Nanghihinang napaupo sa gilid ng daan si Leil, patuloy pa rin sa pagpatak ang kanyang mga luha. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang telepono habang pinipigilan ang sariling humikbi.
May kanser sa dugo ang kanyang labing-isang taong gulang na kapatid at kailangan nila ng malaking pera para maipagamot ito sa maayos at mas advance na ospital. Linunok niya ang kanyang mga hikbi bago sumagot sa kanyang ina-inahan. “M-Ma…” isang kataga pa lamang ang kanyang binibitawan ngunit nabasag na ang kanyang boses. “Natanggal po kasi ako sa trabaho k-kaya baka hindi muna ako makakapagpadala ng pera—” “Aba tangina naman, Leil! Ano na naman bang katangahan ang ginawa mo para matanggal sa pinagtratrabahuan mo? Kakarampot na nga lang ang kinikita mo, mawawala pa!” “H-Hindi ko naman po ito inaasahan lalo at biglaan. Hindi ko rin naman po ito ginusto, sadyang minalas lang po talaga…” “Talagang malas ka! Naku, Leil! Huwag mo akong artehan ah! Gawan mo yan ng paraan! Huwag mong hintayin na pati ang kapatid mo ay mamatay ng dahil na naman sa iyo! Siguro naman ay natuto ka na sa nangyari sa nanay mo? Maghihintay ako hanggang bukas ng perang maipapadala mo at kapag wala akong natanggap ni pisong duling, ako mismo ang hihila sa kapatid mo palabas ng ospital na ito! Bwisit!” Napaigtad si Leil nang marinig ang pagkabasag ng isang bagay sa kabilang linya bago ito putulin ng kanyang step mother. Parang tinakasan ng bait ang babae habang nakaupo sa gilid ng daan. ‘Huwag mong hintayin na pati ang kapatid mo ay mamatay ng dahil na naman sa’yo! Siguro naman ay natuto ka na sa nangyari sa nanay mo?’ Parang isang sirang plaka ang boses ng kanyang ina-inahan na paulit-ulit na sinasabi ang katagang ito sa kanyang isipan. Lahat ng kamag-anak nina Leil ay sinisisi siya sa pagkamatay ng kanyang ina, walong taon na ang nakalilipas. Maging siya, alam niyang siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Kaya simula nang mawala ang ina, inako niya na ang responsibilidad ng pagiging isang ina sa kanilang pamilya. Sa gitna nang mausok at sunod-sunod na takbo ng mga sasakyan, pinilit ni Leil na tumayo kahit na nanghihina at nanginginig pa ang kanyang mga tuhod. Kinuha niya ang natitirang pera sa kanyang bulsa. Limang libo na lamang ito. ‘Siguro naman ay kakasya muna ito bilang pambili ng mga kakailanganin ni Jacquelyn sa ospital. Titipidin ko na lamang muna ito.” Ani Leil sa kanyang isipan. Naisip niya din na siguro ay mas makakatipid siya kung lalakarin na lang niya ang ospital. Naisip niya na kung papara muli siya ng taxi ay mas mapapamahal siya. Kaya nagdesisyon siyang lakarin na lamang ito kahit na ang distansya nito ay aabutin ng halos kalahating oras na paglalakad. ‘”””” Pagkarating niya sa ospital ay agad niyang pinuntahan ang room kung nasaan ang kanyang kapatid na si Jacquelyn. Naabutan niya itong nagpapahinga habang mag-isa, ang sabi ng isang nurse na kanyang naabutan at napagtanungan, lumabas sandali ang kanyang ina-inahan upang bumili ng makakain ng kanyang kapatid. Bumuntong hininga siyang hinaplos ang pisngi ng kanyang kapatid. Namumutla ang kutis nito at matamlay ang kulay ng mga labi. Sobra siyang naaawa sa kapatid. Kung maaari nga lang na kunin niya ang sakit nito, matagal na niya itong ginawa. Batid niyang marami pang pangarap ang nakababatang kapatid at nais niyang matupad niya ang lahat ng ito. Kung kaya’t handa siyang gawin ang lahat maligtas lamang ito. “Miss Hidalgo? May I have a moment with you, please?” Mabilis na pinunasan ni Leil ang kanyang luha nang marinig ang isang malalim na boses. Paglingon niya sa pintuan ay nakita niya ang doktor na nangangalaga sa kanyang kapatid. Tumango siya at saka sumunod siya sa doktor palabas ng room. “May problema po ba, doc? Kumusta po ang kalagayan ng kapatid ko?” kinakabahang tanong niya. Malungkot na tinitigan ng doktor si Leil. “Dederetsuhin na kita, Leil. Malala na ang kondisyon ng kapatid mo. Kailangan na nating isagawa ang bone marrow transplant sa lalong madaling panahon. Dahil habang pinapatagal natin ito, mas lalo lamang dumarami ang impeksyon niya sa dugo, at hindi natin gugustuhin ito.” Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig. “A-Ano pong dapat kong gawin, doc?” “We need a donor for your sister’s operation.” “Doc, ako po. Magkapatid po kaming buo baka po…” “I’m sorry, Leil. But you’re not compatible with her.” “Paano na po ‘to?” The doctor sighed. “We’ll search a donor in public and test if someone will match with your sister. Pero malaki ang kakailanganing bayad para dito, Leil. Aabutin ito ng milyon.” Hindi alam ni Leil kung saan siya kukuha ng ganito kalaking pera. Isang tao ang biglang pumasok sa kanyang isipan. Si Roscoe Villafuerte. Mabilis siyang umiling sa sarili. Hindi. Hindi ako pwedeng humingi ng tulong sa kanya. Hindi na siya ang Roscoe na kilala ko noon. At isa pa, malaki ang kasalanan ko sa kanya, galit siya sa akin, at napakalayong tutulungan niya pa ako. He wants me dead, right? Kapag nakita niya ako ulit ay hindi siya magdadalawang isip na patayin ako. Kaya hindi. Hindi ako hihingi ng tulong sa kanya. Naglalakbay ang isip ni Leil nang bumalik siya sa room ni Jacquelyn. Pagkapasok niya rito, napakunot ang kanyang noo nang makita ang ama na kinakalutkot ang bag niya, kung nasaan ang wallet ni Leil. “Pa? Bag ko po ‘yan. Akin po ‘yan.” Mabilis na inagaw ni Leil ang kanyang wallet sa ama na masamang nakatingin na sa kanya. Napalunok siya rito. Aaminin niyang natatakot siya rito. Simula nang mawala ang kanyang ina, wala ng ibang ginawa ang kanyang ama kung hindi ang uminom, magwaldas ng perang naiwan sa kanila, at magsugal. “Buti naman at nakabalik ka na, Leil! Ang tagal na kitang hinihintay, ah. Lagi akong tumatawag sayo para humingi ng pera pero hindi mo naman ako sinasagot.” Ngumisi ang ama niya at nilahad ang kamay sa harap ni Leil. Bumagsak ang paningin ni Leil dito saka siya umiling. “Papa, wala po akong mabibigay sa inyo. Wala na po akong trabaho at ang perang ito ay para lamang kay Jacquelyn.” Ani Leil sabay tago ng wallet sa kanyang likuran. Tumalim ang mapulang mata ni Francisco. “Ano’ng para kay Jacquelyn? Akin na, Leil! Swerte ako ngayon sa sugal kaya mababawi ko na lahat ng naisangla kong bahay at lupa natin! Kahit 50,000 okay na yun! Siguradong paldo paldo ako sa mapapanalunan ko ngayon!” may halong galak ang boses ng kanyang ama. Base sa galaw at amoy ng ama, sigurado siyang nakainom ito. Umiling muli siya. “Papa, tama na! Hindi pa po ba sapat lahat ng nawala sa atin? Papa, ubos na lahat ng ari-ariang iniwan satin ni mama! Maski pampagamot kay Jacquelyn wala na rin! Pa, naman! Kahit pang-unawa na lang oh! Kahit kaunting suporta lang, pa…” nanginig ang kanyang boses kasabay ng pagpatak ng kanyang panibagong luha.Nakasimangot si Jackquelyn nang madatnan ni Leil sa loob, ngunit nang makita niya ang nakakatandang kapatid na si Leil ay unti-unting lumiwanag ang kanyang mukha. Ngumiti siya nang malaki, halata ang saya sa kanyang mga labi at mga mata. “Ate!” Masayang tawag ni Jacquelyn dito. Humalakhak si Leil at mabilis na yinakap ang kapatid, maluha-luha siya habang nagyayakapan silang dalawa. Ang totoo ay sobrang na-miss niya ang kapatid. Ilang araw na silang hindi nagkikita at mahirap iyon para sa kanya, lalo pa at hindi siya nabibigyan ng update tungkol sa buong kalagayan nito. Oo nga at may assurance naman galing kay Roscoe na maayos ang kalagayan ni Jacky, pero mas masarap pa rin sa pakiramdam na nakikita mismo ng dalawang mata ni Leil ang kapatid, at na siya mismo ang nakaka-obserba rito.Pasimpleng pinunasan ni Leil ang kaniyang mga luha bago matapos ang kanilang yakap. Masyado ng mahirap para kay Jacky ang kinakaharap nito ngayon, at ayaw ni Leil na makita siya ng kapatid na umiiyak.
Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni Leil nang matanaw niya na ang bungad ng hospital. Ilang araw niya ng hindi nakikita ang kapatid dahil medyo malayo ang bahay ni Roscoe dito. Naiintindihan naman iyon ni Leil, hindi siya para magreklamo. “I changed my mind. Susunduin na lang pala kita mamaya para masigurong eksaktong alas sais ay uuwi na tayo,” saad ni Roscoe bago bumaba si Leil. Ngumiti nang maliit ang babae at saka tumango. “Sige. Maraming salamat, Roscoe.”At saka siya lumabas ng sasakyan mag-isa. Hindi umaasa si Leil na pagbubuksan siya ng pinto ng lalaki dahil alam naman niya na galit siya rito. Pero siguro dahil na rin sa mga nakaraang araw na lagi niyang pinsgbubuksan ng pinto ang dalaga ay… kahit papaano medyo nasanay siya rito. Nagtagal pa siya nang kaunti sa labas at hinintay muna na makaalis ang sasakyan ni Roscoe bago nagpasyang pumasok na sa loob.Nasabi ni Roscoe kay Leil na nabago na ang kwarto ni Jacquelyn. Kung dati ay nasa medyo cheap na kwarto ang
“She said she cooked adobo, right?” pabulong na tanong ni Roscoe sa kanyang sarili nang bumaba siya para sana tikman ang lutong iyon ni Leil. Pero wala siyang nakita ni buto ng manok sa kusina. Kunot-noo niyang hinalungkat ang lahat, pero talagang wala siyang mahanap. “Damn it. I want to eat her adobo,” Sinubukang tingnan ni Roscoe sa fridge kung may tinagong adobo roon si Leil ngunit wala rin siyang nakita. “Don’t tell me kinain niya lahat ng niluto niya?” Shaking his head, nakasimangot na umakyat pabalik ng kwarto nila si Roscoe. Doon ay mahimbing pa rin ang tulog ni Leil. “Maybe she’ll cook adobo for me tomorrow again,” bulong niya habang pinagmamasdan si Leil.“”””””””Malapit nang sumikat ang araw pero nakatitig pa rin si Roscoe kay Leil, binabantayan ang babae na para bang ano mang oras ay iiwan siya nito. Roscoe would sometimes caress Leil’s face. He’d tuck some of her hair behind her ears, then would kiss her forehead down to her cheeks. Payapa ang mukha ni Leil na na
Nang magising si Leil kinabukasan ay mag-isa na lamang siya sa kama, wala na si Roscoe sa kanyang tabi. Naisip ni Leil na baka ganito talaga kaagang nagigising ang lalaki. Lalo pa at maraming kailangang asikasuhin… ang kanyang asawa. Hindi niya napigilang gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi nang maisip na asawa niya na nga si Roscoe.Bumuntong hininga siya at saka nagkibit-balikat.Kahit na alam niyang wala siyang pag-asang magustuhan ulit ni Roscoe, hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng saya. Hindi naman siya umaasa, lalo pa at alam niya ang lugar niya ngayon sa buhay ni Roscoe. Nandito lamang siya para punan ang sekswal na pangangailangan ni Roscoe, at pati na rin tuparin ang matagal nang nais ng lalaki—ang magkaroon ng anak. At syempre, hindi pa rin nakakalimutan ni Leil ang dahilan kung bakit siya nandito, at kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Ito ay dahil sa kanyang kapatid na may sakit. Kailangan niya ng pera para mapagamot ito. At kailangan niya ng tul
Hindi alam ni Leil kung paano niyang haharapin si Roscoe ngayon. Nakita siya ng lalaki na hubo’t hubad! Walang kahit anong saplot. “Bakit ko ba kasi nasobrahan ang pagligo sa bathtub?”Napahilamos siya sa kanyang mukha nang marealize na hindi pala siya nakashower nang maayos sapagkat nilublob niya lang ang sarili sa bathtub. “Pero ‘di bale na. Maayos din naman sa bathtub na iyon.”Dahil walang ibang dala na damit si Leil ay kinuha niyang muli ang suot niya kanina at iyon muli ang sinuot niya. Gusto niya sanang humiram ng kahit na anong damit kay Roscoe ngunit dahil sa sobrang hiya niya kanina ay nakalimutan na niya. Mamaya na lang pagkatapos kumain. Bumaba na siya ng kwarto pagkatapos magbihis. Tinuyo niya lang nang kaunti ang buhok para hindi tumulo ang patak ng tubig dito. Pagdating niya sa kusina ay nakita niya ang nakatalikod na si Roscoe, nagluluto. Mabango ang niluluto ni Roscoe, at sa tingin ni Leil ay adobong karne ito. Nang makalapit ay napatunayan niyang tama ang naisi
Mabilis ang tibok ng puso ni Leil pagkapasok niya sa loob ng bathroom. Hinaplos niya ang kanyang labi at saka mariing pumikit. “Shit! Bakit parang iba ang epekto sa akin ng halik na iyon?” Tila hindi alam ni Leil kung ano ang dapat maramdaman. Noong una ay tinutulak pa niya si Roscoe, pero habang tumatagal na hinahalikan siya ng lalaki ay unti-unti ring humihina ang depensa na mayroon siya. Mas madali sigurong maging asawa ni Roscoe kung hindi siya mahal ni Leil. Sa bawat paglapat ng mga labi ng lalaki, sana ay hindi naaapektuhan si Leil. Na sana ay wala lang sa kanyang ang lahat ng iyon, na ginagawa niya lamang ito para sa kanyang kapatid. Pero hindi. May nararamdaman siya kay Roscoe. At mahirap ang ginagawa niya ngayon dahil sa tuwing hinahalikan siya ng lalaki ay nanghihina siya. Hinilamos ni Leil ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Huminga siya nang malalim at nagdesisyon na kalimutan na lang muna ang mga nangyari ngayong araw. Napansin ni Leil ang isang malaking bathtub sa