Mag-log inChandlerPantalon na lang ang natitira kong suot habang tahimik kong pinagmamasdan si Mitch.Hindi man siya nagsasalita, sapat na ang ekspresyon ng mukha niya para maintindihan ko ang tumatakbo sa isip niya. Hindi niya maalis ang tingin sa akin. Mula sa dibdib ko, dahan-dahang bumababa ang mga mata
Ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas na ang p***o, at ang unang bumungad sa akin ay ang lalaking buong araw kong hinihintay."Love."Kasabay ng malambing niyang pagtawag ay ang pamilyar na ngiti na ilang beses nang nagawang pagaanin ang pakiramdam ko.Hindi ko namalayang napangiti rin ako. Para
MitchNagtagal pa ang naging pag-uusap namin ni Mama bago tuluyang natapos ang tawag. Mabuti na lang at kahit paano ay napakalma ko rin siya.Sa umpisa ay halos gusto na niyang isa-isahin ang mga taong nangba-bash sa akin sa social media, pero nang paulit-ulit kong sabihin na kaya ko at wala siyang
Huminga ako nang malalim, saka dahan-dahang inilabas ang hangin na tila ba kasabay noon ang bigat na kanina pa nakadagan sa dibdib ko.Paulit-ulit kong ipinaalala sa sarili ko ang isang bagay.Hindi ko kontrolado ang sasabihin ng ibang tao.Pero kontrolado ko kung paano ako tutugon sa mga iyon.At s
MitchNaging maayos naman ang kabuuan ng livestream.Sa kabila ng mga negatibong komentong paulit-ulit na lumalabas sa chat, nagawa ko pa ring tapusin ang stream nang nakangiti. Pinili kong mag-focus sa laro at sa mga viewers na totoong nandoon para sumuporta sa akin. Hindi ko na rin hinayaang masir
Para akong natauhan.Hindi ko inaasahang makikita ko ang pangalan niya roon.Kanina lang ay sinabi niyang marami pa siyang kailangang i-review na documents.Ibig sabihin...Sa kabila ng pagiging abala niya, naglaan pa rin siya ng oras para buksan ang livestream ko.Hindi ko napigilang mapangiti.Kas
ChandenHinawakan ko ang kamay ni Noelle habang magkatabi kaming nakaupo, nakatingin sa entablado sa unahan kung saan unti-unti nang nagsisimula ang kasiyahan. Pinisil ko nang marahan ang kanyang palad, isang tahimik na paraan para iparamdam sa kaniya na nandito lang ako para sa kanya.Gusto ko ring
Third PersonMainit ang ilaw sa loob ng malawak na event hall. Puno ito ng puting bulaklak, crystal chandeliers, at mga mesa’t upuang may ginto at ivory na palamuti. Sa gitna, isang mahaba at malinis na aisle na may pulbos na rosas na petals ang tila daan papunta sa pangarap.Nasa unahan si Chanden,
Third Person“Bakit? Paanong nangyari?” mariing tanong ni Brando sa kausap sa kabilang linya. Mabilis at sunod-sunod ang ulat na ibinigay sa kanya, at habang nakikinig, unti-unting humigpit ang hawak ng lalaki sa cellphone. Halata sa kanyang mukha ang pagkabigla na agad sinundan ng matinding galit.
ChandenMasayang-masaya ako sa pagbubuntis ni Noelle. Para akong lumulutang sa ulap sa tuwing naiisip ko na sa wakas, magkakaroon na kami ng sarili naming anak. Isang pamilya. Isang maliit na mundong kami lang ang laman.Madalas ko siyang titigan nang palihim habang abala siya sa laptop niya. Minsan







