Share

Kabanata 007

Author: Queen Inks
last update Huling Na-update: 2025-01-24 00:24:25

Nawala ang ina sa murang edad at simula rito, wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang magtrabaho, pag-aralin ang sarili pati na rin ang kapatid, at maghain ng pagkain sa kanilang lamesa.

Ni minsan ay hindi siya nagalit sa kanyang ama. Pero ngayon, hindi na niya kinakaya. Parang isang batang paslit si Leil na nangangailangan ng aruga ng isang magulang, ng isang ama at ina, na alam niyang kahit kailan ay hindi na niya mararamdaman pa.

“Wala akong ibang ginawa kung hindi ang magtrabaho para may maipadala sa inyo, pa! Halos lahat ng sahod ko binigay ko para lang hindi kayo magutom! Ako ang nagbabayad ng lahat ng utang mo, ako ang nag-aayos ng lahat ng gulong napapasukan mo, ako lahat ang nagbabayad sa mga kailangan sa bahay! Pero, Pa… napapagod din po ako. Pagod na po ako! Kahit isang yakap man lang, wala? Pa, naman…”

Pinanood ni Francisco ang kanyang anak na sabihin ang mga ito. Wala siyang pakealam sa mga gustong sabihin ni Leil, ang kanyang gusto lamang ay mabigyan na siya nito ng pera para makaalis na siya at makapagsugal na.

Balak niya na sanang agawin kay Leil ang wallet nito nang may nagtext sa kanyang telepono. Nanlaki ang mga mata ni Francisco nang basahin niya ito. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nito bago lapitan ang anak at saka tumango rito.

“Oo na, Leil. Kasalanan ko na ang lahat at patawad anak sa mga pagkukulang ko. Masyado akong nalulong sa pagsusugal na nakalimutan ko na kayo ng kapatid mo. ‘Di bale, babawi ako sa inyo kapag nagkataon.” Hinila niya ang balikat ni Leil at saka h******n ang anak.

Mabilis na tinulak ni Leil ang ama at umiling siya rito.

“Ano na naman pong meron, pa?”

Hindi niya gusto ang ganitong ekspresyon mula sa ama. Ang huling beses na ganito ang ginawa ng kanyang ama, pinagkasundo siya nito sa isang matandang mayaman na naging dahilan para muntikan na siyang ma-rape. Buti na lang ay dumating si Roscoe para iligtas siya.

May mga pictures at videos din ang lumabas kaugnay rito. Nakarating ito sa paaralang pinapasukan niya at mabilis siyang inexpelled dito dahil nakakasira siya ng image ng kanilang eskwelahan.

“May malaking utang na naman po ba kayo at gusto niyo akong ibenta sa mga matatandang mayaman?”

Humalakhak si Francisco.

“Leil, naman. Masyado mo namang pinag-iisipan ng masama ang Papa mo. Ganito kasi ‘yon, Leil. May nakilala akong mayaman na may-ari ng isang malaking kompanya at naghahanap siya ng mapapangasawa niya. Kailangan niya ng tagapagmana kaya nagpapatulong siya sa akin na maghanap ng mapapangasawa! Naku, Leil. Ikaw ha, huwag ka nang mag-inarte. Malaki ang perang ibibigay niya at pinangako niya rin na kapag natuloy ang kasal ninyo, siya mismo ang magpapagamot sa kapatid mo!” labis na saya ang nararamdaman ni Francisco habang sinasabi ang mga ito sa anak.

Samantala si Leil ay tila nasusuka.

“Hindi ako naniniwala dito, Papa. Sabihin niyo nga sa akin, ilang taon na naman ba ‘yan?”

Wala na atang magandang nangyari sa buhay ni Leil simula nang kamuhian siya ni Roscoe. Lahat ng kamalasan na maaaring makuha ng isang tao, napunta sa kanya.

“Bata pa iyon, Leil! Hindi pa masyadong matanda, siguro mga 70 years old. Pero huwag kang mag-alala dahil pinangako niya na kapag nanganak ka ng batang lalaki, papatayuan ka niya ng malaking mansyon at ibibigay niya ang lahat ng gusto mo!”

Nanlumo si Leil habang pinapanood ang ama na masayang-masaya sa mga sinasabi nito sa kanyang anak.

“Mamayang gabi, may date kayo. Ako na ang bahala sa susuotin mo at sa sasakyan mo. Kaya halika na, bilisan mo na at magpalit ka na.”

Kahit na nagawa na ng kanyang ama ang ganitong bagay dati, hindi pa rin siya makapaniwala na kayang-kaya nga siyang ibenta na parang isang laruan ng sarili niyang ama.

Kumunot ang noo ni Francisco nang makitang nakatitig lamang si Leil sa kanya.

“Ano? Ayaw mo? Hindi ka masaya sa offer?”

Pumatak ang luha sa mata ni Leil at saka siya tumawa nang mapait.

“Pa, kapag ba sa’yo ‘to ginawa, magiging masaya ka ba? He’s already 70 years old at pwede ko na siyang maging lolo! Sa tingin niyo ba, magiging masaya ako rito?”

“Ano bang makakapagpasaya sa’yo, huh? Ikaw, Leil, huh! Huwag mo akong ina-artehan dito ah.” Umiling si Francisco saka hinawakan sa kamay ang anak. “Sinasabi ko sa’yo, kapag hindi natuloy ang kasal ninyo ng lalaking ito dahil sa katangahan mo, mamamatay ang kapatid mo sa sakit niya, at ikaw din, mamamatay ka din! Kaya makinig ka sa akin nang mabuti, Leil!” dinuro niya si Leil bago padabog itong bitawan.

Hindi na makita nang klaro ni Leil ang ama dahil sa mga luha sa mata nito.

“Kapag natuloy ang kasal at nakuha ko ang yaman ng lalaking iyon, puputulin ko na ang pagiging mag-ama natin at sisiguruduhin kong walang mapupunta sa’yo, Pa.”

Humagikgil si Francisco, tila nahihibang na.

“Ako na ang bahala sa makukuha ko, Leil. Basta ikaw, maging mabuti ka sa lalaking iyon ah! Ayusin mo at siguruduhin mong maaakit mo siya!” ani Francsico bago niya iwan ang anak sa room ni Jacquelyn.

Durog na durog na ang puso ni Leil. Nang tingnan niya ang kalagayan ng kapatid, mas lalo lamang siyang nadurog. Hindi niya kayang panoorin na lamang na nahihirapan ang kapatid niya, kailangan niya nang malaking pera para mapagamot ito, at gagawin niya ang lahat makakuha lamang ng pera.

Hindi rin nagtagal ay bumalik si Francisco dala-dala ang isang kulay pulang dress na hapit na hapit sa katawan ni Leil. Parang isang dyosa si Leil nang suotin niya ito. Tinititigan niya ang kanyang maganda, inosente, at nakakabighaning mukha sa salamin.

Umiling siya at napatawa nang mapait.

Kahit anong mamahaling damit ang isuot ko, hindi pa rin mababago nito ang pagbenta ni Papa sa aking kalayaang makapili ng papakasalan, kapalit ng limpak limpak na pera.

Malungkot niyang ani sa kanyang sarili.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 030

    Nakasimangot si Jackquelyn nang madatnan ni Leil sa loob, ngunit nang makita niya ang nakakatandang kapatid na si Leil ay unti-unting lumiwanag ang kanyang mukha. Ngumiti siya nang malaki, halata ang saya sa kanyang mga labi at mga mata. “Ate!” Masayang tawag ni Jacquelyn dito. Humalakhak si Leil at mabilis na yinakap ang kapatid, maluha-luha siya habang nagyayakapan silang dalawa. Ang totoo ay sobrang na-miss niya ang kapatid. Ilang araw na silang hindi nagkikita at mahirap iyon para sa kanya, lalo pa at hindi siya nabibigyan ng update tungkol sa buong kalagayan nito. Oo nga at may assurance naman galing kay Roscoe na maayos ang kalagayan ni Jacky, pero mas masarap pa rin sa pakiramdam na nakikita mismo ng dalawang mata ni Leil ang kapatid, at na siya mismo ang nakaka-obserba rito.Pasimpleng pinunasan ni Leil ang kaniyang mga luha bago matapos ang kanilang yakap. Masyado ng mahirap para kay Jacky ang kinakaharap nito ngayon, at ayaw ni Leil na makita siya ng kapatid na umiiyak.

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 029

    Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni Leil nang matanaw niya na ang bungad ng hospital. Ilang araw niya ng hindi nakikita ang kapatid dahil medyo malayo ang bahay ni Roscoe dito. Naiintindihan naman iyon ni Leil, hindi siya para magreklamo. “I changed my mind. Susunduin na lang pala kita mamaya para masigurong eksaktong alas sais ay uuwi na tayo,” saad ni Roscoe bago bumaba si Leil. Ngumiti nang maliit ang babae at saka tumango. “Sige. Maraming salamat, Roscoe.”At saka siya lumabas ng sasakyan mag-isa. Hindi umaasa si Leil na pagbubuksan siya ng pinto ng lalaki dahil alam naman niya na galit siya rito. Pero siguro dahil na rin sa mga nakaraang araw na lagi niyang pinsgbubuksan ng pinto ang dalaga ay… kahit papaano medyo nasanay siya rito. Nagtagal pa siya nang kaunti sa labas at hinintay muna na makaalis ang sasakyan ni Roscoe bago nagpasyang pumasok na sa loob.Nasabi ni Roscoe kay Leil na nabago na ang kwarto ni Jacquelyn. Kung dati ay nasa medyo cheap na kwarto ang

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 028

    “She said she cooked adobo, right?” pabulong na tanong ni Roscoe sa kanyang sarili nang bumaba siya para sana tikman ang lutong iyon ni Leil. Pero wala siyang nakita ni buto ng manok sa kusina. Kunot-noo niyang hinalungkat ang lahat, pero talagang wala siyang mahanap. “Damn it. I want to eat her adobo,” Sinubukang tingnan ni Roscoe sa fridge kung may tinagong adobo roon si Leil ngunit wala rin siyang nakita. “Don’t tell me kinain niya lahat ng niluto niya?” Shaking his head, nakasimangot na umakyat pabalik ng kwarto nila si Roscoe. Doon ay mahimbing pa rin ang tulog ni Leil. “Maybe she’ll cook adobo for me tomorrow again,” bulong niya habang pinagmamasdan si Leil.“”””””””Malapit nang sumikat ang araw pero nakatitig pa rin si Roscoe kay Leil, binabantayan ang babae na para bang ano mang oras ay iiwan siya nito. Roscoe would sometimes caress Leil’s face. He’d tuck some of her hair behind her ears, then would kiss her forehead down to her cheeks. Payapa ang mukha ni Leil na na

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 027

    Nang magising si Leil kinabukasan ay mag-isa na lamang siya sa kama, wala na si Roscoe sa kanyang tabi. Naisip ni Leil na baka ganito talaga kaagang nagigising ang lalaki. Lalo pa at maraming kailangang asikasuhin… ang kanyang asawa. Hindi niya napigilang gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi nang maisip na asawa niya na nga si Roscoe.Bumuntong hininga siya at saka nagkibit-balikat.Kahit na alam niyang wala siyang pag-asang magustuhan ulit ni Roscoe, hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng saya. Hindi naman siya umaasa, lalo pa at alam niya ang lugar niya ngayon sa buhay ni Roscoe. Nandito lamang siya para punan ang sekswal na pangangailangan ni Roscoe, at pati na rin tuparin ang matagal nang nais ng lalaki—ang magkaroon ng anak. At syempre, hindi pa rin nakakalimutan ni Leil ang dahilan kung bakit siya nandito, at kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Ito ay dahil sa kanyang kapatid na may sakit. Kailangan niya ng pera para mapagamot ito. At kailangan niya ng tul

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 026

    Hindi alam ni Leil kung paano niyang haharapin si Roscoe ngayon. Nakita siya ng lalaki na hubo’t hubad! Walang kahit anong saplot. “Bakit ko ba kasi nasobrahan ang pagligo sa bathtub?”Napahilamos siya sa kanyang mukha nang marealize na hindi pala siya nakashower nang maayos sapagkat nilublob niya lang ang sarili sa bathtub. “Pero ‘di bale na. Maayos din naman sa bathtub na iyon.”Dahil walang ibang dala na damit si Leil ay kinuha niyang muli ang suot niya kanina at iyon muli ang sinuot niya. Gusto niya sanang humiram ng kahit na anong damit kay Roscoe ngunit dahil sa sobrang hiya niya kanina ay nakalimutan na niya. Mamaya na lang pagkatapos kumain. Bumaba na siya ng kwarto pagkatapos magbihis. Tinuyo niya lang nang kaunti ang buhok para hindi tumulo ang patak ng tubig dito. Pagdating niya sa kusina ay nakita niya ang nakatalikod na si Roscoe, nagluluto. Mabango ang niluluto ni Roscoe, at sa tingin ni Leil ay adobong karne ito. Nang makalapit ay napatunayan niyang tama ang naisi

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 025

    Mabilis ang tibok ng puso ni Leil pagkapasok niya sa loob ng bathroom. Hinaplos niya ang kanyang labi at saka mariing pumikit. “Shit! Bakit parang iba ang epekto sa akin ng halik na iyon?” Tila hindi alam ni Leil kung ano ang dapat maramdaman. Noong una ay tinutulak pa niya si Roscoe, pero habang tumatagal na hinahalikan siya ng lalaki ay unti-unti ring humihina ang depensa na mayroon siya. Mas madali sigurong maging asawa ni Roscoe kung hindi siya mahal ni Leil. Sa bawat paglapat ng mga labi ng lalaki, sana ay hindi naaapektuhan si Leil. Na sana ay wala lang sa kanyang ang lahat ng iyon, na ginagawa niya lamang ito para sa kanyang kapatid. Pero hindi. May nararamdaman siya kay Roscoe. At mahirap ang ginagawa niya ngayon dahil sa tuwing hinahalikan siya ng lalaki ay nanghihina siya. Hinilamos ni Leil ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Huminga siya nang malalim at nagdesisyon na kalimutan na lang muna ang mga nangyari ngayong araw. Napansin ni Leil ang isang malaking bathtub sa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status