Home / Romance / Contract Marriage with Mr. Impotent / Chapter 88: Magandang Regalo

Share

Chapter 88: Magandang Regalo

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-06-11 12:08:59

Habang binabagtas nila ang daan patungong Everest Corporation, tahimik lang si Richard habang seryosong nagmamaneho. Sa tabi niya, si Fae ay nakaupo sa passenger seat, tangan ang kanyang bag sa kandungan.

Medyo awkward ang atmosphere. Walang nagsasalita. Tanging tunog ng makina at mga sasakyang dumaraan ang maririnig.

Hindi na kinaya ni Fae ang katahimikan.

"Richard..." tawag niya sa mababang tinig.

"Hmm?" sagot ng lalaki, hindi inaalis ang paningin sa daan.

"Anong nangyari kagabi?" tanong niya, dahan-dahan at may halong kaba. "Naalala ko lang na umalis tayo… nang dumating si Mr. Gold… pagkatapos nun, wala na. Blanko na. Wala akong maalala."

Saglit na natigilan si Richard.

Napatingin siya saglit sa rearview mirror bago ibinalik ang tingin sa daan.

Bumalik sa isip niya ang eksena kagabi… ang mahigpit na yakap ni Fae… ang halik… ang init ng labi nito… at kung paano siya halos mawalan ng kontrol.

Hindi niya napigilang mapangiti.

Napakunot-noo si Fae. Nagtaka. Napatingin kay Richard at na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 94: Clash of Queens

    Napalingon si Fae at Lexa.Ang pumasok ay si Jane, kasabay si Nina, parehong nakataas ang kilay at kitang-kita ang malisyosong ngisi.Lumakad silang dalawa palapit, diretso sa tapat nina Fae at Lexa, habang nakasandal sa balikat ni Jane ang kanyang Gucci handbag, tila ba isang Queen Bee na handang manlamon ng karibal."Nakakatawa talaga. HR Director nga, pero ang asawa… driver?" mapanuyang bulong ni Jane, pero siniguradong maririnig ng lahat."Anong masama sa driver?" sabat ni Lexa, hindi nagpatumpik-tumpik. "Mas masahol pa nga 'yung mga nagmamagaling na mataas ang posisyon pero mababa ang pag-iisip."Napangisi si Jane. "Lexa, this doesn't concern you.""Excuse me? Concern ako kapag binabastos ang kaibigan ko.""Binabastos?" kunot-noong sambit ni Jane. "I'm just stating facts. You can wear all the branded clothes and sit on an executive chair but if your husband is a driver, that still makes you… how do I say this politely? Cheap."Napamura sa isip si Lexa. Tumayo ito at tumapat kay J

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 93: Coffee Break Confessions

    Everest Corporation – HR Department LobbyKatatapos lang ayusin ni Fae ang ilang ulat at dokumentong kailangang maipasa para sa linggo. Dahil wala na siyang urgent na trabaho, nagpasya muna siyang bumaba sa lobby ng HR para magpahinga.Nagtimpla siya ng kape, kinuha ang kanyang telepono, at naupo sa isang sulok malapit sa glass wall. Tulad ng nakasanayan, nag-scroll siya sa balita habang umiinom ng mainit na kape.Ngunit agad niyang napatigil ang pag-inom.Headline: "White Group of Companies, unti-unting nalulugi — White Cosmetics isa sa mga pinakamalaking apektado."Natulala si Fae. Napako ang tingin niya sa screen. Parang may humigop ng hangin sa dibdib niya.Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman.Malungkot ba siya? Masaya? Galit? Wala?Naghalo-halo ang emosyon. Alam niyang bahagi siya ng pamilyang iyon — ngunit hindi siya kailanman itinuring na tunay na bahagi nito."Napabuntong-hininga siya. Malalim. Matagal. Halos bitin."Karma na ba ito? O hustisya? O simpleng pagbagsak

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 92: Weight of Choices

    "B-bilhin mo ang White Cosmetics?" ulit ni Henry, hindi pa rin makapaniwala."Bakit?" tanong niya nang makahinga na.Tumayo si Richard at lumapit sa isang painting sa pader, tinitigan iyon habang nagsasalita."Simple lang." Aniya. "Nalaman ko na ang ina ni Fae ang nagtatag ng White Cosmetics. Dapat sana'y ipapamana ito sa anak niya." Humarap siya pabalik kay Henry, seryoso ang mukha."Ayoko lang na ang negosyong ito—na bunga ng pawis, talino, at pangarap ng nanay ni Fae—ay tuluyang bumagsak sa kamay ng mga hindi karapat-dapat."Napalunok si Henry. Napabuntong-hininga ito at bahagyang yumuko."Mukhang naimbestigahan mo nang mabuti si Fae," mahinang sambit niya.Hindi sumagot si Richard, ngunit ngumiti siya—isang kumpiyansang ngiti na lalong nagpapabigat sa presensya niya."Magkano ang handa mong bayaran?" tanong ni Henry, gusto pa rin niyang isipin na hawak niya pa rin ang huling baraha.Umupo muli si Richard sa sofa, kinuha ang tasa ng tsaa at saglit na humigop."Base sa current marke

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 91: The Fall of White

    BADUM!Parang may pumitik na mahigpit sa dibdib ni Henry. Natigilan. Parang may pumigil sa kanyang paghinga."Siguro naman," dagdag ni Richard, "pamilyar ka kung sino si Bernard Gold."Tila bumagal ang oras. Nagbago ang mukha ni Henry—mula sa matapang, naging maputla, at pinagpapawisan. Hindi siya makapaniwala."I-Impossible…" bulong niya, halos hindi makagalaw. Pero ang lahat ay nagkakabit—ang hitsura, kilos, pananalita. Ang bawat detalye ni Richard ay sumisigaw ng "elite.""M-Mr. G-Gold…" nauutal na sambit ni Henry."Paano?" halos pabulong. "Paano mo nakilala ang anak kong si Fae?"Ngumisi si Richard. Mabagal. Matipid. Puno ng lalim."Anak mo?" ulit niya, tila hindi makapaniwala. "Hindi ko maalala na tinuring mong anak si Fae matapos ang lahat ng nangyari sa nakaraan."Umayos siya ng upo, umliyad sa sofa, inirelax ang likod, pero nanatili ang bagsik sa mga mata.Napalunok si Henry. Dati'y matikas ang tindig, ngayon ay parang tutàng humarap sa leon. Nagbago ang kanyang disposisyon, b

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 90: The Driver's Secret

    Si Richard ay nakatayo sa bungad ng pinto, isang kamay ay nakapamulsa, habang ang kabilang kamay ay maluwag na nakalaylay. Sa likod niya, lumitaw si Kevin, nakasuot ng sleek na itim na suit, astig na inayos ang kanyang tie bago pinadaan ang kamay sa buhok na tila bagong gupit.Pak! Isang cinematic na transition habang sabay silang naglakad papasok—parang eksena sa pelikula. Tumahimik ang buong sala. Nanlaki ang mata ni Glenda habang si Geraldine ay bahagyang napaatras.Diretso lang si Richard, kalmadong umupo sa isang mamahaling sofa, habang si Kevin ay nanatiling nakatayo sa likuran niya, parang personal bodyguard.Pagkaupo niya, may malutong na tunog."SQUEEEK!!" — isang rubber chicken!Tila walang emosyon, kinuha ni Richard ang manika, tiningnan ito saglit, saka itinuro si Henry gamit ang ulo ng rubber chicken."Mr. White," kalmado niyang sambit. "Kailangan kitang makausap.""Sino ka?" simangot ni Henry, halatang nairita sa eksena. Ngayon lang niya nakita ang lalaki.Pero bago pa s

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 89: That Driver

    White Villa – Main HallMatigas ang tunog ng baston ni Henry White sa marmol na sahig habang galit na galit siyang naglalakad pabalik-balik sa harap ng nakayukong mag-ina—Glenda at Geraldine—habang nanginginig ang kanyang kamay na hawak ang tablet, kung saan makikita pa rin ang viral scandal video."Ito ang pinagsimulan ng pagbagsak ng pangalan ng White!" sigaw ni Henry habang pinapalo ang lamesa gamit ang kanyang baston. "Dahil sa kahihiyang 'to, isa-isang umatras ang investors! Pati mga loyal na kliyente natin, nagsimulang maglipatan! Ano'ng ginawa n'yo ha?!"Napapikit si Geraldine, habang si Glenda ay nanginginig na sa hiya at inis, pilit pinipigil ang galit na gustong isigaw pabalik."Hindi ko maintindihan kung saan ako nagkamali sa inyo," patuloy ni Henry. "Sa lahat ng ginawa ko, sa lahat ng binigay ko—ganito ang isusukli ninyo?!""Hindi lang naman kami ang may kasalanan!" singhal ni Glenda bigla, hindi na nakapigil.Napataas ang kilay ni Henry. "Ano?!"Tiningnan siya ni Glenda n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status