mom. Let’s have a formal wedding some other time, and let us first enjoy our honeymoon period.”

Muntik nang masamid si Georgina kahit wala naman siyang ininom dahil sa suhestiyon ni Gregory.

“Hija, baka buntis ka?” Natigilan si Gerogina sa tanong na iyon ng mama ni Gregory.

“Hindi po—”

“She’s not!” Halos sabay na sagot ng dalawa.

“Then why did you get married without letting us know and where did you get married?” Balisa nang tanong ni Giselle sa anak at sa kanyang bagong manugang.

“Mom, Dad, kapag ba sigurado ka na sa mahal mo ay pakakawalan mo pa?” Nanlaki ang mata ni Georgina sa narinig. Napaka-kaswal ng pagkakasabi noon ni Gregory na hindi mo iisiping gumagawa lang siya ng kuwento.

Walang kibo ang mga magulang nito kaya nagpatuloy sa pagkukuwento si Gregory.

“If you wanna how we ended up together,” huminto si Gregory at sumulyap kay Georgina. Ngumiti ito ng ubod ng tamis. Parang natunaw si Georgina sa kinauupuan dahil ngayon niya lang ito nakitang ngumiti ng ganoon.

“Gia and I met in one of our branches—in Batangas, I don’t know if it is what they call love at first sight. Siguro nga. I got so interested in her that I collected her contact number in the log book of guests. Yeah, I used my power just to get to know her. I pursued her. After that we became friends and eventually became a couple for 4 months.” Mahabang paliwanag ni Gregory na akala mo totoo ang mga kinukwento.

“We recently had our vacation in Las Vegas. We were very sure about each other. So right there and then, we get married.” Napanganga ang mga magulang ni Gregory sa made-up story nito. Masyado silang naniwala sa fairytale like story ng anak.

“Nakakatampo pero, we always support your decisions and we’re happy to finally have a daughter-in-law. We can’t wait to have our grandchildren soon.” Kitang kita ni Georgina ang saya sa nakangiting mukha ng mama ni Gregory.

Sa totoo lang ay natakot siya na baka matapobre ang mga ito at hindi matanggap na basta nagpakasal ang anak nila, kahit pa sabihing hired wife lang siya, mahirap para sa kanya kung maraming drama ang pamilya nito.

Sa nakikita niya, mabait ang mga magulang ni Gregory, pine-pressure lang siguro ito ng mga iyon dahil mukhang walang plano ang isang ito na mag-asawa.

“Kung ganoon, welcome to the family, Hija! Hindi kita pine-pressure pero one month matapos namin makasal ng Mommy ni Greg, she got pregnant.”

“Just wait for it, Dad. Gagawin namin mamaya, we’ll stay here tonight.” Sa tono ng pagkakasabi noon ni Gregory ay kung ano-ano na ang pumasok sa isip ni Georgina.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Contract Marriage: Tempting My Estrange Ex-Wife   CHAPTER 19

    Hindi alam ni Georgina kung gaano kalalim ang halik sa kanya ni Gregory, basta ang sigurado siya ay gusto niya ito. Ngayon niya lang iyon naranasan, at parang ayaw niya iyong matapos.Hindi pa sana matatapos ang malalim na halik na pinagsasaluhan nila kung hindi pa sumigaw si Marienne.“Tita, I think I have to go.” Kahit wala pa sa tamang pag-iisip si Georgina ay kitang kita niya ang matinding disappointment sa mukha ng babaeng papaalis.“Maaga pa, Marienne.” Habol pa ni Matilda.“I have some things to do at home, tita. Thank you for inviting me here.” Pagkasabi ng babae noon ay mabilis ang mga kilos na umalis ito.“Tita, do you still have doubts about our marriage?” Matigas na tanong ni Gregory sa tiyahin.“Hindi naman talaga ako nagdududa, si Marienne ang hindi kumbinsido nagpupumilit siyang tulungan ko siya.” Hugas kamay na pahayag nito, parang mauutal pa dahil bigla niyang binawi ang kanina niya lang sinasabing pagdududa.“If that’s it, may I excuse my wife.” Hawak ni Gregory ang

  • Contract Marriage: Tempting My Estrange Ex-Wife   CHAPTER 18

    “Saan ba tayo pupunta at nakaayos pa ako ng ganito?” Nahihiyang tanong ni Georgina sa asawa. “Tita Matilda organized an event for us.” Pumalatak pa si Gregory noong sinabi iyon. “She’s really testing us. Sa palagay ko ay hindi pa rin siya kumbinsido sa atin. So please do your best to show her that we are real.” Paalala ni Gregory sa asawa. Tumango-tango si Georgina bilang sagot, kinakabahan siya kung paanong gagawin para hindi sila mapagdudahan. Ilang sandali lang ay nakarating sila sa isang exclusive subdivision. Huminto ang sasakyan sa malaking gate. Binuksan ni Kuya Rene ang bintana at sumenyas sa gwardia. Mabilis na binuksan ang gate at pinapasok sila. Malaki ang harap ng bahay, may nakapark na rin doon na limang sasakyan pero maluwag pa, siguro ay kakasya pa ang tatlo. Pinagbuksan ni Kuya Rene si Gregory ng pinto, palabas na sana ako noong bumukas rin ang pinto sa tabi niya. Iniabot na sa kanya ni Gregory ang kamay kaya tinanggap niya iyon. “Thank you.” Nahihiyang p

  • Contract Marriage: Tempting My Estrange Ex-Wife   CHAPTER 17

    “Ma, sorry ang busy ko sa trabaho. Kumusta po kayo?” Ngiting ngiti ang ina ni Georgina noong makita siya nito.“Ang dami mo namang dala, anak.” Puna ng ina niya sa kaniya. Bago kasi siya pumunta sa bahay nila ay nag-grocery siya ng mga supplies para sa ina.“Kakasahod ko lang po kasi.” Nakangising sabi niya. Pero medyo nalungkot ang mukha ng kanyang ina.“Baka naman wala ka nang natira para sa iyo?” Bakas ang pag-aalala sa mukha ng kanyang ina sa tanong nito.“Stay in naman ako sa boss ko, libre pagkain ko. Malakas lang talaga ang kita ko roon kaya maluwag ako.” Palusot niya. Pero halata niya sa mukha ng ina na parang may halong pagdududa at pag-aalala iyon.Mabilis na nabanaag iyon ni Georgina kaya nagsalita agad siya upang depensahan ang pinakikitang emosyon ng ina.“Ma, ayos ako sa trabaho ko, wala kang dapat ikabahala, ang isipin mo ay ang mapagaling mo ang sarili mo. Susuportahan kita hangga’t gumaling ka. Okay po? Huwag ka na mag-alala.”pinisil niya ang balikat ng ina upang ipak

  • Contract Marriage: Tempting My Estrange Ex-Wife   CHAPTER 16

    Ngalay ang braso ni Gregory noong magmulat siya ng mata. To his surprise, a warm body is so close to him. Hindi niya mapigilan ang mapangiti noong mapagtanto na asawa niya ito. The last time he checked, she was on the sofa. How come he doesn’t know that she was already beside him. Sobrang lalim ba ng tulog niya? He looked at her closely. This woman has this angelic face that any man who sees him will give her a second glance. Gaya na lang noong nakita niya ito sa labas ng Paper Vows office. Her beauty captured his eyes. Kaya nang makita niya ang larawan nito sa papel sa lamesa ay pinili niya ito. Kagabi lang ay kamuntik niya na itong sumggaban ng halik kung hindi lang nagring ang phone nito. Muling napadako ang tingin niya sa mapupula nitong labi. He wanted to kiss it badly. He felt his male member twitch. Gamit ang malayang kamay ay nasapo niya ang ulo. This woman has an effect on him. Matagal na rin mula noong nagkaroon siya ng fling and had sex. Siguro bago pa sila kinasal.

  • Contract Marriage: Tempting My Estrange Ex-Wife   CHAPTER 15

    Gregory can’t stop himself from looking at the beauty who was an inch away from him. Sa totoo lang ay hindi siya magsisinungaling at aaminin niyang malakas ang dating ng babae sa kanya. Ngunit kahit asawa niya ito sa papel ay malinaw na off limits ito. Goergina’s eyes are now shut closed and her lips are pursed. Man, that was inviting. Nasa ganoong pag-iisip na si Gregory noong biglang may magring na phone. Napabalikwas ng bangon si Georgina at hinanap ang phone niyang tumutunog. “Hello, Ma? Kamusta?” “Opo, bisita po ako sa susunod na linggo. Medyo busy lang po ako sa trabaho.” Mahabang paliwanag ni Georgina sa kausap sa kabilang linya. Pilit umiiwas ng tingin si Georgina sa asawang nasa harapan dahil sa inakto niya kanina, konting-konti na lang e bibigay na siya at parang pahahalik pa rito. “Should we continue what we’ve started?” Malalim ang tinig na tanong ni Gregory. Biglang nag-init ang pisngi ni Georgina sa sobrang pagkapahiya niya. Habang si Gregory ay pilit pinipigil ang

  • Contract Marriage: Tempting My Estrange Ex-Wife   CHAPTER 14

    Mabilis na bumitaw si Georgina kay Gregory sa pagkapahiya. “Hinihingi ng sitwasyon.” Kunot noong sagot niya. “Puwede na ba akong pumasok sa loob?” Magalang na tanong pa ni Georgina. “Hon, it’s our room.” nakaramdam ng kilabot si Georgina, bigla siyang kinabahan at gusto na lang na bumukod ng kwarto, kaso hindi naman maaari at baka ano pang masabi ng mga magulang nito. Binuksan ni Georgina ang door knob at pumasok. Namangha siya sa ayos ng kwarto nito. Ngayon lang siya nakapasok doon, at ang alam niya hindi pinapapalinisan iyon sa mga stay-out cleaner. Kaya nga maging siya ay ganun rin ang ginawa. Hindi niya pinapapasukan ang kanyang kwarto, para walang maging issue. Dire-diretso si Gregory sa isang pinto, natanaw ni Georgina iyon bilang walk in closet at mukhang naroroon rin ang kanyang banyo. Napaisip si Georgina kung anong gagawin niya roon. Hindi pa nga siya nakakabihis ng pantulog. Lumakad siya para sundan ang tinungo nito para magpaalam. Tama ang hinala niyang naliligo ang

  • Contract Marriage: Tempting My Estrange Ex-Wife   CHAPTER 13

    “Get a room, lovebirds.” Doon lang mistula natauhan ang dalawa. “Okay na, we’re convinced you two are in love.” Habol pa ng Mommy ni Gregory. Nag-init tuloy ang mukha ni Georgina. Hindi niya naman inakala na magkakaroon sila ng second kiss ngayon. Sa totoo lang ay ito pa lang ang kanyang first kiss. Kahit dampi lang iyon ay kiss pa rin naman iyon. Gregory felt something about that kiss, it seems like he had kissed that lips already, but he can’t recall. “O siya, let’s have dinner, para makapahinga na kayong mag-asawa and you can do whatever you want.” Humalakhak pa si Giselle noong sinabi iyon. “Ganyang ganyan tayo noon,” komento ni Romeo. Noong makabawi sa pagkapahiya si Georgina ay nagpatiuna na siya sa paglalad papunta sa hapag. “Kain na po tayo.” Kahit nagyaya na siya ng pagkain ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang paghalik ng asawa sa kanya. Wala iyon sa usapan nila, pero kung hinihingi ng sitwasyon ay wala na siyang magagawa. Kailangan nilang magpanggap. Halik lang na

  • Contract Marriage: Tempting My Estrange Ex-Wife   CHAPTER 12

    Isang linggo na rin ang lumipas mula noong insidente sa opisina ni Gregory. Kahit nagmessage si Georgina rito ay hindi naman ito nagreply. Baka hindi naman ito big deal kay Gregory. Hindi rin naman ito umuwi para mapag-usapan nila. Nagpatuloy lang ang buhay niya sa bahay, medyo bored kaya ginawa na rin niyang dalawang beses ang pagdalaw sa ina sa isang linggo. Hapon na. Tumulala lang siya sa mga halamang dinidiligan. Kung hindi lang malaki ang sahod niya dito ay hindi siya papasok sa trabahong ito. Ngunit kapit na sa patalim. Saang trabaho siya makakukuha ng ganito kalaki ang pasahod? “‘Di ba mga rose? Ang hirap pala maging trophy wife ng isang mayamang businessman. Wala man lang panahon sa akin.” Kausap ni Goergina sa mga halaman. “Wala siyang panahon sa’yo?” Tumatango tango pa si Georgina sa tanong na iyon. “Oo—ay palaka!” Biglang natauhan si Georgina noong mapagtantong may kausap siya at hindi iyon halaman. “Tita–ah–Mama! Andito po pala kayo.” Halos mapapitlag si Georgina ma

  • Contract Marriage: Tempting My Estrange Ex-Wife   CHAPTER 11

    Kitang kita ni Georgina kung paanong tumingin sa kanya si Matilda, parang sinasabi nito na ‘nakikita mo ang ginagawa ng asawa mo?’“Oh, Marienne is here,” Iyon ang sabi ni Matilda. Natigilan si Gregory at ang babaeng kasama nito. Hindi alam ni Georgina ang gagawin, nahihiya at natatakot siya sa maaaring sabihin sa kanya ng asawa, baka mamaya ay maalis pa siya sa trabaho kung magalit ito sa panghihimasok niya sa buhay nito.“What are you doing here?” Matigas na tanong ni Gregory. Kinabahan si Georgina kaya natigilan siya.“Papunta sana ako sa office ng uncle mo, but I bumped into your wife you happens to visit you, kaya sumama na ako.”“Wife?” Gulat na tanong ng babae na tinawag na Marienne.“Yes, my wife.” Halatang napilitan si Gregory na ipakilala si Georgina bilang asawa dahil nasa harap nito ang tiyahin.“And Gia, here is my childhood friend, Marienne.” Halata pa rin ang gulat ng babae kaya tumango-tango lang si Georgina rito.“Ah, mukhang busy ka. Maya maya na lang tayo mag-usap

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status