Share

Chapter 46: Katotohanan

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-05-16 10:38:32

Napalunok si Richard at marahang nagtanong, "Narinig mo ba… ang mga sinabi ko?"

Tahimik si Fae. Walang kibô. Walang emosyon.

Blanko ang tingin nito habang nakatuon ang mata sa kanya. Hindi niya alam kung naiintindihan siya nito o galit lang talaga. Nagtama ang mga mata nila, ngunit nanatiling tahimik ang babae.

Huminga nang malalim si Richard, sinubukang buuin ang loob. "Fae, ang totoo kasi—"

Ngunit naputol siya.

"Richard... nasaan ako?" tanong ni Fae, halatang nalilito habang inilibot ang tingin sa paligid.

"Nasa ospital ka," sagot ni Richard, maingat ang tono.

"Ospital?" ulit ni Fae. Napatingin siya sa paligid—may sofa, may TV, may maliit na kusina at sala. "Bakit parang maliit na bahay?" tanong niya sa mababang tinig.

Tumango si Richard. "Nasa private ward ka ng Imperial Hospital."

Nanlaki ang mata ni Fae. "Imperial Hospital? Private ward?" Halatang gulat na gulat. Napatingin siya kay Richard, parang ngayon lang tumama ang realidad.

"Ang mahal dito!" bulalas niya. "Halika, discharg
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 153: Palpak na Lorie

    "Bayaw… b-bakit mo ako sinampal?" nanginginig at naguguluhang tanong ni Lorie, hawak pa rin ang pulang pisngi habang napapaatras. Nakaawang ang kanyang labi at bakas sa mukha ang pagkabigla—hindi makapaniwalang siya, sa lahat ng tao, ay pinatamaan ng sariling bayaw sa harap ng maraming tao."Dapat hindi ako ang tinatamaan mo!" mariing dagdag pa niya, sabay turo kay Richard na nakatayo pa rin sa di kalayuan, tahimik ngunit malalim ang titig."Kundi ang lalaking iyon!" sigaw niya, puno ng desperasyon."Siya ang naglakas loob na gustong bumili ng villa gamit ang isang… arcade card!"Umiiyak na ang kanyang boses, nagmamakaawa, pilit ipinaglalaban ang sarili."Wala akong kasalanan, Kuya Danie… wala!" halos mapaos siya."Pinapalayas ko lang ang mga manloloko! Kagaya ng dati!"PAK!Hindi na pisikal—pero ang boses ni Danie ay mas masakit pa sa sampal."Tumahimik ka!"Suminghap si Lorie.Nanigas siya sa kinatatayuan, hindi makapaniwala sa bigat ng galit na narinig mula sa bayaw."Sinabi kong T

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 152: Ilusyon ni Lorie

    Nang makita ni Lorie ang madilim na ekspresyon ng kanyang bayaw, naisip niyang galit na ito kay Richard at Marie. Akala niya nakagawa siya ng mabuti kaya naman napangiti siya.Isang matagumpay na ngiti, punong-puno ng kayabangan, para bang sigurado na siyang nanalo sa gulo, at buong opisina ay kampi na sa kanya.Naglakad-lakad siya ng kaunti, para bang nasa entablado ng isang pelikula. Tinuro niya muli si Richard mula sa di kalayuan, hindi niya pa rin makilala ang tunay nitong pagkatao."Alam mo, Kuya Danie," may panlalait sa boses ni Lorie habang sumulyap sa card na hawak niya, "ang lalaking nagdala nito? Dapat yang ipatapon sa kulungan!"Napailing siya habang pinupunasan kunwari ang kanyang pisngi na masakit pa rin. "Pinalayas ko lang naman siya dahil ayokong lokohin tayo! Ikaw na mismo ang nagsabi, 'wag papapasukin ang mga scammer! Eh anong tawag mo sa lalaking nag-aalok bumili ng multi-million property gamit ang—" tinaas niyang muli ang card, "—isang arcade card?!"Tumawa si Lorie

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 151: Galit si Danie

    Tatakbo na sana si Lorie patungo sa direksyon ng boses, umaasang kakampihan siya ng taong iyon—ngunit bigla siyang sumimangot nang makita kung sino ang kasama nito.Humakbang ang dalawa, papalapit sa gitna ng nagkakumpulan.Si Danie, suot ang isang maayos na navy blue button-up shirt na hapit sa kanyang matikas na katawan, ay mukhang kalmado ngunit may halatang tensyon sa kanyang mga mata. Pormal siyang naka-slacks at leather shoes, at dala ang kanyang badge lanyard na nagpapakita ng kanyang pagiging General Manager ng Altaire Grand Estates.Sa tabi niya ay ang isang babaeng halatang matalino at may class—si Lanie, ang kanyang asawa. Naka-light beige blouse si Lanie na neatly tucked sa high-waisted pencil skirt. May suot siyang salamin na may manipis na gold frame, at ang buhok niya ay neatly tied in a bun. Halatang isang professional at respetadong babae, na malayo ang itsura, aura, at asal kay Lorie.Napayuko si Lorie. Kahit pa mayabang siya sa mga staff at agents, takot siya sa ate

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 150: Kahihiyan

    Nang makita ni Lorie na natahimik si Richard at Marie, lumaki ang ngisi sa kanyang mukha na tila ba nahuli niya sa akto ang dalawang magnanakaw.Tila bang nasa isang eksena siya ng teleserye kung saan siya ang bida, tumawa siya nang malakas at nagsimulang mag-ingay."Ayan oh! Tingnan niyo lahat!" sigaw niya habang nililingon ang mga tao sa paligid. "Natahimik! Di makasagot! Kasi totoo! Magnanakaw sila! Magka-kutsaba!"Akala niyo hindi ko mahuhuli ang modus ninyo? Magpapanggap bilang buyer kasama ang senior agent, tapos kukunin ang unit, magbibigay ng pekeng card… Tapos lalayasan lang kami! Taktika ng mga scammer! Ang problema lang sa inyo—matalino ako!"Tumawa siya nang malakas. Isang halakhak na walang respeto at walang preno."Akala niyo ba maloloko niyo ako?! Hindi niyo ako matatalo! Hindi lahat ng agent tanga! Hindi lahat mangmang na maniniwala sa pakulo nyong card-card! Hindi ako kagaya ng iba—"PAK!Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ni Lorie.Tahimik ang laha

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 149: Acting?

    Biglang natahimik ang lahat.Mistulang nahulog ang katahimikan sa gitna ng bulung-bulungan. Parang may nag-pause ng buong paligid.Napakunot-noo ang mayabang na babae, na hindi pa rin tinatablan ng hiya.Tumingin siya kay Marie at may panunuyang tanong, "Anong pinagsasabi mo, ha? Anong Platinum-Platinum? Arcade card lang ito! Kung akala mo naman big deal!"Ngumisi siya. Confident. Mapanghamak.Umiling si Marie, at sinubukang kontrolin ang sarili."Lorie," ani Marie, mariing tono, "baka hindi mo alam, pero ang card na ito ay—"Hindi pa natatapos si Marie, nang sumingit si Lorie, malakas ang boses:"Ang card na ito ay isang arcade card na nasa platinum level!" sabay tawa. "Wow ha, napaka-'exclusive'."Halos gusto na siyang batukan ni Marie, at ng dalawang gwardiya.'Ang taong ito...' sabay isip nilang tatlo, 'hindi ko alam kung bobó, o walang utak.'Tumango-tango si Lorie, mistulang nanalo pa sa debate. May lumitaw na panghahamak sa kanyang mukha habang muling tumingin kay Richard."May

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 148: VIP Card

    Nagkatinginan ang dalawang guwardiya. Kinuha ng isa ang card ni Richard, tiningnan ito—at halos mapaatras."Sir…" nanginginig ang boses ng gwardiya. "Pasensya na po, Sir. Akala po namin—"Hindi na niya natapos ang sasabihin.Biglang inagaw ng sales lady ang card mula sa kamay ng gwardiya. Tiningnan niya ito, kumunot ang noo, at pagkatapos ay ngumisi nang nakakaloko."Ano 'to? Arcade card?" sabay tawa nang malakas. "May pangalan pa talaga? May logo pa? Diyos ko, ngayon lang ako nakakita ng ganitong ka-level ng drama!"Tumango-tango siya habang pinaglalaruan ang card sa daliri, mistulang props lang.'Baka isa 'to sa mga promo cards sa game center sa ilalim ng Gold Prime Enterprises?' sabay irap. "Nagkamali ka yata ng pinuntahan, kuya. Ang arcade doon oh, second floor ng mall sa tapat! Baka gusto mong bumili ng villa gamit 'to pagkatapos mong mag-laro ng Time Crisis at mag-ipon ng tickets?"Tumawa siyang muli, nag-iisa lang sa tawa.Nagkatinginan ang dalawang gwardiya—malinaw sa kanila k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status