Partager

KABANATA 2

Auteur: archercreovis
last update Date de publication: 2026-07-03 06:54:32

As the Aurea Night is nearing, the tasks I have to fit in my plate have doubled. I called for a meeting with the university officers and distributed all tasks to each one. Inaasahan ng mga students ang event na 'to kaya mas lalo naming gusto na maging maganda ang kalalabasan ng bawat plano.

"Yzah, kindly inform the department officers that we will be having a meeting with them tomorrow. If hindi lahat available, inform them to send at least two representatives for each organization." Sambit ko sa representative.

Nanatili ang mga mata ko sa laptop habang binabasa ang mga proposals na ipinasa ng secretary sa events affair.

"Desiree, any progress with the proposals?" Paghingi ko rito ng update nang makitang wala pang check iyon sa file namin.

"Nakausap ko na ang SDAO, they are still reviewing our proposals. Within this day din daw ang approval or revision request." She responded.

Imbis na matuwa ako, nakaramdam ako ng bahagyang pagkainis. Refraining myself from bursting out, I rested my back on the swivel chair to compose myself.

"If approval is not a hundred percent guaranteed, then why are they delaying the feedback?" Kalmadong pagtatanong ko rito. "May sinabi ba sila kung maaadjust ang deadline ng revisions or kahit 'yung event mismo?"

"Gano'n pa rin, President. Hindi na rin daw kasi p'wedeng maadjust dahil malapit na ang examination weeks." Tugon nito sa'kin.

Instead of letting my frustration consume me, I just gave her a nod before turning my head to our vice president. He was busy discussing about the financial reports with the Treasurer and Auditor.

"Xeandrei." I called him. "If okay na ang ibang officers, we can dismiss the meeting already."

Since we have no problem with the activities, materials, and the systems needed for the event, the discussion ended. Pagkalabas ng mga officers, kaming dalawa na lang ang naiwanan dito sa meeting room ng AUSSLG.

Proposals na lang ang problema namin dahil maayos na lahat ng kailangan para sa event. Pero kung hindi maaapprove ang proposals na 'yon, magbaback-to-zero din kami sa progress.

We prepared everything on hand from the proposals. Kahit hindi pa approved ang papers, sinimulan na namin ang preparation of materials and invitation posters. Hindi pa naman namin dinidistribute ang mga 'yon, pero inasikaso na namin lahat dahil kukulangin kami sa oras kung hihintayin pa namin ang approval ng proposals bago kami magprepare.

"Nakapag-announce na si Yzah sa channel para sa meeting bukas. Nakagawa na rin ng proposals 'yong mga organizations, pero lahat daw na-reject. Community extension lang ang approved. They will be recruiting ten external vendors for the event." He informed me.

I played with the pen through my fingers. As per the by-laws, events cannot be held during the week of examinations. Pero kailangan pa rin na mayroong events bawat organization kada buwan.

Tumabi sa'kin si Xeandrei habang binabasa ko ang university calendar. The examination week would be two weeks from now.

"Paano kapag nareject din ang proposals natin?" He asked.

"Magrerevise tayo ng paper. Wala naman tayong choice, 'yon ang nasa by-laws ng events affair. Isang linggo bago mag-examination week, kailangan submitted na lahat ng proposals." I sighed.

"Isang linggo lang tayong makakapagrevise kung hindi ia-approve 'yung proposals natin." He calculated it.

"Just in case there will be revisions, let's proceed to the first plan. Instead of having a famous band to perform for us, let's open the application for students who are interested to showcase their talents." Sambit ko rito habang nag-eedit ng proposal.

"Maraming interested magperform sa mga second and third year levels, lalo na sa Engineering department." He mentioned.

"That's good. Kindly inform the P.R.O to design a poster to call for talents." Simpleng tugon ko dahil kumikirot na ang ulo ko.

"Do you have plans for your birthday? You're turning twenty-four in five months." He asked out of our topic.

"Probably a house party again." I shrugged. "Bakit? Nag-iisip ka na ba ng ireregalo sa'kin?" Natatawang pagtatanong ko rito.

"Regalo na nga 'tong presence ko, Miss President." He smirked.

Imbis na sagutin ito, tinawanan ko na lang siya. Mas lalong sumasakit ang ulo ko tuwing nagsasalita. I forgot to eat again last night. Jamaican at smoothie pa ang last meal ko kaya hindi na nakakapagtakang masama ang pakiramdam ko ngayon. I wonder if the canteen has soup today.

Halos isang oras din naming pinag-usapan ang magiging agenda namin para sa meeting bukas na kasama ang mga officers ng ibang organizations. Sinigurado namin na wala kaming nakalimutan bago kami matapos sa discussion.

I went straight to the cafeteria to grab some food. Mayroon pa naman akong fifteen minutes na natitira bago ang klase ko sa STS kaya p'wede pa akong kumain. I ordered a beef roll and banana milk before heading to our classroom.

"Hello, Pres!" Pagbati sa'kin ng mga nakakasalubong ko.

I smiled at everyone and waved at them. Hindi ko naman sila masagot dahil kumakain ako habang naglalakad. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makita si Sir Idrisvan na nakatayo sa tapat ng isang classroom. Nakikipag-usap ito sa isang professor na babae. Lumipat ang mga mata nila sa'kin nang mayroon ulit bumati sa'kin na malapit lang sa puwesto nila.

"Ngayon ka pa lang kakain, Pres?" Tanong sa'kin ni Gelo na taga-ibang department. He's one of the core officers of the Engineering Council.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito. Sandali pa akong tumalikod para malunok nang maayos ang kinakain ko bago ako muling bumaling sakaniya.

"Yes. I had a meeting." Tugon ko rito. Sandali akong bumaling sa puwesto ni Sir Idrisvan.

Baka wala na siya do'n, subject niya pa naman ang susunod kong klase. Mabuti na lang at nakatayo pa rin naman siya do'n, pero hindi na ito nakikipag-usap sa kaharap niya. Nakataas ang kilay nito sa'kin at halata ang pagkairita sa mga mata niya. Maybe that's his usual expression. Mataray naman kasi talaga siya sa lahat kaya hindi na bago iyon.

"Miss Claveria, go to your room." Sir Idrisvan uttered.

Mediyo malapit na siya sa p'westo namin ngayon.

"Papunta na po, Sir." I smiled at him, then raised my foods. "Naglunch na po ba kayo?"

"Class will start in five minutes." He reminded me.

"Opo, Sir. Malapit lang naman po ang room," I pointed at the door. "Nandiyan lang po, oh."

"You're not afraid of being late?" He glared at me. "Eh, sa deductions?"

"Sir, hindi na po ako malalate. Malapit lang po, oh." I pointed at the door again.

He was about to say something, when someone blocked him. It was a pre-medicine student.

"SSLG will be conducting a meeting tomorrow. Are you attending?" I asked. Bumaling ulit ako kay Gelo.

"Hala. Buti ipinaalala mo, Pres! Muntikan nang mawala sa isip ko. Nagchat nga pala kanina si Yzah sa announcement channel." Pag-amin nito at bahagya pang napakamot sa batok niya.

How come he's an officer when he forgets such a simple responsibility? Pinaningkitan ko na lang ito ng mga mata bago ako nagpakawala ng simpleng tawa. It was supposed to be sarcastic, but I kept it professional so it came out casual.

"It's okay. Basta umattend kayo tomorrow. Kung hindi kayo available, that would also be fine basta dapat may representative kayo." I informed him.

Hindi ko na sana sasabihin 'yon dahil nando'n naman 'yon sa announcement ni Yzah, pero responsibility ko pa rin naman 'yon kaya ipinaalala ko na lang din.

Pagkatapos naming mag-usap ay saka ko lang napansin na wala na pala si Sir Idrisvan sa kaninang puwesto niya. Mabilis akong tumakbo papunta sa classroom namin dahil iniiwasan kong magkaroon na naman ng late sa record ko.

Pagkarating ko do'n ay naabutan ko itong nagtitipa sa laptop niya habang tinatawag isa-isa ang mga estudyante niya para sa attendance.

"Galvez." He mentioned.

Bumilog ang mga mata ko at dali-daling umupo sa armchair ko. I wasn't able to finish my food. Kahit ang inumin ko ay hindi ko 'man lang nabuksan.

Hinintay kong matapos siya sa pagtawag sa mga kaklase ko bago ako nagtaas ng kamay para sa attendance. Hindi ko 'man lang napansin kanina na umalis na siya. Nakita niya kaagad ang ginawa ko kaya nagtaas nanaman siya ng kilay sa'kin at naiiritang umiwas ng tingin.

"Sir." I called him. Hindi naman ako nito pinansin kaya tinawag ko siya ulit.

"Claveria po, present." Nakangising sambit ko rito nang sa wakas ay tumingin na siya sa'kin.

Kung malalate na naman ako sa record niya, paniguradong mas malaki na ang mawawalang puntos sa'kin ngayon dahil gano'n naman talaga ang patakaran dito. One late equates to reduction of two points. Kapag pumangalawa ay limang puntos na ang mawawala. Sa ikatlong late, absent na ang magrereflect sa record.

Kung magkakaroon 'man ako ng pangalawang record ng late, talagang pipilitin ko nang makaperfect sa lahat ng activities at quizzes sa STS para lang makasiguro ako at makampante na hindi ako magkakaroon ng mababang marka.

"I won't be accepting late students next time. If you will see your boyfriends, do it after my class." Madiin ang bawat pagkakasabi niya no'n nang ibaling sa'kin ang mga mata niya.

Napasinghap na lang ako at tumungo habang kinakagat ang ibabang labi. His class began, but I couldn't concentrate. Mabilis lang din lumipas ang oras ng klase niya hanggang sa lumabas na lahat ng students.

"Stay here, Miss Claveria." Mariin nitong sambit.

"Uuna na kami, Pres." Rancho uttered. "Pero p'wede kitang hintayin. Sabay na tayo sa susunod na klase."

"Susunod na lang ako." I smiled at him. "Thank you. Pakisabi pala kay Claudia na kukuhanin ko 'yong file namin mamaya."

Pagkalabas niya ng classroom, saka ko lang binalingan si Sir Idrisvan. He was shotting me with his warning glares.

"I'm sorry, Sir." I sincerely apologized. "Nagremind lang po ako sa officer para sa meeting namin bukas."

"He's not your boyfriend?" He asked.

"Boyfriend?" Gulat kong sambit. "Hindi po, Sir. He's my officer, Sir."

"Your officer?" Dumilim ang mga mata nitong nakatingin sa'kin.

"I mean, he's one of the officers po na..." I cleared my throat. Kinakabahan ako sa paraan ng pagtingin niya. "Co-officer ko po, Sir."

"Hindi mo pa nauubos ang pagkain mo," He noticed the food on my desk. "Ubusin mo muna bago ka pumasok sa susunod na klase."

"Terror professor ko do'n, Sir." I laughed. "Dapat nga kinuha niyo na lang din po 'yong subject namin do'n."

His brow lifted, amused at everything I was saying. It was easy for students to rant and vent out to their professors. Basta ka-close nila.

But are we even close for me to vent out to him?

"Anong subject niyo?" He asked, then licked his lower lip before leaning on his chair. "Minor course?"

"Major po," I responded. "Media Laws and Ethics."

"Laws and Ethics?" He smirked. "And you wish for me to teach your class that subject?"

"I was just thinking, Sir." I shrugged, then fixed my things. "I'm really sorry, Sir. I promise, hindi na po ulit ako malalate sa class niyo."

"Yeah?" He closed his laptop. "Takot kang malate sa terror mong professor, pero sa'kin nakakadalawa ka na."

There was no humor in his eyes, but he was still smirking. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa'kin.

"Have I been too easy on you, Miss Claveria?" He asked in a low tone. "Boys were always the reasons of your late records."

My eyes widened a fraction. Nabitawan ko ang bag na hawak ko at dire-diretsong lumapit sakaniya.

"Sir, hindi naman po kasi gano'n." I was growing frustrated. "Nalate lang po ako no'ng una dahil nanood po ako ng laban. It was my way of supporting the university and the players. Qualification round po kasi 'yon."

"So, you had to scream while watching?" Naningkit ang mga mata nito sa'kin.

"Support nga, Sir." I scoffed. "Masusuportahan po ba sila ng mga mata ko lang? Of course, I had to use my voice."

"And what about today?" His brow lifted again. This time, he stood up. "Nagremind ako sa'yo na limang minuto na lang, Miss Claveria. What did you do?"

"Nasa labas din naman po kayo kanina." I snorted. "May kausap din naman po kayong professor saka estudyante no'n. Hinihintay ko lang din po kayong matapos, sasabay na po sana ako. Kailangan ko po kasi talagang i-remind 'yong officer namin para sa meeting bukas."

"Hinihintay mo ako?" He asked, amused.

"Kasi nga po mahalaga 'yong pinag-uusapan namin ng co-officer ko," I repeated. "At may kausap pa rin naman po kayo kaya akala ko hindi po ako malalate."

"Kaya hinintay mo ako? Sasabay ka sana sa'kin?" He asked again. Iyon lang talaga ang naririnig niya.

"Yes..." I sighed, confused at this point.

Dahan-dahan itong tumango. I saw a ghost of smile in his lips, but he didn't flash it. Nag-iwas lang siya ng tingin sa'kin bago sumulyap sa relo niya.

"Finish your foods," He snapped at my desk. "Wala na kayong klase. May meeting ang faculty. Baka hindi lang nakapag-announce ang professor niyo."

I never planned to explain anything to him, but I still did. Hindi ko gustong magmukhang nagdadahilan lang, lalo na't wala namang magbabago sa nangyari. I was still late regardless of my reasons.

But at some point, I felt at peace that I was able to tell him my side.

"Meeting dismissed." Nakangiting sambit ko sa mga officers. "Thank you so much for investing your time to attend this meeting. I will be expecting everyone to work at their best for this event."

Sunod-sunod silang nagpasalamat bago lumabas mula sa meeting room. I'm in my fullest energy today since the SDAO finally approved our proposals. Wala na akong kailangang problemahin doon ngayon, lalo na sa mga activities and program flow na nakaprepare para sa Aurea Night.

"Saan ka ngayon, Pres?" Pagtatanong sa'kin ni Xeandrei.

"Canteen. Kakain muna ako. Why?" Tugon ko rito habang isinasara ang apple pad ko. "And stop calling me that way. Wala na tayo sa meeting. Ang plastic mo!"

I laughed while fixing my things. Tinulungan niya na ako sa pagliligpit kaya mabilis kaming natapos.

"Hindi ako plastic, ha. Ikaw nga 'tong best president namin." He chuckled, then winked at me. "Tara, kakain din ako. Sabay na tayo?"

"Sige. Pero hindi ako tumatanggap ng libre, ha." I reminded him.

The last time we took lunch together, he was too eager to treat me. It took me so much time to convince him that I don't want anything for free.

Magkasabay na kaming naglakad patungo sa canteen habang pinag-uusapan ang paparating na Aurea Night. Sumalubong sa'min ang mahabang pila sa main counter pagkarating namin.

"Sa stalls na lang pala ako." Pagbabago ko ng desisyon.

Sobrang nagugutom na talaga ako, pero mas tinatamad akong pumila nang ganito kahaba. Isa rin iyon sa mga dahilan kaya madalas na snacks lang ang kinakain ko tuwing lunch time.

"Tinatamad ka bang pumila?" Natatawang pagtatanong nito.

"Mas matagal pa akong pipila kaysa sa oras na kakain." Nakangiwing tugon ko rito.

"Ano bang gusto mong kainin?" He asked. "Isasabay ko na sa'kin, humanap ka na lang ng bakanteng lamesa."

"Huh? It's okay. Hindi rin talaga ako sanay mag-heavy meal kapag lunch. I'll just grab snacks." Nakangiting sambit ko rito.

Passing my responsibilities to other people is one of the many things I'm not comfortable of doing. Naglakad na ako patungo sa isang stall hanggang sa nahagip ng mga mata ko 'yong shawarma

"Hello po!" Nakangiting usal ko sa nagtitinda. "One order of beef shawarma po."

I looked around for drinks. Nakuha ko na 'yong order ko kaya dumiretso ako sa fruit stall. Binuksan ko muna ang apple pad ko at chineck ang mga kanta ng band na kukuhanin ng officers para sa event. They were still blending the coconut shake I ordered, so I had to wait.

"Shawarma for lunch."

Usal ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Napasinghap ako nang sumalubong sa'kin ang mataray na expression ni Sir Idrisvan. Nakataas nanaman ang isang kilay nito habang tinitignan ang hawak kong pagkain bago bumaling sa'kin.

"Good afternoon, Sir." Nakangiting pagbati ko rito. "Bibili po ba kayo?"

Hindi pa rin kasi siya tumitingin sa menu kaya hindi ko alam kung nahaharangan ko lang ba siya kaya ayaw niyang lumapit doon.

"You don't eat rice meals." He uttered.

Imbis na sagutin ang tanong ko, iba ang sinabi niya. I wasn't sure if it was a question or a statement. His jaw ticked, and his brows furrowed a bit while looking at my food.

"Kumakain po minsan." I chuckled. "Pero nagcrave po kasi ako sa shawarma ngayon."

"You had a meeting?" He asked, noticing the file on my screen. "Tuwing kailan?"

"Every week po, Sir." I looked at the screen, then closed my pad. "Pero mas napadalas po this week dahil malapit na po ang exams. Saka malapit na rin po kasi ang Aurea Night. Mas kailangan na po namin ng oras para sa discussions at preparations."

"Pero puro snacks lang ang kinakain mo tuwing lunch?" He scoffed. Naiiritang tumingin ito sa mga pagkain na hawak ko.

"Sir, 'wag ka nang mag-alala sa'kin." I winked playfully at him, teasing him. "Order na po kayo."

His eyes shifted to the menu, lips parted at my remarks. Bahagya akong humakbang papunta sa gilid para mas lumaki ang space niya. Natatawa pa rin ako habang pinapanood siya, pero mas nangingibabaw sa'kin ang pagkamangha. Hindi nagtagal, dumating na rin ang drinks ko. I thanked the staff after receiving my order.

Saktong hiningi na rin ng staff 'yung orders niya. He paid for my foods last time. Ngayon ko lang 'yon naalala. Bago pa 'man siya makapagsabi ng order niya, inunahan ko na siya.

"Ito po 'yung bayad niya." I smiled at the staff. "Pakibigay na lang din po sakaniya ng sukli."

Lumingon ako kay Sir Idrisvan. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa'kin, nagtataka sa ginawa ko.

"I'm sorry, Sir. Nakalimutan ko po magbayad last time." Nahihiya akong tumawa.

He was about to say something, when someone called me. Pareho kaming napalingon doon.

"Iyan lang ang kakainin mo?" Xeandrei asked.

Nakalapit na siya sa'kin, may hawak na dalawang rice meals. A smile crept on my lips, ready to tease him.

"Yes. I have limited time for lunch." Tugon ko rito, bahagyang natatawa. "Nagutom ka ba sa meeting? Dami niyan, ah."

Pasimple akong napabaling kay Sir Idrisvan na umayos nang pagkakatayo at sinabi sa tindera ang order niya. Matcha strawberry shake ulit.

"Para sa'yo 'tong isa." Xeandrei frowned. "Hindi ka nanaman kakain nang maayos."

Umawang ang mga labi ko, hindi alam ang sasabihin dito. My eyes landed on his plates. Isang chicken curry at isang sinigang. Kahit alin sa dalawa ay kinakain ko naman, pero hindi ako komportableng kumain ng pagkain na galing sa ibang tao. Except when I'm attending someone's party, that's a different case.

"Xean--," Bago ko pa matanggihan iyon ay pinutol na nito ang sasabihin ko.

"Tanya, you've been too busy with the officer duties. Ikaw ang nag-aasikaso sa papers, kahit sa mga approvals and directives. Kapag lumalabas ang ibang officers para sa materials na kailangan, ikaw din ang sumasama." He stated.

Naguguluhan akong tumingin dito dahil wala naman iyong kinalaman sa pagkain na hawak niya.

"I'm saying that you've been exhausting yourself too much on these duties that's why you need to eat a proper meal." Dagdag pa nito na parang nababasa ang nasa isip ko.

He actually has a point. Pero paano ko naman kakainin 'to kung hindi nga ako komportableng kumain ng pagkain na hindi ako ang bumili?

Sandali akong sumilip sa wristwatch ko at napansin ang oras. Bumilog kaagad ang mga mata ko at napagtantong limang minuto na lang at magsisimula na ulit ang klase namin.

Nandito pa naman si Sir Idrisvan, nakahalukipkip habang naghihintay ng order niya. He seemed annoyed. Wala namang bago do'n.

Pero kahit nandito siya, hindi ko na gugustuhing maulit nanaman ang nangyari no'ng nakaraan.

"I'm sorry, Xean. Magsisimula na pala ang klase ko." Natataranta kong usal dito. Bumaba ang tingin ko sa pagkain. "But thank you. I'm really sorry, I have to go now."

Bago pa 'man siya makapagsalita, mabilis na akong naglakad paalis doon. Halos tumakbo na ako patungo sa building namin dahil tatlong minuto na lang ang mayroon ako at nasa ikatlong palapag pa ang classroom namin. Sana lang hindi mahaba ang pila sa elevator.

Halos mapasigaw naman ako sa saya nang maabutan kong bakante ang pila sa elevator. I went straight inside when it opened. Dire-diretso kong pinindot ang button para isarado 'yon.

A smile was plastered on my lips. Hindi ko magawang alisin 'yon. It would be fine being late since he's still at the cafeteria. Alam kong kakain pa rin siya kaya baka mamaya pa 'yon pumasok sa klase. But to think that I would come to our room before him, excitement rushed within me.

Bago pa 'man 'yon tuluyang sumara ang elevator, nakapasok na rin si Sir Idrisvan. He's holding a paper bag in his left hand, and a drink on the right. Tumaas kaagad ang kilay nito nang magkasalubong ang mga mata namin pero ngumiti lang ako sakaniya.

"Hindi na ako malalate, Sir." Habol-hininang usal ko rito habang nakangiti pa rin sakaniya.

Umiwas lang siya ng tingin sa'kin. He bit his lower lip, hiding a ghost of smile. Natatawa rin ako sa sarili ko dahil sa dalawang beses na nalate ako sa klase niya, muntikan pa akong tumatlo ngayon.

"Do you usually skip lunch?" He asked, raising a brow at me.

"Kumakain nga po ako." I chuckled. Hindi pa rin talaga siya tapos sa bagay na 'yon. 

"Jamaican? Shawarma?" He snorted. "That's not lunch. Ang aga naman ng meryenda mo."

"Sir, worried ka talaga sa'kin, eh." I teased him. "Halata..."

It was just a joke, but I'm growing fond of his reactions everytime I mention it. Nag-iwas nanaman siya ng tingin sa'kin, bahagyang tumungo. He massaged the bridge of his nose, then heaved a sigh.

"Sa canteen." He corrected my statement. "Nababawasan ang kita nila dahil hindi ka bumibili ng rice meal." He smirked.

"Nag-aalala ka sakanila, Sir?" I laughed. "Pa'no pala kung magbabaon ako ng lunch ko, Sir?"

Hindi na ako sinagot nito. I saw him licked his lower lip, then shook his head. Tumatama sa mga mata niya 'yong buhok niya.

"Anong mga gusto mong pagkain?" He asked.

Sandali akong napaisip. Kanina lang nagmamadali akong makarating sa room, ngayon parang gusto kong patigilin ang elevator. I never thought that I could talk to him this way.

Pakiramdam ko, sobrang lapit niya sa'kin. Parang ang dali niyang abutin para sa'kin. But that's just a fantasy. Something far from reality.

"Anything with beef?" I shrugged. "And cheese. Are you getting to know me, Sir?"

"Silly." He scoffed.

Mabilis nitong iniwas ang tingin sa'kin, pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. I bit my lower lip, refraining myself from bursting right now. I hope the elevator moves slower right now.

"Come to my officer later." He uttered.

He gave us an activity that must be submitted today. Muntikan ko nang makalimutan 'yon. Supposedly, the class representative must bring the activities of students to his office. Pero dahil absent ngayon ang class representative, ako ang gagawa ng responsibility niya.

"Noted, Sir." I smiled at him. "Hindi na po ako malalate sa class."

Pagkatunog ng elevator, naghanda na akong tumakbo para maunahan ko siya. Wala siyang hawak na laptop kaya sigurado akong pupunta pa siya sa office para kuhanin ang mga gamit niya. But I was too eager to arrive at his class before him.

Bago pa 'man ako tuluyang makalabas, sumalubong sa'kin 'yong hawak niyang paper bag. It blocked my vision. Nagtatakang napatingin ako rito.

"Class will start at one-thirty o'clock. Help me finish this. Masasayang lang 'to, hindi na ako gutom." Seryosong usal nito.

Napaawang ang mga labi ko sa pinaghalong gulat at pagtataka. Bago pa 'man ako makapagtanong sakaniya, tuluyan nang bumukas ang elevator. Dire-diretso siyang naglakad palabas, nakasunod lang ang mga mata ko hanggang sa lumiko siya.

He gave me his food. I held my chest when my heart began beating in unusual rhythm.

Maybe at some point, he wasn't too difficult to reach. Mahirap lang gustuhin, baka hindi ako makabangon.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Crimson Nostra #1: Trapped In My Professor   KABANATA 4

    "No one else after me, Tanya." He warned on my neck. "Kaya mo ba 'yon?"Can I really do that? If I don't have the certainties that this would be mine too. He could possess me, but can I do that to him?No. I can only be his, but he would never be mine. If there is one thing constant in life, that would be the reality of unfair angles. While he stands on the white side, I can only stand on the gray. The middle of two sides.But I just know that I want him. I want to be his."No one after you." I whispered, voice cracking.Sandali itong napamura sa narinig at dahil sa ginawa kong pag-atras. Tuluyan na siyang nakapasok sa'kin. Mabilis na dumapo ang kamay ko sa bibig ko para pigilan ang sarili na mapamura. Hindi ko inasahang ganito iyon kahapdi.I felt like something inside me just cracked. Alam kong malaki at mahaba siya, pero hindi ko inasahang gano'n iyon kasakit. Tumulo ang mga luha ko dahil sa pagkabigla na kaagad niyang napansin. His jaw literally dropped, I saw it clearly from his

  • Crimson Nostra #1: Trapped In My Professor   KABANATA 3

    Luck.A common word that all people get to understand, but not everyone receives. Maybe it comes in an amount that is measured not in ways you carry it, but on how you notice them.I guess, it was just a lucky day for me. Other people might see it on a surface level, but I don't. It was already a luck for me because that's how I want to see it."Sir!" I raised my hand to get his attention. Tumaas ang kilay nito nang bumaling sa direksyon ko."Are we required to follow a specific format?" Nakangiting pagtatanong ko rito. "Para po sa hard copy na isusubmit namin."Lumingon din sakaniya ang groupmates ko habang naka-form ng circle.Hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari. He gave me his food. Rice meal 'yon na ang ulam ay kare-kare. It was the first time I felt comfortable eating someone else's food. Hindi niya naman 'yon binili para talaga sa'kin, nagbago lang ang isip niya pero ayaw niyang masayang kaya ipinamigay niya na lang.But I still think I was lucky. Sa'kin niya piniling ibig

  • Crimson Nostra #1: Trapped In My Professor   KABANATA 2

    As the Aurea Night is nearing, the tasks I have to fit in my plate have doubled. I called for a meeting with the university officers and distributed all tasks to each one. Inaasahan ng mga students ang event na 'to kaya mas lalo naming gusto na maging maganda ang kalalabasan ng bawat plano."Yzah, kindly inform the department officers that we will be having a meeting with them tomorrow. If hindi lahat available, inform them to send at least two representatives for each organization." Sambit ko sa representative.Nanatili ang mga mata ko sa laptop habang binabasa ang mga proposals na ipinasa ng secretary sa events affair."Desiree, any progress with the proposals?" Paghingi ko rito ng update nang makitang wala pang check iyon sa file namin."Nakausap ko na ang SDAO, they are still reviewing our proposals. Within this day din daw ang approval or revision request." She responded.Imbis na matuwa ako, nakaramdam ako ng bahagyang pagkainis. Refraining myself from bursting out, I rested my

  • Crimson Nostra #1: Trapped In My Professor   KABANATA 1

    The wild cheering of students filled the four corners of the gymnasium. Gumagala ang mga mata ko palipat-lipat sa bolang lumilipad sa gitna nang malawak na espasyo sa baba habang pigil ko ang sariling hininga.Mas kinakabahan pa siguro ako kaysa sa mga naglalaro sa gitna ng court dahil ngayon ang araw ng laban ng Aurea University at Astra University sa Volleyball para makapasok sa Regional Competition."Omg! Ang galing ng men's volleyball natin. Malapit nang manalo ang Aurea, sana hindi na makahabol ang Astra." Sambit ni Savie sa paiba-ibang tono. Mayroong pagtili, kaba, at inis."Sobrang bias mo sa part na 'yan." I frowned. Kaagad siyang lumingon sa'kin, namamangha sa narinig. "Pero sana tayo ang manalo.""Pinaganda mo lang naman ang sinabi ko." Malakas itong humalakhak bago bumalik ang tingin sa unahan. "Manonood tayo bukas ng women's volleyball, ha?"Bago ko pa 'man siya masagot, naibaling ko na rin sa harapan ang mga mata ko. Nagsitayuan ang mga estudyanteng nanonood habang naghih

  • Crimson Nostra #1: Trapped In My Professor   SIMULA

    Price of freedom.To be free from chains, regrets, and unanswered questions. Freedom equates to a bird that can freely spread its wings in an open sky, wide awake without missing the beauty of journey while reaching for its own destination.Too sweet to imagine, too bitter to dream of.It's such a bittersweet reality of freedom. You will only get a taste of it when you lost something. One that unlocks the cages. A reminder that when freedom unleashes, there will always be someone powerful behind it who controls liberty like a game.If it was in the market, I believe that I have already paid its price in full. In exchange for reclaiming my wings, I had to lose my soul. On a cruel note, it was debt that comes along with freedom. You will never know when or how it will collect your payment, but it will."Pupunta ako, mom." I sighed. "Bukas pa naman po 'yan, right?""Yes, Tanya. Ikaw na lang ang inaasahan namin ng dad mo. I'm actually proud that you managed the company well. Napakalayo na

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status