Share

Kabanata 6

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2024-06-03 19:59:38

Sarina

Hala, ano itong nararamdaman ko? Ganito ba talaga ang pakiramdam?Hindi naman ako inosente at nakaranas na rin akong maging intimate sa dati kong nobyo hindi nga lang all the way, pero iba ang pakiramdam na ibinibigay sa akin ng kamay ni Maximus. “You were saying, love?” ang tanong niya. Nakapikit na ako dahil sa sensasyong dulot ng [aglalaro ng mga daliri niya pero mabilis kong naidilat ang aking mga mata ng marinig ko ang boses niya.

“Ohh.. ang sarap ng donut ni Manang Lisa.” ang sabi ko na siguradong pulang pula ang mga pisngi ko. Pasalamat na lang ako at hindi niya ako nakikita.

“Yung donut talaga ang masarap?” ang tanong niyang nanunukso habang nakangising nakatingin sa akin. Shit talaga, bakit parang nakikita niya ako kung makangisi siya? Kung hindi ko lang alam sa simula pa lang na bulag ito at pilay ay iisipin kong niloloko lamang ako nito. Kaya lang ay sa mansyon pa lang ay alam na ng mga katulong ang nangyari dito.

“Oo, tikman mo pa oh.” ang sagot ko sabay subo sa kanya ng donut. Pinilit ko talagang isalpak sa bunganga niya dahil nakakaloko na talaga ang pagkakangisi niya.

“L-love n-naman–” ang nabibilaukan pa niyang sabi kasabay ng pagbawi niya sa kamay niyang nawalan na siguro ng ganang maglaro sa mga u***g ko. Kumuha naman ako ng juice dahil baka mategi ito eh konsensya ko pa.

“Oh, inom.” tapos ay itinapat ko sa bibig niya ang baso na mabilis naman niyang tinungga.

“Balak mo ba akong patayin, love?” ang tanong niyang nakakunot ang noo. Tapos ay nakita kong umangat ang kanyang kamay at huli na para makalayo ako sa kanya dahil nahapit na naman niya ako. “Hindi ko nga kinukuha agad ang binayaran ko tapos ganyan ka pa. Don’t tell me wala kang balak na tuparin ang kontrata natin?” ang tanong niya. Nakakainis lang dahil ang lapit lapit ng mukha niya tapos ay inaamoy amoy pa niya ako na naging dahilan para maging conscious ako sa sarili ko.

“H-hindi n-naman k-kita pinagbabawalan ah. Desisyon mo yan, hindi sa akin.” ang sabi ko at nakita ko ng muli ang pagngisi niya. Mukha talaga siyang manyakis kapag ganyan ang asta niya. Pero bakit ganun? Hindi rin siya mukhang nakakadiri at nakakatakot, bagkus ay nakakabasa pa ng panty?

“Sa ngayon, I will only endulge myself with touching you. Gusto kong maangkin ka ng nakikita ko kung gaano ka nasasarapan sa ginagawa ko.”

“K-kung ganon ay kumain ka muna.” sabi ko sabay subo ulit ng donut na kinagat naman niya. Sheesh.. Para na niya akong n*******n dahil sa pagkagat niya sa kinakain ko.

Lumipas pa ang mga araw at nagsimula na rin ang therapy ni Maximus. Nakikita ko kung gaano siya kadesididong makalakad kaya naman masaya ako para sa kanya. At kagaya ng sinabi niya ay nakuntento muna siya sa pasalat salat at pahalik halik. Gwapo naman ito at mabango ang hininga kaya naman tinutugon ko na rin. Isa pa nasa contract namin iyon.

Oo nga at hindi ko siya mahal, pero aminin ko man o hindi ay nasasrapan naman ako sa ginagawa niya. Napaisip tuloy ako kung ganito ba ang pakiramdam ng mga babaeng nagbebenmta ng aliw. Ang pagkakaiba lang kasi namin ay iisang lalaki lang ang nakaka tikim ng alindog ko. Shit, maka alindog wagas eh kagaya nga ng sabi ng manyakol na si Maximus ay flatchested ako.

Nasa hospital kami galing sa check up niya sa eye doctor niya at para na rin mai-schedule na ang kanyang operasyon. Iba talaga kapag mayaman, nagagawa agad agad ang gusto. Pagkatapos ng pag-uusap nila ng doctor niya ay nagpunta naman kami sa therapist niya.

Hindi ko kilala ang therapist, bago siguro. Nung nagtatrabaho kasi ako sa hospital na to ay wala pa siya. Hinayaan ko na lang at pinanood ko na lang ang ginagawa nila. Madalas ko silang makitang nagbubulungan, hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila kaya sa palagay ko nagbubulungan sila. Hindi ako maka marites eh.

“Max, aalis muna ako.” ang paalam ko na ikinalingon nila pareho.

“Where are you going?” ang tanong ng asawa kong mukhang ayaw pumayag.

“Bibili lang ng makakain. Anong gusto mo?” tinanong ko na para naman hindi niya maisip na napaka selfish ko.

“Okay, I’ll have coffee.” ang sagot naman niya tapos ay iniwan ko na sila. Medyo magtatagal pa sila kaya naman kailangan ko ring mag meryenda. Light snack lang dahil gusto ni Maximus na kumain ng marami kapag dinner time.

Papunta na ako ng elevator ng makasalubong ko ang babaeng nakasalubong namin noong unang magpunta kami dito. At kagaya noong una ay nakatingin din siya sa akin na ikinakunot ng aking noo kasi parang ang sama ng tingin niya sa akin. Why? Anong nagawa ko? Nagkibit balikat na lang ako at pumasok na sa kakabukas pa lang na elevator habang nakita kong nagpatuloy naman sa paglakad ang babae. Sino kaya ang pinupuntahan niya dito?

Dahil coffee ang gusto ni Maximus ay sa coffee shop nalang ako nagpunta. Doon na lang din ako namili ng gusto kong kainin kaysa naman maghanap pa ako ng iba. Nang matapos kong matanggap ang aking in-order na inabot ng siyam siyam dahil sa haba ng pila ay mabilis ko ng binalikan ang aking contracted husband.

Pagpasok na pagpasok ko ang therapy room ay kitang kita ko ang paghahalikan ng babaeng nakasalubong ko kanina at ng walang hiyang Maximus kaya naman hindi ko napansin na nabitawan ko ang mga dala ko na nag paigtad sa dalawa.

“Love, did someone come in?” ang tanong ng manyak.

“Sinong love ang tinatawag mo, ako o yang kahalikan mo?” ang tanong ko na kung nakamamatay lang talaga ang tingin ay tumimbuwang na ito.

“Love, kakadating mo lang?” ang takang tanong niya. “Sino ang kasama ko dito?” Sa inis ko ay lumapit ako sa babae at sinampal iyon. Yung masakit para hindi niya makalimutan. Bakit ko ginawa iyon? Hindi ko rin alam. Siguro ay dahil mapagsamantala siya.

“How dare you!” ang galit na sigaw ng babae.

“Wait, Midori, is that you?” ang tanong ulit ni Maximus. At kilala niya ang boses ng babae?

“Yes, it’s me, babe.” ang malambing na sabi pa ng babaeng sakang. Yes, babaeng sakang dahil ngayon ko lang napansin na mukha itong haponesa. “You still remember my voice. I knew you still think of me.” ang dagdag pa nito sabay lapit ulit kay Maximus pero mabilis akong humarang.

“No matter how much he thinks of you, I don’t care,” ang matapang kong sabi sa kanya. “Sa ngayon hanggang pantasya na lang siya sayo dahil asawa ko na siya.” dagdag ko pa.

“What!” ang gulat na tanong ng babaeng sakang. Hangga’t asawa ko si Maximus ay hindi ako papayag na may ibang babaeng aali aligid sa kanya. Hindi ako tanga para magpaka martir. May respeto ako sa sarili ko kaya hindi uubra sa akin ang mga kabit!
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (14)
goodnovel comment avatar
Lalaine Apilado
gusto kong basahin hanggang dulo
goodnovel comment avatar
H i K A B
Woow! Teka lang bulag nga talaga si Max? Kasi kung hindi, intensyonal na ginusto nyang halikan sya ni Midori at kunwaring inakala na si Sarina yun! Hmm
goodnovel comment avatar
Melody Romano
super nakaka excite
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract and Marriage   Kabanata 1722

    HoneyKilig overload talaga ako sa piling ni Chanton. As in sobra. Yung tipong konting lapit lang niya, parang automatic na nagsho-shutdown ang utak ko. Every hour na magkasama kami, pakiramdam ko priceless, parang ayokong sayangin kahit isang segundo. Kahit sa iisang bahay lang kami nakatira at ara

  • Contract and Marriage   Kabanata 1721

    Honey“We need to stop. Kung hindi, baka hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko, baby.” Siya mismo ang kusang tumigil, pero hindi niya ako binitawan. Nanatili akong nakakandong sa kanya, paharap, parang pareho kaming ayaw pang bumitaw kahit malinaw na kailangan na.“You started it,” sabi ko, bahagy

  • Contract and Marriage   Kabanata 1720

    Honey“Hindi ko malalaman kung hindi mo sasabihin sa akin,” dugtong pa niya, mas mababa na ang boses, mas seryoso. Kita ko sa mga mata niya na genuine ang concern. “Be honest with me, okay?” Bahagya siyang yumuko para magpantay ang mga mukha namin. “Ilang araw ka nang ganyan. Simula nung umuwi tayo

  • Contract and Marriage   Kabanata 1719

    HoneyMas okay na ang mood ko ngayon kumpara nung mga nakaraang araw, lalo na at makakasama na namin si Chanton sa clean-up drive. Lowkey excited ako, kahit ayokong aminin.Sa totoo lang, hindi naman talaga aksidente ang lahat. Sinadya ko talaga na banggain siya noon. Calculated move kumbaga para ma

  • Contract and Marriage   Kabanata 1718

    May ilang segundong katahimikan bago muling nagsalita si Honey.“A-are you alone?” tanong niya, bahagyang kinakabahan. “Why don’t you join us?”Tinitigan ko siya nang masinsinan. Hindi lang dahil sa tanong, kundi dahil gusto kong malaman kung totoo ba ’yon. Kung galing ba talaga sa loob niya ang imb

  • Contract and Marriage   Kabanata 1717

    Chanton“If you want to go to the restroom, tell me beforehand,” tinype ko kay Honey, diretso at walang paligoy-ligoy. Sanay na ang mga daliri ko sa ganitong klaseng paalala—automatic na, parang reflex. Napansin kong agad niyang binasa ang message. May seen. Ilang segundo lang ang lumipas bago siya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status