Sa loob ng opisina, tahimik na nakaupo si Fae, nakatitig sa envelope. Malalim ang kanyang iniisip. Ano kaya ang pakay talaga ni Chase? Hindi mapalagay ang kanyang loob, alam niyang may masama sa likod ng kabaitan at papuri ng lalaki.At kung si Elgar Dominico nga ang makakaharap niya...Alam na alam niya ang reputasyon ng lalaking iyon — drogang palihim, mapagsamantala, abusado. Lalo't babae ang kaharap. Walang respeto sa kahit sinong hindi niya ka-level.Ngumiti si Fae at binuksan ang kanyang handbag bago marahang hinugot ang isang maliit na pink na bote — isang pepper spray.Ngumiti nang malamig si Fae, tumayo, saka pinulot ang envelope."Let's see kung sino sa atin ang pagsisisihan ang gabi," malamig niyang sabi bago tuluyang lumabas ng opisina at nagtungo sa Marlonix Creatives Corporation........Marlonix Creatives Corporation – Executive FloorSa pinakataas na palapag ng gusali, naroon ang opisina ng CEO—isang maluwang at maluho'ng espasyo na tila showroom ng kapangyarihan at y
"Director White," sambit ng isang baritonong boses ng lalaki na dire-diretsong pumasok sa loob. May bitbit siyang brown envelope at walang pakundangang inilapag ito sa mesa ni Fae.Napakunot ang noo ni Fae. 'Walang katok? Walang paalam? May-ari ka ba ng opisina ko?' bulong niya sa sarili."Manager Chase," malamig niyang tugon. "Anong maitutulong ko sa 'yo?"Tama, ang taong walang modo ay walang iba kundi si Chase mismo—ang Head ng HR Department. Sa kabila ng bagong posisyon ni Fae bilang Director, nanatiling mayabang, bastos, at pasimpleng mapangmata ang kanyang katrabaho."So cold as usual," sarkastikong sambit ni Chase bago ngumisi.Nagtaas ng kilay si Fae. "Diretsohin mo ang pakay mo. Wala akong panahon sa drama."Halata sa boses niya ang pagkabagot sa presensya ng lalaki.Medyo napikon si Chase sa diretsahang sagot ni Fae pero nagpatuloy pa rin siya. "May kailangan tayong meeting with an external partner, urgent 'to," sabay tulak ng brown envelope papalapit sa kanya. "You need to
Everest CorporationHuman Resources Department – Director's OfficeHindi pa man alas-nuebe ng umaga ay abala na si Faerie White sa kanyang opisina bilang HR Director. Tatlong araw siyang nawala kaya naman natambakan siya ng gawain. Kahapon, ayaw pa sana siyang i-discharge ni Richard. Ngunit sadyang mapilit si Fae at matigas matigas ang ulo, sinabi niyang sayang ang araw kung mananatili lang siya sa ospital. Binilang pa niya ang araw na mawawala sa sahod niya kung hindi siya papasok. Sinabi pa ni Kevin na bayad ang kanyang leave — ngunit hindi nagpadaig si Fae at nanatiling mapilit na pumasok."Sapat na yung libreng hospital room. Hindi ko pwedeng abusuhin ang kabaitan ng presidente. Hindi ako komportableng sumahod nang wala akong ginagawa," mariin niyang sabi kahapon.Sa huli, walang nagawa si Richard kundi pumayag, wala siyang laban sa matigas na personalidad ng asawa. Kinabukasan, maaga siyang nag-ayos at bumalik sa trabaho.Ngayon, nakaupo si Fae sa kanyang swivel chair, may kaunt
Agad na napatingin sa isa't isa sina Richard at Kevin. Para silang dalawang estudyanteng nahuli sa kalokohan."Ah—oo, Madam!" biglang sabat ni Kevin, medyo malakas ang boses. "President... sa homeowners' association!" sabay tawa, pilit pero todo. "President siya ng homeowners' association ng village namin. Malakas 'yan sa mga tanod!"Napakunot ang noo ni Fae. "Talaga lang ha..." sabay lingon kay Richard, napataas ang kilay."Oo, Fae," agad na sabat ni Richard, pilit maging kalmado. "President ako ng homeowners' group namin. Malaki ang tungkulin ko, may mga gate pass akong inaaprubahan, tapos may GC pa kami sa Viber. Active ako diyan.""Ah," ani Kevin, sabay turo kay Richard. "Kaya minsan tinatawag kong president, kasi kahit sa village, boss pa rin. Respeto ba.""Hmm," ani Fae, halatang hindi pa rin kumbinsido. "Pero bakit parang gulat na gulat ka kanina nang makita mong gising na ako?""Ha? Ako?" sabay turo ni Kevin sa sarili, "Hindi ah! Bakit naman ako magugu—" bigla siyang naputol n
Napalunok si Richard at marahang nagtanong, "Narinig mo ba… ang mga sinabi ko?"Tahimik si Fae. Walang kibô. Walang emosyon.Blanko ang tingin nito habang nakatuon ang mata sa kanya. Hindi niya alam kung naiintindihan siya nito o galit lang talaga. Nagtama ang mga mata nila, ngunit nanatiling tahimik ang babae.Huminga nang malalim si Richard, sinubukang buuin ang loob. "Fae, ang totoo kasi—"Ngunit naputol siya."Richard... nasaan ako?" tanong ni Fae, halatang nalilito habang inilibot ang tingin sa paligid."Nasa ospital ka," sagot ni Richard, maingat ang tono."Ospital?" ulit ni Fae. Napatingin siya sa paligid—may sofa, may TV, may maliit na kusina at sala. "Bakit parang maliit na bahay?" tanong niya sa mababang tinig.Tumango si Richard. "Nasa private ward ka ng Imperial Hospital."Nanlaki ang mata ni Fae. "Imperial Hospital? Private ward?" Halatang gulat na gulat. Napatingin siya kay Richard, parang ngayon lang tumama ang realidad."Ang mahal dito!" bulalas niya. "Halika, discharg
Sa gitna ng katahimikan, humakbang si Richard—mabigat, mahinahon, ngunit may dalang nakakakilabot na presensya. Tulad ng isang hukom sa gitna ng silid ng paghatol.Takot na takot si Tiffany. Hindi na siya makapagsalita. Ang dating mayabang at malupit na babae, ngayo'y parang batang naiwan sa gitna ng kagubatan, nakaharap sa isang halimaw."Wa-wait… please…" nauutal niyang sabi habang umatras, halos hindi na makatayo nang tuwid. "Patawad na… hindi ko na uulitin. Pakiusap…"Huminto si Richard sa harap niya. Tumingala si Tiffany, nanlalaki ang mata, umaasang may kahit katiting na awa ang lalaki.Pero malamig ang titig ni Richard. Walang pakiramdam. Walang awa."Humingi ka ng awa?" malamig niyang sabi, bahagyang umiling. "Naawa ka ba sa asawa ko kanina? Nang binugbog mo siya habang hindi siya makalaban? Nang sisipain mo ang tiyan niya kahit namimilipit na siya sa sakit?"Hindi nakasagot si Tiffany. Nanginginig siya, humahagulgol.Pak!Isang kabilaang sampal ang tumama sa pisngi ni Tiffany
Nagtaas ng kilay si Richard. Sa pagkakabangga ng katawan, sa tibay ng paa, sa hugis ng kamao—hindi ito amateur. 'Properly trained. At least may sense,' bulong niya sa sarili.Boom!Sumugod si June—isang mabilis na right hook!Whoosh!Tumagilid si Richard at eleganteng naka-iwas, parang sayaw ang bawat galaw niya, matipid ngunit epektibo.Tumawa si Tiffany. "Aha! Huwag kang masyadong magyabang! Ilang beses nang naging champion si June sa underground boxing!" pagmamalaki niya habang pilit na bumabangon.Napailing si Lexa bago napabuntong-hininga. "Totoo 'yon… undefeated si June. Bagaman natalo ng lalaking ito ang dalawang alipores ni June..." huminga siya bago nagpatuloy. "June is different... He's the real deal."Nagpatuloy sa pagsugod si June.Straight punch, umatras si Richard.Uppercut, umatras at umikot si Richard.One-two combo, nag sidestep si Richard.Nanatiling composed si Richard, parang hindi napipilitang lumaban. Tahimik lang habang ang mata'y nakatutok, di kumukurap."Ano b
Sa mabilis na hakbang, lumitaw si Richard sa harap ni Tiffany. Nagulat at natakot si Tiffany, napahakbang siya paatras pero—Pak!Isang mabilis at malakas na sampal ang bumagsak sa pisngi ni Tiffany.Natigilan si Lexa. Namutla ang grupo ni June. Lahat ay parang natulala sa ginawa ng bagong pasok na lalaki. Hindi sila makapaniwala—isang estranghero, may suot na mamahaling coat at may presensya ng isang hari, ay bigla na lang sumugod at sinaktan si Tiffany sa harap ng lahat.Pak! Isa pa.Ang kamay ni Richard ay mabilis, matalim, parang bakal. Wala siyang pasintabi, wala siyang sinayang na salita. Galit ang nasa kanyang mga mata, malamig na para bang walang puso. Ang bawat hampas niya ay parang hatol.Pak! Pangatlo.Ang dating dominante at puno ng yabang na si Tiffany, ngayon ay namumutla. Ramdam niya ang bawat hampas ni Richard, bawat bagsak ng palad nito sa kanyang mukha ay parang binubura ang kanyang pagiging malakas.Pak! Pang-apat.Hindi niya maintindihan. Bakit parang hindi siya ma
Ngunit ilang segundo ang lumipas, at walang sumapit na sakit. Walang basag. Walang dugo.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, at nakita si Tiffany—nakatitig sa kanya, nakangising parang demonyo, nilalaro-laro ang bote sa kanyang mga kamay.Tumawa si Tiffany. Isang masayang halakhak na tila lumabas sa impiyerno. Umiling siya habang nakatingin sa bote."Hindi ito pwede," bulong niya, bago marahang inilapag ang bote sa mesa sa tabi. "Baka mamatay ka. Sayang naman, wala na akong laruan kung ganoon."Tumingin siya pabalik kay Fae, nakita ang malinaw na takot sa mga mata ng babae. Lumapit siya, inilapit ang mukha sa kay Fae at mariing sinabi, "Oh? Tuluyan na bang nawala ang tapang mo? Bakit parang nagmamakaawa ka na para sa buhay mo?"Tumawa siya muli at umiling. "Too late, my dear... I'm just getting started."Pak!Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Fae. Napalingon ang ulo ng babae, at tila sumabog ang init sa kanyang pisngi.Habang abala si Tiffany sa pananakit kay Fae,