Beranda / Romance / Craving For Love / CHAPTER 165: Libing

Share

CHAPTER 165: Libing

Penulis: Love Reinn
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-11 19:41:55

SAMARA POV

Ilang linggo ang lumipas ay tuluyan na ngang nailibing si Daddy. Iilan lang ang dumating dahil sa takot na baka magkagulo ulit na gaya ng nangyari sa grand party. Kahit hindi ito kumalat sa balita ay naipagsabi pa rin ito ng mga bisitang dumalo sa gabing ‘yon.

Nagbayad si Lolo Hernan ng private investigators na siyang tumugis sa Veilers. Nahuli ang iilan. Nakatakas ang iba. Hindi pa rin matukoy kung sino ba talaga ang mastermind. Gayunpaman, unti-unting humupa ang issue kaya hindi na tuluyang nagsialisan ang investors ng kompanya. Sa mismong libing din ni Daddy ay itinalaga niya si Tita Olivia bilang bagong CEO ng Licaforte Corporation. Naging Vice Chairman naman si Monica.

Walang ari-ariang natira sa akin. Tuluyan akong naging katulong na gaya ng sabi ni Lolo Hernan. Mabilis na kumalat ang balita sa mga kakilala ko at akala ko’y mga totoong kaibigan.

Dahil sa kawalan ng suportang pinansyal, napilitan akong huminto sa college at hindi nakasama sa graduation. Nag-proceed n
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Craving For Love   CHAPTER 165: Libing

    SAMARA POV Ilang linggo ang lumipas ay tuluyan na ngang nailibing si Daddy. Iilan lang ang dumating dahil sa takot na baka magkagulo ulit na gaya ng nangyari sa grand party. Kahit hindi ito kumalat sa balita ay naipagsabi pa rin ito ng mga bisitang dumalo sa gabing ‘yon. Nagbayad si Lolo Hernan ng private investigators na siyang tumugis sa Veilers. Nahuli ang iilan. Nakatakas ang iba. Hindi pa rin matukoy kung sino ba talaga ang mastermind. Gayunpaman, unti-unting humupa ang issue kaya hindi na tuluyang nagsialisan ang investors ng kompanya. Sa mismong libing din ni Daddy ay itinalaga niya si Tita Olivia bilang bagong CEO ng Licaforte Corporation. Naging Vice Chairman naman si Monica.Walang ari-ariang natira sa akin. Tuluyan akong naging katulong na gaya ng sabi ni Lolo Hernan. Mabilis na kumalat ang balita sa mga kakilala ko at akala ko’y mga totoong kaibigan.Dahil sa kawalan ng suportang pinansyal, napilitan akong huminto sa college at hindi nakasama sa graduation. Nag-proceed n

  • Craving For Love   CHAPTER 164: Paris, France

    MARCO POVParis, France‘Two old friends meet again, wearin' older faces~’Napahinto ako sa pagbabasa sa hawak kong iPad nang marinig ang kanta sa stereo. Sinilip ako ni Jack sa rearview mirror. Makahulugan ang paraan ng pagngiti niya na para bang pinapaalala ang dati naming relasyon ni Ara. Naningkit ang mga mata ko at nagpatay-malisya.Halatang recorded ang pinatugtog niya dahil hindi naman siguro aabot dito sa Paris ang kanta ni Sarah Geronimo. No’ng mapansing medyo na-badtrip ako ay umiling siya at nagpigil ng tawa.Noong dumating ako rito sa France, tuluyan na rin akong bumalik bilang si Shadow Raven. Ako na ulit ang CEO ng Silvestre Business Empire. Tinuloy ko rin ang mga tungkuling naiwan ko rati. Si Jack ang nagsilbi kong kanang kamay. Humalili siya kay Mr. Sanchez na kasalukuyang namamahala ng mga negosyo ng pamilya namin sa Pilipinas. Gano'n pa rin ang turingan naming dalawa subalit naging pormal. Kung minsan ay naninibago siya sa akin pero dinadaan niya na lang sa pagkibi

  • Craving For Love   CHAPTER 163: Kabayaran

    SAMARA POV“Ano ba? Hulihin niyo na ang babaeng ‘yan!” bulyaw ni Tita Olivia noong hindi pa kumikilos ang mga pulis.Nagbigay ng hudyat ang isa sa kanila na damputin ako pero agad na pumagitna si Kakai. Ikinuyom nito ang palad, napalunok, saka nagsalita.“S-Sir, ako po ang naglagay ng card ni Ma’am Monica sa gamit ni Ma’am Samara. Napulot ko kasi ‘yan no'ng naglilinis ako. Hindi ko po naaabutan si Ma’am Monica kasi palagi siyang may lakad. Ipapaabot ko na lang sana pero nakalimutan kong sabihin kay Ma’am Samara. K-Kaya po ‘yang patunayan ng mga kasamahan ko. Kung may ikukulong po kayo ay ako na lang po. Kasalanan ko naman ang lahat,” pagsisinungaling niya para depensahan ako.“Kakai,” saway ko sa kanya kasi baka madamay pa siya.Alam kong gusto niyang bumawi sa kasalanan niya sa amin ni Manang Letty rati, pero hindi sa ganitong paraan.Nag-aaral pa siya. Ayokong masira ang future niya.“Totoo ba? Concealment of crime ito kung gawa-gawa mo lang ‘yan. Makukulong ka ng hanggang 6 years,”

  • Craving For Love   CHAPTER 162: Masamang Balita

    SAMARA POVBalisa akong nakaupo sa pinakamababang baitang ng hagdan sa labas ng entrance ng mansyon namin. Walang sawang naghihintay.Napahupa na ng mga bombero ang nangyaring sunog sa hardin. Inaayos na ito ng mga katulong para bumalik sa dating itsura. Umuwi na muna ang mga nag-iimbestigang pulis at babalik na lang kinaumagahan.Tila payapa na ang lahat pero gulong-gulo pa rin ang kalooban ko. Hindi pa rin nauubos ang luha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala si Daddy. Alam kong guguho ang mundo ko.“Ma’am Samara! Ma’am Samara!” aligagang lapit sa akin ni Kakai. Kasunod niya si Manang Letty at iba pa naming mga katulong. Para bang may hatid silang masamang balita. “Si Sir Fred po, s-si Sir Fred…” paninimula nito pero naunahan ng pagluha. Doon ako nakaramdam ng pangamba at napatayo.“Bakit, Kakai? Tell me what’s going on,” naaalarmang tugon ko sa kanya. Tinitigan ko sila isa-isa pero walang nakatingin nang diretso sa akin. Parang kay bigat ng kalooban nila.Lumapit si Manan

  • Craving For Love   CHAPTER 161: Tables Turned

    SAMARA POVNang napansin ako ni Tita Olivia sa tabi ay nanlisik ang mga mata niya. Agad niya akong kinompronta. “Ikaw! Kasalanan mo kung bakit napahamak si Fred! Salot ka talagang babae ka!” panunumbat niya sa akin. Halos mapaos na siya sa lakas ng boses niya.Napalunok ako at napaatras. Pakiramdam ko ay napipi ako. Siguro dahil aminado ako na may punto siya. Kung hindi nanatili para sa akin si Daddy, nakaalis na sana siya agad. Kung ‘di lang ako nilamon ng mga alaala ko sa nakaraan at nawala sa sarili. Bumuhos na lang ang mga luha ko na dulot ng bigat ng kalooban ko.“Ara, are you alright?” nag-aalalang bungad sa akin ni Aldric nang makarating ito. Mahigpit niya akong niyakap. Kasunod niya ay si Monica na balisang-balisa.“A-Anong nangyari rito? Nasaan si Daddy?” tulalang tanong ng stepsister ko saka siya bumaling sa akin. Napansin niya agad ang bakas ng dugo sa suot kong gown. Lumuwa ang mga mata niya. “Pinatay mo si Daddy?” paratang niya sa akin. Nang hindi ako sumagot ay nagsi

  • Craving For Love   CHAPTER 160: Apoy

    SAMARA POV “Dito ka!” asik ng Veiler na nag-hostage sa akin. Doon bumalik ang ulirat ko. Sinalubong ako nangangambang titig ng mga bisitang naiwan sa venue. Nakadapa, nanginginig at ang iba ay nagtatago sa ilalim ng mesa. Ramdam ko ang tensyon. “Kayong lahat! Pagmasdan niyo kung paano ko pasasabugin ang ulo ng Licaforte’ng ‘to! Buhay kapalit ng buhay!” puno ng hinanakit na sigaw ng taong nakabraso sa akin. Kakaiba ang tunog ng boses niya kaya nabatid ko na gumamit siya ng voice changer. Marahil ay kilala namin siya pero dahil sa nerbyos ay hindi ako nakapag-isip nang maayos. Nanlamig ang buo kong katawan. Nagsimula na rin akong lumuha nang dahil sa matinding kaba. “Pakiusap, ‘wag si Ara! Maawa ka!” pagsusumamo ni Daddy. Halos lumuhod na ito sa lupa. Tuluyang kumalat ang apoy. Nagsigawan ang mga natitirang bisita. Nakarinig ako ng ingay ng sirena na wari’y may paparating na mga pulis o ambulansya. “Boss, tinutupok na ang venue! Wala ‘to sa plano! Tara na!” sambit ng isa sa mga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status