Share

KABANATA 20

KABANATA 20: First kill

NALA

Noong bata pa ‘ko hindi ko pinangarap na humawak ng baril. Hindi ko rin pinangarap na ipahamak muli ang buhay ko subalit ito nga talaga siguro ang tadhana ko. Simula nang mamatay si Mama at iwan kami, hindi na ulit pumasok sa isip ko na bumalik sa dati kong buhay dahil gusto kong bumawi kahit wala na siya. Gusto kong ipakita sa kaniya na kaya kong tuparin ang kahuli-hulihang bilin niya.

Pumikit ako ng mariin habang mahigpit ang hawak ko sa grip ng baril. Alam kong ito na ang tamang oras para ilabas ko ang naging resulta ng ilang buwan naming pagta-training. Kung baga magsisilbi itong summative test sa parti ko dahil dito ko mailalabas ang mga natutunan ko. Dito masusukat kung hanggang saan ang kaya ko.

Inaamin ko, kinakabahan ako at natatakot dahil alam kong maling galaw ko lang ay pwede akong mamatay. Pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko habang iniisip ang pwedeng mangyari sa akin pero kailangan kong paalalahanan ang sarili ko na hindi ako pwedeng p
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status