Home / Romance / Contract Marriage With The Billionaire / Chapter 5 - The Other Lewis

Share

Chapter 5 - The Other Lewis

Author: eiah_povs
last update publish date: 2026-04-06 18:43:37

“Max! Ikaw ba yung nag-book ng Grab?” tanong ni Mom mula sa baba habang nag-aayos pa ako sa kwarto.

“Opo! Pababa na po ako. Pakisabi wait lang saglit”

“Bahala ka nga" sagot niya.

Agad naman na akong bumaba. At pagkadating ko sa sala, sinalubong agad ako ni Mom.

“Sa susunod, pati pag-book ng Grab, bawal na. Matuto kang mag-commute" bilin niya.

Awit, pati ba naman ‘yon?

Wala akong nagawa kundi dumiretso sa sasakyan.

“Saan po tayo, ma’am?” tanong ng driver.

“Sa Lewis Group of Companies po. Alam niyo po ba kung saan iyon?”

“Opo, ma’am.”

After 40 minutes, nakarating na rin kami. Actually, 20 minutes lang dapat ang byahe, pero dahil sa traffic, natagalan.

Agad akong nagmadaling pumasok sa company matapos kong bayaran si kuya. It’s already 5 PM, at baka hindi pa ako umabot sa application.

Baka maligaw pa ako sa building—hindi pa naman ako familiar dito.

“Good day po! May I ask kung saan po yung office for application? Hiring daw po kayo" agad kong tanong sa staff sa lobby.

“Sa 10th floor po, ma’am. Turn left lang po kayo, then sakay po ng elevator.”

“Ah, okay po. Thank you!”

Agad akong dumiretso sa elevator, at sakto—may bukas na agad, hindi ko na kailangang maghintay. I was about to press the close button nang biglang may humabol.

“Ay! Wait, sandali!” pagmamadali ng lalaki na may hawak na kape.

“WHAT THE”

Nagulat ako nang bigla niyang matapunan ng kape ang damit ko.

“Kuya, sa susunod mag-ingat ka naman! May application pa akong pupuntahan, hindi pwedeng ganito kadumi yung damit k–“ natigilan ako nang makita ko kung sino siya.

Siya…

Siya yung tinakasan ko sa blind date kagabi.

Ang malas ko naman. Bakit ngayon pa?

“Ay hala! Sorry, hindi ko sinasadya” gulat na sabi niya.

“Nagmamadali na kasi ako eh. Ayan tuloy, sa’yo napunta yung kape" sabay tawa pa niya.

Tarantado ba ‘to? Ako na nga nabuhusan, ako pa pinagtatawanan?

At teka… siya ba talaga ‘to? Hindi naman siya ganito kakulit kagabi ah.

“Okay ka lang ba? Gusto mo bilhan na lang kita ng bagong blouse para sa application mo?” tanong niya pagkapasok namin sa elevator.

“H-ha? Ah, hindi na. Okay lang ‘to. Application pa lang naman, hindi pa interview. Tsaka baka hindi na ako umabot kung magpapalit pa ako.”

“Ah, sige.”

“Ano pala name mo?” tanong niya ulit.

Nagka-amnesia ba ‘to o na dislocate lang yung utak? Bakit parang ang bilis naman kung nakalimutan nya agad kung sino ako.

Hindi naman ganito yung nakausap ko kagabi.

Pero dinouble-check ko—parehas na parehas. Mukha, boses, height… kahit amoy. Siya talaga.

Baka iba lang talaga personality niya sa workplace?

“Uy, ano na?“ 

“Ah ano Maxene pala pangalan ko. Pero Max na lang for short" 

“Pfft. Ang common naman. Ayaw mong baby na lang itawag ko sa’yo?”

“Ha?”

“Joke”

Ganon? Gaya-gaya pa sa pick-up line ko kagabi. O sadyang nagpapansin lang para i-remind ako sa nangyari kagabi at ma-guilty ako?

I was about to apologize, pero naputol ako nang bumukas ang elevator.

“Dito ka rin?”

“Oo.”

“Sige, yung application room doon sa kanan, diretso ka lang. CR lang ako" sigaw niya habang papalayo.

“Weirdo” bulong ko.

Ang gulo ng personality niya.

Nakarating naman ako sa office para sa application. Mabuti na lang at wala nang masyadong tao.

“Pakiantay na lang po si boss, ma’am. Siya na po kasi ang magha-handle ng remaining applications today since malapit na rin po ang closing time, at gusto niyang personal na ma-assess ang final applicants,” sabi ng staff.

“Ah, ganon po ba. Okay po.”

Ilang minuto ang lumipas, may nag-assist na sa akin at pinapasok ako sa office para sagutan ang application form.

But I was shocked the moment I stepped inside.

He was sitting calmly on his office chair.

And that’s when it hit me.

Siya yung boss ng company na ‘to. 

Ano bang kasalanan ko sa past life ko at sunod-sunod ang kamalasan ko ngayon?

Hindi pa nga ako nakakapag-sorry… tapos siya pa pala ang magiging boss ko kung matatanggap man ako.

“Good afternoon. Please, have a seat" bati niya sa akin habang nakangiti.

“A-application for secretary po" nauutal kong sabi.

“Alright. Kindly fill out this form.”

Agad ko naman iyong sinunod.

“Why are you applying for this job?” tanong niya habang nakatingin sa akin. “Do you think you deserve this position?”

Napatigil ako.

“Interview na po ba ‘to? Akala ko Saturday pa" alangan kong tanong.

Napangiti siya. “I’m just testing you. Sa Saturday pa naman talaga.”

“Ah… okay po.”

Pagkalipas ng ilang minuto, tumayo ako at inabot ang papel.

“Eto na po yung application ko.”

“Alright. You can leave it on my table.”

Knock, knock.

“Pinapasabi ni Dad na— Max?”

Napalingon ako bigla.

Ha?

“Magkakilala kayo?” tanong ng boss.

“Tanong mo sa kanya” sagot naman ng bagong dating.

“Kilala mo ‘yang siraulo kong kakambal?”

Hindi naman ako nakasagot nang maayos dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

“A-ano y—”

“Huy, hala joke lang. Ano ba naman 'to" mabilis na bawi ng boss.

“Btw, ano pala sabi ni Dad?”

“Pinapahanap niya yung babae na tinakasan ako sa blind date kagabi.”

Nanlaki bigla ang mata ko. Ako ba yung tinutukoy niya?

“Ahh, yung babaeng ‘yon?” sagot naman niya.

“Grabe naman kasi. Iniwan ka mag-isa sa restaurant. Dapat nga mahanap ‘yon—wala man lang kahit konting disente o respeto. Bigla-bigla na lang umalis, ahm”

Aray. Ganito pala pakiramdam kapag harap-harapan kang pinag-uusapan?

“Oo. Sayang nga eh, first name lang natanong ko sa kanya kagabi” sabi nito habang naglalakad papunta sa kakambal niya, at nakatingin sa application form na pinasa ko.

“Diba, Ms. Maxene Soleil Windsor?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Contract Marriage With The Billionaire   Chapter 5 - The Other Lewis

    “Max! Ikaw ba yung nag-book ng Grab?” tanong ni Mom mula sa baba habang nag-aayos pa ako sa kwarto.“Opo! Pababa na po ako. Pakisabi wait lang saglit”“Bahala ka nga" sagot niya.Agad naman na akong bumaba. At pagkadating ko sa sala, sinalubong agad ako ni Mom.“Sa susunod, pati pag-book ng Grab, bawal na. Matuto kang mag-commute" bilin niya.Awit, pati ba naman ‘yon?Wala akong nagawa kundi dumiretso sa sasakyan.“Saan po tayo, ma’am?” tanong ng driver.“Sa Lewis Group of Companies po. Alam niyo po ba kung saan iyon?”“Opo, ma’am.”After 40 minutes, nakarating na rin kami. Actually, 20 minutes lang dapat ang byahe, pero dahil sa traffic, natagalan.Agad akong nagmadaling pumasok sa company matapos kong bayaran si kuya. It’s already 5 PM, at baka hindi pa ako umabot sa application.Baka maligaw pa ako sa building—hindi pa naman ako familiar dito.“Good day po! May I ask kung saan po yung office for application? Hiring daw po kayo" agad kong tanong sa staff sa lobby.“Sa 10th floor po,

  • Contract Marriage With The Billionaire   Chapter 4 - The Consequence

    “Ingay naman! Sino ba yung katok nang katok diyan sa pinto ko? Natutulog pa yung tao oh!” sigaw ko habang nakahiga pa rin sa kama.Hindi ko namalayan na maliwanag na pala. Basta ang huling natatandaan ko kagabi—sinundo ako ni Danica sa restaurant matapos kong takasan yung blind date ko at dumeretso na sa partyThat’s it.“Respeto naman sa natutulog! Aga-aga ots. Maya na kumatok please. Nananaginip pa ako dito”“Hoy 3 PM na. Anong aga-aga?!” sigaw ni Dad mula sa labas.Bigla akong napaupo at kinuha ang phone ko.3:02 PM.Sunod-sunod na notifications ang bumungad sa’kin—missed calls at messages mula kina Mom at Dad. Pero mas nangingibabaw yung message ni Danica.“Ingat ka pagpasok sa kwarto mo ha. Pinaalalay kita kay Manang kasi hindi na kita kaya ibaba at ihahatid ko pa yung iba dito. Buti na lang hindi gising dad mo, muntik pa tayo mayari. Ayown lang Goodnight sayo, sleep well!”Wait… what? Ganun ba ako kalasing kagabi Bakit wala akong maalala?“Ano? Hindi ka pa talaga lalabas ng kwar

  • Contract Marriage With The Billionaire   Chapter 3 - What Happened That Night

    Pagkapasok namin sa restaurant, agad kaming sinalubong ng staff.“Good evening, sir. Your table is ready na po" magalang na bati nito. Tumango lang siya at nagdiretso na kami sa loob habang nakasunod lang ako sa likuran niya.“Here’s the menu, ma’am and sir. I’ll leave you for a moment.” dagdag ng staff bago umalis.Nginitian ko siya dahil pamilyar na rin ako sa lugar na ‘to—syempre, dito ako palagi napapadpad.Kulang na lang tumira na ako dito, honestly.Habang chine-check ko yung menu, napansin ko na hindi mapakali yung kasama ko. Panay ang tingin niya sa left side, lalo na sa braso niya.Doon ko lang na-realize na basang-basa pala yung sleeves niya. Nabasa ba siya dahil sa blazer na halos sa akin niya pinasilong kanina? O baka assumption ko lang dahil talagang malakas lang yung ulan.“What do you want to order?” tanong ko habang hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt. Naaawa kasi ako, ni-sacrifice niya yung blazer niya, pero ending, siya lang yung nabasa.“I don’t know" sagot niy

  • Contract Marriage With The Billionaire   Chapter 2 - An Unexpected Encounter

    “Good evening, ma’am!” the housemaid greeted me politely as she opened the main door for me.“Good evening din po" I replied while checking myself on my phone.Napatingin ako sa red car na nakahinto sa harap namin nang bigla itong bumusina.Grabe ah. Hindi lang basta red car—in fairness, mukhang Ferrari pa dahil sa sleek nitong design at low body frame. Halatang mahal at pang-mayaman talaga ang atake.Habang tinititigan ko iyon, bumusina ulit, sunod-sunod, dahilan para mapakurap ako habang unti-unting bumababa ang bintana.“Hop in!” sigaw ng lalaki mula sa loob.Wow. May pag-ganon? Hindi makapaghintay? Tinitingnan ko pa nga kung gwapo ba o hindi, eh.“Ayan na pala yung date mo, ma’am. Enjoy po" sabi ng housemaid habang marahang tinatapik ang braso ko, dahilan para bumalik ako sa sarili ko.“Okay, Max, calm down. Tao lang ‘yan. Ilang blind date na ‘to, ‘di ba?” bulong ko sa sarili ko bago dumeretso.I was about to walk toward the car nang bumaba siya.Napahinto ako sa kinatatayuan ko h

  • Contract Marriage With The Billionaire   Chapter 1 - The Preparation

    “Max! Your blind date is in an hour. Prepare yourself" my stepfather said as soon as he entered the house from work.I just glanced at him by the front door while lying on the couch, watching a movie, pretending nothing happened before going back to what I was watching.Sino ba naman kasi ang hindi magsasawa kung ganito na lang palagi ang sineset up niya sa’kin. Always putting me on dates with a bunch of random guys, mga anak daw ng mga mayayaman na kakilala niya.The reason? Palagpas na raw sa kalendaryo ang edad ko, at ni isa wala pa akong pinapakilala sa kanila.Or maybe there’s a deeper reason. Hindi naman ako tanga para hindi mapansin na palugi na yung isa niyang kumpanya… and he’s using me para makipag-connect sa ibang pamilya at maisalba pa yung negosyo niya.“Oh ano?! You’re just gonna lay there and manood lang? Ang gulo pa ng buhok mo. Hindi mo man lang ayusin sarili mo”I ignored him once again.“Max!” he suddenly shouted.“Fine. I will prepare na" I said as I stood up and

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status