Home / Romance / Craving For Love / CHAPTER 4: Shadow Raven

Share

CHAPTER 4: Shadow Raven

Author: Love Reinn
last update Last Updated: 2023-11-28 08:36:56

SAMARA POV

Ilang oras akong nakatulala habang tinititigan si Marco mula sa malayo. He's studying using braille and audio books.

Hindi pa rin ako nahihimasmasan sa nalaman ko kagabi. Ni sa panaginip ay hindi sumagi sa isip ko na tatay na siya.

Wala sa sariling paulit-ulit na tinutusok ko yung hotdog sa pasta na kinakain ko.

"Sis, maawa ka naman d'yan sa hotdog mo, durog-durog na, oh. Kainin mo na 'yan," biro ni Candice. Natigil pa siya sa pagsi-cp niya para lang sabihin 'yon sa 'kin.

Kasabay kong kumakain dito sa cafeteria ang dalawang kaibigan ko. Well, palagi naman talaga kaming magkasama.

Nagtatawanan sila Candice at Mandy pero hindi ko magawang makisali sa kanilang dalawa. Masyadong occupied 'yong utak ko.

"Sa tingin niyo posible 'yon?" wala sa sariling tanong ko.

"What?" kaswal na tanong ni Mandy tapos uminom siya ng milktea.

"Na may anak na si Marco," diretso kong sabi. Sabay silang nabilaukan.

"Uho, uho," ubo ni Candice tapos natawa siya. "Joke ba 'yan? Kita mong bulag, oh," nagpatuloy siyang kumain.

Natatawa rin si Mandy habang nagpupunas ng bibig niya. "Why so random, Ara?"

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ngayon pa lang ata ako bumalik sa huwisyo ko. "Bakit? Bulag lang naman siya pero mukhang hindi naman siya baog," paliwanag ko sa kanila. They both laughed.

"Ok, fine Ara. Sino naman 'yong nanay? Ikaw?" pilosopong tanong ni Candice kaya sabay ulit silang natawa ni Mandy. Mukhang wala talaga silang balak na seryosohin 'yong sinasabi ko.

"What makes that impossible?" panguso kong sabi saka nagpatuloy na kumain.

"The answer is obvious, Ara. Sino naman ang papatol sa bulag? Maybe that woman is just so stupid to burden herself. Look at Marco, oh. Does he looks like he can handle a family? Yeah, he might be handsome, pero sa panahon ngayon, hindi ka mabubusog sa itsura lang 'no. Sixty pesos na kaya ang kilo ng bigas," saad ni Mandy.

Napatitig kami ni Candice sa kanya with our mouth slowly opening na para bang nakakita kami ng genie na lumabas sa bote.

"What?" takang tanong niya.

"Did you just say na nagagwapuhan ka sa kanya?" pagkaklaro ni Candice.

"Why? Oh, c'mon guys," natawa siya. "Totoo naman, 'di ba?" Naiilang niyang ibinalik kay Marco ang paningin niya tapos inabala ang sarili niya sa paggawa ng assignment. "Braso pa nga lang parang gusto ko nang magpasakal," pahina nang pahina ang boses niya.

"I'm sorry, what?" sabay na tanong namin ni Candice kasi halos bumulong nalang siya sa hangin.

Tiningala kami ni Mandy tapos pinandilatan niya kami ng mata. "Wala, ang sabi ko, gumawa na rin kayo ng assignment kung gusto niyong makapasa."

"Ahh," sabay na sang-ayon namin ni Candice sa kanya.

Uminom kaming tatlo ng milk tea. Nagpangalumbaba si Candice. Sa direksyon siya ni Marco nakatingin. "Well, may itsura nga siya. Ano kaya ang feeling ng makipag-sex sa bulag?" nakakagat-labi niyang sabi.

"Uho, uho," kami naman ni Mandy ang nabilaukan.

"Grabe, ah? Pati ba naman bulag, papatusin?" hirit ni Mandy.

"Swerte niya na sa 'kin, 'no? Baka kapag natikman niya ang isang Candice Dela Rosa, bigla siyang makakita," confident na sabi ni Candice na hinawi pa ang buhok niya para ipakita ang malaki niyang dibdib.

"Shut up, Candice," naibagsak ni Mandy ang notebook niya sa mesa kaya nagulat kami. Napakurap kaming tatlo. Nang mapagtanto ni Mandy na nakatulala lang kami ni Candice sa kanya ay pinilit niyang tumawa na sinabayan na lang namin. Naiilang siyang bumalik siya sa pagsusulat pagkatapos. Bumulong-bulong si Candice.

Pasimple kong tinitigan ang dalawa kong kaibigan. Mukhang may gusto ata kay Marco ang dalawang 'to. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang totoong may anak na siya? Dapat ko bang sabihin sa kanila?

Mariin kong pinagpapalit-palit ang paningin ko sa kanilang dalawa. Sa itsura ng dalawang 'to na mukhang palihim lang na sinasaksak ang isa't isa sa isipan nila ay mas mabuti sigurong manahimik na lang. Napainom ako ng milk tea.

Beep.

"OMG? May bagong post sa fansite ni Shadow Raven," biglang sambit ni Candice.

Napatitig kami ni Mandy sa kanya na parehong walang ideya sa sinasabi niya.

"Hindi niyo siya kilala?" gulat na tanong niya sa amin. Sabay kaming napailing ni Mandy.

"For real?" hindi niya makapaniwalang sabi. "Lagi siyang trending sa twitter. Isa siyang famous secret billionaire. Sa yaman nga niya ay kaya niyang bilhin ang buong Pilipinas—or even the whole Asia. Madalas siyang mapag-usapan sa socialite groups na nasasalihan ko. Nobody knows kung babae ba siya o lalaki. Iilan lang din ang nakakaalam sa itsura niya. At age of seven ay natuto na siyang maghandle ng malaking kompanya. At age eleven ay meron na siyang isang business empire. Tapos no'ng tumungtong siya ng seventeen ay bigla siyang nagbitiw sa pwesto niya. Nobody knows the reason pero may malalaking businessmen na nagsasabing nagkakaroon pa rin sila ng business transaction kay Shadow Raven. And you know what? 'Yong mga detalye tungkol sa pagkatao niya ay tagong-tago talaga. Nag-uutos pa siya ng mga tauhan niya na sila ang makipag business deal para hindi siya ma-trace. Masyado siyang mysterious kaya na rin siguro maraming nagkakainteres na malaman ang kahit katiting na information ng buhay niya. Malaki pa nga ang bayaran sa social media just to get leaked infos tungkol sa kanya," uminom si Candice ng milk tea matapos ang mahabang paliwanag.

Actually, minsan ko na rin siyang narinig. Kahit si Tita Olivia ay nabanggit siya ng isang beses. Pero alam mo naman ang social media, 'di ba? Kahit nga siguro sabihin kong ako si Darna, pwede. Madali lang namang gumawa ng kwento at pati na rin ebidensya online. May mga apps na nga ngayon to manipulate things. Tapos may mga taong makikisabay din at magpopost kahit hindi naman sila sure, makasakay lang sa kasikatan ng issue na 'yon. Hindi mo na alam ngayon ang totoo dahil ang iba ay gumagawa na lang naman ng kwento para mapansin.

"Nagpapaniwala ka talaga ro'n? Masyadong maganda ang descriptions niya. Halata mong gawa-gawa," saad ni Mandy kay Candice na natatawa pa. "Hindi mo ba alam 'yong kasabihan? If it's too good to be true, then it isn't true. Kaya maraming nai-scam ngayon kasi maraming uto-uto. Alam na ngang imposibleng mangyari tapos papatulan pa talaga."

"Hey?" pinandilatan siya ng mata ni Candice. They giggled. "Hindi ka talaga risk taker 'no? Wala kang mararating sa buhay."

"Shadow Raven," Mandy murmured na hindi pa rin naniniwala. Tinuloy niya na lang ang paggawa ng assignment niya.

"Totoo nga siya, ano ka ba?" pagpupumilit pa rin ni Candice.

"Kapag bumagsak ka mamaya, totoo rin. Gumawa ka na nga ng assignment," pangaral ni Mandy.

"Ewan ko sayo, LOLA."

Sisimulan ko na rin sana ang assignment ko nang tumawag si Aldric. Iniwan ko muna sila Mandy at Candice para maghanap ng location na 'di gaanong maingay.

"Excuse me," paalam ko sa kanilang dalawa. Lumapit ako sa bintana saka sinagot ang tawag. "Hello, babe?" pangiti kong sabi.

'You asked me na magpapasama ka sa company niyo, diba? To visit your dad,' paninimula niya.

"Yes I did, what time mo ako susunduin?" tanong ko.

'I'm sorry, Ara. Bigla kasing nagkayayaan ang team. Hindi ko naman sila mahindian kasi kasama si coach. May sasabihin daw,' paliwanag niya.

"Uhm, sure, ok lang," sagot ko sa kanya. "I can ask manong to drive me naman."

'Just call me kung nagkaproblema, ok? I love you,' malambing niyang sabi.

"I love you more," tugon ko.

"Ara," aligagang lumapit sa akin si Mandy. Agad niyang ipinakita ang isang putol na bracelet sa 'kin. "Really?" Tapos nag-aalala siyang tumingin kay Candice.

Nagulat ako at chineck ang kanang kamay ko. Natanggal ko pala ang bracelet ko nang hindi ko namamalayan.

"Sorry," pinilit kong ngumiti at kinuha yun mula sa kanya. Sabay na kaming nakalingon ngayon kay Candice.

Matampuhin pa naman siya lalo na kung tungkol sa mga gamit na binibigay niya. Mabuti na lang at abala siya sa cp niya kaya hindi niya napansin.

"Nahahalata kong masyado kang absent minded. May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Mandy sa akin habang sinusubukang isuot ulit ang bracelet ko.

Hindi ko alam na sobrang lutang ko pala kanina. Siguro ay nasagi ko ang bracelet ko kung saan nang hindi ko namamalayan.

Umiling si Mandy. "Sira na talaga," tinanggal niya yung bracelet niya. "Magpalit nalang tayo tutal pareho lang naman ng itsura. May lakad ka ngayon, 'di ba? Ako na ang magpapaayos nitong sayo," tinago niya 'yong bracelet ko sa pitaka niya at isinuot yung kanya sa akin. "Baka umiyak pa si Candice," biro niya.

Bahagya akong ngumiti. Naalala ko pa no'ng nabali ni Mandy yung niregalong headband ni Candice. Isang araw siyang umiyak tapos hindi kami pinansin. Mabuti nga at napatawad niya pa si Mandy. Kaya siguro ganito 'yong reaksyon ni Mandy ngayon, nadala na siguro.

"Girls, baka ma-late tayo sa next subject," tawag sa amin ni Candice habang inaayos ang shoulder bag niya.

Nagkatinginan kami ni Mandy. Nagsisenyasan kami. Agad niyang tinago sa bulsa niya ang kamay niya bago kami naglakad papunta sa classroom namin.

***

THIRD PERSON POV

Mr. Frederick Licaforte, CEO of Licaforte Corp. hastily walks towards the meeting room. Kasunod niya ang lahat ng key executives ng kompanya at iilang financial advisors. They're all wearing formal attire at pare-parehong seryoso ang mukha.

Ramdam mo ang tensyon sa paligid. With this kind of aura ay paniguradong may nangyaring hindi maganda.

"Luchi, tell CFO Ferrer na sumunod sa meeting room as soon as possible. We will be having an urgent meeting," utos ni Mr. Licaforte sa sekretarya niya.

"Right away, Sir," mabilis na tugon ni Luchi at saka naglakad paalis.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Love Reinn
thanks for reading dhai <33
goodnovel comment avatar
SKYGOODNOVEL
parang may tinatagong pagkatao tong si mandy
goodnovel comment avatar
Love Reinn
weh? hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Craving For Love   CHAPTER 173:

    MARIUS POV“Ahh,” daing ko. Binagsak ko ang sarili sa couch at minasahe ang sintido. Kay rami kong iniisip. Parang pasan ko ang mundo. Tumingala ako sa orasan na sinundan ng pagbuntong-hininga. Hindi ako mapakali kaya tumayo ako at paikot-ikot na naglakad sa loob ng opisina ni Mr. Sanchez. Pabalik-balik din ako sa salamin para malaman kung may mali sa itsura ko. Litong-lito pa rin ako.Bakit gano'n na lang ang naging reaksyon ni Ara? Para siyang takot na takot. Masyado ba akong naging agresibo? Baka isipin niya na gano'n ako sa lahat ng babae.“Ahh,” isang mas malakas na daing pa. Halo-halo ang nararamdaman ko na hindi ko maintindihan.Noong wala akong nahanap na sagot ay tinanggal ko na lang ang dalawa kong sapatos. Sinuot ko ang isang pares ng tsinelas na nasa shoe rack.Maya-maya ay tumunog ang telepono ko. Rumihestro ang pangalan ni Jack. Agad ko ‘yong sinagot.‘Sir Marius, kamusta ang lakad mo? Nagkita na ba kayo ni Ma’am Samara? Nakwento ni Mr. Sanchez sa akin,’ pang-uusisa nito

  • Craving For Love   CHAPTER 172: Order

    SAMARA POVHindi ko napansin na ilang minuto na pala akong nakatitig lang kay Marco. Kay gara ng suot niya, halatang branded. Hindi tulad rati na nakokontento na siya sa kupas na polo shirt. Maayos din ang postura niya. Disenteng-disente. Siguro natapos niya ang pag-aaral niya na hindi tulad ko. Mukhang maayos na rin ang buhay niya ngayon.“Pakidagdagan ang order ko ng dalawang cake,” kausap niya sa akin.Doon naputol ang iniisip ko. Alisto kong dinampot ang papel at ballpen. “Uhm, ano po ang gusto niyong flavor, sir?”Natigilan siya, mukhang napaisip, saka siya ngumiti sa ‘kin. “Ikaw, mukhang masarap…” simpatiko niyang sabi.Napaawang ang mga labi ko. Napakurap nang dalawang beses. “Ha? Ako? Masarap?” Loko ‘to, ah.Tumikhim siya nang mapagtanto na mali ang nasabi niya. “I mean, mukhang masarap kang mamili ng cake. Hindi ko naman mababasa ang menu,” kaswal niyang pagdadahilan.Lumabi ako at napatango. Oo nga pala, bulag siya.“Ah, red bean cake na lang, sir, tsaka… chestnut cake. Mag

  • Craving For Love   CHAPTER 171: Customer

    SAMARA POV“Table 10, pakilinis muna, Ara,” pakisuyo sa akin ni Manager Li. Isang babaeng nasa 40’s na may dugong Chinese.Alisto naman akong kumuha ng basahan. “Sige po.” Nagtungo ako sa Table 10 para linisin ‘yon. Sa sobrang pagmamadali ay muntik pa kaming magkabanggaan ni Kakai. May bitbit itong tray ng cupcakes. Tawa na lang ang naging reaksyon namin sa pagpapatentero namin. Una siyang umatras.“Oh, ingat. Hindi naman tatakbo ‘yang mesa,” nakabungisngis niya pa ring saad. Umiling ako at tumuloy na sa Table 10. Nilinis ko ‘yon na gaya ng iniutos sa akin.Pareho kaming nagtatrabaho ni Kakai sa Maple Café bilang all-around employee. Minsan waitress, bartender, tagabantay sa counter, dishwasher, cashier at kahit janitress. Anim lang kaming empleyado, kasali na si Manager Li. Maliit lang ang café kaya nagsasalitan lang kami.Hindi kalakihan ang sahod pero ayos na rin kasi natutustusan ko ang mga pangangailangan ni Shion. Buti na lang talaga at pumayag si Tita Olivia na magkaroon ako n

  • Craving For Love   CHAPTER 170: Pagbabalik

    MARIUS POV Isang linggo matapos ang libing ni Jill sa Jeju Island ay dumiretso na kami ni Lolly pabalik sa Pilipinas. Abala ang buong airport no'ng nakarating kami sa NAIA Terminal 1. May mga taong sinalubong ang mga kamag-anak nilang balik-bayan. May mga turistang sabik na pumasyal. May mga staff na ina-assist ang iilang kararating lang. “Good day, everyone. Please don't leave your baggage unattended. Items without an owner may be subject to security inspection. Thank you for your cooperation,” anunsyo ng airport attendant. Inayos ko ang suot na sunglasses at pumaskil ang ngiti sa labi. “It’s good to be back,” monologo ko na parang kahapon lang ang lahat. “Dada, doon daw muna ako sa mansyon ng mga Costova sabi ni Lola. Two weeks, magba-bonding kami,” pagbibida sa akin ni Lolly. Wari’y ‘di masukat ang pananabik nito. Hila-hila niya ang dalawang malalaking maleta na de gulong. Naghahanap siya ng signal. Pinagkrus ko ang braso at masusi siyang pinagmasdan. Ganap na nga siya

  • Craving For Love   CHAPTER 169: Folder

    MARIUS POVPagkarating sa Institut Curie Hospital, agad akong tumakbo papunta sa Room 302. Wala na akong pakialam kung sino man ang makabangga ko. Kailangan kong makita agad si Jill.No’ng nasa tapat na ako ng kwarto, nadatnan ko si Jack na sobrang nag-aalala habang nakaupo sa labas. Pagkapasok ko sa Room 302, pinapalibutan ng doktor at nurses si Jill na mino-monitor ang kalagayan niya. Matapos gawin ang iilang procedures ay lumabas din ang mga ito. Pinagbilin nila na hayaan ko muna si Jill na magpahinga.Sinuri ko ang kabuuan niya. Namumutla siya at puro pantal ang katawan. Mas malalaki ang mga pasang ito kaysa rati. Palatandaan na seryoso na ang paglala ng sakit niya.“Jill, ayos na ba ang pakiramdam mo? Pinag-alala mo ako,” usisang tanong ko sa kanya at kabado pa rin. Wari'y may bara sa lalamunan ko pero pilit ko ‘yong itinago sa kanya. Awang-awa ako sa itsura niya.Ngumiti siya. “Hindi na nga kita mabigyan ng anak, sakitin pa ako. I'm sorry that I failed our marriage. Hindi kita n

  • Craving For Love   CHAPTER 168: [Season 2] 8 Years Later

    MARIUS POV Paris, France 8 years later… Suot ang itim na tuxedo at puting maskara ay bumaba ako sa sasakyan sa tapat ng Hendrix Mansion—ang lugar kung saan pinapaslang ng pamilya Silvestre ang mga taong target namin. Agad akong sinalubong ng mga Veiler na humilera sa matuwid na pagkakatayo upang magbigay galang. Noong isang linggo lang natapos ang training nila sa ilalim ng pamumuno ni Jill. Ngayon ang unang araw nila sa serbisyo. "Bonjour, monsieur,” matikas na bati sa akin ng isang French na tauhan. (Translation: Hello, Sir!) Bumaling ako sa kanya. "Vous avez chopé Nicholas?" tanong ko sa maawtoridad na boses. (Translation: Nakuha niyo ba si Nicholas?) Umayos siya ng tindig. "Il est à l'intérieur, Patron. Nos hommes le tiennent,” pag-iimporma niya sa akin. (Translation: Nasa loob, Boss. Hawak ng mga tauhan natin.) Tumango ako at tinapik ang balikat niya. "Bon boulot." (Translation: Good job.) Matapos no’n ay nagdire-diretso na ako sa loob ng mansyon. Sumuno

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status