MasukMalaman kaya nila ang tungkol sa pagpapakasal ni Noelle?
At sa simpleng palitan ng mga salitang iyon, pakiramdam ko ay gumaan ang lahat.Hindi ko man alam kung ano ang eksaktong nangyari sa dinner nila, pero base sa tono niya, wala namang mali. Wala akong naramdamang bigat mula sa kanya, sapat na iyon para sa ngayon.Mas magaan ang pakiramdam ko habang na
Isipin mo, halos kasing edad lang ni Mitch si Honey tapos tatawagin kong ate.“Nasa ikapitong buwan na,” sagot ni Chanton, may halong ngiti habang sinisiguradong maayos ang pagkakalagay ng pagkain sa harap ng asawa niya. “Malapit na.”“Magkakaroon na kami ng baby dito!!” biglang sabat ni Amber, halo
Walang paligoy-ligoy.Walang pagtatago.“Hindi lang naman ako basta lalaki sa buhay niya,” dagdag ko, mas mabagal ang tono. “Boss niya ako. Mas matanda ako. At… alam niyo naman kung anong klaseng pamilya ang meron ako.”Tahimik ulit.Ramdam ko na iniintindi nila.Hindi nila ako pinuputol. Hindi nila
ChandlerDahil wala si Mitch, nagdesisyon akong pumunta sa agency ni Chanton.Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit doon agad ang punta ko, pero siguro dahil iyon ang lugar na alam kong may kakayahang pakalmahin ako o kahit paano, ilihis ang isip ko sa bagay na hindi ko makontrol.Sa totoo lang, kina
MitchParang biglang bumagal ang oras matapos kong bitawan ang mga salitang iyon.“May boyfriend na po ako.”Hindi ko na iyon binawi. Wala na ring dahilan para palambutin pa. Sa mismong sandaling iyon, alam kong wala nang atrasan—kahit gaano pa kabigat ang maaaring kasunod.Tahimik.Iyon ang unang s
Dahil si Chandler… hindi lang basta lalaki sa buhay ko.Amo ko siya.Ipinagkatiwala ako ng mga magulang ko sa kanya—yung taong inaasahan nilang gagabay at mag-aalaga sa akin sa mundong pinasok ko.At ngayon, siya rin yung taong minahal ko.Doon ako natakot.Huminga ako nang malalim, pilit kinakalma
Nakakahiya!“Okay,” sagot ni Mrs. Lardizabal, kalmado at walang bahid ng pagdududa. “Kung ’yon ang gusto mo.”Napatingin siya sa akin at ngumiti, ’yung ngiting hindi mapanghusga, hindi mapagmatyag. ’Yung tipong parang sinasabi, Relax ka lang.Pagkatapos ay bumaling siya sa asawa niya. “Asawa ko, iha
My sons look up to me.Naalala ko kung paano nila ako tignan noon na parang bayani. Madalas nilang sabihin sa akin na gusto rin nilang maging politiko balang araw, gaya ko. Gusto nilang sundan ang yapak ko. At sa isang iglap, ako mismo ang sumira sa pedestal na iyon.Ilang araw ang lumipas matapos a
Parang kusa na lang akong nahulog sa malalim na pag-iisip. Ang daming pwedeng anggulo, pero lahat may kanya-kanyang butas. Walang diretso. Walang malinaw.“Pwede kayang,” biglang sabi ni Kuya, “hindi siya naniniwala na hiwalay na sina Jacob at Honey?”Napatingin ako sa kanya.“At naniniwala si Juan,
“Do you know him?” tanong ko, hindi ko na naitago ang bahagyang pagkainip sa boses ko. Medyo matagal na kasing nakatitig si Sen. Deguia sa larawan, at sa bawat segundong lumilipas, mas tumataas ang tensyon sa loob ng silid.Pero sa halip na pagkilala, pagkalito lang ang bakas sa mukha niya.Napailin







