Share

Contract and Marriage
Contract and Marriage
Author: MysterRyght

Kabanata 1

Author: MysterRyght
last update publish date: 2024-05-30 20:09:38

Sarina

“What the–” ang sabi ng amo ko na hindi na rin natuloy matapos kong mabitawan ang dala kong tray ng pagkain niya. Paanong hindi eh madatnan ko ba naman siyang hubo't hubad na nakaupo sa wheelchair niya! “Are you an idiot? How can you be so careless?” ang galit na tanong niya. Nagulat kasi ito dahil sa tunog ng pagkakabasag ng mga baso at pinggang may laman ng pagkain niya.

“Bakit naman ho kasi kayo n*******d?” ang walang gatol ko ding sabi. May tatlong buwan na akong namamasukan sa kanya at talagang napakasungit niya. Kaya nga lang ay talagang matabil ang dila ko at lumalaban ako sa kanya ng sagutan. Maliban naman kasi sa pagsesante sa akin ay wala na itong magagawa pa sa akin dahil maliban sa naka wheelchair na ito ay bulag pa.

“The last time I remember ay kwarto ko ito kaya gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin. Ikaw ang dapat kumakatok muna.”

“Kumatok ho ako.”

“Hinintay mo sanang papasukin kita hindi yung basta ka na lang papasok.”

“Alam mo namang babalik ako para sa pagkain mo. May balak ka palang magpaka totoy mola eh sana hinayaan mo munang matapos ko ang mga dapat kong gawin sayo bago ka nag burlesk dyan.” ang sagot ko din. “O kaya mamayang gabi kapag tulog na ang lahat,” ang sabi ko pa habang nililinis ang mga nabasag. Pinipigilan kong mapatingin sa kanyang pagkalalaki dahil tayong tayo iyon. May diperensya man ang kanyang mga binti eh mukhang aktibo pa rin naman ang kaligayahan at kinabukasan niya. Mukhang nae-exercise niya iyon gamit ang kanyang palad.

“Baka kung makatingin ka sa akin dyan ha at pinagnanasaan mo na ako. Hindi ba dapat ikuha mo ako ng damit kaysa unahin mo yang sahig?” Napakatalas pa ng pandinig aba. Tsaka eh ano naman kung pagnasaan ko siya? Para namang mare-rape ko siya, hmp! Ang damot eh.

“Nakuha mong maghubad mag isa eh di magbihis ka ding mag isa,” ang sagot ko naman.

“O baka naman gusto mong n*******d ako para makita mo ang bura–” hinagis ko na ang damit niya na nakapatong sa kama sa kanya para manahimik na siya. Hindi ko maiwasang ikutan ng mga mata ang amo kong ito, naku.

“Ayan tinakpan ko na kaya manahimik ka na muna dyan at hayaan mong linisan ko itong sahig,” sabi ko pa na naging dahilan para manahimik nga ito. Hindi ko na rin siya tinignan pa at mabilis ko ng ipinagpatuloy ang paglilinis ng carpet. Mahirap na at baka bigla akong maingganyong dakmain ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki pagkatapos ay bigla akong mapakanta ng akin ka na lang… Hay naku, erase! Erase! Erase! Mabilis kong ipinilig ang aking ulo at sakto pagtayo ko mula sa pagkakaluhod ay napatingin ako sa amo ko na nahuli kong nakatingin din sa akin.

Tinitigan ko siya ng husto pero nakailang kurap na ako ay hindi man lang ito kumurap kahit isang beses. Anak ng teteng, bulag siya talaga pero bakit kung makatingin siya ay parang hindi. Ewan ko ba, wala naman akong paki doon dahil maliban sa pag-aamba ko ng suntok sa kanya at mga pag-irap at pandidila habang pinagagalitan niya ako ay wala naman na akong ginawang hindi maganda sa kanya. Well, hindi naman maganda talaga ang pag-aamba at pag-irap ko pero hanggang doon lang iyon. I mean him no harm ika nga.

“Bibihisan ba muna kita bago ko ilabas ang mga basag na gamit na ito oh gusto mong ikuha na kita ng pagkain mo?” ang tanong ko.

“I want to eat first,” ang sabi niyang nakatingin pa rin sa akin ng hindi kumukurap. Napailing na lang ako ulit dahil sa tumatakbo sa isipan ko.

“Okay po, kukuha lang po ako ng pagkain. Pero ikukuha ko muna kayo ng damit nyo at mahirap na,” ang sabi ko dahil mas safe iyon sa palagay ko. Hindi siya umimik at kumuha ako ng panibagong damit. Yung ibinato ko kasi kanina para takpan ang jun jun nya ay pinaghubaran rin niya. “Ito na sir. Kaya nyo naman na po magbihis mag-isa,” tapos ay lumabas na ako ulit ng silid niya.

Si Maximus Lardizabal ay kilalang negosyante sa bansa hindi lang dahil sa kayamanan niya kung hindi dahil na rin sa kanyang angking kakisigan at gandang lalaki. Idagdag pa yung malaking pagkalalaki na kahit na anong gawin kong pag-iwas ng tingin ay talagang hindi ko maiwasang hindi tingnan at pagnasaan.

Kilala siyang playboy, isang katangian niya na hindi ko type. Siguro ay kagaya lang ako ng ibang pangkaraniwang babae na nadadala ng kanyang kaseksihan pero syempre ayaw ko namang mapabilang din sa mga babaeng kinakama lang niya.

Nalaman ko mula sa mga kasambahay na may kasintahan pala ito. Pero bakit ganun? Madalas pa rin siyang makitang kasama ang iba’t ibang babae bago ang aksidente niya? Iyon siguro ang naging dahilan ng pag-iwan sa kanya ng nobya ngayong kailangang kailangan siya nito.

Kaya lang, sana man lang ay hinayaan na muna niya na gumaling ang isang iyon bago niya iniwan para naman hindi siya nagmukhang masama sa paningin ng iba. O kaya naman, iniwanan na sana niya bago pa maaksidente. Hay naku, bakit kasi ang babaero.

Pero ayon din sa naririnig kong usap usapan sa mansyon ay mahal na mahal naman daw ng amo ko ang ex niya. Kaya nga ayaw na sana nitong mabuhay pa raw ng malamang iniwan na siya ng babae at ayaw na ring magpagamot. Ang dami daming pera tapos ayaw magpagamot? Kasi naman, mahal pala bakit nambababae pa? Kahit nung nasa hospital ito ay talagang pinagtitinginan siya ng mga kasamahan kong nurses, gwapo naman kasi talaga. Kaya lang hanggang doon lang iyon, nakuuu.. Ayaw ko na sa podi.

Matapos kong ihandang muli ang kakainin ng magaling na amo ko ay bumalik na ako sa aking silid. Nakita ko pang nagkukwentuhan ang ilang katulong pero hindi ko na muna sila pinansin dahil baka mamaya ay magbunganga na naman yung Maximus na yon.

Kumatok ako bago ko binuksan ang pinto. Nilakasan ko na ng husto dahil baka mamaya ay ako na naman ang sisihin nito. Nasa wheelchair pa rin niya siya at nakataliko sa akin pagpasok ko ng pinto. Hinila ko ang rolling table na siyang ginagamit niya kapag kumakain sa kanyang silid at ipinatong ang tray bago ako lumakad palapit sa kanya para sana tulungan siyang makaupo sa kama.

“Ano yan sir?” ang bulalas ko. Naka t-shirt na siya pero wala pa ring pang ibaba at yung ipinangtakip kong hinubad niyang damit kanina ay hawak hawak niya habang ipinupunas sa kanyang pagkalalaki.

“Buti at sakto ang dating mo, oh,” sabi niya tapos ay itinaas ang kamay nyang may hawak ng t-shirt na iniaabot sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa daks niya tapos ay sa t-shirt niya. “Ano bang ginagawa mo, bakit hindi mo pa kunin ang t-shirt ko?” ang tanong niya na nagpabalik sa ulirat ko.

“Ano ka ba naman sir, tigang na tigang ka na ba at talagang hindi mo na maiwasan mag maryang palad?” ang nanghihilakbo kong sabi. “Tsaka, anong gagawin ko sa t-shirt mo, aber?” ang tanong ko pa.

“Kung gusto mo, isuot mo,” ang sabi din niya.

“Sir puro t***d mo to!” Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya at hindi ko mapigilang pamulahan ng pisngi. Sigurado akong parang makopa na ang mukha ko.

“Bakit kasi nagtatanong ka pa? Kung gusto mong labahan eh di labahan mo, kung gusto mo namang itapon, eh di itapon mo. Nasaan ba ang kukute mo, Sarina?” Kinuha ko na ang t-shirt niya para matapos na ang usapan sabay tapon sa basurahan. Nungkang labhan ko yung t***d niya no! “Shorts ko!” ang sigaw niya ng makalabas ako ng bathroom niya at umiikot ang aking mga mata na pumunta sa walk-in closet para kumuha ng isusuot niya. “Huwag na pala, robe na lang muna at gusto kong maligo pagkatapos kong kumain.”

So ayun, sinuutan ko siya ng robe tapos ay sinimulan ko na rin siyang pakainin. Napansin ko lang na kada susubuan ko siya ay nakikita kong titig na titig siya sa akin na akala mo ay nakikita niya ako. Kakatapos lang niyang uminom ng tubig ng bigla itong magsalita.

“Sarina,” nililigpit ko ang kinainan niya para maibaba ko na sa kitchen ng tawagin niya ako. Tinignan ko siya at ganun pa rin, nakatingin siya sa akin na tila nakikita niya ako dahil magka salubong ang aming mga mata. “I want to fuck you.” dugtong niya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (37)
goodnovel comment avatar
Lalaine Apilado
ganda talaga
goodnovel comment avatar
H i K A B
Mukang di nga bulag si Maximus. Baka hindi rin pilay hehe..
goodnovel comment avatar
Calista Dale
Hindi yan siya bulag susko
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract and Marriage   Kabanata 2311

    Paano kung may nabago na?Paano kung hindi na sila kasing bilis ng dati, kasing tibay, kasing handa sa biglaang panganib?Hindi sila superhero. Tao pa rin sila. Nasasaktan. Napapagod. Pwedeng magkamali.Si Kuya Lualhati naman ang kabaligtaran nila sa paraan ng pakikipaglaban. Hindi kamao ang sandata

  • Contract and Marriage   Kabanata 2310

    Mitch“Ate Honey…” humihikbi kong tawag habang tuluyan na niya akong niyakap, parang hindi na niya hinintay pang tuluyang bumigay ako bago niya ako saluhin.Sa sandaling iyon, lahat ng pilit kong kinukubli—lahat ng takot, pangamba, at pagod ay parang sabay-sabay na bumuhos palabas.Dama ko ang marah

  • Contract and Marriage   Kabanata 2309

    “Maupo ka muna, Mitch…” mahinang sabi ni Ate Honey habang marahan niya akong inaalalayan palapit sa sofa.Hindi ko na tinutulan. Para akong nawalan ng lakas bigla, kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong bumagsak sa upuan na katabi lang din naman ng crib. Magkatabi kaming naupo, pero ramdam kong pa

  • Contract and Marriage   Kabanata 2308

    MitchNarinig ko pa lang ang boses niya, parang may kumalabit na agad sa dibdib ko.“Mitch!” bulalas ni Ate Honey nang makita niya ako matapos niyang buksan ang pintuan.Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Halos tumakbo na ako papasok, dala-dala ang dalawang linggong bigat na parang nakapatong dire

  • Contract and Marriage   Kabanata 2307

    Wala pa rin.Isang oras ang lumipas. Dalawa.At sa bawat minutong nadaragdag, mas bumibigat ang pakiramdam ko.Hindi ito selos. Hindi rin duda.Takot lang.Takot na may nangyaring masama sa taong mahal ko.At sa gitna ng katahimikan ng kwarto, isang bagay lang ang malinaw sa akin—Kahit gaano ako ka

  • Contract and Marriage   Kabanata 2306

    MitchNaging successful ang shooting, iyon mismo ang unang sinabi ni Sir Sol makalipas lamang ang dalawang araw. Kita ko sa mukha niya na hindi iyon simpleng reassurance lang.Hindi siya yung taong basta nagbibigay ng papuri para lang gumaan ang pakiramdam mo. Kapag sinabi niyang maayos ang kinalaba

  • Contract and Marriage   Kabanata 1364

    ChansenHapon na ng tuluyang natapos ang meeting. Ramdam ko pa ‘yung bigat ng pag-uusap namin, pero nang tumingin ako sa oras sa relo ko, automatic kong naisip si Estella. Parang instinct na, parang kahit gaano ka-busy, siya at siya pa rin ang ending ng araw ko.Pagbalik ko sa opisina, dahan-dahan a

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • Contract and Marriage   Kabanata 1385

    ChansenHindi ko talaga matatagalan na nakaupo lang ako rito, habang nakikita ko si Estella na katabi pa si Tristan. Ang lapit nila sa isa’t isa, tapos panay pa ang bulungan. Para bang wala akong silbi. Lalo lang akong nainis, kaya hindi na ako nagdalawang-isip, tumayo ako at diretso akong lumipat s

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • Contract and Marriage   Kabanata 1299

    ChansenAlam kong nangako ako sa kanya na hinding-hindi ko siya pipilitin sa isang bagay na ayaw niya. Pero right now, ang totoo, hindi ko naman plano na lumampas pa sa isang halik. Wala akong balak na palalimin iyon kung hindi niya rin gugustuhin.Respeto. Iyon ang kaya kong ibigay sa kanya, kahit

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • Contract and Marriage   Kabanata 1353

    Chansen “Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong agad ni Kuya Lualhati nang makita ako. Napairap ako nang todo, parang gusto kong ipakita na hindi ko siya feel makita ngayong araw. Siyempre, gaya ng inaasahan, nagtawanan ang buong tropa ng mga kuya ko. Para silang mga high school boys na nakakita ng ba

    last updateLast Updated : 2026-03-30
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status