แชร์

KABANATA 1

ผู้เขียน: Emerald_Griffin
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2021-12-11 10:50:16

KAAGAD na pinagpag ni Magenta ang namuong luha sa kanyang mga mata. Hindi niya gustong umiyak ulit, ang akala niya'y naubos na ang mga luha kagabi ngunit nagkamali siya. Habang nakatingin sa inang nakahiga sa hospital bed nito ay gusto niyang umatungal kagaya ng karaniwan na'y ginagawa niya tuwing gabi sa tuwing siya ay nag-iisa.

Hinawakan niya ang kamay nito at napakagat-labi nang kumislot ito. Kahit natutulog ay ramdam pa rin ng ina ang sakit sa kanyang mga hawak.

Isang buwan na ang nakakaraan nang ma-diagnose ang kanyang ina ng bone cancer at nasa late stage na. Isang gabi ay nakita niya itong namimilipit sa sakit, matagal na pala nitong nararamdaman iyon ngunit hindi sinasabi sa kanya. Nang sabihin nga ng doctor ang resulta ng pag-e-eksamin nito ay hindi agad rumehistro sa kanyang isipan ang mga salitang iyon, nang sa wakas ay maunawaan niya ang salitang cancer ay nasigawan niya ang doctor sa pag-aakalang nagkamali lang ito.

Buong araw siyang umiyak noon subalit pinilit niyang magpakatatag para sa kanilang dalawa. Ang ina na lang ang meron siya simula nang mamatay ang ama ilang taon na ang nakakalipas at hindi niya kakayanin kung pati ito ay kuhanin sa kanya.

Nang makita ang paggitaw ng pawis sa noo nito ay agad niya iyong pununasan habang ingat na ingat upang hindi ito masaktan. Dahil sa cancer sa buto ay palaging masakit ang katawan ng ina na halos hindi niya kayanin kapag nasasaksihan ang pamimilipit nito sa sakit. Kapag naroon siya sa ospital ay pilit nitong tinatakpan ang sakit ng isang ngiti.

Naiintindihan niyang hindi nito gusto na nakikita niya itong nasasaktan. Ganoon na ito noon pa man. Her mother was the best and kindest mother in the world, she did not deserve this adversity.

Pinaypayan niya ito gamit ang karton ng gatas na wala nang laman at ginawang pamaypay. Nasa public ward sila at maraming mga pasyente roon, bukod pa sa mainit ay maingay rin. Wala naman silang pagpipilian dahil hindi nila kayang magbayad ng pribadong silid, maging ang bayad sa biopsy nito ay hindi pa rin nila nababayaran ng buo. Hindi niya sinasabi sa inang si Carol na wala silang sapat na pambayad sa ospital dahil sigurado siyang igigiit nitong umuwi na lang, maging ang pagtigil niya sa pagpasok sa kolehiyo ay hindi niya ipinapaalam dito.

She needed to work and earn money as much as she can. Even if it means she had to work day and night to save her mother, then she would gladly do it in a heartbeat. Her body was tired and weary but her mind was very determined as to what her goal was.

She kissed her mother's forehead gingerly before getting up and went outside the hospital to start earning the money they needed. Her mother was under sedation, she was in severe pain earlier and the doctor sedated her, mamaya pa ito magigising.

Dumiretso siya sa isang salon na pinagtatrabahuan tuwing umaga, sa gabi naman ay isa siyang cashier sa isang convenience store.

"Kumusta si mother earth?" tanong ni Ricky na nagte-therapy sa buhok ng isang customer.

"Gano'n pa rin," ang nahahapo sagot niya sabay lapag ng bag sa rack. Kinuha niya ang flyers na naroon at lumakad palabas upang ibigay iyon sa mga dumadaan.

"Fighting, bakla, kaya mo 'yan," pampalakas ng loob ni Ricky sa kanya na sinegundahan pa ng ibang mga katrabaho.

Nginitian niya ang lahat at nagpasalamat. Kapagkuwan ay tuluyan nang lumabas upang mamigay ng flyers kasama ang isa pang helper sa salon na si Andy.

PINAHIRAN niya ang pawis sa noo gamit ang kaliwang braso. Pagkatapos ay itinali ang lampas balikat na buhok upang mabawasan ang init na nararamdam dahil sa tirik na tirik na araw.

Habang nagpupusod ay aksidenteng nahagip ng kanyang mga mata ang isang babaeng nakatingin sa kanyang direksiyon mula sa loob ng isang coffee shop na nasa kabilang bahagi ng kalsada, at kaharap niya mula sa kanyang kinatatayuan habang nag-aabot ng flyers sa mga dumadaan.

Kanina pa niya napansing tinitingnan siya ng babaeng iyon ngunit binalewala lang niya. The woman looked harmless. Sa tingin niya'y isa itong professional base sa suot na damit na yaong pang-opisina. Kumunot ang kanyang noo bagaman ay iniwas niya ang tingin dito at pumihit papasok sa loob ng salon.

KINABUKASAN ay nagulat siya nang makita ang pamilyar na babae na nagpapatrim ng buhok. Ang babaeng nakatingin sa kanya kahapon habang nasa loob ito ng coffee shop. Nagsalubong ang kanilang mga mata sa salamin, ngumiti ito sa kanya kaya sinuklian niya ito ng ngiti kahit naiilang siya sa tinging ipinupukol nito. Tila siya kinikilatis kung isa ba siyang magandang uri ng karne. She knew that it was ridiculous but she felt something was weird with the woman by the way she stared at her.

Kasalukuyan siyang nag-a-assist kay Ricky na nagre-rebond sa may-ari ng boutique na nakatayo sa tabi ng salon nang lumapit sa kanya ang babae na ipinagtaka niya.

"Can I talk to you?" tanong nito na lalong nagpakunot sa kanyang noo.

Ano naman kaya ang kailangan niya sa akin?

"Pero— "

"Sige na, Jen, kaya ko na rito. Basta ba bumalik ka, ha," ang matinis na sabi ni Ricky.

Tumango si Magenta at sumunod sa babae palabas ng salon. Hindi talaga ito mukhang masamang tao, may class ang mga galaw at ismarte kung kumilos, subalit nakaramdam pa rin siya ng kaba.

Tinawid nila ang kalsada at pumasok sa loob ng coffee shop kung saan niya ito unang nakita kahapon. Ang lamesang nasa isang sulok ang inukopa nito at iminuwestra sa kanya ang katapat na upuan kaya umupo siya roon.

Tumawag ito ng waiter at umorder, tubig lang ang hiningi niya dahil sigurado siyang hindi siya makakakain sa tensiyon na lalo lang lalala kung iinom siya ng kape. Sino ba naman ang hindi matetensiyon kung may kaharap kang isang babaeng ngayon mo lang nakilala at may kailangan sa 'yo?

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Miss Lopez. I want to offer you a job. But first, are you in a relationship with someone?"

Iniling niya ang ulo habang nanatiling nakakunot ang noo. Of course, she hadn't been in a relationship before. It was not because no one had tried to court her, it was her decision not to enter into a relationship until she finished college. "Anong trabaho?"

"I am a secretary of the president of MK Holdings and I am offering you a job, you will be working with the president himself. I know you need money for your mother's treatment and you'll receive half of the money that you needed for the surgery if you sign the one-month contract with him. Four hundred thousand pesos in a month, Miss Magenta Lopez."

Magenta was astounded with the offer and at the same time, disbelief crept through her. Four hundred thousand sa isang buwang kontrata? Kahit na magtrabaho siya ng isang taon o dalawa ay hindi niya kikitain ang halagang iyon. Mahigit four hundred pesos lang ang daily wage sa mga katulad niyang simpleng manggagawa, kung four hundred thousand ang matatanggap niya sa isang buwan mula sa boss nito ay mahigit twelve thousand ang daily wage niya kung kukuwentahin.

Sinong matinong tao ang hindi magdududa sa ganoon kalaking halagang suweldo sa isang buwan? Lalo pa't hindi naman siya nakapagtapos ng kolehiyo, ang tanging maipagmamalaki niya ay ang sipag at katapatan sa trabaho. Puwera na lang kung hilingin nito ang kidney niya ay maniniwala siyang bibigyan nga siya ng ganoon kalaking halaga.

"Anong trabaho at bakit mo ako kilala? Ano ang pangalan mo?" Sa pangalawang pagkakataon ay tinanong niya ito kung anong trabaho ang inaalok nito. Ni hindi nga man lang nito nagawang magpakilala sa kanya una sa lahat.

"Oh, I'm sorry, I'm Suzette and I happened to know your name and your story from your workmate... Anyways, let's talk about the job I'm offering you. You'll be filling the bed of the president for a month, you'll be there when he needs you," Suzette said straightforwardly that bewildered Magenta even more that her mouth fell open. "You see, Miss Lopez, my boss is a healthy male with active needs and I happened to see you yesterday and you're exactly his type. I know he will like you."

"Ano?" usal niya na mahahalata ang galit sa boses. She was also offended by the offer. "Nagbibiro ka ba?" Nang makitang lalo itong sumeryoso ay dumoble ang galit niya. Buong buhay niya'y ngayon lang siya nabastos ng ganito. Mukha ba siyang bayaran para alukin siya nito ng ganoong trabaho? Maybe she looked like a first-class whore to be offered almost half a million in exchange for her body. Magenta smiled bitterly with that thought.

"Aalis na ako kung wala na kayong sasabihin, nakaka-istorbo kayo sa trabaho ko," sabi niya rito gamit ang isang malamig na tono.

Tatayo na sana siya nang pigilan siya nito sa braso. Marahas na muli niyang binalingan si Suzette, she did not bother to hide the contempt in her eyes.

"Sit down, Miss Lopez. I know this is unheard of and you might find it ridiculous and offensive, but I assure you, I didn't mean it to be that way. Look, I admit that I am in haste, I need to hire someone to be his... companion before the weekends. I did not mean to insult your womanhood by offering you this job."

"Hindi lang siya ridiculous and offensive, Miss. It's crazy!"

Bumuntung-hininga si Suzette at isang mapang-unawang ngiti ang ibinigay sa dalagang kaharap. 'Pagkuwan ay inilabas niya ang isang folder mula sa handbag at ibinagay rito. The first time she saw Magenta yesterday, she caught her attention and there was something about Magenta that intrigued her. The spark in her eyes was that of innocence but her lips exuded sensuality. Perhaps she was five feet seven inches tall, not too small, and not too tall for her boss. She was not the bony type not plump either.

Magenta had an hourglass shape, her breasts and buttocks were firm and rounded and her waist was as narrow as the tip of a cone. In short, she was a very attractive lady. Suzette can strangely feel that they will be good friends in the future.

"Everything you need to know is inside. Sleep on it, Miss Lopez, and I hope I'll see you in my office tomorrow. Read the documents and you will know where to find me." Sabay tayo ni Suzette at isinukbit ang bag sa balikat. "I wish your mother good health."

Nang makaalis si Suzette ay malalim na bumuntung-hininga si Magenta upang maalis ang tensiyon sa kanyang dibdib. Natuon ang kanyang mga mata sa folder na nasa kanyang harapan at sandaling pinag-isipan kung kukunin ba iyon. Sa huli ay tumayo siya at dinampot ang folder pagkatapos ay lumabas ng coffee shop at bumalik sa trabaho.

Simula nang makausap niya si Suzette ay hindi na siya makapag-concentrate sa kanyang ginagawa. Kamuntikan pa niyang masunog ang buhok ng isang customer nila. Sa convenience store naman ay lutang ang kanyang isipan kaya napagsabihan siya ng may-ari na naroon nang araw na iyon.

Nang matapos ang kanyang trabaho ay dumiretso siya sa ospital kahit na hapo na siya, hindi lang ang katawan ngunit maging ang kanyang isipan dahil sa hindi maiwasang pag-iisip sa trabahong inaalok sa kanya.

Tulog na si Carol nang madatnan niya ito kaya hindi na niya ito inabala at inukopa ang monoblock chair sa tabi ng kama. Ilang beses siyang napabuntung-hininga habang nakatingin sa inang nakaratay sa kama. Kapagkuwan ay malungkot na napangiti nang makita kung gaano ito kaputla at kahumpak ang pisngi. Hindi na mabakas ang kagandahan nito na maraming humahanga, sa katunayan ay may mga manliligaw ito sa palengkeng pinagbebentahan nito ng isda at ang iba ay dumadalaw pa sa bahay nila.

Noong hindi pa nila alam na maysakit ito ay hindi ganoon kahirap ang naging buhay nila. Naitatawid nila ang pang araw-araw na masaya at magkasama. Nakakapag-aral din siya sa kolehiyo dahil sa pagtitinda nito sa palengke at pagpa-part-time job niya. Ngunit nang lumabas ang diagnosis dito ay nagbago bigla ang takbo ng buhay ni Magenta.

"I love you, 'Ma."

Isang oras ang itinigil niya roon bago lumabas ng ward. Sa halip na umuwi sa kanilang apartment ay umupo siya sa bench sa naroong pasilyo. Tahimik doon dahil madaling araw na at nagpapahinga ang mga pasyente at mga bantay.

Binuksan niya ang kanyang bag at inilabas mula roon ang folder na iniwan ni Suzette. Pinuno niya muna nang hangin ang dibdib bago iyon binuklat. M.K Contract and Agreement. Mataman niyang binasa ang laman niyon ngunit may partikular na kasulatan ang nakakuha ng kanyang pansin.

The contractee must obey these rules and conditions of the contractor. If otherwise, the contract will be terminated.

Sabi doon ay kailangang nasa legal na edad ang contractee. Single, hindi pa nakasal at nagkaanak. Kailangang malusog at walang history ng mga nakakamatay na sakit, partikular na ang HIV AIDS.

Marami pang mga nakasaad doon ngunit isang bagay ang mas napagtuunan niya ng pansin. The contractee must have a sexual experience.

If the contractee failed to meet these rules and if she provides false information about her status, the contract will be deemed invalid and will be terminated instantaneously.

Napalunok siya nang mabasa ng buo ang kontrata. Akala marahil ni Suzette na qualified siya sa trabahong iyon. But there was one rule and condition that she failed to meet.

Marahas niyang ipinilig ang ulo at bumuntung-hininga, pagkatapos ay muling ipinasok ang folder sa loob ng bag. Why did she even bother to read those documents? And she suddenly felt guilty for thinking, in a split moment, that she should accept the job.

Ilang taon na niyang inaalagaan ang sarili sa paniniwalang may tamang taong nakalaan para sa kanya. Iyon ang itinatak ng kanyang mga magulang sa kanyang isipan bata pa lamang siya.

Dignidad lang ang mayroon ng mga kagaya niyang salat sa pera, kung ibibigay niya ang sarili sa taong hindi niya mahal at hindi man lang niya kilala ay parang itinapon na niya ang dignidad na iyon. Iyon lang ang tanging maihahandog niya sa lalaking makakasama niya habang buhay.

Hapo, antok at gulo ang isip na lumabas si Magenta sa ospital at umuwi sa kanilang bahay.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kawawa nman si magenta
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Contract With The Devil   EPILOGO

    NAGISING SI Magenta nang maramdaman ang brasong yumakap sa kanyang katawan."Hmm..." she moaned softly when he gave her shoulder light kisses. "Merry Christmas," he whispered to her ear tenderly. Tumihaya ng higa si Magenta at ikurap-kurap ang namimigat pa niyang mga mata. Kapagkuwan ay banayad siyang ngumiti nang luminaw ang kanyang paningin at makita si Malcolm na nakatingin sa kanya. Tumaas ang kanyang kamay patungo sa ulo nito at masuyong hinaplos ang buhok ni Malcolm patungo sa pisngi nito habang nanatiling magkahugpong ang kanilang mga mata. Her heart was beating too fast, Malcolm was staring at her with too much affection in his eyes. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya masanay-sanay, there were still butterflies fluttering inside her tummy, her veins were racing, her senses were in haywire every time Malcolm was with her."Merry Christmas, Mal," she said while caressing his lips. Napatingin siya sa mga labi nito, she wanted to feel its softness. At hindi siya nabigo dahil

  • Contract With The Devil   KABANATA 52

    "I never had an ideal family. My mother was a typical mother, she loves her children among anything else, but I had a sorry excuse for a father... Marcus."I grew up witnessing him hurting my mother, but I couldn't do anything to stop him. Marcus was insecure, he was proud, arrogant, and he was always paranoid. He was raised by a single mother, a worker at my grandfather's company on my mother's side. Marcus' mother was ambitious, she wanted to marry her son to a wealthy family. He forced Marcus to woo my mother, Marcus did everything to have her, he became obsessive in the process. Years after they got married, Marcus' obsession with her had gotten out of hand. He would suspect every guy that got close to my mother. Particularly Dominic, who had a history with my mother. "Marcus was jealous of Dominic. My grandfather adored Dom than him, Dom was smarter, Dom was more talented. When my grandfather died, Marcus felt victorious when he was finally appointed CEO of the company. And becau

  • Contract With The Devil   KABANATA 51

    "Sit down, Malcolm," utos ni Gail nang akmang tatayo ang binata. She sighed deeply and looked at her nephew sympathetically. "I was with Marcus with his last minutes, Mal. He wanted me to deliver a message to you."Malcolm groaned in disapproval, he didn't want to hear it. "He had Alzheimer's! What message could he possibly want you to tell me when he couldn't remember me! When he couldn't remember what he did to my mother! To my whole family! I loathe him, Gail! He should have suffered in his last moment because of the crime he had committed to my family, but he couldn't remember a thing! He couldn't remember!" Malcolm burst. His voice raised in anger.Umiling si Gail nang marinig ang outburst ng pamangkin. Naiintindihan niya kung bakit ito nagagalit sa pagka-alala sa ama, ngunit kailangan niyang sabihin ang mga salitang gustong iparating ni Marcus dito. "No, Mal. He remembered. Marcus hadn't completely forgotten everything he did, there

  • Contract With The Devil   KABANATA 50

    TUMIHAYA NG HIGA si Malcolm nang maalimpungatan. Hindi niya agad napansin na nasa dulo na siya ng kama kaya nahulog siya sa sahig. "Shit!" he muttered an oath crispily as he felt the pain in his back, but it was nothing compare to the throbbing of his head. Sumandig siya sa kama at mariing napapikit habang pinapahupa ang pananakit ng kanyang ulo dahil sa hangover. Nang ituwid niya ang mga binti at may matamaang kung anong bagay ay nagmulat siya ng mga mata subalit matindi pa rin ang pagkakunot ng noo at pagtatagis ng mga bagang. The hangover was hellish. Sinipa niya ang bote ng alak na wala nang laman at agad na gumulong patungo sa mga iba pa. He groaned, seeing how many empty bottles were on the floor, they were evidence that he had drunk last night to oblivion. Pinilit niyang tumayo para lang muling mapasalampak ng higa ng pahalang sa kanyang kama. His body was too heavy to move, at ang ulo niya ay para bang minamartilyo. That was the wo

  • Contract With The Devil   KABANATA 49

    Inabot ni Suzette ang kamay ni Magenta at pinisil ang palad nito. Alam niya ang gusto nitong sabihin kahit na hindi nito naituloy iyon. Some feelings were just too strong to let go anNatatd forget."I know I am in no position to give you advice, after all, I am the reason why this is happening... No, Jen," mabilis na pigil ni Suzette kay Magenta na akmang kukuntrahin naman ang kanyang sinabi kasabay ng kanyang pag-iling. "We can't deny the fact that I played a big role in everything that had happened and happening right now. The moment I met you, I felt that you were all that Malcolm needed. And I wasn't wrong, you changed him, Jen, you changed everything in his life. You might not believe this, but I saw Malcolm smile genuinely for the first time since the day I met him again. He was inside his office then, holding a photograph while smiling, and later I found out that it was your fake wedding picture. He had kept one in his wallet. And when you left, the

  • Contract With The Devil   KABANATA 48

    SHE CAN REMEMBER. She can remember everything now after hearing Rebecca's story, who does not know that she had temporary amnesia.From curling on top of Malcolm's bed while pulling her hair to lessen the throbbing of her head because of her memories that came back in a flash of lightning, she stopped from squirming and smiled weakly at Rose when she noticed her near the door frame. Rose was looking at her with confusion."C-come here..." she said weakly and urged her daughter to come closer.When Rose climbed on top of the bed, she embraced her tightly as her tears started to flow like waters that escaped a dam. Rose tried to struggle free, but Magenta did not let her. She doesn't want her daughter to see how messed up she is.God, how could she forget her? They've been separated for almost a week, Rose must have been devastated during those times that she was not there with her side. How dare Malcolm do that to her? To them!

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status