Beranda / Romance / Craving For Love / CHAPTER 96: Bee

Share

CHAPTER 96: Bee

Penulis: Love Reinn
last update Tanggal publikasi: 2024-09-28 21:49:14
THIRD PERSON POV

Alistong sinundan ng mga mata ni Marco ang direksyong pinuntahan ng taong nakaitim. Saka niya ito nakita sa itaas ng puno. Kumislap ang hawak nitong katana. Sa kuro-kuro niya ay isang ninja.

Ilang beses pang nagpalipat-lipat ng posisyon ang taong ‘yon na parang pinag-aaralan ang lokasyon nila. Napabaling na rin ang tatlo sa pagkilos ng mga sanga sa ibabaw ng puno. Nakaramdam sila kaba at napatayo.

“A-Ano ‘yon?” nauutal na tanong ni Jack dahil bahagyang nakadama ng takot. N
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Craving For Love   CHAPTER 184:

    SAMARA POV'Hay, sobrang awkward. Paano ba kasi ako nasadlak sa sitwasyong 'to? Akala ko ba ay iiwasan ko na siya?' maya't maya ay daing ko sa isipan. Tinatali ko ang tinipon kong maliliit na bakal. Nagkalat ito sa sulok ng basement kanina. Tira-tira ng construction workers noong nag-renovate sila. Hindi ako mapakali na walang ginagawa kaya tumulong ako sa pag-aayos ng mga gamit. Nakatuon pa rin naman ang atensyon ko kay Marco kasi baka madapa siya."Dito ba ay okay na?" tanong niya sa akin. Tumingala ako. "Ah, okay na 'yan... ako 'yong hindi," mahina kong angil.Bumaling siya sa side ko. "Huwag kang bumulong. Ulitin mo, 'yong maririnig ni Mr. Sanchez."Napaigtad ako nang marinig ang 'magic word', Mr. Sanchez.Ibinaba ko ang tinatali kong mga bakal at pumatong sa upuan para malawak na makita ang winalis niya. Namangha ako kasi napakapulido. Kung may ibang makakakita nitong basement ay tiyak na hindi aakalaing bulag ang naglinis nito."Malinis na, sa bandang kanan ka naman," turo ko

  • Craving For Love   CHAPTER 183:

    SAMARA POV "Uhmm..." Napaungot ako nang magising. Sa garden na pala ako nakatulog. Kinapa ko sa bag ko ang phone ko para i-check kung may message si Monica, saka ko napansin na may nakabalot na kumot sa akin. Sa isang kamay, hawak ko ang nawawala kong kwintas. Agad na napakunot ang noo ko. "Wait, nahanap ko ba 'to kagabi? Hindi ko matandaan." Napakamot ako sa ulo ko. Sa sobrang pagod ay pumupurol na ang memorya ko. "Hindi bale. Ang importante, nahanap ko na ang kwintas ko." Itinago ko 'yon sa pitaka ko kasi baka pagdiskitahan na naman ni Monica. "Ms. Samara! Ms. Samara!" Patakbong lumapit sa akin si Luchi. Parang may kung anong dalang balita. "Oh, Luchi? Ang aga-aga, nagsisisigaw ka." "Si Sir Marius po kasi, 'yong inaanak ni Mr. Sanchez. Nag-apply ng trabaho sa atin. Ginawang janitor ni Ma'am Monica." Namilog ang mga mata ko. "Ano?! Paano maglilinis 'yon? E, bulag 'yon." "Kaya nga. Alam ni Ma'am Monica. Sinabi ko sa kanya, at wala siyang pakialam." Base sa pananalita niya a

  • Craving For Love   CHAPTER 182:

    MARIUS POVPapalapit pa lang kami nina Jack at Mr. Sanchez sa kinaroroonan ni Ara ay rinig na rinig na namin ang malakas na paghilik nito. Nakatulog siya nang mahimbing sa paghahanap ng nawawala niyang kwintas. Ni hindi na niya nai-off ang hawak niyang flashlight. "Ladies and gentlemen, ganito ang itsura ng taong maraming pinapasan sa buhay," biro ni Jack sabay click ng camera niya. Panay ang hagikhik nito. "Kahit ata mag-videoke tayo sa harapan niya ay hindi siya magigising."Kinuha ko ang camera niya at binura ang nasabing larawan. Nagulat siya, pero kaswal ko lang itong ibinalik sa kanya. "Sabihan mo ang mga tauhan natin na magdala rito ng kumot. Baka lamigin si Ara."Nang lingunin ko siya ay isang pilyong ngiti ang ipinukol niya sa akin. Sumenyas siya kay Mr. Sanchez. "Condolence sa feelings na meron pa, pero hindi na masusuklian." Sabay silang nagtawanan. Nagbulungan pa sila, ngunit hindi ko na pinansin. Kinuha ko sa bulsa ko ang kwintas ni Ara na pinahanap ko sa mga tauhan

  • Craving For Love   CHAPTER 181:

    THIRD PERSON POV "Istúpidá ka talaga, Monica! Bakit ngayon ka pa gumawa ng eksena? Alam mong nandito si Mr. Sanchez. Paano kung hindi niya ituloy ang pagbili nitong kompanya? Ikaw ang ipambabayad ko sa mga pinagkakautangan natin?!" bulyaw ni Mrs. Licaforte sa kanyang unica hija. Tutal, konteng panahon na lang ang natitira para bumagsak ang kompanya nila, hindi na niya ito itatago pa. "I'm sorry? Anong bibilhin? Plano mong ibenta itong kompanya? What about my future?" paghihisterya ni Monica. Nasanay na siya sa buhay alta. Masisira ang image niya kapag nawala ang yaman nila. "Future? Naiisip mo pa pala 'yan? E, puro party ang inaatupag mo lately. Ilan ba sa mga ginawa mo rito sa kompanya ang naging successful? Wala akong maalala. For heaven's sake, bakit ba ako binigyan ng anak na bóba?" hinihilot ang sintidong usal ng ginang. Mahal niya ang anak niya, pero hindi na niya napigilan ang sarili na magbitaw ng hindi kaaya-aya dahil sa labis na problema. Napaupo sa sofa si Monica at nags

  • Craving For Love   CHAPTER 180:

    MARIUS POV "Did I hear it right, Mr. Sanchez? Binebenta ni Mrs. Licaforte ang kompanyang ito sa atin?" pangungumpirma ko sa sinabi niya. Nasa lobby kami ngayon at nag-aagahan sa isang café. Katatapos lang ng maaga niyang meeting kay Mrs. Licaforte. Ang abiso ng ginang ay may importante raw itong sasabihin. Hindi ko inaasahan na pagbebenta pala nitong Licaforte Corp ang pakay niya. "Maging ako man ay nagulat, Sir Marius. Halatang problemado si Mrs. Licaforte habang nasa meeting kami kanina. Mahina ang sales ng luxury brands nila nitong nagdaan. Aniya, dahil sa krisis pinans’yal ng Pilipinas ay mas pinipili ng mga tao na bumili ng basic needs kaysa luho. At this point, giving up is their best option," dagdag na ulat nito. Sumimsim ako ng kape at mariing sinuri ang report sa iPad ko na pinasa ng isa kong tauhan tungkol sa Licaforte Corp. Nitong nagdaang taon, nalulong sa sugal ang kasalukuyang CEO nito na si Mrs. Licaforte. Malaking porsyento ng kinita ng kompanya ay napunta sa bisy

  • Craving For Love   CHAPTER 179:

    SAMARA POV"What the héll! Did you just slap me?! I'll fire you!" sumabog sa buong opisina ang bulyaw na 'yon ni Monica. Nagngingitngit siya sa galit. Teka lang, fire? Para akong nabigwasan nang wala sa oras.Ang dami kong bayarin para sa pag-aaral ni Shion. Tiyak din na malulugi ang kompanyang 'to kapag hinayaan ko silang dalawa ni Tita Olivia. Ang Licaforte Corp na lang ang tanging alaala ko kay Daddy. Bakit ba kasi ako nagpadala sa emosyon ko? Natataranta akong lumapit sa stepsister ko."S-Sorry, hindi ko sinasadya—aaah!" Hinablot niya ang buhok ko at kinaladkad palabas ng opisina niya. Sumunod ang mga kasama niya sa amin para makiusyuso. Pinagtinginan kami ng mga empleyado nang makarating kami sa lobby. Sumasakit na ang anit ko dahil hindi pa rin niya binibitawan ang buhok ko. Halata sa itsura ng mga nakakita sa amin ang pagkagulat, pero walang ni isang umawat. Alam nila ang ugali ni Monica at ayaw nilang madamay. Nang makalabas kami ng main door ay basta niya na lang akong t

  • Craving For Love   CHAPTER 21: Mama?

    SAMARA POV “Uhmm, busog na busog ako. Salamat, Tita Ganda,” masiglang naglakad si Lolly sa unahan namin ni Marco. Panay ang masahe ko sa braso ko kapag hindi siya nakatingin. Grabe, nakakangalay palang magbitbit ng bata. “Tita,” lumingon si Lolly sa akin kaya umayos ako ng tayo at ngumiti. “Yes?

  • Craving For Love   CHAPTER 19: Singsing

    SAMARA POV “B-Ba’t naka-iPhone ka?” nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. Namamalimos pa nga siya at pinatos maging mascot para lang may makain sila ni Lolly. Tapos papakitaan niya ako ng phone na sobrang mahal? Nagsinungaling lang ba siya at hindi totoong mahirap? Kinapa ni Marco ang phone n

  • Craving For Love   CHAPTER 17: Unsettled Matters

    SAMARA POV “Hmm, so what's your schedule for today?” sambit ko habang hawak-hawak ang notebook ni Aldric na naglalaman ng schedule ng practices at matches niya for football. Bumaling siya sa ‘kin. “Mamayang 4PM pa ang practice namin, may oras pa akong magpahinga,” tugon niya. Pauwi na kami sa kany

  • Craving For Love   CHAPTER 13: Hinala

    SAMARA POV Mabilis akong nagmaneho sa kahabaan ng Taft Avenue. Nakatuon lang ang mga mata ko sa BMW kung saan lulan sina Tita Olivia at ang lover niya na sa tansya ko ay matagal na niyang kalampungan. Mahigit kalahating oras ko na silang sinusundan at sisiguraduhin kong mahuhuli ko na sila this t

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status