Share

Chapter 89: That Driver

Penulis: Author W
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-12 09:58:49

White Villa – Main Hall

Matigas ang tunog ng baston ni Henry White sa marmol na sahig habang galit na galit siyang naglalakad pabalik-balik sa harap ng nakayukong mag-ina—Glenda at Geraldine—habang nanginginig ang kanyang kamay na hawak ang tablet, kung saan makikita pa rin ang viral scandal video.

"Ito ang pinagsimulan ng pagbagsak ng pangalan ng White!" sigaw ni Henry habang pinapalo ang lamesa gamit ang kanyang baston. "Dahil sa kahihiyang 'to, isa-isang umatras ang investors! Pati mga loyal na kliyente natin, nagsimulang maglipatan! Ano'ng ginawa n'yo ha?!"

Napapikit si Geraldine, habang si Glenda ay nanginginig na sa hiya at inis, pilit pinipigil ang galit na gustong isigaw pabalik.

"Hindi ko maintindihan kung saan ako nagkamali sa inyo," patuloy ni Henry. "Sa lahat ng ginawa ko, sa lahat ng binigay ko—ganito ang isusukli ninyo?!"

"Hindi lang naman kami ang may kasalanan!" singhal ni Glenda bigla, hindi na nakapigil.

Napataas ang kilay ni Henry. "Ano?!"

Tiningnan siya ni Glenda n
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 217: Shoe Fetish

    Napansin din ni Richard ang sapatos at agad kumunot ang noo. Lumapit ang isa sa mga tauhan para ibigay iyon sa kanya, ngunit bago pa man niya maabot, nauna si Fae at kinuha ito, mahigpit ang pagkakahawak na para bang may personal na bigat ang bagay na iyon."Boss," biglang sabi ni Kevin habang papalapit, bahagyang nakangisi para basagin ang tensyon, "bakit parang hilig na hilig ng kabilang partido na sapatos ang ginagamit? Nauna yong kay mama ni Fae sa hospital, tapos ngayon naman dito… baka naman may shoe fetish 'yung taong 'yon?"Walang tumawa.Tumingin lang si Richard kay Kevin na para bang sinasabi sa mga mata niya, hindi ito panahon para magbiro. Pero kahit ganoon, napansin ni Fae na bahagyang lumuwag ang bigat sa hangin kahit sandali."Kung fetish man 'yan," malamig na sagot ni Richard, "mas delikado—ibig sabihin, mas personal ang koneksyon niya sa atin.""Personal… at malapit," dagdag ni Bernard, mabigat ang tinig habang tinitingna

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 216: Mahabang Gabi

    "Ah! Oo… naalala ko na… pumunta pala ako kanina," sabay pakita ni Fae ng pilit na ngiti, pilit pinapaniwala ang kanyang ina.Napansin ni Marcela ang kakaibang ekspresyon ng anak, at dahan-dahan nitong hinawakan ang kamay ni Fae."Anak, mukhang pagod ka at stress, kaya hindi mo maalala. Umuwi ka na muna at magpahinga, anong oras na rin."Bumuntong-hininga si Fae, alam niyang wala siyang magagawa. Hindi rin makakabuti sa kanyang ina kung sasabihin niya ang totoo—na may banta sa paligid at kailangang mag-ingat. Alam niyang lalo lang mababalisa at mag-aalala si Marcela kapag nalaman ito.Ngumiti siya at tumango. "Magpahinga ka na rin po, Ma."Matapos ang ilang palitan ng salita, nagpaalam ang grupo at iniwan si Marcela sa loob habang lumabas sila ng ward.Pagdating sa kotse, hindi mapalagay si Fae. Malinaw na totoo ang hinala nila—may nagpapanggap talaga bilang siya, at may lakas ng loob pang bumisita sa kanyang ina, maagang inaayos ang sitwasyon para magmukhang normal ang lahat.At sa la

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 215: Doppelganger

    Pero pagpasok niya, huminto siya sa gitna ng kwarto—naguluhan, nalito, at bahagyang napahinga nang maluwag.Ayos lang si Marcela. Nakaupo sa gilid ng kama, may hawak na maliit na bola, at dahan-dahang iniunat ang mga braso. Sa harap niya, may isang lalaking nakasuot ng puting coat, maayos ang tindig at naka-face mask na nakababa sa baba.Lumingon ang lalaki sa kanya, ngumiti, at bahagyang tumango."Kayo pala si Miss Faerie White," magalang nitong sabi. "Ako si Doctor Garry, vice dean ng hospital. Pinapagawa ko lang ng ilang light exercise ang mama mo para mas umayos ang sirkulasyon ng katawan niya. Kasama ito sa bagong program na inayos ko para sa kanya."Napakurap si Fae, sinusubukang intindihin ang nangyayari. Malamang, kilala niya si Doc Garry."Si… Doc Alvin? Nasaan siya?" tanong niya, hindi pa rin inaalis ang kabang bumabalot sa kanya."Ah," sagot ni Doctor Garry, bahagyang natawa na parang walang mabigat sa sitwasyon. "Umalis muna si Doc Alvin, may ilang bagay na kailangang asik

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 214: Bangungot ni Fae

    May ilang hinala si Richard kung sino ang taong ito, ngunit mahirap magsabi—kung tutuusin, marami silang malalaking kalaban sa negosyo."Base sa mga pangyayari," nagsimula siya, mabigat ang tono, "malamang alam ng kabilang partido na matagal na nating alam ang plano nila… kaya naghanda sila nang mas maaga. Maaaring naka-setup na lahat bago pa tayo makagalaw."Kinuyom niya ang kamao, ramdam ang inis.'Dinadamay pa nila ang biyenan ko at ang asawa ko… at alam nilang mahina si Fae kung may mangyari sa ina niya sa ospital.' naisip niya.Huminga siya nang malalim at tumingin kay Fae."Sa ngayon… kikilos ako na parang walang alam. Ipapaubaya ko sa 'yo ang lahat, Fae. Malinaw, ako ang binabantayan nila. Para sa kanila, ako ang pinakamalaking hadlang… kaya ako lang ang pilit nilang pinipigilan. Hindi nakapagtataka—mukhang nahuhuli tayo sa nalalaman nila… pero hindi nila alam ang ilang bagay."Kasabay ng huling salita ay isang mapanlinlang na ngiti ang gumuhit sa labi ni Richard.Biglang tinaa

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 213: Kilala ko

    Malinaw sa lahat—isang mensahe lang ito. Isang tahasang babala.Nagbabanta sila na sasaktan si Fae o si Marcela kung sakaling makialam si Richard. Ngunit malinaw din sa pagkaka-setup ng eksena na wala silang planong kumilos pa… basta't hindi siya nakikisali.Sa kabutihang palad, wala talagang balak si Richard na sumabak kung hindi kinakailangan. Ngunit isang bagay ang hindi alam ng kalaban—si Fae ang kikilos sa halip na si Richard.Mabilis silang bumalik sa loob ng villa, ang bawat isa ay mas alerto kaysa kanina.Tahimik silang umupo, pinroseso ang nangyari. Napag-usapan nila na isa lamang itong warning at wala talagang intensyon na umatake sa mismong compound… sa ngayon.Bilang pag-iingat, pinatay nila ang lahat ng ilaw sa ground floor at hinila ang mga kurtina. Sa malamlam na liwanag mula sa hallway, nagtungo sila sa mas malalim na parte ng villa—malayo sa mga bintana at posibleng linya ng putok."Sniper ang gumamit nito," malamig na sabi ni Kevin habang sinusuri ang direksyon ng ta

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 212: Banta

    Tahimik si Fae habang nakatingin sa sobre sa kamay ni Richard. Para bang biglang bumigat ang hangin sa sala. Kahit si Kevin, na kanina lang ay puro biro, ay natahimik at nakamasid.Dahan-dahan itong binuksan ni Richard. Una'y ilang pirasong larawan ang bumungad—mga candid shot na halatang kuha mula sa malayo. Nasa mga larawan si Fae… kasama sina Chase, Jane, at Troy, na para bang may pinaplano sa isang pribadong lugar.Napakunot ang noo ni Fae. "Ano 'to? Kailan pa 'to kinuha?"Hindi pa siya natatapos magsalita, nang mahulog mula sa sobre ang isang maliit na USB. Kinuha ito ni Richard at tiningnan, bago ibinaling ang tingin kay Bernard. "Ano 'to, Grandpa?""Buksan mo," maiksi at matatag na sagot ng matanda.Lumapit si Kevin, mabilis na isinaksak ang USB sa laptop na nasa mesa. Ilang segundo lang, at lumabas ang isang video.Ang unang frame—isang malabong CCTV footage sa loob ng isang opisina. Lumapit ang kamera… at malinaw nilang nakita si Chase, nakaupo sa lamesa, nakikipag-usap sa is

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status