LOGIN“Good evening, ma’am!” the housemaid greeted me politely as she opened the main door for me.
“Good evening din po" I replied while checking myself on my phone.
Napatingin ako sa red car na nakahinto sa harap namin nang bigla itong bumusina.
Grabe ah. Hindi lang basta red car—in fairness, mukhang Ferrari pa dahil sa sleek nitong design at low body frame. Halatang mahal at pang-mayaman talaga ang atake.
Habang tinititigan ko iyon, bumusina ulit, sunod-sunod, dahilan para mapakurap ako habang unti-unting bumababa ang bintana.
“Hop in!” sigaw ng lalaki mula sa loob.
Wow. May pag-ganon? Hindi makapaghintay? Tinitingnan ko pa nga kung gwapo ba o hindi, eh.
“Ayan na pala yung date mo, ma’am. Enjoy po" sabi ng housemaid habang marahang tinatapik ang braso ko, dahilan para bumalik ako sa sarili ko.
“Okay, Max, calm down. Tao lang ‘yan. Ilang blind date na ‘to, ‘di ba?” bulong ko sa sarili ko bago dumeretso.
I was about to walk toward the car nang bumaba siya.
Napahinto ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood siyang umikot papunta sa side ko at buksan ang passenger seat door.
Naknampocha… ang gwapo naman neto, tapos gentleman pa.
He gave me a small smile and gestured for me to get in. Kuhang-kuha ako, kainis.
Matangkad, moreno, at may natural na aura ng pagiging intimidating. Halata rin ang build ng katawan niya—broad shoulders, defined arms, at overall… attractive.
Mukhang jackpot ako dito, ah.
Pero ewan ko. Ilang beses ko na ‘tong naisip sa ibang lalaki. Pare-pareho lang din naman sila sa huli.
Lumapit ako sa kaniya at ngumiti “Thank you” sabi ko bago pumasok sa sasakyan. Agad naman siyang umikot papunta sa driver’s seat.
Pagkaupo ko, napansin kong maluwag at sobrang comfy sa loob. Bumungad din ang matapang pero mabangong pabango—sakto lang, hindi nakakahilo.
Napalingon ako sa kanya nang makapasok na siya, at nagkatitigan kami nang ilang segundo.
Sa malapitan… mas nakaka-intimidate pala siya. Ang lamig ng dating—parang yelo kung tao.
“Put your seatbelt" malamig niyang utos, dahilan para bumalik ako sa sarili ko.
“A-ah, sige… okay” taranta kong sagot nang mapansing nakatitig pala ako sa kanya.
A few seconds passed, pero hindi ko pa rin maikabit nang maayos yung seatbelt. Napangiwi ako sa sarili ko. Ano bang nangyayari sa’kin? Hindi naman ako ganito. Pang ilang blind date ko na ‘to pero ngayon lang ako kinabahan nang ganito.
At napahinto ako nang lumapit siya.
Sumalubong agad ang mabango niyang amoy, at halos magdikit na ang mukha namin sa sobrang lapit.
“W-what are you doing?” nauutal kong tanong.
Hindi siya sumagot. Tahimik lang niya akong tinitigan bago niya inabot ang seatbelt mula sa likod ko at inayos iyon. Ilang segundo lang at narinig ko na ang mahinang click.
Pagkatapos nun, parang walang nangyari, bumalik siya sa driver’s seat at pinaandar ang sasakyan.
Napatingin ako sa labas nang maramdaman kong bumaba ang bintana sa side ko. Kumaway siya sa stepfather ko na ewan ko kung kailan pa napunta sa labas.
Kanina nasa second floor pa ‘yun ah. Nagte-teleport ba ‘to?
I saw my stepfather wave back at him before we finally drove away.
Tahimik ang naging biyahe namin. Kahit ako na madaldal, bigla akong natahimik. Ang tanging maririnig lang ay ang mahinang music mula sa speakers ng sasakyan.
Kaya napatingin na lang ako sa labas, watching the city lights para kahit papaano mabawasan yung kaba ko. Ewan ko ba, pero may something sa mga ilaw na ‘yon na lagi kong gustong tinititigan.
Habang abala ako sa pagmasid, biglang nag-vibrate ang phone ko.
It was a message from Danica. Nag-send siya ng picture ng outfit niya—naka-fitted dress at heels. Halatang ready na mag-club.
“Teh okay na ba outfit ko? Aalis na kami mamaya, ayusin ko lang make-up ko mwa 💋”
Shoot.
Birthday nga pala ng isa naming tropa ngayon. The party starts at 11 PM, and it’s only 8 PM pa lang.
May three hours pa ako. Takasan ko na lang kaya ‘tong blind date ko? Charot.
Napailing ako sa sarili ko bago nag-reply na okay lang yung suot niya. Honestly, naiinggit ako. Imbes na kasama ko sila, eto ako—nakatali na naman sa isang blind date.
Umay.
“What’s your name?” tanong niya bigla
“Maxene. Pero you can call me Max for short. O kaya baby na lang kung nahihirapan ka" biro ko sabay tawa.
“Charot!”
“Hm” maikli niyang sagot.
“Ikaw? Ano pangalan mo?”
“I’d rather be called by my last name.”
Napataas ang kilay ko. Ay, wow, pa-mysterious.
“Sige, sabi mo ‘yan eh. Ano ba last name mo?”
“Lewis.”
“Shala. Parang designer lang ang atake" biro ko ulit.
Napatingin siya sa’kin, halatang nagtataka. Mukhang hindi niya gets.
“Ah, wala hehe… joke lang. Di ka naman mabiro" dagdag ko habang pilit na tumatawa.
Bigla akong napahinto nang huminto ang sasakyan. Pagtingin ko sa labas, nasa harap na kami ng restaurant.
Pocha. Eto na naman? Pang ilang balik ko na dito para sa blind date? Wala na bang ibang restaurant?
“Anak ng tokwa…” bulong ko sabay kamot sa ulo. Baka mapagbintangan pa akong lalakero ng mga staff dito dahil iba-iba yung mga kasama ko.
Bigla kong napansin na nakatingin siya sa’kin, parang concerned.
“Oks lang ako, boi. Huwag mo akong titigan ng ganyan” sabi ko, kaya napaiwas siya ng tingin.
“Kiniss kita diyan e" bulong ko.
“What?”
“Ha? Wala. Sabi ko cute nung aso sa labas.”
“Tsk. Reasons" maikli niyang sagot.
Napairap na lang ako. Ganto ba talaga ‘to magsalita? Tipid na tipid tapos parang galit pa sa akin.
Dinedma ko na lang siya at naghanda nang bumaba, pero pagbukas ko ng pinto, biglang bumuhos ang malakas na ulan.
“May payong ka? Wala akong dala" tanong ko.
Umiling lang siya at nanatiling tahimik.
Thirty minutes have passed, pero lalo lang lumakas ang ulan. Mukhang wala talagang balak tumigil.
Uwi na lang kaya ako?
“Oy oy teka teka, wait! Saan ka pupunt—“ sabi ko nang bigla siyang lumabas ng sasakyan habang hinuhubad ang blazer niya.
“Let’s go" sagot nya habang binubuksan ang pinto ko.
Tinakpan niya ang sarili niya gamit ang blazer, at nang makalabas ako, agad niya itong inangat para masilungan kaming dalawa. Halos magkadikit kami habang naglalakad papunta sa entrance ng restaurant, pilit na nagkakasya sa ilalim ng iisang tela.
Ramdam ko ang init ng katawan niya sa sobrang lapit namin. At sa bawat hakbang namin sa ilalim ng malakas na ulan…
“Are you just gonna stare at me? Madapa ka pa diyan. Bahala ka, hindi kita sasaluhin" malamig niyang sabi.
“Hangin mo. Hindi naman ikaw tinititigan ko” depensa ko, kahit… oo na, siya nga talaga.
“Max! Ikaw ba yung nag-book ng Grab?” tanong ni Mom mula sa baba habang nag-aayos pa ako sa kwarto.“Opo! Pababa na po ako. Pakisabi wait lang saglit”“Bahala ka nga" sagot niya.Agad naman na akong bumaba. At pagkadating ko sa sala, sinalubong agad ako ni Mom.“Sa susunod, pati pag-book ng Grab, bawal na. Matuto kang mag-commute" bilin niya.Awit, pati ba naman ‘yon?Wala akong nagawa kundi dumiretso sa sasakyan.“Saan po tayo, ma’am?” tanong ng driver.“Sa Lewis Group of Companies po. Alam niyo po ba kung saan iyon?”“Opo, ma’am.”After 40 minutes, nakarating na rin kami. Actually, 20 minutes lang dapat ang byahe, pero dahil sa traffic, natagalan.Agad akong nagmadaling pumasok sa company matapos kong bayaran si kuya. It’s already 5 PM, at baka hindi pa ako umabot sa application.Baka maligaw pa ako sa building—hindi pa naman ako familiar dito.“Good day po! May I ask kung saan po yung office for application? Hiring daw po kayo" agad kong tanong sa staff sa lobby.“Sa 10th floor po,
“Ingay naman! Sino ba yung katok nang katok diyan sa pinto ko? Natutulog pa yung tao oh!” sigaw ko habang nakahiga pa rin sa kama.Hindi ko namalayan na maliwanag na pala. Basta ang huling natatandaan ko kagabi—sinundo ako ni Danica sa restaurant matapos kong takasan yung blind date ko at dumeretso na sa partyThat’s it.“Respeto naman sa natutulog! Aga-aga ots. Maya na kumatok please. Nananaginip pa ako dito”“Hoy 3 PM na. Anong aga-aga?!” sigaw ni Dad mula sa labas.Bigla akong napaupo at kinuha ang phone ko.3:02 PM.Sunod-sunod na notifications ang bumungad sa’kin—missed calls at messages mula kina Mom at Dad. Pero mas nangingibabaw yung message ni Danica.“Ingat ka pagpasok sa kwarto mo ha. Pinaalalay kita kay Manang kasi hindi na kita kaya ibaba at ihahatid ko pa yung iba dito. Buti na lang hindi gising dad mo, muntik pa tayo mayari. Ayown lang Goodnight sayo, sleep well!”Wait… what? Ganun ba ako kalasing kagabi Bakit wala akong maalala?“Ano? Hindi ka pa talaga lalabas ng kwar
Pagkapasok namin sa restaurant, agad kaming sinalubong ng staff.“Good evening, sir. Your table is ready na po" magalang na bati nito. Tumango lang siya at nagdiretso na kami sa loob habang nakasunod lang ako sa likuran niya.“Here’s the menu, ma’am and sir. I’ll leave you for a moment.” dagdag ng staff bago umalis.Nginitian ko siya dahil pamilyar na rin ako sa lugar na ‘to—syempre, dito ako palagi napapadpad.Kulang na lang tumira na ako dito, honestly.Habang chine-check ko yung menu, napansin ko na hindi mapakali yung kasama ko. Panay ang tingin niya sa left side, lalo na sa braso niya.Doon ko lang na-realize na basang-basa pala yung sleeves niya. Nabasa ba siya dahil sa blazer na halos sa akin niya pinasilong kanina? O baka assumption ko lang dahil talagang malakas lang yung ulan.“What do you want to order?” tanong ko habang hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt. Naaawa kasi ako, ni-sacrifice niya yung blazer niya, pero ending, siya lang yung nabasa.“I don’t know" sagot niy
“Good evening, ma’am!” the housemaid greeted me politely as she opened the main door for me.“Good evening din po" I replied while checking myself on my phone.Napatingin ako sa red car na nakahinto sa harap namin nang bigla itong bumusina.Grabe ah. Hindi lang basta red car—in fairness, mukhang Ferrari pa dahil sa sleek nitong design at low body frame. Halatang mahal at pang-mayaman talaga ang atake.Habang tinititigan ko iyon, bumusina ulit, sunod-sunod, dahilan para mapakurap ako habang unti-unting bumababa ang bintana.“Hop in!” sigaw ng lalaki mula sa loob.Wow. May pag-ganon? Hindi makapaghintay? Tinitingnan ko pa nga kung gwapo ba o hindi, eh.“Ayan na pala yung date mo, ma’am. Enjoy po" sabi ng housemaid habang marahang tinatapik ang braso ko, dahilan para bumalik ako sa sarili ko.“Okay, Max, calm down. Tao lang ‘yan. Ilang blind date na ‘to, ‘di ba?” bulong ko sa sarili ko bago dumeretso.I was about to walk toward the car nang bumaba siya.Napahinto ako sa kinatatayuan ko h
“Max! Your blind date is in an hour. Prepare yourself" my stepfather said as soon as he entered the house from work.I just glanced at him by the front door while lying on the couch, watching a movie, pretending nothing happened before going back to what I was watching.Sino ba naman kasi ang hindi magsasawa kung ganito na lang palagi ang sineset up niya sa’kin. Always putting me on dates with a bunch of random guys, mga anak daw ng mga mayayaman na kakilala niya.The reason? Palagpas na raw sa kalendaryo ang edad ko, at ni isa wala pa akong pinapakilala sa kanila.Or maybe there’s a deeper reason. Hindi naman ako tanga para hindi mapansin na palugi na yung isa niyang kumpanya… and he’s using me para makipag-connect sa ibang pamilya at maisalba pa yung negosyo niya.“Oh ano?! You’re just gonna lay there and manood lang? Ang gulo pa ng buhok mo. Hindi mo man lang ayusin sarili mo”I ignored him once again.“Max!” he suddenly shouted.“Fine. I will prepare na" I said as I stood up and







