Nang makita ni Lorie ang madilim na ekspresyon ng kanyang bayaw, naisip niyang galit na ito kay Richard at Marie. Akala niya nakagawa siya ng mabuti kaya naman napangiti siya.Isang matagumpay na ngiti, punong-puno ng kayabangan, para bang sigurado na siyang nanalo sa gulo, at buong opisina ay kampi na sa kanya.Naglakad-lakad siya ng kaunti, para bang nasa entablado ng isang pelikula. Tinuro niya muli si Richard mula sa di kalayuan, hindi niya pa rin makilala ang tunay nitong pagkatao."Alam mo, Kuya Danie," may panlalait sa boses ni Lorie habang sumulyap sa card na hawak niya, "ang lalaking nagdala nito? Dapat yang ipatapon sa kulungan!"Napailing siya habang pinupunasan kunwari ang kanyang pisngi na masakit pa rin. "Pinalayas ko lang naman siya dahil ayokong lokohin tayo! Ikaw na mismo ang nagsabi, 'wag papapasukin ang mga scammer! Eh anong tawag mo sa lalaking nag-aalok bumili ng multi-million property gamit ang—" tinaas niyang muli ang card, "—isang arcade card?!"Tumawa si Lorie
Tatakbo na sana si Lorie patungo sa direksyon ng boses, umaasang kakampihan siya ng taong iyon—ngunit bigla siyang sumimangot nang makita kung sino ang kasama nito.Humakbang ang dalawa, papalapit sa gitna ng nagkakumpulan.Si Danie, suot ang isang maayos na navy blue button-up shirt na hapit sa kanyang matikas na katawan, ay mukhang kalmado ngunit may halatang tensyon sa kanyang mga mata. Pormal siyang naka-slacks at leather shoes, at dala ang kanyang badge lanyard na nagpapakita ng kanyang pagiging General Manager ng Altaire Grand Estates.Sa tabi niya ay ang isang babaeng halatang matalino at may class—si Lanie, ang kanyang asawa. Naka-light beige blouse si Lanie na neatly tucked sa high-waisted pencil skirt. May suot siyang salamin na may manipis na gold frame, at ang buhok niya ay neatly tied in a bun. Halatang isang professional at respetadong babae, na malayo ang itsura, aura, at asal kay Lorie.Napayuko si Lorie. Kahit pa mayabang siya sa mga staff at agents, takot siya sa ate
Nang makita ni Lorie na natahimik si Richard at Marie, lumaki ang ngisi sa kanyang mukha na tila ba nahuli niya sa akto ang dalawang magnanakaw.Tila bang nasa isang eksena siya ng teleserye kung saan siya ang bida, tumawa siya nang malakas at nagsimulang mag-ingay."Ayan oh! Tingnan niyo lahat!" sigaw niya habang nililingon ang mga tao sa paligid. "Natahimik! Di makasagot! Kasi totoo! Magnanakaw sila! Magka-kutsaba!"Akala niyo hindi ko mahuhuli ang modus ninyo? Magpapanggap bilang buyer kasama ang senior agent, tapos kukunin ang unit, magbibigay ng pekeng card… Tapos lalayasan lang kami! Taktika ng mga scammer! Ang problema lang sa inyo—matalino ako!"Tumawa siya nang malakas. Isang halakhak na walang respeto at walang preno."Akala niyo ba maloloko niyo ako?! Hindi niyo ako matatalo! Hindi lahat ng agent tanga! Hindi lahat mangmang na maniniwala sa pakulo nyong card-card! Hindi ako kagaya ng iba—"PAK!Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ni Lorie.Tahimik ang laha
Biglang natahimik ang lahat.Mistulang nahulog ang katahimikan sa gitna ng bulung-bulungan. Parang may nag-pause ng buong paligid.Napakunot-noo ang mayabang na babae, na hindi pa rin tinatablan ng hiya.Tumingin siya kay Marie at may panunuyang tanong, "Anong pinagsasabi mo, ha? Anong Platinum-Platinum? Arcade card lang ito! Kung akala mo naman big deal!"Ngumisi siya. Confident. Mapanghamak.Umiling si Marie, at sinubukang kontrolin ang sarili."Lorie," ani Marie, mariing tono, "baka hindi mo alam, pero ang card na ito ay—"Hindi pa natatapos si Marie, nang sumingit si Lorie, malakas ang boses:"Ang card na ito ay isang arcade card na nasa platinum level!" sabay tawa. "Wow ha, napaka-'exclusive'."Halos gusto na siyang batukan ni Marie, at ng dalawang gwardiya.'Ang taong ito...' sabay isip nilang tatlo, 'hindi ko alam kung bobó, o walang utak.'Tumango-tango si Lorie, mistulang nanalo pa sa debate. May lumitaw na panghahamak sa kanyang mukha habang muling tumingin kay Richard."May
Nagkatinginan ang dalawang guwardiya. Kinuha ng isa ang card ni Richard, tiningnan ito—at halos mapaatras."Sir…" nanginginig ang boses ng gwardiya. "Pasensya na po, Sir. Akala po namin—"Hindi na niya natapos ang sasabihin.Biglang inagaw ng sales lady ang card mula sa kamay ng gwardiya. Tiningnan niya ito, kumunot ang noo, at pagkatapos ay ngumisi nang nakakaloko."Ano 'to? Arcade card?" sabay tawa nang malakas. "May pangalan pa talaga? May logo pa? Diyos ko, ngayon lang ako nakakita ng ganitong ka-level ng drama!"Tumango-tango siya habang pinaglalaruan ang card sa daliri, mistulang props lang.'Baka isa 'to sa mga promo cards sa game center sa ilalim ng Gold Prime Enterprises?' sabay irap. "Nagkamali ka yata ng pinuntahan, kuya. Ang arcade doon oh, second floor ng mall sa tapat! Baka gusto mong bumili ng villa gamit 'to pagkatapos mong mag-laro ng Time Crisis at mag-ipon ng tickets?"Tumawa siyang muli, nag-iisa lang sa tawa.Nagkatinginan ang dalawang gwardiya—malinaw sa kanila k
"Richard!" sigaw ni Lolo Bernard mula sa kabilang linya. "Bumili ka na ng villa para sainyo ni Fae. Huwag mo nang patagalin."Napakunot ang noo ni Richard habang nagmamaneho. "Villa? Lo, bakit—""Alam mo na kung bakit!" putol ng matanda. "Bumagsak na ang White Group. Wala nang natitirang yabang 'yang pamilya ng madrasta ni Faerie. Kaya siguradong magwawala 'yon. Baka kung anong gawin nila kay Fae, baka gumawa sila ng mas kahindik-hindik na gawa higit sa nakaraan nilang ginawa."Napahigpit ang hawak ni Richard sa manibela. Hindi siya nagsalita."Bumili ka na ng secured na villa. Yung hindi basta mapasok. Ayokong magising isang araw na may nangyari kay Fae dahil sa kapabayaan mo!" utos ng matanda."Gets ko na, Lo," malamig na sagot ni Richard. "Bibili na ako ngayon."Tumawa si Lolo Bernard. "Aba, ayos. At pag nakalipat na kayo—bigyan mo na ako ng apo. Huwag mo na akong pahintayin ng matagal!""Pfft—Lo!" protesta ni Richard, napapailing habang biglang nag-init ang tenga.Tumawa lang ang