XIAN POVHabang abala ako sa inaasikao naming mga papeles para sa parcel naming padating ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Peter."Boss, may problema! Tinambangan sina Ma'am Karmela! Si Melissa ang may pakana! Kailangan nating pumunta duon , sabihan mo lang ako sa iuutos mo?! hindi pa ba sayo tumatawag o nagme-message?" Sigaw ni Peter."shit.. hindi ko pa nakikita ang cellphone ko, may inaasikaso kasi ako. teka" sabi ko sa kaniya, tinignan ko ang cellphone ko at nagulat ako ng makita ko ang sunod sunod na messages na nagmula sa hindi kilalang numero. Binigay niya ang address kung saan ko matatagpuan si Karmela. Hindi ko na inaksaya ang oras. Kinuha ko ang baril sa drawer at mabilis na tumakbo palabas. Habang nasa daan, walang tigil ang kabog ng puso ko. Hindi ko kayang mawala sila ni Karmela. Kailangan ko siyang iligtas sa mga baliw na yun.Pagdating ko sa lugar, nakita ko ang mga bodyguard na nakahandusay sa paligid. Ang sasakyan ni Karmela ay may mga tama ng bala. Sa malayo, na
"okay Love noted" tugon niya sa akin "sige boss, ako ng bahala" tugon naman ni Peter. "isa pa Peter tawagan mo ang mga tauhan ko na magsagawa ng internal audit sa kumpanya. Kailangang masigurado kong walang butas na maaaring gamitin nila laban sa akin. At kung may anumalaya mang ngyayari ay makita kagad natin" sabi ko pa. "Ganito ang gagawin natin, magpapanggap tayong lahat na wala tayong alam sa larong gusto nila. Kailangang isipin nila na lahat ay ngyayari ng naaayon sa mga plano nila. Pero kailangan palagi tayong handa. Gagamitin natin ang impormasyon mula sa investigator upang balatan sa tamang oras ang mga nakatago sa maskara. Sinimulan nila ito. Tatapusin ko" seryoso kong sabi sa kanilaHabang nag-uusap kami, hawak ni Karmela ang kanyang tiyan. Parang paalala iyon sa akin kung bakit hindi ko kailanman kayang sumuko. Ang laban na ito ay hindi na lang para sa akin, kundi para sa pamilya ko—kay Karmela, at sa anak naming parating. “Kung gusto nilang maglaro ng madumi, makik
XIAN POV“Peter hindi na ako makakapunta sa resto, sumama ang pakiramdam ni Karmela hindi ko siya pwedeng iwan. Pumunta ka na lang dito sa bahay”. Mahinahon kong sabi kay Peter“Okay boss, papunta na din ako diyan” sagot niya sa akin. Ang tono niya ay parang hingal at misteryoso.Ilang minuto lang ang nakalipas ay sunod sunod na tunog ng doorbell ang umalingawngaw sa bahay, ang tahimik na gabi sana namin ni Karmela ay tila mababago. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin si Peter.Hingal na hingal, pawisan, at mukhang aligaga.“Boss, kailangan nating mag-usap,” sabi niya nang mabilis, diretso sa punto.Sa itsura ni Peter alam ko ng hindi lang ordinary ang pag-uusapan namin. Kaya naman pinapasok ko siya agad at napansin kong palinga linga siya sa paligid at agad kong isinara ang pinto. Umupo siya sa sofa at ang kaniyang tuhod ay panay ang pag andar. “Anong nangyari, Peter?” tanong ko, pinilit kong panatilihin kalmado ang boses ko .Saglit siya natahimik at nakatingin lang sakin."kasi
Kinabukasan May dumating na bagong info kina Peter. Yung binanggit nilang si Andrei, bigla na lang nawala. Parang lahat ng koneksyon kay Melissa, pinapaboran at tinatago. “Boss, ang linis nilang kumilos,” ani Peter. “Parang alam nila lagi kung anong susunod nating gagawin. Hindi ko alam kung paano, pero parang nauunahan tayo palagi.” “Kung gano’n,” sagot ko, “may someone sa loob ng grupo natin na nagsusumbong.” Tahimik ang paligid. Pareho naming alam kung anong ibig sabihin nun. May traydor sa amin. At kailangan naming malaman kung sino. Karmela POV Sa mga sumunod na araw, hindi talaga tumigil si Melissa sa paninira. Para bang may alam siya sa lahat ng nangyayari sa bahay, at sa pagitan namin ni Xian. May mga sinasabi siya na imposible niyang malaman kung walang nagsasabi sa kanya. “Karmela,” sabi niya isang beses habang nagkausap kami sa telepono. “Alam mo ba? Si Xian, may meeting ngayon, ’di ba? Ang dami niyang ginagawa na hindi mo alam.” Halos mabitawan ko yung pho
“Parang ang linis-linis niya kung makapagsalita!” dagdag pa ni Melissa, halos paanas pero matalim. “Andaming babae niyan, Karmela. Isa ka lang sa mga pinaglaruan niya. Hindi ka mahal ng taong ’yan, tandaan mo ’yan.” Kumikislot ang panga ko sa galit, pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Kung magpapaapekto ako, mabubuko niyang hindi ko siya pinaniniwalaan. “Baka nga tama ka, Melissa,” sagot ko, pinilit kong gawing mahinahon ang tono ko. “Hindi ko na rin alam ang dapat kong gawin. Parang pagod na pagod na rin ako.” Narinig kong bumuntong-hininga siya mula sa kabilang linya—tila ba natuwa sa narinig. Pero ako, halos hindi ko na makayanan ang inis. XIAN POV Pag-uwi ko ng bahay, naabutan kong tahimik si Karmela. Nakaupo siya sa center island, may bakas ng kaba sa mukha. Nang makita niya ako, agad siyang tumayo at lumapit. “Xian,” mahina ang boses niya, “si Melissa… Sinabi niyang iwanan na kita.” Nagdilim ang paningin ko sa narinig. Huminto ako sa tapat niya, pilit pinipi
Kinabukasan, si Karmela mismo ang nag-umpisang magpanggap. Sa loob ng opisina, naririnig ko ang mga bulung-bulungan. “Mukhang nagkakaproblema sina Sir Xian at Ma’am Karmela.” Halos lahat ng tao ay napapansin ang “lamig” namin sa isa’t isa, pero hindi nila alam na iyon ang gusto kong mangyari. “Sir,” sabi ni Peter isang hapon habang nasa opisina kami, “may update na kami. Ang lalaki sa picture. May koneksyon siya kay Xavier. Ang wilfred na binabanggit ay walang iba kundi si Xavier.” Napakunot ang noo ko. Si Xavier ay isa sa mga matagal ko nang kaaway sa negosyo. Isa siyang taong gagawin ang lahat para makuha ang gusto niya, kahit pa mangwasak ng buhay ng iba. Pero bakit kailangang idamay si Karmela? Bakit kailangang ganito kalupit ang plano niya? “Siguraduhin mong mahahanap niyo si Wilfred,” mariin kong utos kay Peter. “Hindi ko hahayaang makalusot siya sa kahayupan niya sa asawa ko.” Sa bahay, patuloy kong pinoprotektahan si Karmela. Hindi siya makalabas nang mag-isa, at may mga