Pumasok siya sa isang karenderya upang lamnan ang kanyang kumakalam na sikmura. Pagkatapos ay nagpalakad-lakad ng walang tiyak na direksiyon upang magtanggal ang stress sa katawan.
Nakatingin siya sa daan kaya hindi niya nakita ang isang taong palabas ng isang first class na restaurant. Bumangga siya rito kaya napahawak siya sa kanyag noo na tumama sa braso nito at humingi ng paumanhin. Wala naman itong sinabi at nagpatuloy sa paglakad habang may kausap sa telepono. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at nagtuloy-tuloy sa paglakad, likod na lang nito ang nakikita niya.
Parang may sariling isip ang kanyang mga paa na natigil sa paglalakad at napako ang mga mata sa likuran nito. Malapad ang likod nito na humuhulma sa three-piece suit na suot. His thighs were emphasized with the pants he's wearing. Makintab na makintab ang kanyang sapatos na pati alikabok ay mahihiyang dumapo.
Napasinghap si Magenta nang makita ang pasimpleng paglapit ng isang lalaking nakasumbrero sa mataas na lalaking pinagmamasdan niya at hinablot ang cellphone nito. Agad na tumakbo paalis ang snatcher at hindi na siya nag-isip pa't hinabol ito.
Mukhang alam naman ng snatcher na may humahabol rito kaya lalong binilisan ang pagtakbo. Ngunit hindi papatalo si Magenta na naging miyembro ng track and field team noong elementary at high school na siyang dahilan kung bakit siya nakakakuha ng scholarship.
Pakiramdam niya ay hindi niya ito maabutan sa mga taong dumadaan kaya hinawakan niya ang kanyang bag at tinanggal mula sa pagkakasukbit sa kanyang balikat. Mabilis siyang tumigil sa pagtakbo at hinagis ang bag sa snatcher.
Hindi niya maiwasang hindi mapasinghap nang masapol sa ulo ang snatcher at padapang bumagsak sa sementadong side walk. Hindi na ito nakahanap nang pagkakataon na makatakas dahil agad na lumapit ang isang lalaking vendor at pinigilan ito.
Hinihingal na lumapit si Magenta sa mga ito at kinuha sa kamay ng snatcher ang cellphone. Kapagkuwan ay umalis din naman siya agad na muling bumalik sa pinanggalingan.
Agad niyang nakita ang lalaking may-ari ng cellphone na nakasandal sa hood ng sasakyan at nakalagay ang dalawang braso sa ibabaw ng malapad na d****b.
Pinigilan ni Magenta ang pag-awang ng kanyang mga labi sa pagkamangha habang pinagmamasdan ito. May suot itong salamin sa mga mata na kulay itim ngunit hindi naitago niyon ang itsura nito na magpapahanga mapababae man o lalaki.
"Heto," aniya nang makalapit dito sabay abot ng cellphone. Napalunok siya nang hindi nito iyon agad tinanggap at hayaang tinitigan ang kanyang mukha na ramdam niya kahit na may salamin ito sa mga mata. Hindi siya nag-iwas ng tingin kahit na matindi ang pagkailang na nararamdaman.
Wala sa loob na nakagat ni Magenta ang kanyang pang-ibabang labi nang sa wakas ay kuhanin nito ang cellphone mula sa kanya at bahagyang sumayad ang kanyang balat dito. Nakatingin pa rin siya!
Mabilis siyang tumalikod upang makaiwas dito nang umalingawngaw sa kanyang tainga ang malalim at malamig nitong boses.
"Wait."
Kunot noong nilinga ni Magenta ang lalaki na tinungo ang pinto ng sasakyan at binuksan. May kinuha ito mula sa loob at muling lumapit sa kanya. Nagtatakang tinitigan niya ang ilang libong iniabot nito.
"Take it."
"Para saan?"
"For bringing my phone back," he explained plainly.
Iniling ni Magenta ang ulo bilang pagtanggi.
"Take it!" ulit nito gamit ang maawtoridad at mariing boses na nagpapitlag kay Magenta. Nataranta siya at wala sa loob na inabot ang pera. Huli na nang mapagtanto ang ginawa dahil nakatalikod na ito sa kanya at dahil malalaki ang mga biyas ay mabilis na nakapasok sa sasakyan at pinaandar paalis.
Magenta's eyes followed the car with disbelief. Ang kabang naramdaman kanina habang kaharap ang lalaki ay napalitan ng galit.
"Hindi ko kailangan ng pera mo! Gago!"
"KAILANGAN ba talaga 'to?" tanong niya kay Suzette. Mula sa pagtingin ng mga damit ay binalingan siya nito kaya nagsalubong ang kanilang mga mata sa malaking salaming nasa kanyang harapan.
"Yes. Now here, try these," sabi nito at inabot sa kanya ang panibagong pares ng damit at sapatos.
Napabuntung-hininga na lamang si Magenta at tinanggap iyon. Hindi niya na mabilang kung pang-ilang damit na iyon na ipinasuot sa kanya ni Suzette. Kaninang umaga ay tinawagan siya nito upang makipagkita sa kanya sa loob ng mall. At ngayon nga ay nandoon pa rin sila, sa tantiya niya ay magtatatlong oras na silang naroon. Ang sabi ni Suzette sa kanya ay kailangan niyang magbihis para presentable siya sa harap ni Mr. Peters.
Sa totoo lang ay pinipigilan niya lang ang sarili na tumakbo paalis at magtago. Hindi niya pa nakikita ang Mr. Peters na boss ni Suzette. Ni hindi niya alam kung ilang taon na ito, kinakabahan siya at natatakot sa posibilidad na isa itong matandang hukbalan. Kasi kung bata pa siya at walang asawa ay makakakuha naman siguro siya ng babae nang walang inilalabas na malaking pera. Nakahiyaan niya na ring magtanong kay Suzette kaya kinikimkim niya na lang ang alalahaning iyon.
Pagkasuot sa damit at sapatos na ibinigay ni Suzette ay agad siyang lumabas at tiningnan ang sarili sa salamin. Napatingin siya kay Suzette nang marinig niya itong pumalakpak. Nakahinga siya nang maluwag dahil sa wakas ay nagustuhan na nito ang suot niya.
"Perfect! You're too beautiful, Jen."
Napangiti si Magenta hindi lang dahil sa papuring natanggap ngunit maging sa pagbanggit nito sa kanyang palayaw. Hindi siya komportableng tinatawag siya nitong Miss Lopez kaya sinabihan niya ito kaninang Jen na lang ang itawag sa akin.
Muli tinitigan ni Magenta ang kabuuan sa salamin at lihim na sumang-ayon sa sinabi ni Suzette. Hindi naman siya ipokrita at itatanging bagay sa kanya ang damit. Maraming beses niya na ring narinig ang salita ng mga papuri sa patungkol sa kanyang pisikal na anyo noon.
Ang mga nakakakilala sa kanila ng kanyang ina ay sinasabing magkamukha sila at sang-ayon siya ro'n. Dito niya namana ang itsura niya, tanging kulay lang ang hindi sila magkapareha. Maputi ang kanyang ina dahil isang Briton ang ama nito na hindi man lang nito nakita at nakilala kailanman. Siya naman ay nagmana ang kulay ng balat sa namayapang ama na purong Pilipino.
Simple ngunit maganda ang damit na ipinasuot sa kanya ni Suzette, lahat naman yata nang pinasukat nito ay maganda pero iyon ang pinakagusto niya. Kulay asul iyon, hanggang sa ibabaw ng kanyang tuhod ang haba at mababa ang manggas, korteng V ang neckline ngunit hindi ganoon kababa. Malamig sa balat ang tela niyon at napakalambot.
"Let's go."
Tumango siya kay Suzette at sumunod rito palabas. Napatingin siya sa paperbags na hawak nito at nangunot ang noo.
"Ano 'yan? Tulungan na kita." Kinuha niya ang ilang bags mula rito dahil marami-rami rin iyon. Hindi naman nito alintana ngunit gusto ko pa ring tumulong.
"These are yours."
"Ha?" Nangunot ang noo ni Magenta sa isinagot nito at sinilip ang laman ng isang bag. Ang laman niyon ay damit na sinukat niya kanina. Sinilip niya ang isa pa at ganoon din. "Hindi ko matatanggap 'to. Ang mamahal nila, Su, at hindi ko naman masusuot ang mga 'to."
Suzette waved her hand dismissively. "Trust me, you will need these clothes. And don't mind the price, Jen, ni hindi mababawasan ang kayamanan ni boss kahit one percent man lang."
"Ganoon siya kayaman?" tanong niya na hindi mapigilan ang pagkamangha. Ang hindi niya maintindihan ay kung ganoon ito kayaman ay bakit kailangan pa nitong magbayad ng makakasiping sa loob ng isang buwan. Kung marami siyang pera, kahit na hindi siya kaguwapuhan ay kusang lalapit ang mga babae sa kanya.
Dahil do'n ay nagsisimulang mapukaw ang kuryosidad ni Magenta sa lalaking hindi pa niya nakikita at nakikilala. Gusto niyang malaman kung bakit. Noong tinanong niya naman si Suzette ang sabi nito'y si Mr. Peters lang ang nakakaalam ng dahilan nito.
Akala niya'y tapos na sila sa loob ng mal dahil nananakit na ang kanyang mga paa kakalakad. Dalawang pulgada lang ang haba ng takong ng sapatos na suot niya pero dahil hindi sanay ay madaling sumakit ang kanyang mga paa. Dinala siya ni Suzette sa isang beauty parlor na may puwesto sa loob ng mall at pinaayos ang kanyang buhok. Pinakulot nito ang dulo ng kanyang buhok na ilang pulgada ang haba mula sa kanyang mga balikat. Pati ang kanyang mga kuko sa kamay at paa ay pinalinis at pinakulayan ng pula.
Isang buntung-hininga ang kanyang pinakawalan at tumayo nang matapos ang pag-aayos sa kanya. Nasiyahan naman si Suzette sa naging resulta at muli siyang hinila, sa pagkakataong iyon ay palabas na ng mall at patungo sa parking lot na lihim niyang ipinagpapasalamat.
Hinimas niya ang binti na nananakit nang sa wakas ay makaupo na sa passenger's seat. Si Suzette ang nagmamaneho patungo sa MK Holdings. Madali silang nakarating doon dahil hindi ganoon katraffic.
"Are you nervous?" tanong ni Suzette nang nasa loob na sila ng elevator at paakyat sa ikasampung palapag.
"Sino ba ang hindi kakabahan?" aniya sa sarkastikong tinig. Hindi lang basta kaba ang nararamdaman niya ng oras na iyon, parang sasabog na ang kanyang d****b.
"You can do it, Jen, I know you can," pampalakas loob ni Suzette kay Magenta.
Magenta appreciated Suzette's sincerity and her trust in her. She may not say it aloud but Magenta was thankful for Suzette's presence, somehow, she managed to make everything a lot bearable for her.
"Salamat," wika niya sa mahina at sinserong boses.
"Mabait naman si boss, well hindi ganoon kabait. But if you can keep up with his mood then it'll be a lot easier to deal with him. Just don't do things that he didn't like."
"Tulad ng?"
"Don't touch him, don't talk to him until he permitted you to do so. He doesn't like it if someone is too touchy or has too many questions. Do everything he says and you're good."
Napatango-tango si Magenta at tinandaan ang lahat nang sinabi ni Suzette. Nang makarating sa ikasampung palapag ay nilagpasan nila ang opisina ni Suzette at tinungo ang silid sa dulo ng hallway. Walang ibang tao sa palapag na iyon bukod sa kanilang dalawa.
"This is the conference room. Take a seat, Jen. This is connected to Mr. Peters' office, he will enter using that door." Sabay turo nito sa isang pinto. "Kayo lang dalawa ang mag-uusap at hindi na ako babalik paglabas ko, good luck."
Sinundan niya ng tingin si Suzette na lumabas at pinuno ng hangin ang kanyang d****b nang mawala ito sa kanyang paningin bago umupo sa isa sa mga upuang naroon na nakapalipot sa mahabang mesa. Pinagsalikop ang mga kamay sa kanyang kandungan at sunod sunod na hininga ang pinakawalan upang pakalmahin ang sarili.
Nandito ka na, Magenta, hindi ka na puwedeng umalis. Para kay Mama. Pagpapalakas loob niya sa sarili.
Napatingin siya sa direksiyon ng nakasaradong pinto na nakakonekta sa opisina ni Mr. Peters nang marinig ang mahinang click doon kasabay nang pagyakap niya sa kanyang katawan dahil sa lamig.
Literal na nahigit ni Magenta ang kanyang hininga nang unti-unti bumukas ang pinto at ilang sandali pa ay tumambad sa kanya ang isang lalaking nagmamay-ari ng isang pares ng mahahabang biyas. Nang masilayan niya ang makintab nitong sapatos ay may isang ala-alang nagpupumilit na pumasok sa kanyang isipan subalit hindi niya malinaw na mapangalanan kung ano iyon.
Naglakbay pataas ang kanyang mga mata. Pataas sa mga braso nitong unang tingin pa lang ay alam niyang kaya siya nitong buhatin buhatin ng walang kahirap-hirap at itapon sa labas kung sakali mang gagawa siya ng mga bagay na hindi nito gusto. Mabalahibo iyon at may mumunting ugat na maaninag dahil marahil batak sa ehersisyo ang katawan ng may-ari.
When Magenta's eyes landed on his face she gasped in surprise and jolted on her seat and her mouth fell open. Kung hindi niya napigilan ang sarili ay bumulalas na siya sa pagkamangha nang makilala niya ito. He doesn't wear his dark shades this time but Magenta was certain that he was the man she encountered yesterday. The man who insulted her by giving her money!
NAGISING SI Magenta nang maramdaman ang brasong yumakap sa kanyang katawan."Hmm..." she moaned softly when he gave her shoulder light kisses. "Merry Christmas," he whispered to her ear tenderly. Tumihaya ng higa si Magenta at ikurap-kurap ang namimigat pa niyang mga mata. Kapagkuwan ay banayad siyang ngumiti nang luminaw ang kanyang paningin at makita si Malcolm na nakatingin sa kanya. Tumaas ang kanyang kamay patungo sa ulo nito at masuyong hinaplos ang buhok ni Malcolm patungo sa pisngi nito habang nanatiling magkahugpong ang kanilang mga mata. Her heart was beating too fast, Malcolm was staring at her with too much affection in his eyes. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya masanay-sanay, there were still butterflies fluttering inside her tummy, her veins were racing, her senses were in haywire every time Malcolm was with her."Merry Christmas, Mal," she said while caressing his lips. Napatingin siya sa mga labi nito, she wanted to feel its softness. At hindi siya nabigo dahil
"I never had an ideal family. My mother was a typical mother, she loves her children among anything else, but I had a sorry excuse for a father... Marcus."I grew up witnessing him hurting my mother, but I couldn't do anything to stop him. Marcus was insecure, he was proud, arrogant, and he was always paranoid. He was raised by a single mother, a worker at my grandfather's company on my mother's side. Marcus' mother was ambitious, she wanted to marry her son to a wealthy family. He forced Marcus to woo my mother, Marcus did everything to have her, he became obsessive in the process. Years after they got married, Marcus' obsession with her had gotten out of hand. He would suspect every guy that got close to my mother. Particularly Dominic, who had a history with my mother. "Marcus was jealous of Dominic. My grandfather adored Dom than him, Dom was smarter, Dom was more talented. When my grandfather died, Marcus felt victorious when he was finally appointed CEO of the company. And becau
"Sit down, Malcolm," utos ni Gail nang akmang tatayo ang binata. She sighed deeply and looked at her nephew sympathetically. "I was with Marcus with his last minutes, Mal. He wanted me to deliver a message to you."Malcolm groaned in disapproval, he didn't want to hear it. "He had Alzheimer's! What message could he possibly want you to tell me when he couldn't remember me! When he couldn't remember what he did to my mother! To my whole family! I loathe him, Gail! He should have suffered in his last moment because of the crime he had committed to my family, but he couldn't remember a thing! He couldn't remember!" Malcolm burst. His voice raised in anger.Umiling si Gail nang marinig ang outburst ng pamangkin. Naiintindihan niya kung bakit ito nagagalit sa pagka-alala sa ama, ngunit kailangan niyang sabihin ang mga salitang gustong iparating ni Marcus dito. "No, Mal. He remembered. Marcus hadn't completely forgotten everything he did, there
TUMIHAYA NG HIGA si Malcolm nang maalimpungatan. Hindi niya agad napansin na nasa dulo na siya ng kama kaya nahulog siya sa sahig. "Shit!" he muttered an oath crispily as he felt the pain in his back, but it was nothing compare to the throbbing of his head. Sumandig siya sa kama at mariing napapikit habang pinapahupa ang pananakit ng kanyang ulo dahil sa hangover. Nang ituwid niya ang mga binti at may matamaang kung anong bagay ay nagmulat siya ng mga mata subalit matindi pa rin ang pagkakunot ng noo at pagtatagis ng mga bagang. The hangover was hellish. Sinipa niya ang bote ng alak na wala nang laman at agad na gumulong patungo sa mga iba pa. He groaned, seeing how many empty bottles were on the floor, they were evidence that he had drunk last night to oblivion. Pinilit niyang tumayo para lang muling mapasalampak ng higa ng pahalang sa kanyang kama. His body was too heavy to move, at ang ulo niya ay para bang minamartilyo. That was the wo
Inabot ni Suzette ang kamay ni Magenta at pinisil ang palad nito. Alam niya ang gusto nitong sabihin kahit na hindi nito naituloy iyon. Some feelings were just too strong to let go anNatatd forget."I know I am in no position to give you advice, after all, I am the reason why this is happening... No, Jen," mabilis na pigil ni Suzette kay Magenta na akmang kukuntrahin naman ang kanyang sinabi kasabay ng kanyang pag-iling. "We can't deny the fact that I played a big role in everything that had happened and happening right now. The moment I met you, I felt that you were all that Malcolm needed. And I wasn't wrong, you changed him, Jen, you changed everything in his life. You might not believe this, but I saw Malcolm smile genuinely for the first time since the day I met him again. He was inside his office then, holding a photograph while smiling, and later I found out that it was your fake wedding picture. He had kept one in his wallet. And when you left, the
SHE CAN REMEMBER. She can remember everything now after hearing Rebecca's story, who does not know that she had temporary amnesia.From curling on top of Malcolm's bed while pulling her hair to lessen the throbbing of her head because of her memories that came back in a flash of lightning, she stopped from squirming and smiled weakly at Rose when she noticed her near the door frame. Rose was looking at her with confusion."C-come here..." she said weakly and urged her daughter to come closer.When Rose climbed on top of the bed, she embraced her tightly as her tears started to flow like waters that escaped a dam. Rose tried to struggle free, but Magenta did not let her. She doesn't want her daughter to see how messed up she is.God, how could she forget her? They've been separated for almost a week, Rose must have been devastated during those times that she was not there with her side. How dare Malcolm do that to her? To them!