THIRD PERSON POV
"Luchi, tell CFO Ferrer na sumunod sa meeting room as soon as possible. We will be having an urgent meeting," utos ni Mr. Licaforte sa sekretarya niya. "Right away, Sir," mabilis na tugon ni Luchi at naglakad paalis. Nagkatinginan ang mga empleyado. The meeting must be so important para ipatawag ni Mr. Licaforte ang lahat ng high ranking officials ng kompanya. Nang makapasok sa meeting room ay isa-isa silang umupo. Kanya-kanya silang binigyan ng maiinom ng personnel na naka-assign sa meeting room. "Mr. Licaforte, what seems to be the problem?" agad na bungad ni CFO Ferrer pagkabukas pa lang niya ng pinto. Dumiretso ito sa nakareserved niyang silya. "I should be the one asking you that, CFO Ferrer," sinenyasan ni Mr. Licaforte ang sekretarya niyang si Luchi na kakapasok lang na ibigay sa board members ang kani-kanilang folders na kulay pula. In every Licaforte Corp's meeting, red folders signify bad news so everyone scanned it immediately. Mababakas mo ang pangungunot sa mga noo nila habang nagbabasa. Binuksan ng personnel na naka-assign sa meeting room ang monitor. "What is this? We're nearing bankruptcy?" tanong ni Mr. Alonzo. Nagsimulang magbulong-bulungan ang lahat at bumaling ng tingin kay CFO Ferrer na siyang tagapamahala ng pinansiyal na estado ng kompanya. Bahagya itong natawa and tried to remain composed as possible. "This data is ridiculous. I often monitor our financial status. Hindi ganito kalala." "You think everyone in this room are idiots? The revenue is declining drastically. Will you mind explaining this sudden changes?" nagtitimping sabi ni Mr. Licaforte. "Sudden changes? This is not even a major issue. Revenue naturally fluctuate over time. There might be changes but the company can adjust. We just need to strategize accordingly," paliwanag ni CFO Ferrer na nagpainit sa ulo ni Mr. Licaforte. "There might be changes? So you're acknowledging these changes?" "No, I mean, naging ganito rin naman ang data natin dati. Why is it an issue now?" "Because unlike before, hindi mo 'to agad na ipinarating sa akin. Is there anything going on CFO Ferrer? Tell us," istriktong sabi ni Mr. Licaforte. "Well, like I said, it's manageable. Kaya pa namang habulin. I've been CFO of this company for years. You know I know what I'm doing," kampanteng tugon ni CFO Ferrer. "Fine, you know your job. But until when will you say it's manageable? Kapag wala nang natirang pera sa kompanya?" sarkastikong sabi ni Mr. Licaforte. Namayani ang katahimikan sa loob ng meeting room. Walang ni isang nakapagsalita. "I-If we explore targeting the—" muli pa sanang magpapaliwanag si CFO Ferrer pero natawa lang si Mr. Licaforte. "Nah, what can we explore sa isang paluging kompanya? Tumatanda ka na CFO Ferrer. Sa tingin ko'y pumapalya ka na at pati ang kompanyang 'to ay madadamay mo pa ata. Mukhang kailangan mo nang magpahinga," suhesyon ni Mr. Licaforte. Nagulat ang lahat sa biglaang desisyon ng ginoo. "Kumpadre," napipikong sabi ni CFO Ferrer. "Kailangan ba talagang umabot sa ganito?" "Let the board members decide CFO Ferrer," iginala ni Mr. Licaforte ang paningin sa mga opisyales na nasa loob ng meeting room. "Seeing this disappointing performance, dapat pa bang manatili si CFO Ferrer sa kompanya? Who wants him out?" Kahit naiilang ay isa-isang nagtaas ng kamay ang majority making the decision to fire CFO Ferrer valid. Sino nga naman ang gugustuhing manatili pa ang isang CFO na dinala ang kompanya sa pagkalugi? Kailangang hugutin ang ugat bago pa madamay ang nakararami. Bahagyang natawa si CFO Ferrer. Hindi niya inakalang magagawa 'yon ng mga kasamahan niya sa trabaho na akala niya ay kaibigan. "Let me call my secretary. I can show everyone of you na hindi ito ang current financial status ng kompanya," patuloy pa ring depensa ni CFO Ferrer. Natatawang umiling si Mr. Licaforte. "What? Another lies? I'm giving you the chance now to tell the truth. Alam ko ang takbo ng revenues ng kompanya and I know how transaction works. H'wag na tayong magbolahan at magsayang ng oras dito. May kalokohang nangyayari sa loob ng kompanya at alam mong involve ka CFO Ferrer." Muling nagkatinginan ang lahat sa sobrang init ng tensyon na nangyayari sa pagitan ng dalawa. Namayani ang iba't ibang reaksyon sa paligid. May isang key executive na mata lang ang pinapakilos. Merong nakailang ubos na ng isang basong tubig. Meron ding napapalunok at napapapaypay kasi naka-aircon naman ang meeting room. Tumanda na si CFO Ferrer sa kompanya. Sa Licaforte Corp. siya bumuo ng pangalan at nagpalago ng yaman. Mr. Licaforte and CFO Ferrer are kumpadres. Batchmates sa college at magkasamang nag-masteral sa Spain. CFO Ferrer assisted Mr. Licaforte in building the company. Kaya hindi inaasahan ng lahat na silang dalawa pa ang magkakasagutan. "Magkasama nating binuo ang kompanyang 'to Mr. Licaforte. You know how loyal I am to this company. Halos ilaan ko ang buhay ko rito," pagpapatuloy ni CFO Ferrer. "Really? Kumpadre?" sarkastiko pa ang pagkakabanggit ni Mr. Licaforte sa huli. Kinuha niya ang remote ng monitor at bumungad ang isang bank statement. "So ano ang ibig sabihin niyan? Kusang lumipat 'yong kita ng kompanya sa personal bank account mo? Deny it now," mariing nakatitig si Mr. Licaforte kay CFO Ferrer. Hindi na ito nakasagot pa at parang yelong natunaw sa harap ng lahat. Nagsimulang magbulung-bulungan ang board members sa loob ng meeting room. "W-Where did you get this? This is an insult to my privacy, Mr. Licaforte," nagtitimping sabi ni CFO Ferrer. "Isn't it also an insult to me that you did this to the company despite the fact that I'm trusting you?" "You know me, kumpadre. I can't do your accusations towards me." "Then, what's the meaning of that transaction?" "Well, I admit this is true but—" "You admit it?" Mas lumakas ang bulungan ng lahat nang hindi agad na nakasagot si CFO Ferrer. "This is not making any sense," CFO Ferrer finally said. "You're fired, CFO Ferrer," diretsong sabi ni Mr. Licaforte. "Kumpadre..." aktong makikiusap pa sana si CFO Ferrer. "I said what I said and the decision of the board is final. You can leave the meeting room now." CFO Ferrer was left with no choice kundi sundin na lang ang utos ng CEO ng kompanya. Mabigat itong huminga bago lumabas ng meeting room. Doon pa lang nakahinga nang maluwag ang lahat. Muli nilang sinuri ang data na nakalagay sa red folder. "What will be the effect of the company's bankruptcy now, CEO Licaforte? Mawawalan na rin ba kami ng trabaho kasi magsisirado na ang kompanya?" nag-aalalang tanong ni Mr. Flores. Bakas rin sa iba na kinakabahan sila. Nagkibit-balikat lang si Mr. Licaforte sa tanong na 'yon. Kalmado nitong tinawag ang sekretarya. "Luchi, give everyone the green folders." "Yes, Sir," agad na pagsunod ng sekretarya. Bakas ang pagtataka sa itsura ng lahat nang matanggap ang folders. Nagbulong-bulongan sila nang mabasa ang laman nito. "Is this another report? Pareho ito ng petsa sa pulang folder kanina," saad ni Mr. Benitez. "Exactly," Mr. Licaforte immediately answered. "I thought we're nearing bankruptcy? This report seems fine and workable," pagkaklaro ni Mr. Lopez, isa sa financial advisors ng kompanya. "If you see the company is doing fine, iboboto niyo bang matanggal si CFO Ferrer kanina?" tanong ni Mr. Licaforte sa kanila. Natigilan ang lahat. Marahil ay ipagsasawalang-bahala nga nila ang pangungupit ni CFO Ferrer dahil hindi naman ito direktang makakaapekto sa kanila. "Loss of money is secondary. What matters more to me is trust and respect. Maaaring konte lamang ang kinupit ni CFO Ferrer making it unnoticeable to everyone, but that action alone disrespects those who have worked hard for this company. I just let him taste the dose of his own medicine. We're working fair and square here. We also deserve the benefits fair and square. Now, if anyone of you here is also planning to do the same, I'm telling you, I won't hesitate to find ways to fire you. Kahit gaano pa kayo kalapit sa 'kin," he paused leaving everyone with mixed reactions. "Any concerns?" Nagkatinginan ang lahat at hindi agad na nakapagsalita. "None? Let's proceed to our meeting," Mr. Licaforte continued. Napapailing ang iba dahil sa pagkamangha. Meron ding napakapit sa dibdib dahil hindi makapaniwala. He's Mr. Frederick Licaforte. The reputed CEO of Licaforte Corp. and the brain behind its long-running success. *** SAMARA POV "Good evening, Ma'am," bati sa akin ng security nang makapasok ako sa building ng Licaforte Corp. I brought dad a bouquet of mom's favorite flower, carnation. Ito ang lagi kong binibigay sa kanya kapag nalalambing ako. "Nasa main office ba si daddy?" pangiting tanong ko. Agad itong tumango. "Mukhang patapos na 'yong meeting niya with Mr. Sanchez, Ma'am. Baka pumunta na rin 'yon do'n ngayon," tinuro niya ang counter. "Pakilista na lang po ang pangalan niyo ro'n para maitawag kayo kay Sir." "Ah, ok thanks," tugon ko. Kaliwa't kanan ang ngumingiti at bumabati sa akin habang naglalakad. Nakailang punta na rin kasi ako rito sa kompanya simula pagkabata. Kilala na ako nang marami. "Oh," naiusal ko nang mahulog ang mga gamit ko. Dinadampot ko 'yon isa-isa nang may lumapit sa akin. Naamoy ko ang panglalaki niyang pabango na halata mong mamahalin. "Here," iniabot niya sa akin ang mga gamit ko. Saglit pa akong natulala. Singkit ang mga mata niya at makinis ang balat. Kahawig niya ang Korean celebrity heartthrob na si Jang Keun Suk no'ng kabataan nito. Pagkatingin ko sa golden name plate niya ay nakaukit ang 'Atty. Santivañez.' Agad akong napasinghap. "You're my dad's new lawyer?" tanong ko sa kanya. "Yeah, I'm Atty. Trevor Santivañez. You are Ms. Samara Licaforte, right? The CEO's daughter," galante niyang sabi. He sounds so professional at mukhang matalino nga. Nakipagkamay siya sa akin na agad kong tinugunan. "Nice to meet you, Attorney," sambit ko sa matamis na ngiti. "Also my pleasure. Are you here for Mr. Licaforte? Tulungan na kita," alok niya na hindi ko naman tinanggihan. Hindi lang siya mukhang matalino. Mukhang humble, mabait at gentleman pa. Sabay kaming lumapit sa counter. "Ms. Samara Licaforte," saad ko sa nagbabantay doon. "Pakisabi kay dad, nandito ako tsaka pakisingit ako sa bakanteng oras niya." "Right away, Ma'am," pangiting tugon nito sa 'kin at nagsimulang tumawag sa naka-assign sa taas. Binigyan niya ako ng logbook pagkatapos. "Pakilagay po ng phone number niyo rito, Ma'am. Tatawagan ko na lang po kayo kapag nakaalis na si Mr. Sanchez. I think mga 20 minutes na lang po." "Ok," pagsunod ko sa sinabi niya. Pangiti ko ring ibinalik ang logbook. Uupo sana ako sa kalapit na couch nang mapansin ko ang bagong café ng lobby. "Kelan lang 'yan dito?" tanong ko kay Atty. Santivañez na kasa-kasama ko pa rin. "No'ng isang araw lang. Negosyo ni General Manager Ochua. I heard, masarap ang mango lassi at panini bread nila. You want to give it a try? I'll treat you," he offered. Bahagya akong natawa. Mukhang sagad nga sa kabaitan ang lalaking 'to. "Tinulungan mo na nga akong magbitbit ng mga gamit ko tapos magpapalibre pa ako sa 'yo. Baka sabihin ng mga tao rito inaapi ko ang abogado ng daddy ko." He chuckled. "It's fine. Sa dami ng naitulong ng daddy mo sa 'kin ay kulang pa nga ito. Hindi naman abala sa 'kin. Ano? Let's go," yaya niya. Hindi na ako tumanggi pa. Gusto ko rin kasing malaman kung totoo ngang masarap ang mga nirekomenda niya. Sabay kaming pumunta sa take-out counter ng café. Napansin ko ang tatlong empleyado sa tabi namin na nagbubulungan. Sa tansya ko ay mga baguhan sila kasi ngayon ko pa lang sila nakita. May kanya-kanya silang dalang drink. Mukhang kakabili lang nila sa café. "Siya ba 'yong Samara Licaforte? 'Yong may scandal sa bar?" "Oh, my gosh. Anak ng CEO tapos pòkpok." "KSP nga masyado sa social media, palaging gumagawa ng issue." "Panira sa image ng dad niya." "Tapos pati si Atty. Santivañez, nilalandi niya rin." "True, hindi man lang mamili ng kasing kati niya." Natigil sila sa pag-uusap nang lingunin ko sila. "Excuse me?" pagtataray ko na tinaasan pa sila ng kilay. Agad silang nagsikuhan. Lumapit si Atty. Santivañez sa amin. "It's working hours, and you are in front of the CEO's daughter. You are employees of this company so you better respect her. If it's hard for the three of you to do that, you can resign." Nanlaki ang mata nilang tatlo sa diretsahang sinabi ni Attorney. Natameme sila at napilitang mag-sorry sa akin. Agad din silang umalis. Saglit akong natulala kay Attorney. I was amazed by the way he handled that situation in a professional manner. Kapag ako kasi ay dinadaan ko agad sa pagtataray. "I'm sorry for those employees, kaka-hire palang nila," hinging despensa ni Attorney at iniabot ang binili niya para sa 'kin. Tipid akong ngumiti at tinanggap 'yon. "It's fine," tapos dumiretso na kami sa couch na inupuan namin kanina. I know, I should not feel offended sa inasta nila. Ako rin naman ang gumawa ng mga dahilan para gano'n ang itrato nila sa 'kin. On a typical day, pinapalipad ko lang sa hangin ang mga bulong-bulungan. But hearing that sa mismong kompanya ni dad na nirerespeto ng lahat is quiet a different thing. Ngayon lang sumagi sa isip ko na nadadamay sa mga kalokohan ko ang pangalan ni daddy. Napatingin ako sa paligid kung saan pumaparito at pumaparoon ang mga empleyado ng kompanya. Ilan pa kaya sa kanila ang magiliw na humaharap sa akin pero sa likod no'n ay pinapasadahan na ako ng panghuhusga? Ilang mga pekeng ngiti at pagbati pa kaya? "Lasang mangga lang naman pala," Atty. Santivañez suddenly said. Sinusubukan niya atang magbiro kasi napansin niyang tumamlay ako. Bahagya akong natawa. Masarap naman ang nabili namin. Pinipilit niya lang siguro na may sabihin. Looking at him, mukha ko siyang nakakatandang kapatid. Nginitian niya ako. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko kanya. Ilang saglit pa ay tumunog ang phone ko na agad kong sinagot. "Hello, this is Samara," sambit ko. "Kakalabas lang po ni Mr. Sanchez sa meeting room, Ma'am," tugon ng receptionist na siya ring nakausap ko kanina. "Thanks, aakyat na kami," sagot ko saka binaba ang phone ko. Lumingon ako kay Atty. Santivañez. "Is it fine kung sasamahan mo rin ako paakyat? Hindi ko kasi kayang bitbitin 'tong lahat," nahihiya kong pakisuyo. "Sure, paakyat din talaga no'ng madatnan kita kanina," nakangiti nitong sabi saka tumayo. "Let's go." Tumango ako at sabay kaming naglakad.MARIUS POV“Ahh,” daing ko. Binagsak ko ang sarili sa couch at minasahe ang sintido. Kay rami kong iniisip. Parang pasan ko ang mundo. Tumingala ako sa orasan na sinundan ng pagbuntong-hininga. Hindi ako mapakali kaya tumayo ako at paikot-ikot na naglakad sa loob ng opisina ni Mr. Sanchez. Pabalik-balik din ako sa salamin para malaman kung may mali sa itsura ko. Litong-lito pa rin ako.Bakit gano'n na lang ang naging reaksyon ni Ara? Para siyang takot na takot. Masyado ba akong naging agresibo? Baka isipin niya na gano'n ako sa lahat ng babae.“Ahh,” isang mas malakas na daing pa. Halo-halo ang nararamdaman ko na hindi ko maintindihan.Noong wala akong nahanap na sagot ay tinanggal ko na lang ang dalawa kong sapatos. Sinuot ko ang isang pares ng tsinelas na nasa shoe rack.Maya-maya ay tumunog ang telepono ko. Rumihestro ang pangalan ni Jack. Agad ko ‘yong sinagot.‘Sir Marius, kamusta ang lakad mo? Nagkita na ba kayo ni Ma’am Samara? Nakwento ni Mr. Sanchez sa akin,’ pang-uusisa nito
SAMARA POVHindi ko napansin na ilang minuto na pala akong nakatitig lang kay Marco. Kay gara ng suot niya, halatang branded. Hindi tulad rati na nakokontento na siya sa kupas na polo shirt. Maayos din ang postura niya. Disenteng-disente. Siguro natapos niya ang pag-aaral niya na hindi tulad ko. Mukhang maayos na rin ang buhay niya ngayon.“Pakidagdagan ang order ko ng dalawang cake,” kausap niya sa akin.Doon naputol ang iniisip ko. Alisto kong dinampot ang papel at ballpen. “Uhm, ano po ang gusto niyong flavor, sir?”Natigilan siya, mukhang napaisip, saka siya ngumiti sa ‘kin. “Ikaw, mukhang masarap…” simpatiko niyang sabi.Napaawang ang mga labi ko. Napakurap nang dalawang beses. “Ha? Ako? Masarap?” Loko ‘to, ah.Tumikhim siya nang mapagtanto na mali ang nasabi niya. “I mean, mukhang masarap kang mamili ng cake. Hindi ko naman mababasa ang menu,” kaswal niyang pagdadahilan.Lumabi ako at napatango. Oo nga pala, bulag siya.“Ah, red bean cake na lang, sir, tsaka… chestnut cake. Mag
SAMARA POV“Table 10, pakilinis muna, Ara,” pakisuyo sa akin ni Manager Li. Isang babaeng nasa 40’s na may dugong Chinese.Alisto naman akong kumuha ng basahan. “Sige po.” Nagtungo ako sa Table 10 para linisin ‘yon. Sa sobrang pagmamadali ay muntik pa kaming magkabanggaan ni Kakai. May bitbit itong tray ng cupcakes. Tawa na lang ang naging reaksyon namin sa pagpapatentero namin. Una siyang umatras.“Oh, ingat. Hindi naman tatakbo ‘yang mesa,” nakabungisngis niya pa ring saad. Umiling ako at tumuloy na sa Table 10. Nilinis ko ‘yon na gaya ng iniutos sa akin.Pareho kaming nagtatrabaho ni Kakai sa Maple Café bilang all-around employee. Minsan waitress, bartender, tagabantay sa counter, dishwasher, cashier at kahit janitress. Anim lang kaming empleyado, kasali na si Manager Li. Maliit lang ang café kaya nagsasalitan lang kami.Hindi kalakihan ang sahod pero ayos na rin kasi natutustusan ko ang mga pangangailangan ni Shion. Buti na lang talaga at pumayag si Tita Olivia na magkaroon ako n
MARIUS POV Isang linggo matapos ang libing ni Jill sa Jeju Island ay dumiretso na kami ni Lolly pabalik sa Pilipinas. Abala ang buong airport no'ng nakarating kami sa NAIA Terminal 1. May mga taong sinalubong ang mga kamag-anak nilang balik-bayan. May mga turistang sabik na pumasyal. May mga staff na ina-assist ang iilang kararating lang. “Good day, everyone. Please don't leave your baggage unattended. Items without an owner may be subject to security inspection. Thank you for your cooperation,” anunsyo ng airport attendant. Inayos ko ang suot na sunglasses at pumaskil ang ngiti sa labi. “It’s good to be back,” monologo ko na parang kahapon lang ang lahat. “Dada, doon daw muna ako sa mansyon ng mga Costova sabi ni Lola. Two weeks, magba-bonding kami,” pagbibida sa akin ni Lolly. Wari’y ‘di masukat ang pananabik nito. Hila-hila niya ang dalawang malalaking maleta na de gulong. Naghahanap siya ng signal. Pinagkrus ko ang braso at masusi siyang pinagmasdan. Ganap na nga siya
MARIUS POVPagkarating sa Institut Curie Hospital, agad akong tumakbo papunta sa Room 302. Wala na akong pakialam kung sino man ang makabangga ko. Kailangan kong makita agad si Jill.No’ng nasa tapat na ako ng kwarto, nadatnan ko si Jack na sobrang nag-aalala habang nakaupo sa labas. Pagkapasok ko sa Room 302, pinapalibutan ng doktor at nurses si Jill na mino-monitor ang kalagayan niya. Matapos gawin ang iilang procedures ay lumabas din ang mga ito. Pinagbilin nila na hayaan ko muna si Jill na magpahinga.Sinuri ko ang kabuuan niya. Namumutla siya at puro pantal ang katawan. Mas malalaki ang mga pasang ito kaysa rati. Palatandaan na seryoso na ang paglala ng sakit niya.“Jill, ayos na ba ang pakiramdam mo? Pinag-alala mo ako,” usisang tanong ko sa kanya at kabado pa rin. Wari'y may bara sa lalamunan ko pero pilit ko ‘yong itinago sa kanya. Awang-awa ako sa itsura niya.Ngumiti siya. “Hindi na nga kita mabigyan ng anak, sakitin pa ako. I'm sorry that I failed our marriage. Hindi kita n
MARIUS POV Paris, France 8 years later… Suot ang itim na tuxedo at puting maskara ay bumaba ako sa sasakyan sa tapat ng Hendrix Mansion—ang lugar kung saan pinapaslang ng pamilya Silvestre ang mga taong target namin. Agad akong sinalubong ng mga Veiler na humilera sa matuwid na pagkakatayo upang magbigay galang. Noong isang linggo lang natapos ang training nila sa ilalim ng pamumuno ni Jill. Ngayon ang unang araw nila sa serbisyo. "Bonjour, monsieur,” matikas na bati sa akin ng isang French na tauhan. (Translation: Hello, Sir!) Bumaling ako sa kanya. "Vous avez chopé Nicholas?" tanong ko sa maawtoridad na boses. (Translation: Nakuha niyo ba si Nicholas?) Umayos siya ng tindig. "Il est à l'intérieur, Patron. Nos hommes le tiennent,” pag-iimporma niya sa akin. (Translation: Nasa loob, Boss. Hawak ng mga tauhan natin.) Tumango ako at tinapik ang balikat niya. "Bon boulot." (Translation: Good job.) Matapos no’n ay nagdire-diretso na ako sa loob ng mansyon. Sumuno