Samara POV
"Daddy," pangiti kong sabi nang madatnan ko si dad sa main office. Abala ito sa pagbabasa ng mga papeles pero hininto niya 'yon nang makita ako. "Ara, have a seat," saad niya. Ang kani-kanina lang na seryosong mukha ay agad na umaliwalas. "Good evening, Sir," bati rin ni Atty. Santivañez. "Oh," natawa si dad nang makita itong maraming dala at bumaling sa akin. "This kid is a lawyer and a CPA at the same time tapos pinagbitbit mo lang ng gamit?" "Ahh," magpapaliwanag sana ako pero si Atty. Santivañez ang sumagot para sa 'kin. "It's fine, Sir. I offered the help. Hindi niya naman ako pinahirapan," matapos sabihin 'yon ni Atty. Santivañez ay sabay silang natawa ni dad. "I need to go, Sir. May aasikasuhin pa akong documents," paalam nito bago lumabas ng main office. Umupo ako. "He's quite too kind," saad ko. "Yeah, dito rin siya nag-intern. Matulungin talaga at mabait ang batang 'yan. Masipag pa, matalino at maaasahan. Ni minsan ay hindi pa niya ako binigyan ng problema," pagbibida ni dad. Sumang-ayon ako. Base nga sa karanasan ko kasama si Atty. Santivañez kanina ay masasabi kong tama siya. "Dad," inilabas ko ang dala kong bouquet ng carnation flowers. Agad 'yong nagpangiti kay daddy. "You need a new car?" biro niya at tinanggap ito. "No," malambing kong sabi. "Nagkasagutan tayo no'ng isang araw, 'di ba? Hindi pa ako nakakapag-sorry." Huminga ito nang malalim. "Come here." Tumayo ako at niyakap si dad mula sa likuran niya. "Galit ka pa rin ba?" malungkot kong tanong. "Hmm, nagtatampo, pero alam mo namang hindi kayang tiisin ng magulang ang anak niya." Lumingon siya sa 'kin at hinalikan ang noo ko. "I promised to your mom na aalagaan kita. I know you love me, pero minsan nakakalimutan mong iparamdam sa akin 'yon. You've been a headache lately, honestly," pag-amin niya. Naningkit ang mga mata ko at nahihiyang ngumiti. "Sorry na, dad," ako naman ang humalik sa noo niya saka siya tinitigan. "Sorry kung sa ganoong paraan ko dinadaan ang pangungulila ko kay mommy." Napabuntong-hininga siya at hinawi ang buhok ko. "You were too young nang mawala ang mom mo, Ara. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo kasi nag-iwan din siya ng puwang sa puso ko. H'wag mo sanang iisipin na hindi mo ako pwedeng takbuhan kapag nalulungkot ka. You can tell me anything." Napakurap ako. "Anything?" Tumango si dad. "Are you thinking of something right now?" Bahagya akong napangiti. Mukhang good mood naman na si daddy. Sabihin ko na kaya ang tungkol sa amin ni Aldric? Pagod na rin akong itago ang relasyon namin. "Hmm," nag-aalinlangang panimula ko. "Kasi dad... hindi ka ba magagalit kung may boyfriend na ako?" Agad na kumunot ang noo nito. "What? I knew it, kaya may suhol kang dala," iniangat niya ang niregalo ko sa kanyang bouquet ng carnation flowers. "You're still a student, Ara. Magtapos ka muna ng college," nagsimula siyang ibalik ang atensyon niya sa mga papeles sa mesa. "Dad, mabait naman siya. Hindi rin siya abala sa pag-aaral ko," muli ko siyang nilambing. "Sa katunayan, mas nai-inspire pa nga akong magtapos dahil sa kanya. Ni minsan ay hindi pa siya nagloko. Perfect boyfriend siya, dad," pagyayabang ko. Lumingon siya sa akin. "Gaano na kayo katagal?" "Uhm, almost 3 years?" sabi ko sa pilit na ngiti. Napailing si daddy. Parang gusto pa niyang magprotesta pero napagtanto niya ata na wala na siyang magagawa. "I want to meet him," sambit niya. Halos tumalon ang puso ko sa tuwa. "Really?" Tumango siya. "Pero kung hindi ko siya magustuhan, iwan mo agad, ah?" pagbabanta nito na nakaturo pa sa akin. "Dad naman," nakasimangot na saway ko sa kanya. Natawa ito sa naging reaksyon ko. "But seriously, I want to meet him. Gusto kong makilala ang lalaking nakatiis sa ugali ng anak ko. He must be an extraordinary man," biro nito. "Wow dad, ah? Grabe," natatawa kong sabi. Sumandal si dad sa swivel chair niya. "How about your birthday? I already told Luchi to plan for your party. It's your special day so I'll give you a chance to ask me anything," pag-iiba nito ng usapan. "Hmm," bahagya akong tumingala para mag-isip saka ako muling tumingin kay daddy. "I want to spend 3 days at Balesin." "That's good, I'll let you use our private jet so you can invite your friends," suhesyon nito. Umiling ako. "I don't want them. Gusto ko tayong dalawa 'yong magbakasyon. Kelan ba no'ng huling nagbeach tayo? Hindi ko na maalala," kunwari ay nagtatampo kong sabi. Naningkit ang mga mata niya. Sa tingin ko ay may naka-schedule na siya sa araw na 'yon. "Ara..." Magpapaliwanag pa sana siya. "Just 3 days dad, sige na," pangungumbinse ko. "Fine, let's go there together," pagsuko niya. Naiiyak ko siyang niyakap. "I love you, dad." Sa maraming pagkakataon na hindi kami nagkakaintindihan, gusto kong mapunan lahat 'yon kahit tatlong araw lang. Gusto kong makabawi sa kanya. Kinuha ni daddy 'yong sticky notes sa stationary tray ng table niya. 'Will spend three days at Balesin with my lovely daughter,' sulat niya rito. Nagmukha pa 'yong kontrata kasi naglagay siya ng dalawang blangko para sa pirma naming dalawa. "If hindi ka tumuloy, it would be considered a breach of contract," pagbabanta ko sa kanya at dinikit 'yong sticky note sa ledger niya. He smiled na mukhang proud sa narinig. "You know legal things now, isa ka ngang Licaforte." "Oo naman," confident kong sabi. "I am Samara Licaforte and I'm good at everything." Ngumiti si dad. "Really?" Sasagot pa sana ako sa kanya nang makarinig kami ng tatlong katok sa pinto. "Hmm, come in," saad ni dad. Pumasok ang sekretarya niyang si Luchi. "Kakarating lang po ni Mr. Perez for your business collaboration meeting. Pinadiretso ko na po siya sa conference room." Kinuha ni dad ang isang folder mula sa drawer. "Tell him I'm coming," sambit ni dad sa sekretarya niya na agad namang sumunod. Nilingon ako ni dad at hinalikan sa noo. "I need to go now, let's talk again some other day." Tipid na ngiti lang ang iginanti ko bago tuluyang lumabas si dad ng main office. Napabuntong-hininga ako. Isasara ko na sana ang drawer na naiwan ni dad na nakabukas nang mapansin ko ang news article about a factory na nasunog 15 years ago. Kinuha ko ang dyaryo at binasa. Naging malaking issue pala 'to dati kasi kasamang nasunog sa loob ang may-ari ng factory na naging dahilan ng pagkalugi ng kompanya nito. The factory was also operating 24/7 kaya may mga trabahanteng nadamay. Isa ito sa pinakamalaki at pinakamalalang sunog na nangyari sa buong bansa. Ang anggulong nakikita ng mga awtoridad ay ang kakulangan sa safety protocols. Naningkit ang mga mata ko. 'Ba't may ganitong article sa office ni daddy?' "Ms. Samara," tawag sa akin ni Atty. Santivañez. Nagtataka siyang tumingin sa d'yaryong hawak ko. "What's that?" tanong niya. "Ahh," agad ko 'yong binalik sa drawer ni daddy. "Wala, random article lang," tugon ko sa kanya. "Pinapa-check lang ni Mr. Licaforte kung nakauwi ka na," pangiti niyang sabi sa 'kin. Kinuha ko ang mga gamit ko. "Pauwi na rin ako, pakisabi na lang kay daddy," sambit ko bago lumabas ng main office. *** "On your march, ready, get set, GO!" Naghiyawan ang lahat matapos i-announce 'yon ng referee. Mabilis na nag-unahan ang kani-kanyang representatives ng College Departments sa running race na siyang grand opening ng sportsfest. "Woooah! Go Business Department!" cheer ng mga kaklase ko sa representative namin. Iginala ko ang paningin sa paligid. Napuno ng maraming kulay ang stadium ng Nortford University dahil sa flaglets na binabandera ng bawat estudyante. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko kasi mahanap si Aldric sa Architecture Department. 'Hey.' Agad na lumapad ang ngiti ko nang makita ang notification sa phone ko. Speaking of... Binuksan ko ang messenger ko para mabasa pa ang ibang sinend ng boyfriend ko. 'It's quite loud here. Let's walk around?' Sinubukan ko siyang hanapin. 'Where are you?' Beep. 'In your heart?' I giggled. Naisip niya pa talagang mag-pick up line? 'Korni mo,' biro ko. Patuloy pa rin ako sa pagbabasa ng messages niya nang kalabitin ako ni Mandy. "Boyfriend mo, oh," turo niya kay Aldric na nakasandal lang pala sa railing. May dala itong teddy bear at isang heart-shaped balloon. Tinukso ako ni Candice na katabi ko lang din. "Wow, ah? Valentines?" Inirapan ko siya bago tuluyang lumapit kay Aldric. Saglit pang naghiyawan ang mga nakakita sa amin. "Anong pakulo 'to?" pagtataray ko kunwari sa kanya saka kinuha yung regalo niya. "Sabi mo ok na sa daddy mo na ipakilala mo ako sa kanya. A little celebration?" pangiting tugon nito. Napuyat nga kami kagabi dahil ang haba ng naging pag-uusap namin sa phone no'ng ipinaalam ko 'yon sa kanya. "Let's go to a certain place, may inihanda ako," yaya niya sa akin. Hinawakan ko ang braso niya. "Tara." *** "Hey, slowly," nakatakip sa mga mata ko ang dalawang kamay ni Aldric. Ginagabayan niya akong maglakad. "Ano ba 'to? Baka ipa-hazing mo 'ko, ah?" Hinawakan ko ang dalawang kamay niya. "No, trust me, konteng hakbang na lang," malambing niyang sabi. "Here, open your eyes." Sinunod ko ang sinabi niya at bumungad sa akin ang isang napakagandang garden na puno ng carnation flowers. May nakapalamuti pang fairy lights sa paligid. Agad akong napangiti dahil sa pagkamangha. "Mas maganda 'to kung gabi, kaso hindi na kasi ako makapaghintay kaya pinakita ko na agad. Did it ruin my surprise?" nahihiya niyang sabi. Nilingon ko siya at ipinulupot ang braso ko sa leeg niya. "Don't worry, I like it," kinintalan ko siya ng halik sa labi. "Here's your menu, Ma'am," inabutan kami ng menu ng isang waitress. Nakangiti akong tumingin kay Aldric. "May food rin?" "Sabi mo dati gusto mo ng dinner sa gitna ng garden, diba? I hope you don't mind if we'll have an early lunch instead," dinala niya ako sa isang romantic na dining table. May naka-decorate pa ritong bulaklak. May dalawang musikero rin sa tabi na nag-aabang na may hawak na cielo at violin. They immediately played nang makaupo kami. Nakangiti kong tinitigan si Aldric. "Masyado mo akong ini-spoil, baka masanay ako nito," babala ko sa kanya. "Edi, masanay ka, wala naman akong balak na itigil 'to," malambing nitong tugon. "Plano kong ligawan ka kahit na kasal na tayo o kahit matanda na at kulubot na ang balat nating dalawa." Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa 'kin. "Sayang naman yung romantic music, shall we dance first?" Tinanggap ko ang kamay niya at sumayaw kaming dalawa sa gitna ng garden. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at matamis na ngumiti. Kay sarap sa pakiramdam na makahanap ng isang taong bibigyan ka ng assurance na hindi ka niya iiwan. *** THIRD PERSON POV Static noises... Isang misteryosong tao ang sumandal sa swivel chair at inayos ang mga datus na nakalap ng kanyang laptop. Halos alam na niya ang araw-araw na nangyayari sa buhay ni Samara. Ang mga lugar na pinupuntahan nito, maging ang mga taong nakakasalamuha ng dalaga. Sunod-sunod na recorded voices ang nag-play. 'Sorry na, dad.' 'Sorry kung sa ganoong paraan ko dinadaan ang pangungulila ko kay mommy.' 'It's your special day so I'll give you a chance to ask me anything.' 'I want to spend 3 days at Balesin.' 'If hindi ka tumuloy, it would be considered a breach of contract.' 'Hey, slowly.' 'Masyado mo akong ini-spoil, baka masanay ako nito.' Napataas ang gilid ng labi ng misteryosong tao. Nilaro niya ang daliri sa mesa. Konteng panahon na lang... Makakahanap din siya ng pagkakataong sirain ang buong pagkatao ni Samara at sisiguraduhin niyang magiging miserable ang buhay ng dalaga.SAMARA POV “Yes, deploy all assets. Kalkalin niyo ang lahat ng surveillance footage. I want every angle verified. I need a comprehensive report kung sino ang pasimuno ng kaguluhan sa kaarawan ni Ara. ‘Wag niyo itong hahayaang kumalat. Bayaran niyo rin ang press para pagtakpan ang balita,” maawtoridad na utos ni Daddy sa kausap niyang tauhan sa telepono. Kanina pa ito palakad-lakad sa living room. Si Tita Olivia naman ay minamasahe ng mga katulong habang nakaupo sa couch. Kahit hindi nito sabihin ay halata ang stress sa mukha niya. Napagdesisyunan niyang ‘wag na munang matulog dahil parang babangungutin daw siya. Ilang oras na niyang pinapakalma ang sarili. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya minarapat ko na lang na titigan ang tsaang ginawa para sa akin ni Manang Letty. Nasa dining area kami kasama si Kakai. Sinaluhan nila ako dahil bigla-bigla na lang akong natutulala. Ayaw kasing mawala sa memorya ko ng mga Veiler na ‘yon. Hindi man nila kami naabutan kaya ligtas kaming naka
SAMARA POV “Maligayang kaarawan, Samara,” nakakakilabot na saad ng isang hindi pamilyar na boses. Umalingawngaw ang tawa nito sa buong hardin. Kasunod no'n ay sinalakay kami ng mga armadong tao na nakasuot ng itim at maskara. Nagkagulo ang lahat. “AHHHH!” Kilalang-kilala ko ang paraan ng pananamit nila. Sila ang kumidnap sa akin noon. Ang mga Veiler! “Patayin ang mga Licaforte!” Matapos ng bulyaw na ‘yon ay napuno ang buong paligid ng nakakabinging putukan. Nagkanya-kanyang sigawan at takbuhan ang mga bisita. Bumakas ang tama ng mga bala sa paligid. “Call the guards!” maawtoridad na utos ni Daddy. Bumagsak ang kani-kanina lang ay nakasabit na mga chandelier. Sumabog ang mga bubog nito sa lupa. Nagkalat ang iilang duguang bisita sa paligid. Nagsimula na ring magliyab ang apoy. Dama ko ang init, ang pamamanhid. Nanginginig ang buo kong katawan at parang naestatwa na lang sa kinatatayuan. Nagbalik sa memorya ko ang naging karanasan ko sa mga Veiler no’ng ako’y musmos pa lam
SAMARA POV Todo ang kaba sa dibdib ko habang nakasakay sa karwahe. Rinig ko ang papalakas na music na handog ng kilalang orchestra na inanyayahan ni Daddy. Sumabay ito sa palakpakan ng mga bisita na sa tansya ko ay walong daan. Pawang mga bigating tao, pulitiko at may napatunayan na sa business industry ang dumalo. Mga kakilala ni Daddy. Imbitado rin ang iilan kong kaibigan sa Northford University. Kita ko ang antisipasyon sa mga mata nila nang huminto ang sinasakyan ko. “And now, let me call on the dazzling birthday celebrant of the night, Ms. Samara Licaforte. Around of applause, everyone!” anunsyo ni Luchi na siyang host ng event. Nagsilbing hudyat ‘yon ng pagbaba ko mula sa karwahe. Inalalayan ako ng isang bodyguard. Marahan kaming naglakad sa red carpet papunta sa silyang inireserba para sa akin sa stage. Sinalubong ako ng iilang paparazzi. Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Kumikislap ang venue na dulot ng naglalakihang chandeliers. Nakahilera rin sa mahabang me
THIRD PERSON POV Pagkababa ng sasakyan ay nagdire-diretso si Aldric sa loob ng Black Lights. Sinalubong siya ng malakas na musika ng bar. Masayang nagsasayawan ang lahat sa gitna ng dance floor habang naglalaro ang sari-saring kulay ng ilaw. Halo-halong amoy ng alak at sigarilyo. May iilang naghahalikan sa couch. “Tequila, sir?” alok sa kanya ng seksing waitress. “No, thanks,” pagtanggi niya. Wala siyang interes na magliwaliw sa naturang lugar. Nasa grand party na sana siya ng nobya niyang si Samara. Tumawag lang talaga si Monica dahil may sasabihin itong importante. Base sa tono ng pananalita nito, mukhang may alam ang dalaga sa pagpatáy niya kay Eli. Hindi tuloy siya mapakali. Isang bartender ang lumapit sa kanya. “Sir, kayo po ba si Mr. Aldric Rodriguez?” tanong nito. Nangunot ang noo ng binata. “Ako nga, bakit?” Inabot ng bartender sa kanya ang isang key card. “Naghihintay po sa inyo si Ms. Monica Licaforte sa VIP area,” abiso nito. “Tch,” naiinis na turan n
THIRD PERSON POV Tapos na ang dinner sa mansyon ng mga Licaforte ngunit nanatili pa rin ang sakit sa dibdib ni Monica. Nagngingitngit siya sa galit dahil sa ginawa ni Aldric. Hindi niya lubos maisip na ang stepsister niya pa talaga ang karibal niya. Inubos na nito ang lahat ng pagmamahal na nais niya sa sarili niya. Nanginginig ang dalawa niyang kamay habang nakatukod sa lavatory ng bathroom. Mariin ang pagkakatitig niya sa repleksyon sa salamin. May halong poot ang mga luhang dumadaloy sa pisngi niya. Mabibigat ang kanyang paghinga. Ayaw na niya sa dating Monica na mahina at isinasantabi lang. Gusto niyang gumanti at ipakita sa lahat na may halaga rin siya. “AHHH!” malakas niyang sigaw sabay dampot ng katabing vase. Inihampas niya ‘yon sa salaming kaharap na agad na nawasak. Kita niya sa basag na mga piraso nito ang bago niyang itsura. Matatag at walang emosyon ang mga mata. Gamit ang duguang kamay ay dinampot niya ang nakitang gunting. Pinutol niya ang mahabang buh
THIRD PERSON POV Nag-init ang gilid ng mga mata ni Monica dahil sa nagbabadyang luha. Gayunpaman, kaswal lang kung kumilos si Aldric. Hindi niya alam kung maiinsulto ba siya o matatawa. It’s as if she’s a total stranger! Kung umakto ito ay parang wala silang mga sandaling pinagsaluhan. Magaling ngang magpanggap ang binata at magtago ng totoong nararamdaman. “Oh, so you're Monica? Ikaw pala ang nak’wento sa akin ng Ate Ara mo kanina. Nice to finally meet you,” saad ng binata at naglahad ng kamay. Nice to finally meet you? Wow! Sa isip ni Monica ay ang kapal talaga ng mukha nito. Matapos ng lahat-lahat sa kanila? Walang emosyon niyang tinitigan ang kamay nito. Tapos, dumako ang mga mata niya sa Ate Samara niya. Hindi niya masukat ang pait na nararamdaman. Sa wari niya’y wala na itong itinira sa kanya. Ito ang paboritong anak ng daddy nila. Halos lahat ng tao, isinasantabi siya para lang dito. Ngayon naman, nakuha nito ang lalaking natitipuhan niya. Ang lalaking b