Emerald's POV: Tara, laro. Multu-multuhan. Hahaha.
THIRD POV“Nasaan si Trevor?” tanong agad ni Carlo nang makarating siya sa dining area ng kanilang mansion. Naabutan niya doon si Anna na nakaupo na at hinihintay siya.“Tinawagan ko na siya at ang sabi niya ay mag-oovertime siya sa opisina,” seryosong sagot sa kaniya ng asawa.Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Carlo. Hindi na niya alam kung anong gagawin sa panganay niyang anak. Simula kasi nang mawala ang asawa nito ay hindi na rin nila ito masyadong nakakausap. Lagi lamang itong nasa opisina at bibihira na niyang makita. Noong una ay hinahayaan niya lang muna ito dahil binibigyan niya ito ng panahon para magluksa. Ngunit ngayon ay ikinakabahala na niya ang inaakto ng anak.“Just give him some time, Carlo,” dugtong na sabi ni Anna na nagsimula nang sumandok ng pagkain.“Until when? Hindi siya maaaring maging ganoon habangbuhay,” iiling iling na sabi naman niya.“Mahal na mahal niya si Emerald ngunit makakalimutan din niya ito. Bata pa naman siya kaya paniguradong makaka
THIRD POV“Kuya, sorry kung ngayon lang kami nakauwi ni Lola,” umiiyak na sabi ni Audrey habang mahigpit na nakayakap sa kaniyang kapatid.Natagalan pa bago sila umuwi ng Pilipinas dahil nagkataon na may parating na exam si Audrey kaya kumuha muna siya ng exam bago umuwi. Kasama niya ang kanilang lola sa pag-uwi dahil maski ito ay lubhang naapektuhan sa biglang pagkawala ni Emerald.“Magpahinga na muna kayo dahil paniguradong pagod kayo sa biyahe,” sabi ni Anna sa mag-lola.Agad namang umiling si Lola Mirasol. “Gusto kong puntahan ang apo kong si Emerald. Trevor, samahan mo kami ni Audrey sa kaniya,” maawtoridad na sabi pa nito.Walang emosyong napatango naman si Trevor. Napabuntong hininga naman si Carlo dahil sa iniaakto ng kaniyang anak simula nang mawala si Emerald. Hindi ito nagpapakita ng kahit na anong emosyon at lagi lamang itong tahimik. Hindi naman nito napapabayaan ang TAC ngunit mapapansin pa rin ang biglang pagbabago nito. Halos sa opisina na nga ito tumira at ngayon lang
BRENNA’S POV “Brenna, tama na ‘yan. Lasing ka na,” seryosong sabi sa akin ni Cheska na kanina pa ako pinipigilan sa pag-inom ko. Marahan akong napailing. Tanging ang alak ang sa tingin ko ay kakampi ko ngayon. Hindi ko alam kung paano humantong sa ganito ang buhay ko. Buong akala ko ay magiging maayos na ang lahat sa oras na mawala sa buhay ko si Emerald ngunit tila naging baligtad ang lahat. Lalong lumayo ang loob sa akin ni Papa at parang wala nang pakialam si Mama sa kaniya. Ang tanging mahalaga na lamang kay Mama ay ang kumpanya. Mas lalong hindi ko na rin nalapitan si Trevor. Kung noon ay may malaking harang na pumapagitna sa amin, ngayon naman ay tila may sarili na siyang mundo na mas lalong hindi ko na kayang abutin pa. Mas lalong naging imposible na mapansin niya ako. “Hindi ko alam kung nagce-celebrate ka ba o naghihinagpis,” iiling iling na sabi pa ni Cheska. Mapait akong napangiti. “Kung tutuusin nga ay dapat masaya ako dahil wala na si Emerald. Akala ko makukuha ko na
THIRD POV “Thank you, Trevor,” nakangiting sabi ni Brenna nang makarating silang dalawa sa harap ng bahay ng mga Villafuente. Inabot din ng halos tatlong oras ang pag-uusap nilang dalawa habang umiinom sa bar. Hindi ganoon nalasing si Brenna dahil sinamantala niya ang pagkakataon na makausap ng mahabang oras ang binata. Sa unang pagkakataon ay tila naging open ito sa kaniya na labis niyang ikinatuwa. Hindi rin gaano uminom si Trevor dahil may dala itong sasakyan at nagprisinta pa ito na ihatid siya. Iniwan na lamang ni Brenna ang kaniyang sasakyan sa kaibigan na si Cheska na siyang may-ari ng bar. “Brenna, I don’t want to rush things. Lalo na at kamamatay lang ng asawa ko. Ayokong paasahin ka,” seryosong sabi naman ni Trevor kay Brenna. Marahan namang umiling si Brenna. “Hindi naman ako nagmamadali, Trevor. Ang mahalaga ay kinakausap at pinapansin mo na ako. Siguro naging padalos dalos ako noon sa ‘yo kaya hindi mo ako nagustuhan. But I promise you, I will take it slowly” mabilis
THIRD POV“Really? Masyado namang natutuwa ang kapatid ko sa atensyon na ibinibigay mo,” baritonong sambit ni Emerald matapos na ibaba ni Trevor ang tawag.Bahagya namang napangiti si Trevor. “Hayaan mo na. Mas mabuti nga iyon na pinagkakatiwalaan niya ako,” sagot pa niya.Umirap naman sa kaniya ang asawa at tuluyang ibinaba ang kutsarang hawak. Kasalukuyan kasi silang kumakain dahil halos kakauwi lang ni Trevor sa bahay na pinagtataguan niya kay Emerald.“Hindi pa ba sapat ‘yong ilang oras kayong magkasama sa bar? Ni hindi na nga niya naisip na baka may makakita sa inyo, knowing na bayaw ka niya,” iiling iling na sambit pa ni Emerald.Mas lalo namang napangiti si Trevor. Natutuwa siyang nakikitang naiinis ang asawa dahil sa plano niyang pakikipaglapit sa kapatid nitong si Brenna. Ayaw niyang inisin ang asawa ngunit hindi niya mapigilan na inisin pa ito lalo.“Well, okay naman pala siyang kausap. I mean, hindi siya katulad ng dati na trying hard na magpapansin sa akin.”Padabog na tuma
THIRD POVMasayang masaya si Brenna na umalis ng kanilang bahay dahil pumayag si Trevor na sabay silang mag-almusal. Isasangguni rin kasi niya ang mga kakaibang ikinikilos ng ina nitong mga nakaraang araw. Sasamantalahin niya ang pagkakataon at gagamitin ang dahilan na iyon upang magkaroon sila ng komunikasyon ni Trevor. Hindi rin niya maiwasan ang matuwa sapagkat sa kaniya personal na lumapit ang ina ni Trevor upang bantayan ang binata. Sisiguraduhin niyang mahuhulog na ang loob sa kaniya ni Trevor gaya ng matagal na niyang pinaplano.Nagpa-reserved siya sa isang restaurant upang doon sila magkita ni Trevor. Wala na siyang pakialam kung may makakita mang iba sa kanila. Hindi rin naman tumutol si Trevor tungkol doon na mas lalo niyang ikinatuwa. Pagkarating nga niya doon ay bahagya pa siyang nagulat dahil nandoon na pala si Trevor. Nang makita siya nito ay ngumiti at kumaway pa ito sa kaniya.“Sorry, pinaghintay ba kita?” alanganin niyang tanong sa binata nang makaupo siya.Mabilis nam
THIRD POVDahil sa napag-usapan nilang dalawa ay mabilis na pinuntahan ni Brenna ang kaniyang ina sa opisina nito. Ngayon kasi ay napagtanto niyang tanging si Trevor lang ang makakatulong sa kaniya. Ayaw man niyang maniwala na nagmumulto nga si Emerald ay wala na siyang ibang maisip na ibang dahilan sa mga kakaibang ikinikilos ng ina. Kaya kailangan na niyang makausap ang ina upang kumbinsihin ito na lumapit na sa albularyong nilapitan ni Trevor.Pagkarating niya sa opisina ng ina ay nagulat siya na nandoon ang ina ni Trevor na si Anna. Hindi niya maiwasan na magtaka dahil napapadalas ang pagkikita ng dalawang ginang. Nais niyang matuwa dahil tila nagkakasundo ang dalawa at malaking tulong sa kaniya iyon upang mas mapadali na mapasa-kaniya ang binata. Ngunit taliwas ang iniisip niya sa nararamdaman niya. Hindi siya masaya sa hindi niya malamang dahilan.“Anak, may kailangan ka ba?” gulat na tanong sa kaniya ng ina.Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawang ginang. Ayaw niyang bigya
Sabi nila, masaya ang buhay highschool. Dito mararanasan ang unang tamis ng pag-ibig at ang unang sakit na maaaring idulot nito.“Mahal na mahal kita, Emerald Villafuente.”Napangiti naman si Emerald sa itinuran ng binatang mahigpit ang pagkakahawak sa kaniyang kanang kamay. Lunch break na at nakatambay lamang sila sa gymnasium. Ramdam na ramdam din ni Emerald ang mga tinging ipinupukol sa kanila ng mga estudyante doon. Varsity player at school heartthrob ang kaniyang nobyo na si Trevor John Carter kaya hindi na siya nagtataka kung agaw atensyon sila sa lahat. Sino nga naman kasing mag-aakala na ang isang katulad ni Trevor ang magkakagusto sa isang katulad niya?“Bakit ba pakiramdam ko ay may kasalanan ka, Trev? Kinakabahan ako,” pabirong sabi naman niya.Ngunit sa halip na tumawa ay mas lalong sumeryeso ang mukha ng binata. Kaya unti-unti ring nawala ang mga ngiti ni Emerald at napalitan iyon ng pangamba.“I’m sorry, Emerald,” ang tanging nasabi ni Trevor.Mabilis na binawi ni Emera