LOGINAndrea's POV
Pagkatapos akong ayusan ng kaibigan kong si Jandy ay namangha ako sa kinalabasan; ni minsan hindi ako nag-ayos ng ganito sa sarili ko. Light makeup and red lipstick lang at nilugay nito ang mahaba kung buhok pero lumutang parin ang kakaibang anyo ng hitsura ko. Naiilang ako sa suot ko; unang beses itong nangyari sa buhay ko. Panay ang baba ko sa dress na suot ko kasi halos kita na ang hita ko rito. Hanggang sa lumabas na kami ng kaibigan ko, tumatama ang iba't ibang ilaw sa mukha ko na siyang dahilan para makita ng mga tao sa loob ng bar ang hitsura ko, bawat dumadaan ay tumingin sa hitsura ko, at ang iba ay panay ang tingin sa dibdib ko, at meron ding panay tingin sa hita ko. Ang ingay ng loob ng bar ay nagpapalakas lalo ng tibok ng puso ko hanggang sa di ko namalayan hinila na pala ako ng kaibigan ko para umupo sa isang table. Napapalibutan ito ng mga babaeng sa tingin ko mga sasali rin ang mga ito dahil gaya ko nakaayos ang mga ito. Naiilang ako sa mga tingin nila sa akin na parang papatayin ako hanggang bumulong ang kaibigan ko. "Wag kang mailang, hayaan mo silang mainggit sayo," bulong nito na ikinatango ko pero deep inside na tetense na ako. After 10 minutes nag-announce na iyong lalaking host na lahat na sasali ay pupunta sa gitna. Ang kaba ko ay nakakapanlambot ng tuhod, pero isipin ko palang ang sitwasyon ng lolo ko, kailangang gawin ko ito. Biglang lumabas ang fighting spirit ko, kaya bago ako tumayo huminga muna ako ng malalim at inayos ang damit ko at naglakad ng napakaconfident. Kita ko sa peripheral vision ko ang mga mata ng mga taong nakatingin sa akin. "Bahala ka na sa akin, Lord," bulong ko sa sarili ko. Mga nasa 35 kaming nakatayo na mga babaeng kasali, may mestiza, may Chinta, may maitim, may maputi, at may Filipinang Filipina ang ganda. Nagsimula ng mag salita ang iyong host at sinabing magsisimula na ang game dinicuss nito ang rules at ang premyo, kahit sobrang kaba ko pagkarinig ko sa premyo ay biglang nabuhayan ang kaluluwa ko, hanggang sa nagsigawan ang mga tao dahil may isang grupo ang dumating 6 na lalaki ang mga ito, kilala ko iyong iba at ang iba hindi dahil lagi kong nababasa at nakikita ang mukha nila sa diyaryo, kilalang mga business tycoon ang iba sa kanila pero may isang pumukaw ng attention ko ,ang gwapong mukha, mapupulang labi at magandang mga mata nito na nakatingin sa bandang gawi ko ang bigat tumbasan ang tingin niya kaya inilihis ko sa iba ang tingin ko dahil para akong matutunaw sa bawat hagod ng tingin niya sa katawan ko. Nagtawag ng 10 babae ang host at pinapunta sa harapan ng mga lalaking dumating, pero ni isa walang pinili dito. Hindi ako makapaniwala dahil sobrang ganda ng mga babaeng iyon, pero walang napili sa kanila. Hanggang sa nagtawag uli ang host ng 10 babae, at gaya ng nauna, walang napili sa mga ito. 15 nalang kaming natira kaya lumapit na ang host sa amin at ito mismo ang namili, at kasali ako sa mga pinili nito. Parang nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit, dahil kahit hindi ako nakatingin, alam kong sa akin nakatingin ang lalaking kanina ko pa napapansin. Nakayuko lamang ako ng hindi ko napansin ang bultong nasa harapan ko; biglang hinawakan nito ang pulso ko at narinig ko ang katagang. "I choose her," baritonong na boses nito. Nanlalamig ang kamay ko at nanlalambot ang tuhod ko ng madama ko ang init mula sa kamay nito,"shit! ang lambot ng kamay niya" naghiyawan ang mga tao lalo na ang kaibigan ko at doon nagising ang diwa ko na ako ang nanalo.Hawak parin ako nito hanggang hinila papalapit sa dibdib nito at pagtingala ko ang lalaking kaninang parang hubaran ako ng tingin ang siyang pumili sa akin. "Come with me," sabi nito, at namalayan ko nalang na sumusunod ang katawan ko. Habang hilahila ako nito, naamoy ko ang kanyang nakakaakit na pabango. Nakakawala sa katinoan ang amoy nito hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili ko na nasa loob na ako ng mamahaling kotse nito. "Here's the money," Sabi nito sabay lapag sa hita ko. Naputol ata ang dila ko; walang boses na lumalabas sa bibig ko. Nagpatuloy ito sa pagmamaneho hanggang huminto sa isang malaking building na sa tingin ko mayayaman lang ang may karapatang pumasok dito. "Baba," sabi nito. Hindi ko namalayan nasa labas na ito at pinagbuksan ako. "Sa-saan tayo?" Nauutal na sabi ko. "Anong klaseng tanong iyan???" Naiinis na tanong nito habang nakakunot ang noo. "Hi—hindi kasi..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hilahin na ako nito. Hawak pa rin nito ang kamay ko hanggang sa loob ng elevator, at hindi ko alam kung bakit walang salitang lumalabas sa bibig ko; sumusunod lang ang katawan ko sa bawat galaw nito. "Ting," tunog ng elevator ang pumukaw sa isip ko; hudyat ito na dumating na kami sa floor kung saan niya ako dadalhin. Pumasok kami sa isang kwarto; nauna ito at parang pumasok sa banyo. Tuod pa rin akong nakatayo hanggang sa nakalabas ito na nakabathrobe nalang. Naiilang ako sa nakakamatay na tingin nito. "Anong ginagawa mo?" Tanong nito habang nakakunot ang noo, pero kahit ganun ang gwapo pa rin nito. "Si-sir, anong gagawin natin dito?" Parang timang na tanong ko kasi alam ko namang hotel ito. "Ano ba sa tingin mo ang sinalihan mong laro?? Sa tingin mo ba binayaran ka para lang sa wala? Wag kanang magkunwari, alam kong hindi bago sayo ang ganito!" Supladong sabi nito na ikinapantig ng tenga ko. "Kung sa tingin po ninyo ay kaladkarin akong babae nagkakamali po kayo, sumali po ako sa akalang sasamahan ko lang kayo," deretsong paliwanag ko na ikitaas ng kilay nito habang naka-smirk. "Look! Miss!! Naggagaguhan ba tayo dito??" Naiiritang tanong nito. "Wala po akong sinabing naggagaguhan tayo dito..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita ito. "Okay! Name your price???" Nakakainsultong tanong nito. Alam kong mali ang pinasok ko, pero first time kong makarinig ng ganito. Kung hindi lang kailangan ko ng pera, hindi ko gagawin to!. "1 Million??" Tanong ulit nito. Nakakatukso ang hamong sinasabi nito dahil alam kong malaki ang maitutulong nito sa pagpapaopera ng lolo ko at makakapagtapos ako sa perang inaalok nito. "Pumayag ako," tanging salitang namalayan kong lumalabas sa bibig ko. Hindi ko nalang muna siguro iisipin ang sarili ko sa gabing ito, dahil mas kailangan ko ngayon ang perang inaalok nito.Andrea's POV Nakangiting nanood ako sa anak ko habang naglalaro ito sa harap ng bahay namin. Alas singko e medya na ito ng hapun kaya inilabas ko nalang muna si Ronron para naman makalanghap ito ng sariwang hangin. Simula ng lumipat kami dito sa bahay ni Tyron. Minsan nalang nakakalabas ang anak ko lalo na kung andito ang Lola niya. Babadbad sa loob ng bahay si Ronron dahil sa bawat dating ng Lola nito ay may mga dalang iba't iba laruan. Hindi ko man gusto na spoiled nito ang anak ko pero hindi ko naman magawang sawayin si madam chairwoman. Simula ng mag usap kami at humingi ito ng tawad, ay napapansin ko na rin ang pagbabago nito. Hindi na ito gaya ng dating chairwoman na kilala ko na saksakan ng pagkamatapobre. Minsan kapag andito ito sa bahay. Ito ang nagprepresentang magluto at mag alaga kay Ronron. Nag iinsist akong hindi niya dapat gawin yon kasi andito naman ako at may Yaya naman si Ronron. Subalit mapilit ito at patuloy pa rin sa pag aalaga sa apo niya. Na appreciate ko na
Tyron's POV Tulog na tulog si Andrea habang nakasandal ito sa balikat ko. Kasalukuyang pauwi na kami at alam kong pagod na pagod ito dahil sa ginawa namin.Hindi lang isang beses namin ginawa, kundi umabot pa ito anim na beses. Nawawala talaga ako sa kontrol sa sarili ko kapag ito'y nakadikit sa katawan ko. Pakiramdam ko hindi ako makakaget over dito kapag hindi ko makikitang pagod na pagod na ito or ito na mismo ang aayaw na angkinin ko pa ang katawan nito. Walang pinagbago ang nakakabaliw na epekto ni Andrea sa akin. Gaya ng dati, nagwawala ako sa katinoan ko pagdating kay Andrea. "Hmmmm....Ty" Rinig kong ungol nito saka gumalaw at sumiksik lalo sa leeg ko. Yakap yakap ko ito habang natutulog. "Shhhhhh...I'm here baby matulog ka lang hmmm" Malambing na bulong ko at hinalikan ang ulo nito. "Sir, Wala na po kayong bibilhin?" Untag na wika ni Mang Ben. Dahil sa pagod na pagod si Andrea kaya tinawagan ko si Mang Ben at nagpasundo dito. Hindi ko magawang magmaneho habang tulog na t
WARNING SPG ALERT ⚠️ 🔞 Andrea's POV Kasalukayang nasa loob ako ng opisina ni Tyron habang hinihintay ito. Tatlong araw na simula ng mag usap kami ng mommy niya. Simula non, walang araw ding pumupunta ito sa bahay para dalawin si Ronron. Actually kakatawag lang din sa akin ni ate May at nagsabing andon na naman daw ito ngayon. Hindi ko naman ipagdadamot ang anak ko sa kanya dahil alam kong mahal na din siya ng anak ko kaya hinayaan ko nalang ito. "Hi baby?" Bungad na untag ni Tyron sa akin. Kakapasok lang nito sa pintoan habang may mga bitbit na mga folder. Alam Kong kakagaling nito sa boardroom dahil may international clients ito na kameeting. "Baby ko" Masayang sagot ko at tumayo para salubungin ito. Agad na niyakap namin ang isa't isa. Pakiramdam ko na miss ko ito ng sobra kahit kaninang umaga lang namay kasama at nakita ko naman ito. "I miss you" Malambing na saad ko at sumiksik Lalo sa dibdid nito. Sininghot ng sininghot ko ang natural na amoy ng katawan nito. Lately, napapa
Andrea's POV Dahan dahan na papalapit na hahawakan ni Ronron ang mukha ng lola niya. Napakainosente ng mukha ng anak ko. Ngumiti ito sa lola niya sabay haplos sa ang umiiyak na mukha nito. "Ba-bakit po kayo umiiyak??" Magalang na tanong nito. "No-no apo. Masaya lang ang grandma na makita ka" Umiiyak na sagot ng Lola nito matapos marinig ang tanong ng anak ko. Karga karga ito ni Tyron kaya dumako din ang paningin ko dito. Makikitang nagpipigil sa emosyon ang mukha nito habang nanonood din sa mag-Lola. "Ca-can I-" Hindi naituloy ni madam chairwoman ang sasabihin niya ng biglang ibinigay ni Tyron si Ronron dito. At sa moment na nasa bisig na nito si Ronron ay agad nitong niyakap ng mahigpit ang kanyang apo. Hamagulhul na umiiyak ito habang ang anak ko kaya tahimik lang hinahayaan niya ang Lola niya. "Shhh, tahan na po grandma. Sabi ni mommy nakakapangit daw po ang umiiyak" Biglang sabi ng anak ko sa gitna ng matinding pag iyak ng Lola niya. Hindi ko alam kung paano kung pipigil
Andrea's POV "Ronron anak?" Mahinang sambit ko at agad na nilapitan ito. Kinuha ko ito sa mga bisig ni Ate May at kinarga. "Diosko! Totoo ba ito??? Ka-kamukhang kamukha siya ni Tyron??" Nauutal na hindi makapaniwalang tanong ng mommy ni Tyron na naririnig ko. Nakita kong muntik na itong matumba at mabuti nalang nasalo ito ng kanyang dalawang assistant. "Mom? Sino po yan??" Rinig kong inosenting boses ng anak ko. Nakatingin ito sa lola niya tapos bumaling din kalaunan sa akin. Nakikita ko sa mga mata ng anak ko ang curiosity na malaman kung sino ito. Subalit hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya tiningnan ko si Tyron. Papunta ito sa gawi namin, imbes na lapitan nito ang kanyang ina na halos mahimatay na nasa sofa. "A-anak patawarin mo ko" Nauutal na umiiyak na wika ng mommy nito. Sabay kaming napalingon ni Tyron ng marinig ang boses ng mommy niya. Kasalukuyang nakaupo pa rin ito sa sofa at pinapaypayan ng mga assistant niya. "Hi-hindi ko alam anak. Pa-patawarin mo ko
Andrea's POV Kinakabahan na nakadungaw ako sa bintana habang hinihintay si Tyron. Hindi ko alam pero ang lakas ng kutob na pinuntahan nito si Layla dahil sa nangyari kanina. Gusto kong pigilan ito subalit ng makalabas ako mabilis namang nakaalis ang sasakyan nito. "God! Saan ka na ba Ty??" Nag aalalang bulong ko. Alas nuebe na ng gabi kaya labis labis na ang kaba ko. Hindi nito sinasagot ang lahat ng tawag at text ko dahilan para mas lalong magdadagan ang pag aalala ko. "Ma'am okay lang po kayo??" Boses ni Ate May ang naririnig ko. Agad na binalingan ko ito. "Tu-tulong na ba si Ronron ate??" Tanong ko. "Opo,kukuha lang ako ng tubig at babalik na din sa taas" Sagot nito sabay tango sa akin. Nang makaalis si Ate May sakto namang may narinig akong ugong ng sasakyan. Mabilis na lumabas ako ng bahay para tingnan ito. Lakad takbo ang ginawa ko para tuluyang makalabas sa Main door. Nang isang hakbang na lang makakalabas na ako, na natigil naman ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.







