Share

Craving Pleasure
Craving Pleasure
Author: warcornxx

SIMULA

“Ano kaya mo ba talagang gawin ‘to?” nag-aalalang tanong ni Lawrence habang naglalakad kami sa madilim na iskinita.

Bahagya naman akong tumawa para matakpan ang pag-aalinlangan na nabubuo sa dibdib ko. Mabuti na lang ay madilim sa iskinita kung nasaan kami kaya hindi niya makita ang buong histura ko at kung paano ako nag-aalinlangan.

“Oo naman,” kalmadong sagot ko sa kaniya.

Huminga naman siya nang malalim at seryosong tumingin sa akin.

“Huwag kang magsinungaling sa akin, Nala. Kilala kita. P'wede kang magsinungaling sa lahat pero hindi sa akin. Alam ko namang ayaw mo talagang gawin ang bagay na ‘to.”

Alam mo naman pala e. Bakit nagtanong ka pa?

Tumigil kami sa paglalakad nang malapit na kaming makalabas sa eskinita. Hinarap ko siya. Kahit madilim ay nakikita ko pa rin ang pag-aalala sa mga mata ni Lawrence. Bukod sa kaniya ay wala nang ibang nag-aalala sa sitwasyon ko kaya grabe talaga ang pasalamat ko sa kaniya kasi hindi niya ako iniwan.

“Alam ko. Mas kilala mo pa yata ako kaysa sa sarili ko eh,” ani ko. “May choice ba ako? Tanggap ko na ang kapalaran ko. Kung hindi ako susugal at uupo na lang sa tabi, maaga kaming mamamatay.”

“Pero p'wede ka naman maghanap ng trabaho. Nakapagtapos ka naman ng junior highsch—”

“Alam mong sinubukan ko nang gawin ‘yan, 'di ba? Bago mo sabihin sa ‘kin ang mga sinasabi mo, bakit hindi mo muna i-apply ‘yan sa sarili mo?"

Huminga ng malalim si Lawrence at saka natahimik.

Kumuha ako ng yosi sa bulsa ng suot kong maluwag na pantalon at saka sinindihan ang tobacco rod no’n gamit ang lagi kong dala-dalang lighter na tig-sampung piso lang sa tindihan.

Inalok ko siya ng kaha ng Marlboro para kumuha doon ng stick na kaagad naman niyang ginawa. Pagkatapos ay pinagdikit namin ang dulo ng yosi para magkaroon ng sindi ang yosi niya.

Nakagawian na naming gawin ‘yon kahit palagi naman kaming may dalang lighter.

“Ano’ng plano mo? Pa’no kung mahuli ka?” biglang tanong niya pagkatapos ng mahabang nakakabinging katahimikan.

Natawa naman ako ng mahina. “Bakit hahayaan mo ba akong mahuli?” tanong ko pabalik.

“Syempre hindi!” kaagad na sagot niya.

“Eh ‘di wala naman akong dapat ipag-alala. Kasama naman kita dito. Matagal mo nang ginagawa ‘to kaya may tiwala ako sa 'yo. Alam kong hindi mo ako papabayaan.”

Ginulo niya naman ang natural kong brown na buhok na minana ko sa tatay kong Amerikano.

“Proprotektahan talaga kita, mahalaga ka sa 'kin eh."

Inirapan ko siya. “Kadiri ka naman! Pwede namang huwag nang i-vocalize! Action is louder than words kaya hindi mo ba alam ‘yon?” mataray na sabi ko at saka bahagyang lumayo sa kaniya.

Tumawa naman siya dahil sa naging reaksiyon ko. Huminto lang siya sa pagtawa nang tumunog ang cherry mobile niyang cellphone na mas matanda pa siguro sa kapatid kong bunso.

“Oh, Balong?” rinig kong bungad niya sa kausap.

Nagpatuloy naman ako sa pagyoyosi hanggang sa maubos ito. Tinapon ko ‘yon sa simento at saka inapakan hanggang sa mawala ang apoy sa dulo.

Bumaling ako sa direksiyon ni Lawrence na kakatapos lang kausapin si Balong, ang leader namin.

“Ano raw sabi?” usisa ko nang makabalik siya.

“Nakahanda na raw sila,” sabi niya.

Huminga ako nang malalim para maibsan ang kaba at saka tumango. Sinuot ko ang kulay itim na hoodie jacket at itim na face mask upang matakpan ang muka ko. Ganoon rin ang ginawa ni Lawrence. Muli na naman siyang tumingin sa akin na para bang handa na naman akong pigilan.

“Tara na,” seryosong sabi ko

“Tatanungin ulit kita, Nala. Alam mong ayaw kong mapahamak ka, ‘di ba? Kaya sagutin mo ako—”

“Bakit nanliligaw ka ba para sagutin kita?” pangbabara ko sa kaniya.

Tiningnan niya naman ako nang masama. “Hindi ako nakikipagbiruan.”

Natawa ako ng mahina. Pikon talaga.

“Huwag ka na kasing maraming sinasabi. Tara na. At oo sigurado na ako dito. Pinag-isipan kong mabuti ito Lawrence kaya kung pipigilan mo ako bahala ka na sa buhay mo,” sabi ko at nauna nang maglakad sa kaniya.

Ala-una na ng madaling araw kaya mangilan-ngilan na lang ang mga tao sa daan. Tahimik at madidilim na ang mga iskinita ng Parañaque kaya confident naman kami na hindi kami mahuhuli. Sa palagay ko ay kanina pa tapos rumonda ang mga pulis sa parteng iyon ng lungsod.

Lumiko ako sa may kanto, naramdaman ko naman na nakasunod lang sa ‘kin si Lawrence.

“Huwag kang masyadong lalayo Nala. ‘Tsaka lumayo ka sa mga CCTV, naiintindihan mo ba?” pasimpleng sabi niya sa ‘kin habang naglalakad kami na parang hindi magkakilala.

“Oo alam ko na ‘yan naipaliwanag na ni Balong ‘yan kanina,” sabi ko sa tonong walang gana.

Kagaya nang napag-usapan ay sa madilim na parte ng Inferno Bar’s parking lot kami dumaan para hindi kami mahagip ng CCTV sa may entrance. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang pumapatak ang bawat segundo. Mararamdaman ko na rin ang pamumuo ng malalamig na butil ng pawis sa noo ko.

Ang ingay mula sa loob ng bar at naririnig namin kahit nasa labas kami. Ang malakas na tugtog, ang hiyawan ng mga tao at kung ano-ano pa. Sigurado ako na wild na ang mga tao doon dahil ala-una na.

Tsk, mayayaman nga naman.

Nag-aaksaya sila ng pera para lang magliwaliw at tuparin ang mga luho. Samantalang kaming mahihirap ay kailangan pang gumawa ng krimen para lang makakain.

Alam ko naman na hindi nila kasalanan kung bakit ganito ang katayuan ng buhay namin pero ang sa ‘kin lang naman, matuto sana silang pahalagahan ang mga bagay na natatamasa nila sa madaling paraan.

Unang beses kong gagawin ang matagal nang pinagkakakitaan ni Lawrence kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na matakot para sa maaaring mangyari sa ‘kin pagkatapos nito. Kahit pala ano’ng pagbabago ang gawin ko sa sarili ko, sa ganitong trabaho pa rin pala ang bagsak ko.

Nakakatawa lang isipin na nangako ako sa sarili ko na hindi na akong babalik sa dating ako pero ang sarili kong pangako ay pinako ko.

Kaya ko ba talagang gawin ang bagay na ‘to? Kaya ko ba talagang dungisan ang sarili kong mga kamay?

“L-Love... you... A-Ate k-ko,” hirap na hirap na sabi ni Nadine kanina bago ako umalis ng hospital.

Pumikit ako nang mariin. Kailangan kong gawin ‘to para sa kapatid ko. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Si Nadine na lang ang natitira sa ‘kin at nasa hospital siya ngayon. Hindi siya mabubuhay kapag wala akong makuhang pera. Kaya kong gawin lahat para sa nag-iisang taong mahalaga sa ‘kin. Kaya kong dungisan ang kamay ko para sa nag-iisang pamilyang natitira sa ‘kin.

“Lawrenc—”

Nanlaki bigla ang mga mata ko nang makitang wala na sa harapan ko si Lawrence. Nakita ko siyang patungo na sa isang kulay pulang sasakyan at eksperto binuksan ang pinto gamit ang alambre at screw driver na dala-dala niya.

Naalala ko na naman ang sinabi kanina ni Balong bago kami umalis ni Lawrence sa abandunadong factory na nagsisilbing hide-out namin.

“Walang tutunga-tunganga kung ayaw ninyong makulong, maliwanag?!”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Pagkatapos ay nilibot ko ang paningin sa buong parking lot. Halos lahat ng nandoon ay magagandang sasakyan at halatang mamahalin. Ang gagawin ko lang naman ay buksan ang sasakyan at limasin ang mga maaaring ibenta.

Oo, alam kong illegal gagawin namin at maari kaming mapahamak o hindi kaya ay makulong kapag nahuli pero wala na akong pakialam doon. Sigurado naman akong hindi ako mahuhuli dahil wala namang ibang tao dito at saka hindi ako papabayaan ni Lawrence.

Napalunok ako at saka nagsimulang maglakad para naghanap ng magarang sasakyan na madaling mabuksan. Kapag ninakawan ko ang may pinakamagarang sasakyan dito, ibig sabihin no’n ay malaking pera ang makukuha ko dahil paniguradong mamahalin din ang mga gamit na nasa loob ng sasakyan no’n.

Kung marunong lang sana akong magmaneho ng sasakyan, ‘yong mismong sasakyan na lang ang nanakawin ko para mas malaki ang perang makukuha ko kapag binenta ko iyon.

Magiging instant milyonaryo ako kung sakali!

Sana lang talaga ay hindi ako mapahamak sa gagawin ko’ng ‘to. Masyadong delikado ang plano ko pero walang mangyayari kung hindi ako susugal. Bahala na!

Tila nagliwanag ang mga mata ko na parang Christmas lights nang may mahagip ang paningin ko. Isa iyong black McLaren na naka-park sa may pinakagilid na parte ng parking lot. Alam kong mamahalin ‘yon dahil nakita ko na ang gano’ng klaseng sasakyan sa isang vehicle magazine na napulot ko sa basurahan dati.

Luminga-linga ako para makita kung may CCTV ba at laking pasasalamat ko nang makitang wala naman. Hindi ko na matanaw si Lawrence mula sa kinatatayuan ko dahil medyo napalayo na ko sa kaniya. Hindi ako p'wedeng tumunganga lang dito. Kailangan kong kumilos!

Idinikit ko ang muka ko sa bintana ng sasakyan para tingnan kung may tao ba sa loob pero dahil tinted ito ay wala akong makita.

Huminga ako nang malalim dahil nagsisimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Ito na. Totoo na ‘to. Nanginginig na hinawakan ko ang door handle ng sasakyan para masiguro kung locked ba ito o hindi ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makumpirmang hindi nga ito naka-lock.

May ubo ba ang utak ng may-ari nito? Hindi marunong mag-lock ng sasakyan!

Luminga muna ako sa paligid. Walang tao. Mabilis kong binuksan ang sasakyan at saka pumasok doon. Nagsimula na akong magkalkal sa backseat. May kulay itim na bag na nakalagay doon. Nang buksan ko ito ay naglalaman ito ng itim na laptop at ang charger nito.

Swerte!

Pagkatapos ay kinalkal ko naman ang vent pati ang dashboard ng sasakyan. Bukod sa laptop ay may nakuha rin akong puting mamahaling cellphone at isang mamahaling brown na wallet. Halos malaglag ang panga ko nang makitang marami itong lamang pera na tig-iisang libo.

“Sabi ko na, e!” bulong ko sa sarili at dali-daling pinasok sa bulsa ng jacket ko ang wallet.

Pagkatapos ng limang minutong pananatili ko sa loob ng sasakyan ay lumabas na ako. Kontento na ‘ko sa nakuha ko.

Pagkasara ko ng pinto ng sasakyan ay halos mawalan ng kulay ang buong muka ko nang may maramdaman akong malamig na bagay na nakatutuk sa ulo ko mula sa likod.

“Who sent you here?” Ang malamig na baritonong tinig na iyon ay ang dahilan ng pagtaasan ng balahibo ko sa batok.

Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Bigla akong nahirapang huminga dahil sa malamig na bagay na nakatutok sa ulo ko na para ba’ng ano mang oras ay siyang kikitil sa buhay ko.

Hindi ako tanga! Alam ko kung ano ang bagay na ‘yon!

Manipis lang ang suot kong hoodie jacket kung kaya’t ramdam ko ang malamig na dulo ng metal sa ulo ko.

“Speak! Who fucking sent you here?!” mahina pero mas madiing tanong niya sa akin at mas diniinan ang pagkakatutok ng baril sa ulo ko.

Tagaktak na ang pawis sa noo ko. Nanginginig din ang labi ko dahil sa kaba. Umiling ako dahil ayaw kong sabihin ang pangalan ni Balong. Kilala ko si Balong, kaya niyang mangpahamak ng tao kapag kinanta ko ang pangalan niya sa lalaking ito. Mapapahamak ang kapatid ko!

“W-Wala. Hindi ko alam ang sinasabi mo!” nanginginig na boses na sabi ko.

Tumawa siya dahil sa sinabi ko. “As expected to your answer,” sabi niya. “Any last message?” nakakalokong tanong niya at mas idiniin ang nguso ng baril sa ulo ko.

Umiling muli ako habang nanginginig na ang kalamnan ko. Papatayin ba ako nito dahil sa pangnanakaw ko?

Hindi p'wede!

“H-Huwag. Maawa ka may k-kapatid akong umaasa sa ‘kin. Ibabalik ko na lang ang mga ninakaw ko. H-Huwag mo lang akong papatayin,” desperadang sabi ko.

Hindi ko alam kung paano ko nasabi ang mga ‘yon. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob. Basta isa lang ang nasa isip ko ngayon, ‘yon ay kailangan pa ako ng kapatid ko. Hindi pa ‘ko p'wedeng mamatay!

Marami mga senaryo ang tumatakbo ngayon sa utak ko. Nasaan na ba si Lawrence? Ang sabi niya ay hindi niya ko hahayaan na mapahamak! Ngayon ko siya kailangang-kailangan!

“Harap!”

Naramdaman kong nawala ang baril na nakatutok sa ulo ko at dahil sa takot ay kaagad akong humarap. Hindi ko makita ang muka niya dahil madilim.

“Remove your mask and put down my fucking things,” malamig niyang utos.

Nariin akong napalunok. Nanginginig ang kamay na nilapag ko ang mga gamit niya na kinuha ko sa sasakyan niya pagkatapos ay tinanggal ko ang itim kong facemask.

Ito pa lang ang unang beses na nakaramdam ako ng matinding takot. Hindi ko pa iyon naradaman no’ng minsang ma-guidance ako dahil nahuli akong nag-yoyosi sa loob ng school premises. Sa katunayan mas gusto ko pa ngang dinadala ako sa guidance office dahil may aircon doon. Nagpapalamig ako.

Close na rin kami ng guidance counselor ng school namin noon dahil halos dalawang beses sa isang linggo ako kung dinadala doon. Mabuti na lang ay hindi ako kinick out ng school dahil na rin marahil sa awa sa akin.

“Who are you?” tanong ng lalaki.

Nakayuko ako dahil hindi ko magawang tumingin sa kaniya dahil expose na ang muka ko. Pa’no kung ipakulong niya ko dahil sa pangnanakaw ko? Krimen ang robbery! ‘Tsaka pulis ba siya? Bakit may baril siyang hawak?

Kapag nakita niya ng tuluyan ang muka ko, wala na akong kawala. Kailangan kong mag-isip ng paraan para makatakas dito. Base sa nakikita ko ngayon ay sasakyan niya ang pinakamaganda sa lahat ng sasakyan na nakita ko sa parking lot. Ibig din bang sabihin no’n ay siya rin ang pinakamayaman sa lugar na ‘yon? Sa tindig pa lang niya, alam kong kaya niya akong tirisin ng pinong-pino.

Tangina! Pa’no mo malulusutan ‘to Nala! Ang bobo mo!

Suminghal siya. “I really hate repeating my words, so if you don’t have any plan to open your fucking mouth, then die—”

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya nang biglang kong sinipa ang kamay niyang may hawak na baril dahilan upang tumilapon iyon sa simento. Nagulat din siguro siya sa bigla kong pag-atake kung kaya’t sinamantala ko ‘yon para sipain ang alaga niya. Nang d*****g siya ay tinuhod ko naman para durog talaga.

Sorry, balls. Bawi ka na lang next life.

“Fuck!” malutong niyang mura.

“Pasensiya ka na,” sabi ko at saka kinuha ang wallet niya mamahalin na may lamang mga pera na nakuha ko kanina sa sasakyan niya.

Akala ko ay makakatakas na ‘ko ngunit nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hawakan ang binti ko. Tumingin ako sa kaniya. Napa-awang ang labi ko nang magtama ang paningin naming dalawa.

Magkaparehas na deep set almond shape na kulay gunmetal blue ang mga mata niya na animo’y nagliliwanag sa dilim.

Napalunok ako. Hindi ako p'wedeng magpadala sa magagandang mata ng lalaking ‘to. Sinipa ko naman ang kamay niya dahilan upang mabitawan niya ang binti ko. Napamura na naman siya dahil sa ginawa ko.

“You’ll pay for this! I’ll fucking make sure of that! I saw your face! You’ll gonna regret messing with me!” Narinig kong sabi pa nito habang tumatakbo ako palayo.

Tila bumagal ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi nito. Nakita niya ang muka ko?!

“Nala!”

Natigilan ako sa pagtakbo nang marinig ko ang boses ni Lawrence. Bakas ang pag-aalala sa muka niya habang tumatakbo papalapit sa akin. May nakasukbit na ngayong kulay itim na backpack sa likod niya na wala naman kanina.

“Saan ka galing? Okay ka lang ba? Bakit bigla ka na lang nawala? Hinintay mo dapat ako dahil sasamahan—”

“Manahimik ka na muna. Umalis na tayo dito!” sabi ko at hinila ang braso niya at saka sabay kaming tumakbo.

“Nasa’n ang face mask mo—”

“Manahimik ka na muna sabi! Mamaya ako magpapaliwanag sa 'yo! Kailangan na nating umalis dito. Bilis!” putol kong muli sa sasabihin niya.

Hindi na siya nagsalita pa. Napansin siguro niya ang pagkataranta ko. Nagpatuloy kami sa pagtakbo. Hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko dahil sa nangyari.

Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko para bukas. Kailangan ko nang ibilin ang kapatid ko kay Lawrence dahil ano mang oras bukas ay nasisiguro ko na may mga pulis na pupunta sa bahay ko para hulihin ako dahil nakita ng lalaking ‘yon na may kakaibang mata ang muka ko. At sa pagkakataong ‘yon alam ko na sa sarili ko na wala na akong kawala.

Kung hindi ka ba naman kasi kalahating tanga Nala! Bobo!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status