Share

Kabanata 5

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2024-05-30 20:11:29

Sarina

Isang Linggo na kaming nagsasama ni Maximus pero hindi pa rin niya naman ako pinapakialamanan. Medyo nagulat ako dahil kahit na magkatabi kami sa pagtulog ay ni hindi niya ako niyayakap. Naka process na ang aming kasal at hindi ko alam kung nasa matino pa ba siyang pag-iisip o ano. Dahil sa kamanyakan niya ay nahihirapan akong paniwalaang ni hindi niya ako hinahawakan.

Napadala ko na rin kay nanay ang 4 na milyon na pambayad sa utang ni tatay. Kinapalan ko na ang mukha ko at hiningi ko talaga sa kanya, bahala siya kung sa pasko pa niya simulang kunin ang i**t niya, basta ako, kailangan ko na ang pera.

Nasa aming silid kami at binibihisan siya. Actually sabay kaming naligo, ayaw ko sana pero makulit siya kaya hinayaan ko na lang. Akala ko nga ay magsisimula na siyang umisang round eh, pero hindi. “Love,” ang tawag niya sa akin kaya naman tumungo ako sa kanya. “Can you check kung nandiyan na ang driver?’

“Bakit? May lakad ka ba?” ang taka kong tanong. Wala naman kasi siyang sinabi na aalis pala siya. “Gusto mo ba palitan kita ng damit? T-shirt at shorts lang ang suot mo.”

“Okay na ito, sa hospital lang naman ang punta ko.”

“Ha? Bakit hindi mo sinabi agad? Okay ka naman na sa damit mo kaya wait lang at magpapalit ako ng damit para masamahan ka,” ang sagot ko.

“No need, ako na lang mag-isa.”

“Ano? Hindi pwede. Ayaw kong may masabi ang tao na asawa mo ako pero wala akong ginagawa para sayo. Wait lang, mabilis lang ako.” At ayun nga, nagpalit ako ng pantalon at t-shirt na lang din. Kaysa naman kagaya ng suot ko kanina na camisole at maikling shorts lang.

“Let’s go,” ang sabi ko at lumarga na nga kami.

“Sabi ko naman sayo hindi mo na kailangang sumama eh,” ang sabi ni Maximus pagdating namin ng hospital at batiin kami ni Aries na ngiting ngiti. “Nandito naman ang assistant ko,” dagdag pa niya.

“Hayaan mo na, nandito na ako eh. Sana sinabi mo kaninang bago tayo umalis,” ang sagot ko tapos ay ngumiti ako kay Aries.

“Dito ka nalang,” ang sabi na naman ng manyakol ng papasok na kami sa silid ng doktor.

“Bakit?”

“Ayaw kong marinig mo ang sasabihin ng doktor ko.”

“Ano naman kung marinig ko?”

“Ang gusto ko kapag positive na ang result tsaka mo marinig, para maging masaya ka.”

“Anong connect non sa kaligayahan ko?”

“Basta dito ka na lang,” ang sabi niya at tsaka nagpatulak kay Aries papasok sa silid habang naiwan naman ako sa labas. Pero saglit lang ay lumabas na din ang assistant niya.

“Ayaw din po niya ako sa loob eh,” ang sabi niya na ikinatango ko na lang. Bahala siya kung ayaw niyang may kasama. Tatawag naman ang manyak na yon kung sakaling may kailangan siya eh.

Hindi naman nagtagal ay lumabas na ito kasama ang doktor na nakangiting tumingin sa akin, “Kamusta naman ho doc?” ang tanong ko. Tumingin muna ito kay Maximus bago sumagot na may kasamang ubod tamis na ngiti. Ano yon, bakit parang nang-aasar na ewan ang itsura niya?

“Mrs. Lardizabal, okay naman po siya. May alam na rin po akong mga doctors na mag-aasikaso at mag-oopera sa kanya,” ang paliwanag nito, “Pero pakitulungan na lang din po siya in his therapy. Kailangan niyang maglakad lakad at hindi mangyayari iyon kung nakaupo lang siya sa wheelchair niya.”

“Ah, okay po.” ang sagot ko na lang. Tapos ay naramdaman ko ang paghawak ni Maximus sa kamay ko ng tumabi ako sa kanya. Hinayaan ko na lang kasi nga mag-asawa naman kami at iniwan na kami ng doktor niya.

“Sir, babalik na po ako sa office,” sabi ni Aries.

“Okay, don’t forget to send all the documents that I need to look into,” ang sagot naman ng asawa ko. Natawa na lang ako sa loob loob ko dahil, look into talaga? Napailing na lang ako dahil ibang klase din talaga ang confidence ng lalaking ito.

Kasabay pa rin namin si Aries ng magdesisyon na kaming pumunta na sa parking kung saan naghihintay ang driver. Huminto ang elevator na sinasakyan namin sa ground floor at nauna na kaming lumabas ni Maximus habang tulak tulak ko ang wheelchair niya. Si Aries naman ay nasa likuran namin, malapit na kami sa exit door ng may babae kaming nakasalubong na titig na titig sa amo ko, este sa asawa ko pala.

Nagtataka ako kung bakit, kaya naman napahinto ako sa paglakad at tinignan ko rin siya. Hindi mapukaw ang kanyang titig kay Maximus at hindi ko alam ang nararamdaman ko, Magkakilala ba sila? “Love, why did we stop?” ang narinig kong tanong ng asawa ko. Para namang nabuhusan ng malamig na tubig ang babae na tila nagising sa pagkakatulog dahil sa paraan ng pagkakapitlag niya. Tapos ay tumingin ito sa akin tapos kay Maximus ulit. “Love,” sabi niya ulit.

“Ha? Sorry, akala ko ay kakilala ko yung babae,” ang sabi ko tapos ay nagsimula ng lumakad palayo sa amin ang babae. Dahil sa curiosity ko ay nasundan ko pa siya ng tingin. “Sino ba yon, Love? Hindi pa ba tayo aalis?” ang tanong ulit ni Maximus kaya naman napabalik ang atensyon ko sa kanya. Pero bago yon ay napansin kong sinundan din ng tingin ni Aries ang babae. Nagtaka din ako kung bakit parang nanlaki ang mga mata niya ng makita niyang nakatingin ako sa kanya.

“Kilala mo yon?” ang tanong ko sa kanya.

“Ha? Hindi po ma’am,” ang mabilis niyang sabi.

“Sino ba yon?” si Maximus ulit.

“Wala, hindi ko rin kilala. Nakatingin kasi kaya akala ko kilala ko.”

“Kasama mo na ako tumitingin ka pa sa ibang lalaki?” ang tanong niyang akala mo eh nagseselos.

“Babae yung tinitignan ko hindi lalake. Hindi ako kagaya mo no!” ang sabi ko agad tapos ay nagsimula na akong itulak muli ang kanyang wheelchair hanggang sa makarating na kami sa parking lot.

Dumiretso kami ng uwi at isang bagay na hinahangaan ko sa Maximus na ito ay kahit na t-shirt at simpleng walking shorts lang ang suot tapos naka wheelchair na ay talagang pinagtitinginan pa rin siya ng mga kababaihan. Mahirap itong pakawalan dahil siguradong may nakapalibot agad na babae dito.

“Love, love, love!”

“Ano ba yon? Love ka ng love dyan?” ang sabi kong yamot na yamot. Paano ba naman kasing hindi eh magkatabi lang naman kami sa sofa tapos panay tawag. “Hindi mo sabihin kung ano ang kailangan mo.”

“Baka kasi hindi mo ko naririnig,” ang sabi naman niyang nakangisi pa kaya naman inismiran ko na siya.

“Alam mo ba, gusto kong makakita ka na para naman malaman mo kung paano maningkit at manlisik ang mga mata ko dahil sa sobrang pagkaasar ko sayo.”

“Mas gusto kong makakita na para makita ko kung paano umikot yang mga mata mo sa sarap kapag kinakain ko na ang puday mo.”

“Sir!” ang gulat kong sabi.

“Love. Kailan mo masasabi yan sa akin? Akala mo ba ay hindi ko napapansin na hindi mo ako tinatawag? Tandaan mo, may kontrata tayo at naibigay ko na sayo ng buo ang bayad ko kaya dapat mas ganahan kang gampanan ang napagkasunduan natin.”

Shit, kukunin na ba niya ang binayaran niya?

“Sir, Ma’am, magmeryenda na po muna kayo,” ang sabi ng katulong sabay lapag ng juice at donut sa center table.

“Thank you manang,” ang sabi ni Maximus dito. Ako naman ay hindi na lang umimik at kumuha ng donut para kumain.

“Huwag mo akong kalimutan, Love,” ang sabi ng hudyo.

“Aalis na rin po ako, babalik na lang po ako bukas ng umaga,” ang sabi pa ni Manang Lisa.

“Sige po, salamat po sa meryenda,” ang halos magkasabay pa naming sabi ni maximus. At iyon na nga, umalis na si manang at kami na lang mag-asawa ang natira. Binuksan ko ang TV para manood habang kumakain ng bigla kong maramdaman ang paghila sa akin ng asawa ko.

“Ano ba?”

“Kapag ganitong magkatabi tayo, ang gusto ko ay dikit na dikit ka sa akin.”

“At bakit aber?”

“Para makapaglaro ang mga kamay ko,” tapos ay ipinasok niya ang isang kamay niya sa aking t-shirt. Sinagad hanggang sa ilalim ng aking bra kaya naman ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang palad ganun din ang sarap ng laruin ng kanyang daliri ang aking u***g.

“Ohh..” shit, bakit ako napaungol?
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (16)
goodnovel comment avatar
Lalaine Apilado
ganda talaga sana mabasa lko pa
goodnovel comment avatar
Krina Dela Cruz
love kasi ...hindi sir hahahaha ang kulit
goodnovel comment avatar
Junet Espinosa
maganda Ang story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract and Marriage   Kabanata 1567

    Honey Wala na rin akong nagawa. Kahit pa pilitin kong magmatigas, heto at nakaupo ako ngayon sa isa sa maraming upuan sa isang malamig at seryosong silid na matatagpuan sa second floor ng isang security agency. Ang mga dingding ay kulay abo, sterile at walang kahit anong warmth, parang eksaktong re

  • Contract and Marriage   Kabanata 1566

    Honey “I am living my own life now, bakit kailangan nyo pa akong pakialaman?” iritado kong tanong habang nakaupo sa sofa ng condo ko, hawak ang cellphone na parang gusto ko na lang ibato sa pader sa sobrang inis. Kakauwi ko lang mula sa isang exhausting shoot at ang gusto ko lang sana ay peace of m

  • Contract and Marriage   Kabanata 1565

    Napabuntong-hininga ako. “Then he’s almost guaranteed to win the presidency.” “Exactly,” mariing sagot ni Kuya Lualhati, sabay tingin sa akin. “At yan ang mismong dahilan kung bakit siya lumapit sa’kin.” Nanahimik ako sandali, ramdam ko ang bigat ng sinabi niya. Slowly, tumatak sa utak ko ang buon

  • Contract and Marriage   Kabanata 1564

    Chanton Nagpunta kami sa ikalawang palapag ng building na may maluwag na lobby at ilang silid na mukhang pang-seryosong meeting. Ang mga dingding ay may bahaging frosted glass kaya halata mong may tao sa loob, pero hindi mo maaaninag kung sino, very discreet, very professional. Parang bawat sulok n

  • Contract and Marriage   Kabanata 1563

    Nasa Rizal ang headquarters ni Kuya Lualhati, ang lalaking minsang tinulungan kami noong mga panahong nasa panganib ang buhay ng miyembro ng aming pamilya. May asawa na rin siya, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin. Dati siyang carefree, palaban, halos ayaw pa nga sa commitment,

  • Contract and Marriage   Kabanata 1562

    ChantonDalawang linggo na mula nang makabalik kami ni Chandler ng Pilipinas, pero hanggang ngayon parang hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na nandito na talaga kami. Na wala na ang tunog ng sirena sa kampo, wala na ang malamig na barracks, at napalitan na ng ingay ng sariling tahanan, ng amoy ng n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status