Share

Chapter 28: Nemesis

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-04-30 09:42:57

Nagkumpulan ang mga tao sa paligid. May ilan nang kumuha ng cellphone, may live sa Facebook, may nagsisigaw ng, "Nakunan ko! Nakunan ko lahat!" habang ang ibang tao ay hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan nilang eksena.

"Grabe 'yung lalaking 'yon… para siyang action star!"

"Sinabi mo pa! Ang bilis, parang si Liam Neeson!"

May isa pang nagsalita, "Teka, hindi ba siya 'yung bumaba sa Rolls-Royce kanina?"

Napalingon ang mga tao sa kinatatayuan ng kotse—ang makintab at marangyang sasakyan na tila hindi babagay sa eksenang iyon. Natahimik ang iba, tinitigan ang kotse, tapos si Richard, tapos si Fae.

May bulong-bulungan.

"Sino ba talaga 'yun? Mayaman ba siya?"

"O baka bodyguard ng isang VIP?"

"O baka agent ng government… o ng mafia?!"

Habang kinukuyog ng mga tanong at bulungan ang paligid, lumapit ang isang reporter na may hawak na mic.

"Sir, excuse me! Anong pangalan ninyo? Paano ninyo natutunang gawin 'yon? Anong trabaho ninyo? May training ba kayo?"

Si Fae, na ngayo'y medyo nakakabawi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 40: Baliw na Tiffany

    Tumigil sa ere ang paa ni Tiffany. Napalingon si June. Pati ang dalawang lalaking humahawak kay Lexa ay natigilan.Ngumiti si June.Isang mapanganib na ngiti, puno ng tagumpay at pagnanasa.Biglang tumawa si June, isang mababang tawang tila nanunukso. "Ha? Ano 'yan? Pwede mo bang ulitin, Lexa?" tanong niya, may halong pag-aalipusta.Napakagat sa ngipin si Lexa at muling inulit ang kanyang sinabi. "Papayag na akong magpakasal sa'yo… pakawalan mo lang si Fae…"Tumawa muli si June, mas malakas at tila baliw. Umiling siya habang sinisilip si Lexa mula ulo hanggang paa. "Too late, Lexa."Bigla, nagsalita si Tiffany, malamig ang boses at walang emosyon sa mukha. "Ako ang magdedesisyon kung titigil ako o hindi." Yumuko siya ng bahagya, tinitigan si Fae na tila sinusukat. "Gusto ko 'tong babaeng 'to. May tapang at matatag siya. Mukhang tatagal siya bilang laruan ko."Napasinghap si Lexa, natigilan sa narinig. Agad siyang lumuhod at nakiusap kay June, ang boses niya'y nagsusumamo. "June… pleas

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 39: Papayag na ako!

    "Ha?"Isang boses ng babae ang biglang narinig, may halong gulat at pagkamangha. Kasunod nito ay mga mapanunuyang salita."Totoo ba 'tong nakikita ko? Talagang sinampal ka lang ng gano'n-gano'n, June?"Napalingon ang lahat sa entrance ng café. Isang babae ang papasok—naka-high heels, at bawat hakbang niya ay may 'click' na tunog sa sahig. Mapupula ang kanyang labi, makapal ang foundation sa mukha, at sobrang haba ng mga pilikmata. Umaalon ang kanyang balakang sa bawat hakbang.Naglakad siya papunta sa grupo.Nakilala siya agad ng grupo ni June—pati na rin ni Lexa. Ngumisi si June, pero hindi nagsalita.Huminto ang babae sa harap nila at walang kahirap-hirap na in-scan si Fae mula ulo hanggang paa, bago tumingin kay June."Hindi ko akalaing dito ka mabubully," panunuyang sambit ng babae.Ngumisi si June, bago nagbitaw ng sagot."Tiffany, alam mo namang ako ang laging binubully ng mga babae. Kailanman, hindi ako nananakit ng babae."Napansin ni Fae ang bahagyang pagsimangot ni Lexa. "Si

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 38: Di na kinaya

    Malamig na tumingin si Lexa sa lalaki."June," aniya, walang kahit kapirasong saya o gulat sa kanyang tinig. Tila awtomatikong nanigas ang kanyang mga balikat, at ang dating ng kanyang mga mata'y malamig gaya ng hangin sa aircon ng café.Ngumisi ang lalaki, bahagyang tumingala't nilingon si Fae bago muling ibinalik ang mapang-akit ngunit bastos na tingin kay Lexa."Lexa, mahal kong fiancée," aniya, kunwa'y may lambing, pero halatang may banta ang bawat salita. "Lagi kitang hinahanap—hindi ko akalaing dito kita matatagpuan. Sakto, na-miss kita."Bahagyang sumimangot si Lexa, mariin ang paghinga. "Wala tayong usapan. Hindi ako pumayag sa ayos na 'yan. Ilang ulit ko na bang sinabi sa'yo—hindi ako sayo."Umirap si June at lumapit pa lalo sa mesa, halos sakupin na ng kanyang katawan ang personal space nina Lexa at Fae."Tigilan mo 'yan, Lexa," aniya sa mataas na boses na kumuha ng pansin ng iba pang mga customer. "Matagal nang naayos ang desisyong 'to. Ang mama mo at parents ko... Ayos na

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 37: Lexa

    Ang tumatawag ay walang iba kundi ang kanyang step mom, si Glenda.Napairap si Faerie. Hindi na siya nag-abala pang sagutin at agad na dinecline ang tawag. Tumungo siya sa contacts at hinanap ang pangalan ni Richard.Bago pa niya mapindot ang "call," muling tumunog ang telepono at nakitang tumatawag na naman si Glenda.Napabuntong-hininga si Fae. Ayaw niyang masira ang hapon, pero tila hindi siya titigilan nito. Sa huli, wala siyang nagawa at tinatamad na sinagot ang tawag."Anong kailangan mo?" malamig niyang tanong."Fae! Sinasabi ko sa'yo, umuwi ka sa bahay at pakasalan mo na si—"Hindi na tinapos ni Faerie ang pakikinig. Walang gana at suya na siyang pinindot ang end call. Wala siyang oras makinig sa kalokohan ng babaeng ito. Mas mabuti pang pabayaan na lang niya.Ngunit hindi pa man siya nakakahinga ay muling tumawag si Glenda.Decline.Isa, dalawa, tatlong beses pa ulit. Hanggang sa nainis na si Faerie at sinagot ulit ang tawag, ngunit ngayon ay mas malamig ang kanyang tinig."K

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 36: Assessment

    Sa gitna ng silid, mahinahong ngumiti ang lalaking nakasuot ng gray suit at pinaupo si Fae bago muling tumingin sa lahat. "Hello, everyone. For those of you who don't know me yet or are new here, I'd like to introduce myself. I am Mr. Alaric Yvez, the Head of Operations at Gold Prime Enterprises Headquarters. I'm excited to be with you today and I hope to contribute to the important discussions we'll have," wika nito habang tinitigan isa-isa ang mga naroon. "Naatasan akong magsagawa ng internal assessment dito sa Everest Corporation bilang bahagi ng ating restructuring and integration process."Tahimik ang buong silid. Lahat ay nakikinig. Lahat ay nakikiramdam.Isa-isa niyang tinanong ang mga department heads—malumanay ngunit prangka, bawat tanong ay may layuning sukatin hindi lang ang talino kundi pati ang integridad ng bawat isa.Nang si Jane na ang tinawag, saglit siyang napatayo na may bahagyang pagngiti—self-assured, tila ba inaasahan niyang ito na ang pagkakataong makakuha ng m

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 35: Restructuring

    DING.49th floor.Bumukas ang elevator at dahan-dahang lumantad sa harapan ni Fae ang isang conference hall na tila inihanda para sa isang high-level board meeting. Malawak ang silid, may glass wall sa kanan kung saan matatanaw ang buong lungsod. Sa gitna, isang mahaba at eleganteng conference table ang nakaayos, napapalibutan ng mahahabang leather chairs. Ilang projector screens ang nakaabang, nagpapakita ng logo ng Gold Prime Enterprises.Pero hindi ito ang ikinagulat ni Fae.Ang buong silid ay punô ng mga taong hindi niya inaasahan—mga executive at department heads mula sa iba't ibang bahagi ng bansa, suot ang mga pormal na uniporme na may logo ng Gold Prime. Nakatayo ang karamihan, nakikihalubilo sa isa't isa, ngunit kapansin-pansin ang tensyon sa ere—tila may malalim na usapan na nagaganap sa bawat grupo."Lexa Romero?"Isang lalaking naka-itim na blazer at may badge ng HQ ang tumawag mula sa may dulo ng conference hall.Napalingon si Lexa."Yes, sir?""Please come forward. You'r

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 34: Emergency

    Ang taong pumasok ay walang iba kundi si Chase. Ang Head ng HR ng buong Everest Corp, at tiyuhin ni Jane.Diretso ang lakad ni Chase patungo sa upuan sa harap ng desk ni Fae, tila ba siya ang may-ari ng lugar. Naupo siya na parang walang respeto sa espasyo ng iba, at hindi naiwasang magpaskil ng kakaibang ngiti sa kanyang mukha habang titig na titig sa dalaga.Tiningnan ni Fae ang lalaki mula sa kanyang desk at kaagad na kumunot ang kanyang noo."Mr. Chase," ani Fae, pilit itinago ang pagkasuklam. "Napabisita ka? Mukhang hindi ka abala sa opisina mo at nagawa mong bumisita rito?"Bahagya siyang ngumiti, "Parang mas gusto ko na lang tuloy maging Head ng HR, tamang travel lang sa buong kumpanya." Sarkastiko niyang sabi.Napahilig si Chase sa pagkakaupo at tumawa nang mahina, hindi nagalit sa sinabi ni Fae. Sa halip, pinagmasdan siya, mula mukha pababa—at ang mata niya ay tumigil sa dibdib ni Fae. Hindi iyon lihim. Lantarang pananakal ang tingin, at bahagya pa siyang ngumisi na para bang

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 33: Ally

    Tumigil si Nina sa harap ng desk ni Fae, hinayaan munang gumalaw ang kanyang mga mata, mula ulo hanggang paa, na tila ba sinusukat ang bagong direktor ng HR. Walang ngiti at walang emosyon sa kanyang mukha, tanging isang malamig na pagtatasa lang.Iniabot niya ang mga papel."HR paperwork for the executive interns," aniya sa malamig na tono. "Naisip kong personal ko na lang dalhin para siguradong maayos."Tiningnan siya ni Fae, walang bahid ng tensyon sa mukha. Tahimik, kalmado, at propesyonal ang kanyang aura."Salamat. Pakilagay na lang diyan," sabay turo niya sa gilid ng desk.Ngunit hindi gumalaw si Nina. Nanatili siya sa kinatatayuan, tila may gustong patunayan.Tumango-tango siya at bahagyang ngumisi."By the way," panimula niya, "maraming nagugulat. Ang bilis mong umangat. Impressive… o baka sabihin nating… suspicious?"Mataas ang kilay ni Nina, ang tono niya'y matamis sa ibabaw pero puno ng lason sa ilalim."I mean," patuloy niya, "marami sa amin dito ang matagal nang naglilin

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 32: Dementia

    Opisina ng CharimanPagpasok ni Richard sa opisina ng chairman, bumungad sa kanya ang maaliwalas at eleganteng silid. Mabango ang halimuyak ng pinakuluang dahon ng tsaa. Sa isang antigong mesa, nakaupo si Bernard Gold, nakangiti habang dahan-dahang iniinom ang tsaa sa isang porselanang tasa.Tumango si Bernard nang makita si Richard. "Maupo ka, President Gold," magalang ngunit dama ang awtoridad sa tono nito, habang itinuro ang upuan sa tapat niya.Umupo si Richard, bumalik agad sa kanyang business composure. Sa likod, tahimik na nakapwesto si Kevin at si Alastair."Let's proceed," sambit ni Bernard, habang inilapag ang tasa. "The reason I called you in, Richard, is to brief you about a high-stake cooperation deal with Monarch Tech—based in Singapore.""Monarch Tech?" tanong ni Richard, nakakunot ang noo. "They specialize in AI-integrated cloud infrastructure, right?""Exactly," sagot ni Bernard. "They're expanding their network in Asia, and they want us to be their exclusive logistic

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status