Compartilhar

Chapter 3 Fatima Pristina

Autor: Batino
last update Última atualização: 2026-01-21 20:47:49

“Umuwi ka agad, Renna!” sigaw ni Pristina, ang kanyang ina, mula sa may pinto ng bahay. Naka-akimbo ito, hawak ang baywang na parang handang manampal ng realidad. “Huwag kung saan-saan ka na naman pupunta o dinadala ng imagination mo!”

“Opo… opo…” sagot ni Renna, pilit nakangiti habang sinusuot ang delivery bag. “Bakit naman ako mapapadpad kung saan, eh alam ko namang darating talaga ang groom ko.

Huminto siya sandali, sabay ngiting parang bida sa teleserye.“sa panaginip ko.”

“Hay naku!” sabay-sabay na sabi ng dalawang boses.

“Iwan ko sa ’yo, Renna,” sabat ni Rosana, ang matalik niyang kaibigan—at certified kontrabida ng lahat ng pangarap niya. Nakapamaywang ito at naka-roll eyes. “Hanggang ngayon, nananaginip ka pa rin.”

Bigla siyang lumapit at kinatok ang ulo ni Renna.

“Tok!”

“Aray naman!” daing ni Renna, hawak ang ulo na parang napuruhan ang utak ng mga pangarap niya.

“’Wag ka nang umaray diyan,” walang-awang sabi ni Rosana, sabay kuha ng isang delivery bag. “Baka masira pa lalo ang imagination mo.”

Napabuntong-hininga si Renna pero ngumiti pa rin. “Inggit ka lang kasi wala kang groom sa panaginip.”

“Mas gusto ko na ’yon kaysa magising na hinahalikan ko ang maling lalaki,” sagot ni Rosana, sabay lakad palabas.

“HOY!” sigaw ni Renna, sabay habol. “Pwede namang siya na pala talaga ’yon!”

Mula sa loob ng bahay, muling sumigaw si Pristina:

“RENNA! ROSANA! MAG-DELIVER NA KAYO! HINDI PANGARAP ANG BILLS!”

“Opo!” sabay sagot ng dalawa.

Habang naglalakad palabas, bumubulong si Renna, puno ng kumpiyansa at konting kabaliwan.

“Makikita niyo… sa panaginip man o sa totoo.”

Napailing si Rosana.

“Lord, tulungan mo na lang ’tong kaibigan ko.”

Hahahaha… sagot lang ni Rena.

Makalipas ang ilang sandali nakarating na sila sa isang napakalaking kompanya na ang nakalagay sa harapan ay V.Prime Corporation .

Grabe… ang yaman , bongga sana dito ko na makilala ang groome ko, halakhak ni Rena.

Asuming ka naman Rena! Ang aga-aga pa nananaginip ka nanaman. Alam mo… Ang V-Prime Corporation ay isa sa pinakamalalaki at pinakamakapangyarihang conglomerate sa bansa—at sa buong Asia-Pacific. Kaya wag kang mag asume jan okay!

Habang papasok na sila sa loob , bigla niyang nahulog ang ballpen na kakakuha lang niya sa delivery bag niya.

Naku nahulog!”

Nahulog ang ballpen ni Renna Montenegro sa sahig.

Yumuko siya para pulutin iyon—at doon nagsimula ang problema.

May isang pares ng sapatos ang tumigil sa harap niya.

Hindi ordinaryong sapatos. Makintab. Mahal. Yung tipong hindi mo susuotin kung maglalakad ka lang sa sidewalk o bibili ng kape sa kanto.

Unti-unti siyang tumingala.

Una, ang plantsadong slacks.

Sumunod, ang coat na halatang custom-made.

Pag-angat ng tingin niya—natigilan siya.

Hindi.

Hindi puwede. Karugtong ba ito ng panaginip ko kanina?! tanong niya sa sarili.

Panaginip na naman ‘ to, sigurado ako.

Nakatayo sa harap niya si Drickson Valemont.

Parehong mukha. Parehong tindig. Parehong malamig na aura ng lalaking mukhang walang oras sa mundo—at lalong walang oras sa kanya.

Eksakto sa lalaking pinakasalan niya sa panaginip.

“Ah,” bulong ni Renna sa sarili. “Ganito pala ‘pag kulang sa tulog.”

Samantala, si Drickson ay nakatitig lang sa kanya—walang emosyon, pero unti-unting kumunot ang noo.

Dahil may isang bagay na agad niyang napansin.

Isang malaking nunal sa pisngi ng babae.

Tumigil ang mundo niya.

Hindi maaari.

Hindi puwede.

Hindi…

“Hindi ito panaginip,” mahinang sabi niya, halos pabulong. “Impossible.”

Ngumiti si Renna.

Yung ngiting parang sigurado sa sarili—at parang handang ipagpatuloy ang kahit anong eksena.

“Okay,” sabi niya, tumayo nang diretso. “Kung panaginip ka man, Mr. Groom, lubusin na natin.”

Bago pa man makaiwas si Drickson—

Hinawakan ni Renna ang braso niya.

Nanlaki ang mga mata ng bilyonaryo.

“Miss—”

Lumapit pa siya.

Masyadong malapit.

“Alam mo,” bulong ni Renna, seryoso ang mukha, “sa panaginip ko, hindi ka ganito kabagal.”

At saka—hinalikan niya siya.

Direkta. Walang babala. Walang paalam.

Tahimik ang paligid.

Tumigil ang oras.

Tumigil ang utak ni Drickso Valemont.

Hanggang sa—“PROTEKTAHAN SI MR. VALEMONT!”

Si Rosana nagulat sa ginawa ng kaibigan, kahit anong sigaw niya kay Rena ay hindi siya naririnig nito.

Napatingin si Renna sa paligid.

Mga bodyguard.

Totoong sigawan.

Totoong gulo.

Ngunit sa halip na matakot—tumawa siya.

Mahina muna. Tapos mas malakas.

“Ay grabe,” sabi niya habang napapailing. “Ang linaw ng panaginip ko ngayon.”

Napakunot ang noo ni Drickson VALEMONT. “Ano?”

Lumapit si Renna sa kanya, walang kaalam-alam na hawak na siya ng dalawang bodyguard.

“Alam mo,” sabi niya, seryoso ang mukha, “dati hanggang simbahan lang ang panaginip ko. Ngayon may security detail na. Upgrade ka ah.”

“Miss,” mariing sabi ni Drickson, “hindi ito panaginip.”

Tumango si Renna na parang may naiintindihan. “Oo, oo. Ganyan talaga kayo sa dream ko. Laging deny.”

Tiningnan niya ang paligid, saka muling tumingin sa lalaki—mula ulo hanggang paa.

“Pero ikaw,” dagdag niya, sabay turo sa kanya, “ikaw talaga ang pinaka-consistent.”

Lumapit pa siya, walang pakialam sa nagkakagulong bodyguard.

“At saka…” bulong niya, sabay turo sa sariling pisngi, “nandito pa rin yung nunal.

Ibig sabihin, same universe.”

Nanlaki ang mata ni Drickson. “ Anong?!”

Ngumiti si Renna, kontento.

“Okay,” sabi niya. “Kung panaginip pa rin ‘to, susulitin ko na.”

At bago pa man makapagsalita ulit ang bilyonaryo, hinalikan niya siya ulit.

Mas mabilis. Mas diretso. Mas confident.

Nagkagulo ang paligid.

“MR. VALEMONT!”

“ILAYO NIYO SIYA!” sigaw ni Drickson, halos pumutok ang ugat sa leeg.

“SECURITY!”

Mula sa iba’t ibang direksyon, gumalaw ang mga tauhan ng V-Prime Corporation. Mga bodyguard. Mga empleyado. Mga taong hindi bayad para makakita ng ganitong eksena.

Pero si Renna?

Kalmado.

Parang katatapos lang uminom ng tubig.

Matapos ang halik, umatras siya ng isang hakbang—

at pumalakpak pa.

“Ang galing,” masayang sabi niya, may ngiti pang parang satisfied. “May replay ba?”

Hawak ni Drickson ang noo niya.

Hindi dahil sa galit.

Kundi dahil sa isang napakaseryosong realization—

Hindi siya nananaginip.

At ang babaeng ’to?

“BALIW!” sigaw ni Drickson, sabay punas sa labi na parang gusto niyang burahin ang nangyari.

“Anong ginagawa mo, Renna?!” bulong-sigaw ni Rosana, sabay kalabit sa braso niya, halatang gusto nang lamunin ng lupa.

Pero si Renna?

Dedma.

Ngumiti lang siya, tumingin kay Drickson na parang proud sa sarili, at mahinang bumulong:

“Relax ka lang… panaginip lang ’to.”

At doon tuluyang nawala ang huling hibla ng pasensya ng bilyonaryo.

To be continued:

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 24.

    Ang mga kabataan nga naman…” napapailing na sambit ni Madam Krisnha habang sinusundan ng tingin ang dalawang papalayong pigura sa loob ng pekeng beach resort. Makalipas ang ilang sigundo lang narating na nila Renna at Drickson ang mamahaling sasakyan ng mga Valemont. Sa loob ng sasakyan ni Drickson, tahimik na nakaupo si Renna sa passenger seat. Nakatanaw siya sa bintana, bahagyang kumakabog ang dibdib sa hindi maipaliwanag na kaba. Paminsan-minsan ay pasulyap-sulyap siya kay Drickson na seryosong nakatingin sa kanyang cellphone, parang may hinihintay na mahalagang mensahe. Walang imik ang dalawa, tanging ugong ng makina at mahinang tugtog sa radyo ang pumupuno sa katahimikan—isang katahimikang punô ng mga salitang hindi nila masabi. Uhmm…” biglang bumasag si Renna sa katahimikan. “Excuse me— “Shut your mouth. Ayokong makipag-usap sa’yo,” malamig at seryosong putol ni Drickson, hindi man lang lumilingon. Napakunot ang noo ni Renna at napapailing na lamang. Kunwari ka pa,

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 23

    Pagkalabas pa lamang nila ng villa, biglang bumitaw si Drickson sa pagkakahawak niya kay Renna. “Hoy—bitawan mo nga ’yan,” reklamo niya, pilit hinahatak ang kamay. Ngunit imbes na makawala, lalo pa yatang sumikip ang kapit ni Renna. Napabuntong-hininga si Drickson, halatang naiirita—o nagpapanggap lang. “Bitawan mo ang kamay ko,” ulit niya, mas mahina na ang boses. Napangisi si Renna at tinaasan siya ng kilay. “Ha? Bakit ko naman gagawin ’yon?” sabay tingin sa magkadikit pa rin nilang kamay. “Kunwari ka pa. Kung ayaw mo talaga, kanina ka pa nakabitaw.” Natigilan si Drickson, saka umiwas ng tingin. “Marunong ka talagang mambintang,” bulong niya—pero hindi pa rin niya binawi ang kamay niya. Korina,” tawag ni Drickson. “Yes, sir?” mabilis na sagot ng kanyang lady guard. “Ilayo mo nga sa akin ang babaeng ’to,” utos niya, halatang naiirita. Ngunit bago pa makalapit si Korina, biglang napansin ni Renna na palabas na rin ang ina niya—kasama ang mama ni Drickson. Agad nagbag

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 22 Boracay

    Biglang tumahimik ang buong balkonahe nang marinig ang mahinang pagbukas ng pinto mula sa loob ng resort.Isang lalaki ang pumasok.Matangkad. Malapad ang balikat. May presensiyang agad naramdaman ng lahat. Nakasuot ng itim na coat na akmang-akma sa kanyang pangangatawan, at bawat hakbang niya ay may dalang awtoridad at kumpiyansa.Namangha si Renna.Nang magtagpo ang kanilang mga mata—parang may malakas na dagundong ang sumabog sa kanyang dibdib.OH my God!” Siya ba talaga ang magiging asawa ko?! hindi makapaniwalang sambit ni Renna.Nanlaki ang kanyang mga mata hanggang sa halos makalimutan niyang huminga. Napakapit siya sa gilid ng mesa, ang mga daliri’y nanginginig.Siya…Siya nga ang lalaking iyon.Ang lalaking minsan niyang hinalikan sa isang pagkakamaling pagkikita sa isang VICompany.Ang lalaking akala niya’y hindi na niya makikita dahil ikakasal na siya sa ibang lalaki pero hindi pala.Si Drickson.Mas gwapo siya ngayon. Mas matatag ang tindig. Ngunit ang titig niya iyon pa r

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 21

    Ilang oras na ang lumipas mula noong huling nagkita sina Drickson at Renna. Sa isang VIP Room ng Villa Buena Resort, naroon si Drickson kasama ang kanyang pinagkakatiwalaang ladyguard. Tahimik ang silid, tanging mahinang ugong lamang ng aircon ang maririnig. Nakatayo si Drickson sa gitna ng maluwang na espasyo, nakaharap sa malapad na salamin. Mula roon ay tanaw niya ang mga ilaw sa labas—maganda, ngunit hindi sapat para pakalmahin ang bigat na nararamdaman niya sa dibdib. “Korina!” mariin niyang tawag. Agad humarap sa kanya ang ladyguard, tuwid ang tindig at alerto ang mga mata. “Anong balita na?” tanong ni Drickson, mababa ngunit seryoso ang boses. “Nasa venue na ba ang pamilya Montenegro?” Habang nagsasalita, bahagya niyang hinawakan at inayos ang mamahaling relo sa kanyang pulso—isang maliit ngunit halatang kilos ng nerbiyos. May kaba sa kanyang mga mata, ngunit pinilit niyang itago iyon sa likod ng malamig at kontroladong ekspresyon. “Yes, Sir… at kararating l

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 20

    "Anong ibig mong sabihin na darating na ang biyanan?! Nay, hindi naman ako nagpakasal sa sinuman, 'di ba?!" bulalas ni Renna, ang boses niya'y bahagyang ngumiti habang napatingin nang mabilis kay Drickson – parang naghahanap ng kakampi sa mga mata nito. Anong walang pinakasalan baka nakalimutan mong pumirma ka sa contrata na pinaperma sayo ni Madam Krishna nung nagdaang araw?! Sa kabilang linya, rinig na rinig ang pagkapikon ng ina: "Hindi ka ba nakikinig sa akin?! Sinabi ko na nga na wag kang lalayo ehh ,nasaan kanaba at pupuntahan kita ngayon din, dapat hindi kita pinayagang umalis rito mag-isa! Sabi ni Mrs. Valemont, pupunta raw sila ngayon para makilala ka – kasama ang anak niya na kasalukuyang narito na pala, dagdag pa ng ina niya. AKALA KO BA DINNER LANG TAYO NG MGA KAIBIGAN NIYO INAY?! Napamura si Renna ng mahina, napahawak sa kanyang noo habang si Drickson naman ay nakatayo na rin sa tabi niya, mukhang nag-aalala at nagtataka. Basta bumalik kana dito tapus ang usa

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 19

    "Wow! Grabe ang ganda rito – yung puting buhangin na gawa sa sintetikong materyales, mala-asul na tubig na filtered water lang, pero parang talagang nasa tunay na beach!" ngiting-ngiti at hinaplos ang buhangin gamit ang daliri niya habang pinagmamasdan niya ang detalyadong fake beach setup sa isang rooftop ng gusali. "Sayang talaga… dito sana ginanap yung dinner na sinasabi ni Mama. Ang saya sana dito, hindi yung nasa loob ng Resort pero wala namang beach, dito kahit papaano may beach at hindi siksikan at walang hangganan." bumuntong-hininga at tumingin sa paligid – kitang-kita ang mga sistema ng tubig na nagpapanatili ng hitsura ng dagat "Ang hirap na talagang huminga sa mask na 'to," bulong niya habang pinipisil ang gilid ng kanyang surgical mask na basa na sa pawis dahil sa artipisyal na init mula sa mga overhead na lamp. "Siguro pwede na akong mag-alis dito, wala namang masyadong tao eh – baka nga konting tao lang talaga ang nakakaalam sa fake beach na 'to." akmang aalisin na

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status