Home / Romance / Craving For Love / CHAPTER 166: Salamin

Share

CHAPTER 166: Salamin

Author: Love Reinn
last update Huling Na-update: 2025-08-30 04:30:35

SAMARA POV

“Ang kapal ng mukha—”

“P-Patawad, Ara,” nagkukumahog na na paghingi ng paumanhin sa akin ni Maureen. Halos masubsob ito sa lupa sa pagmamadaling hawakan ang kamay ko. Hindi na nito ininda kung mapaluhod man siya at marumihan ang suot na bestida. Nagsimulang mamasa ng luha ang mga mata niya.

“Alam kong nakakahiyang magpakita pa sa ‘yo, pero hindi ko na kayang kimkimin sa sarili ko ang ginawa ko. Gusto ko nang tuldukan ang lahat,” pagsusumamo niya sa akin sa basag na boses. Nanginginig ang mga kamay niya na tanda ng sinsiredad niya. Para bang kay tagal niyang pinaghandaang makausap ako nang masinsinan.

Medyo malilim kung saan kami naroroon. Malayo sa mga taong nakiramay sa libing ni Daddy. Ngunit alam kong kitang-kita niya ang galit sa mga mata ko. Ang hindi matatawarang poot na dulot ng pagtatraydor niya sa ‘kin.

Ibubuka pa sana niya ang bibig niya pero nauna kong binawi ang dalawa kong kamay. Matalim ko siyang tinitigan saka ako nagsalita.

“Tumayo ka,” mariing utos ko sa k
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Craving For Love   CHAPTER 169: Folder

    MARIUS POVPagkarating sa Institut Curie Hospital, agad akong tumakbo papunta sa Room 302. Wala na akong pakialam kung sino man ang makabangga ko. Kailangan kong makita agad si Jill.No’ng nasa tapat na ako ng kwarto, nadatnan ko si Jack na sobrang nag-aalala habang nakaupo sa labas. Pagkapasok ko sa Room 302, pinapalibutan ng doktor at nurses si Jill na mino-monitor ang kalagayan niya. Matapos gawin ang iilang procedures ay lumabas din ang mga ito. Pinagbilin nila na hayaan ko muna si Jill na magpahinga.Sinuri ko ang kabuuan niya. Namumutla siya at puro pantal ang katawan. Mas malalaki ang mga pasang ito kaysa rati. Palatandaan na seryoso na ang paglala ng sakit niya.“Jill, ayos na ba ang pakiramdam mo? Pinag-alala mo ako,” usisang tanong ko sa kanya at kabado pa rin. Wari'y may bara sa lalamunan ko pero pilit ko ‘yong itinago sa kanya. Awang-awa ako sa itsura niya.Ngumiti siya. “Hindi na nga kita mabigyan ng anak, sakitin pa ako. I'm sorry that I failed our marriage. Hindi kita n

  • Craving For Love   CHAPTER 168: [S2] 8 Years Later

    MARIUS POVParis, France8 years later…Suot ang itim na tuxedo at puting maskara ay bumaba ako sa sasakyan sa tapat ng Hendrix Mansion—ang lugar kung saan pinapaslang ng pamilya Silvestre ang mga taong target namin.Agad akong sinalubong ng mga Veiler na humilera sa matuwid na pagkakatayo upang magbigay galang. Noong isang linggo lang natapos ang training nila sa ilalim ng pamumuno ni Jill. Ngayon ang unang araw nila sa serbisyo."Bonjour, monsieur,” matikas na bati sa akin ng isang French na tauhan.(Translation: Hello, Sir!)Bumaling ako sa kanya. "Vous avez chopé Nicholas?" tanong ko sa maawtoridad na boses.(Translation: Nakuha niyo ba si Nicholas?)Umayos siya ng tindig. "Il est à l'intérieur, Patron. Nos hommes le tiennent,” pag-iimporma niya sa akin.(Translation: Nasa loob, Boss. Hawak ng mga tauhan natin.)Tumango ako at tinapik ang balikat niya. "Bon boulot." (Translation: Good job.)Matapos no’n ay nagdire-diretso na ako sa loob ng mansyon. Sumunod sa akin ang mga Veiler.

  • Craving For Love   CHAPTER 167: Katapusan

    SAMARA POV1 week later…Alas syete ng gabi. Pumuslit ako para makapasok sa Northford University. Pumunta ako sa burol kung saan minsan kaming nangarap ni Marco.‘Girl, sure kang okay ka lang d’yan, ah? Pupuntahan talaga kita kung hindi,’ nag-aalalang sabi ni Candice sa kabilang linya ng telepono.Mahina akong natawa. “Okay nga lang, nandito lang naman ako para magpahangin. Hindi ako tatalon sa bangin,” biro ko sa kanya.‘Hay, sa rami ng nangyari sa buhay mo, worried talaga ako. Talo pa ang rollercoaster. Para kang pinaikot-ikot. Buti at hindi ka nahilo,’ tugon niya sa akin.Tipid akong ngumiti. “At the end of the day, na-realize ko na may rason ang lahat. Mabuti na rin na nawala si Daddy dahil alam kong nahihirapan na siya sa sakit niya. ‘Di ako nakapagtapos ng pag-aaral, pero matututukan ko naman ang paglaki ng anak ko. Baka naging katulong din ako para matuto ng gawaing bahay. May positibo pa rin naman.”‘Ha? Bahala ka nga. Mabuti na lang at ninang ako niyang anak mo. Bibilhan ko s

  • Craving For Love   CHAPTER 166: Salamin

    SAMARA POV“Ang kapal ng mukha—”“P-Patawad, Ara,” nagkukumahog na na paghingi ng paumanhin sa akin ni Maureen. Halos masubsob ito sa lupa sa pagmamadaling hawakan ang kamay ko. Hindi na nito ininda kung mapaluhod man siya at marumihan ang suot na bestida. Nagsimulang mamasa ng luha ang mga mata niya. “Alam kong nakakahiyang magpakita pa sa ‘yo, pero hindi ko na kayang kimkimin sa sarili ko ang ginawa ko. Gusto ko nang tuldukan ang lahat,” pagsusumamo niya sa akin sa basag na boses. Nanginginig ang mga kamay niya na tanda ng sinsiredad niya. Para bang kay tagal niyang pinaghandaang makausap ako nang masinsinan.Medyo malilim kung saan kami naroroon. Malayo sa mga taong nakiramay sa libing ni Daddy. Ngunit alam kong kitang-kita niya ang galit sa mga mata ko. Ang hindi matatawarang poot na dulot ng pagtatraydor niya sa ‘kin.Ibubuka pa sana niya ang bibig niya pero nauna kong binawi ang dalawa kong kamay. Matalim ko siyang tinitigan saka ako nagsalita.“Tumayo ka,” mariing utos ko sa k

  • Craving For Love   CHAPTER 165: Libing

    SAMARA POV Ilang linggo ang lumipas ay tuluyan na ngang nailibing si Daddy. Iilan lang ang dumating dahil sa takot na baka magkagulo ulit na gaya ng nangyari sa grand party. Kahit hindi ito kumalat sa balita ay naipagsabi pa rin ito ng mga bisitang dumalo sa gabing ‘yon. Nagbayad si Lolo Hernan ng private investigators na siyang tumugis sa Veilers. Nahuli ang iilan. Nakatakas ang iba. Hindi pa rin matukoy kung sino ba talaga ang mastermind. Gayunpaman, unti-unting humupa ang issue kaya hindi na tuluyang nagsialisan ang investors ng kompanya. Sa mismong libing din ni Daddy ay itinalaga niya si Tita Olivia bilang bagong CEO ng Licaforte Corporation. Naging Vice Chairman naman si Monica.Walang ari-ariang natira sa akin. Tuluyan akong naging katulong na gaya ng sabi ni Lolo Hernan. Mabilis na kumalat ang balita sa mga kakilala ko at akala ko’y mga totoong kaibigan.Dahil sa kawalan ng suportang pinansyal, napilitan akong huminto sa college at hindi nakasama sa graduation. Nag-proceed n

  • Craving For Love   CHAPTER 164: Paris, France

    MARCO POVParis, France‘Two old friends meet again, wearin' older faces~’Napahinto ako sa pagbabasa sa hawak kong iPad nang marinig ang kanta sa stereo. Sinilip ako ni Jack sa rearview mirror. Makahulugan ang paraan ng pagngiti niya na para bang pinapaalala ang dati naming relasyon ni Ara. Naningkit ang mga mata ko at nagpatay-malisya.Halatang recorded ang pinatugtog niya dahil hindi naman siguro aabot dito sa Paris ang kanta ni Sarah Geronimo. No’ng mapansing medyo na-badtrip ako ay umiling siya at nagpigil ng tawa.Noong dumating ako rito sa France, tuluyan na rin akong bumalik bilang si Shadow Raven. Ako na ulit ang CEO ng Silvestre Business Empire. Tinuloy ko rin ang mga tungkuling naiwan ko rati. Si Jack ang nagsilbi kong kanang kamay. Humalili siya kay Mr. Sanchez na kasalukuyang namamahala ng mga negosyo ng pamilya namin sa Pilipinas. Gano'n pa rin ang turingan naming dalawa subalit naging pormal. Kung minsan ay naninibago siya sa akin pero dinadaan niya na lang sa pagkibi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status