Share

Capitulo Ocho

Author: Deandra
last update Last Updated: 2024-04-25 15:21:49

Matapos ang makapagdamdaming tagpo ay hindi na ulit nagkausap pa si Raphael at Tati. Nasa ospital ito namamalagi pero parang hangin lang siya at dinadaan-daanan lang ng asawa niya. Wala naman reklamo roon si Athalia, dahil mismong siya ayaw niyang kausapin si Raphael. Tumatawag-tawag si Mrs. Yapchengco para kamustahin siya, hindi raw ito makadalaw dahil kailangan nitong lumipad papuntang Europe.

Nag-angat ng tingin si Tati nang bumukas ang pinto. Napataas ang kilay niya nang makitang isang babae ang pumasok. Hindi niya alam kung bakit pero kumukulo agad ang dugo ni Tati sa babae.

Marahan itong ngumiti sa kanya kaya inirapan niya ito.

“Hi, Tati. Kumusta?” anya nito saka nagtungo agad sa kinaroroonan ni Raphael.

Hindi sumagot si Tati bagkus at tinitigan niya si Raphael, wala itong reaksyon. Nanatiling walang ekspresyon ang mukha nito.

“Clarise, did you bring the papers I asked you?” seryoso ang mukha ni Raphael, ni hindi man lang nito tinapunan ng tingin si Tati.

Ngumiti ang babae, “Yes, Raphael.”

Akmang yuyuko ang babae para humalik sa pisngi ni Raphael pero agad na tumayo si Raphael. Napakurap ang babae, marahil ay nahiya ito pero agad naman itong nakabawi at ngumiti agad.

“Dala ko lahat ng inutos mo. Even your clothes, nahirapan nga ako mamili, e–”

“Okay. You can leave now,” malamig na wika ni Raphael saka lumapit ito sa kinaroroonan ni Tati. “Are you okay?” kaswal na wika pa nito.

Napa-awang ang labi niya sa gulat, “A-ayos lang ako.”

“Nakahawak ka sa ulo mo. Tell me, is your head hurting again? Do I have to call the nurse or the doctor?” sunod-sunod na tanong ni Raphael, ‘di mawari kung nagpapanggap ba o talagang may pakialam ito sa kanya.

Napalunok siya bago sumagot, “Masakit ang ulo ko pero tolerable naman.” Nag-iwas siya ng tingin, “Unahin mo na ang trabaho mo.”

Ito ang unang beses na kinausap siya ni Raphael simula noong outburst nito noong nakaraang linggo. Hindi na nagsalita si Raphael, pumikit si Tati at sumandal. Wala na siyang pakialam kung ano ang gawin nung dalawa.

She just want to sleep… at hindi na magising pa. Takot na takot siya nang magising at walang maalala. Ulilang lubos na siya, wala siyang pamilya at walang maaasahan pa. Halos buto’t balat na siya dahil kakatrabaho at pag-aaral, hindi siya pwedeng pumalya. Dahil pangarap na lang amg meron siya. Iyon lang ang pinanghahawakan niya.

Waking up, not remembering anything was hell. May asawa nga siya galit naman sa kanya, na para bang siya ang pinaka masamang tao sa mundo.

Pasalamat na lang talaga si Tati at kahit galit si Raphael sa kanya ay hindi siya nito pinapabayaan. Lalo na ang mga magulang ni Raphael, ramdam niya ang pagmamahal sa kanya ng mga ito.

Minsan napapaisip siya, paano kung mas mainam na mawala na lang siya? Masyadong kumplikado, natatakot siyang magtanong kay Raphael at malaman ang katotohanan kung bakit siya nito kinamumuhian.

“Athalia!”

Napakurap siya at naaninag ang mukha ni Raphael.

“Rafa?” halos pabulong niyang wika, nanghihina siya at wala siyang lakas pa para sungitan ito.

Magkasalubong ang kilay nito. Katabi nito ang doctor at nurse. Mabilis ang pangyayari, the next Tati knew the doctors were checking her. It was a blur, hanggang sa nakatulog siya.

“Tati, Hija?” si Mrs. Yapchengco sa kabilang linya.

“Po?”

Bumontong hininga ang ginang, “Sa mansyon na lang muna kaya kayo?”

Kinagat niya ang pang ibabang labi, “Hindi ko po alam. A-ayoko po kayong maabala.”

“Nonsense! I am your mother, kaya dapat makinig ka sa ‘kin. Sa mansyon na muna kayo ni Raphael, mas mainam iyon para alam ko kung inaalagaan ka ba niya o hindi.” Humalakhak ang ginang, “Isa pa. Para mas mapalapit ulit kayo ni Raphael. At kung papalarin ay maging maayos na ang pagsasama niyo. God! I can’t wait to have little kids running around the house.”

Napalunok siya sa narinig, ni hindi nga niya maalala na kinasal siya sa anak nito. Apo pa kaya? Ngayong araw ay makakalabas na siya sa ospital. Hinihintay lang nila ang doctor para sa prescriptions nito, may rounds pa kasi ito.

“Damn it!” asik ni Raphael na atat na yatang umuwi.

Wala ng nakakabit na swero kay Tati, hindi na rin siya nakasuot ng hospital gown. Ready for discharge na talaga siya.

Hindi nag-uumpisa ng usapin si Tati, ayaw niyang kausapin si Raphael dahil pabago-bago ang trip nito. Minsan mabait ito sa kanya, mayamaya naman ay agit ulit ito sa kanya. Hindi niya tuloy makuha ang templa nito kaya nananahimik na lang siya.

“Can’t the doctor entertain us first?” angil ni Raphael.

“He is just doing his job. Maraming inaasikaso ang isang doctor Raphael. Iba’t-ibang pasyente at iba’t-ibang kaso rin. Kaunting hintay lang,” wika niya saka ngumiti kay Raphael.

Sarkastikong tumawa si Raphael, “Of course you know that. Doctor ka, eh.”

Namilog ang mga mata ni Tati, “D-doctor ako?”

Nag-iwas ng tingin si Raphael, “You are a fucking doctor. Nga naman, nakalimutan mo. Naaksidente ka at nagkalimutan mo lahat ng bagay. Ano pa nga ba…”

Hindi siya makapaniwala at natupad na ang pangarap niya. May naabot siya sa buhay! Hindi na siya palaboy. May trabaho siya— isa siyang doctor!

“It’s not that I-I want it to happen. H-hindi ko hawak ang takbo ng mundo, Rafa.”

“Yeah, right.” Sarkastikong sambit pa nito. “Congratulations for having another chance to ruin my life.”

At iyon nga, mainit na naman ang pakikitungo ni Raphael. Napabuntong hininga na lang si Tati, tatahimik rin lang naman sita dahil ayaw niya ng gulo. Kasi wala rin siyang magagawa dahil wala siyang maalala.

“Raphael,” mahinang sambit niya.

“What?!” iritadong wika pa ni Raphael.

Nag-iwas si Tati ng tingin at bumuntong hininga, “Nothing.”

Marahas na bumuntong hininga si Raphael, “Spill it.”

Ngumuso si Tati, “W-wala nga. Kalimutan mo na ‘yon.”

“Tell. Me.”

Nilaro-laro ni Tati ang daliri niya. Kabadong-kabado siya dahil alam niyang magsusungit na naman si Raphael. Wala nga ‘ata itong ibang emosyon kundi ang pagiging iritado lang. Parati itong aburido at masungit. Siguro sa kanya lang?

“I know ang kapal ng mukha ko para humingi ng pabor sa ‘yo. I know kaya ka galit dahil may masama akong nagawa sa ‘yo—”

“Kulang ang salitang masama para ilarawan ang mga ginawa mo,” pambabara pa ni Raphael.

“I-I know but please bear with me. H-hindi ko ginusto na maaksidente Rafa—”

“Stop calling me that,” malamig na saway ng asawa ni Tati.

Inosenteng nag-angat ng tingin si Tati, “But it is your name.”

“Just don’t call me Rafa,” maikling wika ni Raphael saka nag-iwas ng tingin.

“Okay,” huminto saglit si Tati saka napakagat labi. “Kung may matatakbuhan lang akong ibang tao hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa pamilya mo. You and your parents are the only people who know me. Wala akong ibang makakapitan, Raphael. Ni hindi ko nga maalala kung ano ang huling ginawa ko.”

Napapikit si Tati, nanginginig ang labi niya. Gusto niyang maiyak pero pinipigilan niya ang sarili. Ayaw niyang makita siya ng asawa na umiiyak. Ayaw niyang ipakita na mahina siya.

“Raphael, I maybe the cruel person in your eyes right now. I hate to admit it pero sa panahong ‘to, mahina ako. I am nothing right now… I am asking you to please set aside your anger for a while. Saktan mo ako kapag naaalala ko na ang lahat. Durugin mo ako sa paraang gusto mo. Ngayon, ikaw lang ang meron ako. Ikaw lang, siguro naman may panahong masaya tayo at hindi mo ako kinamumuhian? Sana i-iyon muna ang alalahanin mo. Kasi kailangan kita, Raphael. I need you right now, to hold me… to guide me. I am not asking you to love me. I am asking you to understand me.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cristy Acevedo
Galing naman iyan ang pinaka mabigat na salita ang hindi ko hinihiling na mahal in mo ako Kong hindi ay intindihin molang ako dahil nga wala nga naman syang maalala kawawa nga naman.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Wakas

    Inilapag ni Tati ang bulaklak sa tabi ng puntod, saka siya naupo sa malamig na sahig. “Anak…” agad na gumaralgal ang boses ni Tati. “Miss na miss ka na ni mama. Sana masaya ka kung nasaan ka man ngayon, anak. Mahal na mahal kita, sana hindi mo pagdudahan iyon.” Pakiramdam ni Tati ay maiiyak siya anumang saglit. Sa dami ng pinagdaan niya sa buhay ay ang pinaka tumatak sa puso niya ang pagkawala ng anak niya. “Are you crying, baby?” nag-aalalang tanong ni Raphael sa tabi niya. Umiling si Tati, “Wala. Naisip ko lang – paano kung nabuhay ang unang anak natin? Siguro mas masaya tayo. At matutuwa ang mga bata na makilala at makasama ang kuya nila.” “Love, masaya sana kung gano’n. But we don’t have a choice but to accept everything. Mahal na mahal pa rin naman natin si Boo kahit pa hindi natin siya nakasama. Boo will always be in our hearts. Isipin na lang natin na masaya siya kasama si Angkong. I am sure Angkong is taking care of our Boo.”“I know – hindi ko lang talaga maiwasang isipin

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Tresientos Y Uno

    “Be ready…”Nagpanting ang tenga ni Raphael nang marinig ang boses sa earpiece. Mabilis ang tibok ng puso niya, pero hindi niya ipinahalata. Tumalon ang panga niya, at bahagyang tumango nang hindi halata, hudyat na nakuha niya ang mensahe.Si Tati naman ay kahit nanginginig ang buong katawan—matapang ang tingin. Nakatayo siya sa harap nina Kristine at Clarisse kahit ramdam ang pamamanhid ng tuhod niya. Sa likod nila, halatang hindi mapakali ang lalaking lider ng sindikato na may hawak na baril.“Alam mo… ikaw talaga ang problema,” biglang sabi ni Clarisse, puno ng poot ang mga mata. “Kung hindi ka sumulpot sa buhay ni Raphael noon, hindi sana nangyaring lahat ng ’to! Hindi sana kami nagkahiwalay! Hindi sana nawala ang… anak namin!”Mariin ang boses niya, halos parang baliw ang tawa pagkatapos.Napatingin si Raphael, malamig ang tingin. “Hindi ko anak ’yon, Clarisse. Kahit ilang beses mo pang pilitin, kahit ilang DNA test pa—hindi ko anak ’yong sinasabi mo. At wala tayong relasyon, asa

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Tresientos

    Nasa loob ng kotse sina Raphael at Tati, tahimik ang paligid pero mabigat ang hangin. Nasa likuran nila ang isang itim na bag, puno ng salaping katumbas ng isang bilyon. Isang maling galaw lang, pwedeng magbago ang lahat. Kaya ingat na ingat silang pareho – hindi lang buhay nila ang nakasalalay rito pati buhay rin ng mga anak nila.Hawak ni Raphael ang manibela nang mahigpit, pero halatang nanginginig ang kamay niya. Si Tati naman ay tahimik lang, nakapikit, paulit-ulit na inuusal ang pangalan ng mga anak nila sa isip.“Tati…” bulong ni Raphael, bahagyang lumingon sa kanya. “Kaya natin ’to. Kahit anong mangyari… kukunin natin sila.”Nagpilit siyang ngumiti, kahit gusto na niyang maiyak. “Raphael… natatakot ako. Pero hindi ako hihinto. Hindi ako susuko hangga’t hindi ko nahahawakan ang mga anak natin.”Inabot ni Raphael ang kamay niya, hinawakan nang mahigpit. “Magiging okay sila. Kukunin natin sila. At pagkatapos nito… hindi ko na hahayaang may manakit pa sa pamilya natin.”Tumango si

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Dos Cientos Y Nueve

    Hindi pa man humuhupa ang bigat ng mga sinabi ni Kristal ay bigla na lang nag-vibrate ang cellphone ni Archer sa mesa. Sunod ay ang kay Austin. Pati ang kay Raphael.Isa-isa silang napatingin sa mga screen, nagtatakang pareho kung bakit sabay-sabay silang nakatanggap ng mga mensahe.“Hala… may pumasok na email,” sabi ni Archer, kunot-noo.Napahigpit ang yakap ni Raphael kay Athalia nang makita niyang pareho ring nag-notify ang phone nila ng parehong sender—unknown, walang pangalan, walang subject.Si Austin ang unang nagbukas, at ang sumunod na nangyari ay parang pagpapabagal ng mundo."Guys…" mahina niyang sabi, nanlalaki ang mga mata. “Ito… kailangan n’yong makita.”Lumapit sila. Halos sabay-sabay, binuksan nila ang email. At sabay-sabay ding napahinto ang paghinga nila. Nandoon—isang larawan na halos magpatigil sa tibok ng puso nila.Ang tatlong bata.Nakagapos ang mga kamay sa likod, magkadikit na nakaupo sa malamig na sahig. Parehong namumugto ang mga mata, umiiyak nang walang tu

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Dos Cientos Y Ocho

    Nagpalitan ng tensyonadong tingin sina Archer at Austin nang tumigil si Athalia sa pag-iyak, bahagyang nag-angat ng ulo, habang si Raphael ay patuloy siyang hawak, parang natatakot na bumigay siya anumang oras.Biglang humakbang si Kristal palapit, nanginginig ang mga daliri habang hawak ang strap ng bag niya. Kita sa mukha niya ang kaba, at may halong hiya.“May aaminin ako…” mahina niyang sabi.Sabay-sabay silang napatingin sa kanya.Humigpit ang hawak ni Raphael sa balikat ni Athalia. “Ano ’yon?”Huminga nang malalim si Kristal, parang pinipilit lakasan ang loob bago magsalita.“Si… si Kristine. Kapatid ko.” Kinuyom niya ang mga kamao niya. “May posibilidad… na nakipagsabwatan siya sa grupo ni Clarisse.”Napataas ang boses ni Raphael, hindi makapaniwala. “Anong sinasabi mo? Nakakulong si Clarisse!”Saglit na napatingin si Austin sa sahig, bago sumagot, diretso at mabigat.“Hindi na,” sabi niya. “Nakatakas siya kagabi. At kasama niyang tumakas ang kinakasama niyang lider ng sindikat

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Dos Cientos Y siete

    Pagmulat ng mga mata ni Athalia, para siyang iminerteng muli sa pinakamalupit na bangungot ng buhay niya. Mabilis niyang iniangat ang sarili mula sa kama, habol ang hininga, at halos mahulog sa gilid habang buong lakas na sumisigaw.“Nasaan—nasaan ang mga anak ko?!” nanginginig ang boses niya, agad na nagpanic ang buong katawan.Hinila niya ang kumot, tinanggal ang mga nakatusok na tubo, at tumakbo papunta sa pinto ng silid. Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang doorknob, paulit-ulit na inuusal ang pangalan ng mga anak nila. Napaatras siya at wala sa sariling nakatayo malapit sa may pintuan–parang kaunti na lang at bibigay na ang buong katawan niya.“Nasaan sila?! Ibalik niyo sa ’kin ang mga anak ko!”Halos sumabog na ang dibdib niya sa sobrang takot. Hindi niya napansin ang pagbukas ng pinto—hanggang bigla na lang siyang nahila sa mahina ngunit mahigpit na yakap.“Athalia…” mahina at paos ang boses na iyon—si Raphael.Balot pa rin ito ng benda sa noo, at kita pa rin ang mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status