Share

CWD - 2

Daniel was busy scanning the papers on the table when the woman’s face popped in inside his mind. Hindi niya pa rin alam ang pangalan nito at tila wala naman itong planong sabihin sa kanya. Hindi naman niya rin pwedeng pilitin ito dahil sa palagay niya ay may kung anong takot ang nararamdaman ang babae.

Para sa kung saan ay hindi niya alam.

Isinandal niya ang likod sa upuan at saka huminga ng malalim. Hunter said he should have a vacation, but this thing happened in very untimely matter. Iniabot na lamang niya ang basong may laman na alak at nilagok ang laman nito.

Wala pa naman siyang bagong kasong hinahawakan ngayon. Kahit naman na siya ang nagmamay-ari ng ahensya na tumutulong sa mga kapulisan at mga pribadong tao para sa seguridad ng mga ito, hindi tumitigil si Daniel sa pagtanggap ng mga kaso na makakatulong siyang masolusyunan. He’s acting like a normal employee, too.

Ilang malalaking drug lords na rin ang nahuli nila at naipakulong. Simula nang nangyari ang trahedya sa buhay ni Daniel, ibinuhos na niya ang atensyon sa trabaho at sa mga pinsan niyang nangangailangan ng tulong niya. His family attracts tragedy, and he made it his duty to protect them at all cost. Ang pamilya na lang naman din nila Hunter ang natatanging pamilya niyang naiiwan.

Oftentimes, they’ll tell him to look for someone to be with, allow himself to love someone again, but that’s impossible to do. Hindi madaling gawin ang bagay na gusto ng mga ito.

Napatingin siya sa larawan ng mag-ina niyang nasa lamesa.

Wala namang araw na hindi siya nangungulila sa pamilya niya. He built this house for them. He built this house to be their home. Hindi niya lubos akalain na siya lang pala mag-isa ang titira sa napakalaking bahay na iyon.

Sa dami na ng kasong naisara niya, dami ng taong natulungan niya, mismong kaso ng pamilya niya ang hindi niya pa rin mabigyan ng sagot.

They said it was really an accident, but Daniel refused to believe that… naniniwala pa rin siya na kung sinuman ang nasa likod ng nangyari, mananagot pa rin iyon sa batas. Kung hindi, sa kamay niya mismo.

Humigpit ang hawak niya sa baso habang nakatitig sa nakangiting mukha ni Bea sa larawan. He’s not going to stop finding who’s responsible for their death. Hindi siya maaaring tumigil hangga’t hindi niya nalalaman kung bakit nangyari iyon sa pamilya niya.

Kumunot ang noo niya nang tumunog ang cellphone niya. Napailing na lamang siya nang sagutin ang tawag ng pinsan niya.

“What?” tanong niya rito bago tumayo upang muling magsalin ng alak sa basong hawak niya.

“Nothing, just checking on you,” sagot ni Hunter sa kabilang linya.

“Don’t you have a family to attend to? I’m fine. I’m dropping the call now,” sabi niya rito bago ibinaba ang tawag at ibinulsa ang cellphone. Yes, Hunter wants him to be happy, but he’s fine.

Sa palagay naman niya ay hindi niya pa rin naman kayang buksan ang puso niya para magmahal ulit. Bea was the love of his life. Hindi madaling palitan sa puso niya ang babae kahit pa nga taon na ang lumipas sa nangyari.

Inisang lagok niya ang alak na isinalin sa baso bago lumabas sa sariling opisina sa loob ng bahay niya. Nagtuloy siya sa kusina upang maghanda ng makakain. May nagpupunta sa bahay niya tuwing Sabado at Linggo upang maglinis. He never hired a stay-in maid because he wants to be alone. Isa pa ay lalaki siya at malamang na babae ang magiging kasambahay niya. He didn’t want to give any impression to anyone.

Hindi sa malisyoso siya pero hindi lang magandang tignan ang bagay na iyon. Sa bahay naman din ng mga magulang niya nanggagaling ang naglilinis ng bahay niya. No one’s living in that house aside from their maids. Hindi naman din magawang ibenta ni Daniel dahil alaala iyon ng mga magulang niya. Bumibisita siya roon paminsan-minsan para lang kumustahin ang mga tao roon.

Maging bahay ng magulang ni Bea ay nasa ilalim na ng pangalan niya dahil ipinama iyon kay Alexandra ng mga ito. Ang mga negosyo ng mga ito ay ang mga kapatid naman ni Bea ang namamahala, wala namang balak si Daniel na makipag-agawan sa mga ito roon kahit pa may parte si Bea sa mga iyon.

Matapos siyang magluto ay tinungo na niya ang kwartong kinaroroonan ng bisita. Marahan siyang kumatok sa pinto nito. “Sweets?” tawag niya sa babae. He just felt like calling her that. Ayaw naman nitong magpatawag ng baby, ayaw naman din nitong sabihin ang pangalan nito.

Parang gustong matawa ni Daniel sa ginawa niyang iyon. Hindi niya rin malaman kung bakit ba parang gusto niyang asarin ang babae dahil ayaw nitong sabihin ang pangalan kaya iyon ang sinabi niya.

As usual, nagalit lang ito sa kanya.

“Sweets, the food is ready. Aren’t you hungry?” tanong niya sa babae bago pinihit ang seradura ng pinto at buksan iyon. He found her laying down in bed, sleeping peacefully.

Tila ba noon lang ito nakatulog ng mahimbing base sa mahinang paghilik nito at pagyakap sa unan. Suot pa rin ng babae ang t-shirt niya at boxers na ipinalit niya sa suot nito noong araw na nagkita silang dalawa.

Bakas pa ang mag sugat at pasa sa braso at maging sa binti at hita nito. Hindi malaman ni Daniel kung ano ba ang nangyari sa babae, marahil ay maaari niyang maitanong iyon dito sa ibang pagkakataon.

Sa ngayon, kailangan niyang makuha ang tiwala nito. Gusto niyang tulungan ito sa kung anuman ang pinoproblema nito o kung anuman ang bumabagabag dito. It’s palpable that she’s not okay and she’s scared. His job is to help people, including the woman who threatened her life with a knife.

He looked at her face. Ngayon na tila mas relax na ito, mas nakikita niyang maganda ang babae. Makinis ang balat nito sa kabila ng mga pasa at sugat. Mahaba ang pilikmata nito kumpara sa iba at may katangusan din ang ilong at mahaba ang tuwid at itim na itim nitong buhok.

Kung mayroon mang kasiguraduhan sa isip ni Daniel, iyon ay alam niyang may kaya sa buhay ang babae dahil mistula itong katulad ng pinsang si Mikaela.

Napagdesisyunan niyang lumabas na lamang at ipagtabi ang babae ng makakain mamayang paggising nito at huwag na lang muna itong gambalain sa pagtulog. Mukhang kailangan pa nito ng lakas at pahinga.

Wala siyang ibang mapapagkilanlan sa babae dahil wala naman itong ibang dala maliban sa baril nito at sa kutsilyong ipinangbabanta nitong isasaksak sa kanya. Wala naman din sa itsura ng babae na kaya nitong manakit, sa palagay niya ay talagang ginagawa lamang iyon ng babae para protektahan ang sarili nito.

He remembers what she said. She was asking him if he’s one of someone’s men. Whoever that is, that’s the person she’s hiding from.

But who the hell is he?

He heaved a sigh and closed his eyes. Well, maybe this is the kind of vacation Hunter was asking him to have.

“No! No! Don’t come near me!”

Napadilat si Daniel at napalinga sa paligid. “What the hell?” mabilis siyang tumayo at tinakbo ang daan papunta sa kwarto ng babae. Patuloy ang malakas na pagsigaw nito habang papalapit siya sa kwarto nito.

Mabilis niya iyong binuksan at nakita niya ang babae na nakahiga pa rin sa kama at nagpupumiglas na tila ba may humahawak dito. Patuloy rin ang pagdaloy ng luha sa mga mata nito.

“Hey, hey…” humakbang siyang papalapit dito at dinaluhan ang dalaga. Nagpapabaling-baling ang ulo nito habang iginagalaw rin ang mga kamay na tila nanlalaban.

“Sweets, Sweets, wake up,” hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at pilit na ginigising. She’s having a bad dream and based on what he’s seeing, the dream is somewhat related to what’s happening to her life now.

“No! Get away from me! Don’t!” patuloy ang pagsigaw ng babae na bakas na bakas ang takot sa mukha. Daniel looked at her and puller her up.

“Sweets, wake up!” mas nilakasan niya ang boses upang magising ang babae. “Hey, you’re just dreaming, wake up now,” aniya pa rito bago marahang niyugyog ang balikat ng babae.

She sucked a deep breath before opening her eyes. Agad na nagtagpo ang mga mata nilang dalawa. “Daniel! Daniel, he’s coming after me!” hindi pa rin naaalis ang takot sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.

“You’re safe here, Sweets. No one’s going to hurt you here…” sabi ni Daniel sa babae nang hawakan nito ang magkabilang pisngi ng babae. “I won’t let anyone hurt you.”

Those weren’t just words for Daniel. He meant every word. Hindi man niya lubos na kilala ang babae, alam niyang kailangan nito ng tulong at proteksyon at handa siyang tulungan at protektahan ang babaeng ito.

“No, you don’t understand! He’s going to get me, kill me!” malakas na sabi nito sa kanya bago siya itulak papalayo. “He’s coming to get me and… he’s going to kill my mom, too…” she looked at him and tears started to crawl down on her cheeks again.

Umiling si Daniel at muling lumapit sa babae. “Hindi ka niya masasaktan ulit, naiintindihan mo ako? I won’t let anyone to hurt you, Sweets. Kahit sino pa ‘yan. I promise.”

Pinagmasdan ng babae si Daniel at may kung ano sa sinabi nito, sa pinangako nito ang nagsasabi sa kanya na mapagkakatiwalaan niyang tunay ang lalaki.

Kung tutuusin ay ito lang ang tanging mayroon siya ngayon. Ito lang ang kasama niya at ito lang ang mapagkakatiwalaan niya sa mga sandaling iyon.

“That’s just a dream, Sweets. Just a dream…” masuyong sabi ni Daniel bago inakay ang babae papalapit sa dibdib niya at niyakap ng mahigpit.

“It felt so real…” she tried to stop her sobs. Iniyakap niya ang mga kamay sa lalaki at hinayaang yakapin siya nito. Hindi niya pa rin naman lubusang kilala si Daniel pero may kung anong nag-uudyok sa kanya na pagkatiwalaan ito. May kung ano sa loob niya nag nagsasabing mabuti itong tao at hindi siya sasaktan nito.

“You’re just tired that’s why you’re thinking things like that. It’s not true. It’s just a dream,” muling sabi ni Daniel bago hinalikan ang tuktok ng ulo ng babae. Nagtaasan naman ang mga balahibo niya dahil sa ginawa nito.

Nag-angat siya ng tingin dito at pinagmasdan si Daniel. He smiled at her, a kind of smile that is assuring her that she’s safe with him.

“Hush now, Sweets. No one can harm you as long as you’re under my watch,” he said, softly. Tumango siya sa lalaki habang nananatiling nakatingin dito. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng ginhawa na hindi siya mapapahamak dahil naroon si Daniel para sa kanya.

“Are you hungry? I cooked already.”

Parang natakam na naman siyang muli nang sabihin nitong nagluto na ito ng makakain nila. Hindi naman siya nagugutuman noon at hindi siya mabilis matakam sa pagkain pero pakiramdam niya ngayon ay lagi siyang nanghihina at kailangan ng makakain.

Nag-init ang pisngi niya nang kumalam ang sikmura niya. Tiyak niyang narinig din iyon ng lalaki kaya naman mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito.

He smiled at her. “Let’s go. You need to eat a lot,” aya nito sa kanya bago siya inalalayan na makatayo mula sa kama. Hindi naman na siya kailangan pang muling pilitin dahil sumama na siya sa lalaki upang makakain.

Inilibot niya ang mga mata sa kabahayan ni Daniel nang makalabas sila ng kwarto. Malaki talaga ang bahay nito pero wala siyang nakitang ibang tao roon maliban sa kanilang dalawa.

Nakasunod lang siya sa lalaki habang naglalakad sila. May alam siya sa mga mamahaling gamit dahil pulos mamahaling gamit naman din ang nasa bahay nila sa Davao. Tinignan niya ang lalaki sa unahan na naglalakad.

Does it mean he’s rich, too?

Pumasok sila sa loob ng isang kwarto na nagsisilbing dining room sa bahay na iyon. Muli niyang inilibot ang mga mata sa loob ng silid.

“I-ikaw lang mag-isa rito?” tanong niya sa lalaki. Nilingon siya ni Daniel bago ipinaghila ng upuan.

“Yeah, I live alone. I’ll just get your food,” sabi nito sa kanya bago nagtungo sa isa pang pinto. Sinundan niya ito ng tingin habang nakaupo. Napabuga na lamang siya ng malalim na buntong-hininga at muling pinagmasdan ang mga nakalagay sa pader ng dining room.

Namimiss niya na ang bahay nila, ang mommy niya… pero alam niyang mas mabuti na malayo siya rito sa ngayon. Hangga’t hindi siya nakakahingi ng tulong sa mga taong talagang tutulong sa kanya, hindi siya dapat bumalik sa kanila.

Isinandal niya ang likod sa upuan at hinintay na bumalik si Daniel. Nakaramdam siya ng kirot sa sugat niya sa braso kaya naman ininspeksyon niya iyon at ang iba pang mga sugat at galos niya na nalapatan na ni Daniel ng lunas.

Itinaas niya ang manggas ng suot na t-shirt upang tignan pa ang braso niya nang matigilan siya. Napatuwid ang likod niya at bumaba ang tingin sa damit na suot niya.

Oh my gosh!

Napalingon siya nang bumalik si Daniel na may dalang tray. Inilapag nito iyon sa lamesa at tumingin sa kanya. Kumunot ang noo nito nang makita ang reaksyon niya.

“What’s wrong?” tanong nito na akmang hahawakan siya ngunit mabilis siyang tumayo mula sa kinauupuan niya.

“S-sinong nagpalit ng… ng damit ko?” tanong niya kay Daniel kahit pa may sagot na sa isipan niya. Walang ibang taong naroon sa bahay na iyon maliban sa kanilang dalawa kaya walang ibang gagawa ng bagay na iyon kundi si Daniel.

He looked at her and smiled. “Ngayon mo lang naisipang itanong ‘yan? I am sure you know the answer, Sweets.”

“Bakit mo ako pinalitan ng damit? And… and, that means… “ pinamulahan siya ng mukha sa naiisip. Wala siyang suot na bra sa ngayon at pinalitan siya ng damit ng lalaki. Iisa lang ang ibig sabihin niyon.

He saw everything!

“You fainted and I needed to treat your wounds. Basa ka na rin ng pawis at madumi ang damit mo kaya nagkusa na akong palitan ka ng damit at gamutin ang mga sugat mo,” paliwanag nito sa kanya na tila balewala lamang dito na nakita nito ang katawan niya.

“Kahit na! Dapat hinayaan mo na lang ako kaysa—“ natigilan siya sa sasabihin kaya naman kinagat na lamang niya ang labi.

He once again smiled at her. “You’re safe with me, don’t worry. Now, eat, Sweets. You need to gain your strength back,” sabi nito sa kanya na naupo na at sinenyasan na siyang maupo.

Kahit pa nag-iinit pa rin ang magkabilang pisngi ay sumunod na lamang siya at naupo na rin. Ang magkabilang kamay niya ay nakatakip sa dibdib niya na tila ba magagawa nung alisin ang katotohanan na nakita na nito ang katawan niya.

Nakamasid lang sa kanya si Daniel habang kumakain siya. Siguro nga’y gutom na rin talaga siya kaya naman naubos niya ang hinanda nito sa kanya. Umusal siya ng pasasalamat sa lalaki nang matapos siyang kumain.

“Treat this house as your own for now, Swee—“

“Adelaide… my name is Adelaide,” putol niya sa sasabihin nito at nagdesisyon na siyang ipaalam sa lalaki ang pangalan niya.

He nodded his head and smiled.

“Alright, Adelaide…” sabi nito bago hinawakan ang kamay niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status