Compartilhar

CHAPTER 8

Autor: Anne
last update Data de publicação: 2026-06-06 14:02:35

CHAPTER 8

“At ikaw… ikaw Lucas ang nakikita kong susi para nawala na ang problema ko na ito. Napag usapan na rin namin ito ni Antonette ang tungkol dito at kagaya ko ay nag aalala rin siya para sa anak namin kaya pumayag na rin siya sa gusto kong mangyari. Kaya naman ngayon ay nakikiusap ako sa’yo na sana ay pumayag ka na pakasalan si Athena,” sabi pa ni Timothy kay Lucas.

Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Lucas habang seryoso siyang nakatingin kay Timothy.

“Alam mo n
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 12

    CHAPTER 12Matapos nang pag uusap na iyon ng dalawa ay agad na rin naman na bumalik si Athena sa kanilang silid at halos pabagsak pa nga siyang naupo sa kanilang kama. Isang malalim na buntong hininga pa nga ang pinakawalan ni Athena dahil umaasa siya na sana talaga ay tama ang naging desisyon niya na iyon na pagpayag sa kasunduan na ginawa ni Lucas.Wala naman siyang problema sana kay Lucas dahil kahit naman halos kaedad na ito ng kanyang ama ay hindi maipagkakaila na napakagwapo pa rin nito at hindi mo aakalain na ganon na ang edad nito. Bukod pa roon ay napakayaman din nito at kayang kaya nito na buhayin si Athena dahil isa sa mga kilalang kumpanya ang kumpanya nito. At isa rin sa hinahangaan ngayon ni Athena sa kanyang asawa ay napakahaba ng pasensya nito na kahit sa mismong araw ng kanilang kasal ay minalditahan niya ito ay parang wala lamang ito rito at nagawa pa nga siyang asarin.Sa isipin na iyon ay naipilig na lamang talaga ni Athena ang kanyang ulo dahil baka kung saan pa m

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 11

    CHAPTER 11 “At dahil nga wala naman talagang namamagitan sa ating dalawa at wala ka rin naman talagang nararamdaman para sa akin ay gusto ko sana na bigyan natin ng pagkakataon ang mga sarili natin na matutunang mahalin ang isa’t isa. Alam ko na mahirap ito sa part mo dahil babae ka pero kinasal na rin naman tayong dalawa kaya bakit hindi natin subukan. Malay naman natin sa simula lamang tayo ganito dahil wala talaga tayong relasyon na dalawa pero baka sa paglipas ng mga araw ay matutunan na nating mahalin ang isa’t isa,” sabi pa ni Lucas kay Athena. Bigla namang natigilan si Athena dahil sa sinabi na iyon ni Lucas at maya maya pa ay bigla na lamang itong tumawa ng malakas. “Nagbibiro ka ba, Lucas? Bibigyan natin ng pagkakataon ang sarili natin na mahalin ang isa’t isa? Nahihibang ka na ba talaga?” tatawa tawa pa na sabi ni Athena kay Lucas. “Seryoso ako Athena at hindi ako nakikipagbiruan sa’yo ngayon. At pwede ba makausap ka naman sana ng matino kahit minsan. Kaya kong magpa

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 10

    CHAPTER 10Agad naman na dumiretso si Lucas sa kanyang opisina na nasa loob ng kanyang mansyon. Nanatili lamang din na seryoso ang kanyang mukha dahil hindi niya mapasunod ang kanyang pasaway na asawa kapag hindi nito nakikita na seryoso siya.Ipinagpasalamat naman ni Lucas na sumunod sa kanya si Athena kaya naman agad na niyang kinuha ang isang folder at ipinatong ito sa kanyang lamesa.“A-Ano pa ba ang kailangan nating pag usapan? At isa pa bakit kailangan na dito pa tayo mag usap? Pwede naman na doon na lamang,” tila kinakabahan na tanong ni Athena kay Lucas habang iginagala niya ang paningin niya sa kabuuan ng naturang silid.Hindi naman kaagad nagsalita si Lucas at nanatili lamang siyang seryosong nakatitig kay Athena at kitang kita niya sa mga mata nito na kinakabahan na ito ngayon kaya naman napabuga na lang siya ng hangin sa kanyang bibig at saka siya umayos ng kanyang pagkakaupo.“Ngayon na kasal na tayong dalawa ay dala dala mo na ang apelyido ko kaya naman kailangan nating

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 9

    CHAPTER 9Nang matapos naman ni Lucas ang mga dapat niyang gawin sa kanyang opisina ay nagpasya na rin siya na umuwi ng mansyon. Kanina pa rin kasi talaga siya hindi mapakali dahil iniisip niya kung ano na kaya ang ginagawa ngayon ng kanyang asawa. Nag aalala rin kasi talaga siya na baka lalo itong magalit sa kanya dahil hindi na nga niya nagawang magpaalam pa rito bago siya umalis dahil ayaw naman niyang istorbohin ito sa pagtulog.Pagkarating ni Lucas sa mansyon ay agad na hinanap ng kanyang paningin si Athena pero ang kanyang kasambahay ang nakita niya.“Manang nasaan po si Athena?” agad na tanong ni Lucas kay Manang Linda.“Narito ka na pala hijo,” sabi ni Manang Linda. “Naroon ang asawa mo sa inyong silid. Halos kakaakyat lamang din niya dahil kanina pa siya nasa pool area at may kausap sa kanyang cellphone,” pagpapatuloy pa niya.Isang malalim na bunting hininga naman ang pinakawalan ni Lucas at saka siya dahan dahan na tumango.“Ganon po ba. Kumusta naman po siya habang wala a

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 8

    CHAPTER 8 “At ikaw… ikaw Lucas ang nakikita kong susi para nawala na ang problema ko na ito. Napag usapan na rin namin ito ni Antonette ang tungkol dito at kagaya ko ay nag aalala rin siya para sa anak namin kaya pumayag na rin siya sa gusto kong mangyari. Kaya naman ngayon ay nakikiusap ako sa’yo na sana ay pumayag ka na pakasalan si Athena,” sabi pa ni Timothy kay Lucas. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Lucas habang seryoso siyang nakatingin kay Timothy. “Alam mo na hindi biro ang pagpapakasal dahil oras na makasal kami ay matatali na siya sa akin. At kung pumayag man ako sa gusto mong mangyari ay paano naman si Athena? Mabuti kung pumayag siya sa nais mong mangyari,” sagot ni Lucas. “Ako na ang bahala sa bagay na iyon at alam ko na hindi makakahindi si Athena sa nais kong mangyari. Kaya ang desisyon mo na lamang talaga ang hinihintay ko. Pakiusap… pumayag ka na,” sagot ni Timothy at talagang ipinagdarasal niya na sana ay pumayag si Lucas sa nais niyang

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 7

    CHAPTER 7FLASHBACK……Abalang abala noon si Lucas sa mga papeles na nasa kanyang lamesa ng biglang dumating ang kanyang matalik na kaibigan na si Timothy na mainit ang ulo ng mga oras na iyon.“Ano na naman ang dahilan ng pag init nyang ulo mo?” seryoso na tanong ni Lucas kay Timothy.Huminga naman ng malalim su Timothy at saglit pa niyang ipinikit ang kanyang mga mata para pakalmahin ang kanyang sarili dahil sa totoo lang ay sobrang galit na galit siya ng mga oras na iyon. At nang magmulat na muli siya ng kanyang mga mata ay seryoso siyang napatitig kay Lucas.“Lucas, alam ko na hindi nagkakalayo ang edad natin at sa edad mo na iyan ay wala ka pa ring asawa. Umamin ka nga sa akin… may balak ka pa bang mag asawa? May girlfriend ka ba ngayon?” sunod sunod na tanong ni Timothy kay Lucas.Napakunot naman ang noo ni Lucas dahil sa tanong na iyon ng kanyang kaibigan at napapailing na lang talaga siya dahil pati siya ay nakita nito.“Tsk. Ano bang klaseng tanong yan? Bakit sa akin napunta

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status