Share

D.S.S #1: Make Me Want You Again, My Lovely Secretary
D.S.S #1: Make Me Want You Again, My Lovely Secretary
Author: Cyrille Shatire29

CHAPTER 1:

last update publish date: 2026-07-14 11:31:41

RHIANNA'S POV

"Kapag tumawag talaga ang HR sa'kin mamaya, hindi na ako babalik sa apartment. Derecho na akong magse-celebrate!"

Halos mapasigaw si Trish habang nakataas ang hawak niyang iced coffee.

Napailing na lang ako.

"Te, tumawag na nga sila sa'yo kanina."

"Ay oo nga pala." Napahampas siya sa noo. "Excited lang!"

Napailing ulit ako habang natatawa.

Kasalukuyan kaming nasa paborito naming café na ilang kanto lang ang layo sa unibersidad na pinagtapusan namin. Maliit lang ang lugar pero maaliwalas. May mga halaman sa bawat sulok, mahina ang tugtog ng acoustic songs, at amoy na amoy ang bagong timplang kape.

Ito ang naging tambayan naming tatlo simula pa noong college.

"Excuse me..." biglang singit ni Nico habang naka-cross ang mga braso. "Pwede bang ibalik natin ang spotlight sa akin? Ako rin po ay officially employed."

Napatawa ako.

"Ay, oo nga pala!" kunwaring gulat ni Trish. "Congratulations, Miss Nico."

"Miss talaga?" taas-kilay nitong tanong.

"Eh gusto mo ba, Mister?"

"Naku, mas gusto kong tawagin mo akong future rich husband."

"Ng sino?"

"Ng magiging sugar mommy ko."

Napailing ako habang natatawa.

Lagi silang ganito.

Kapag nagsimula nang mag-asaran ang dalawang ito, wala nang katapusan.

"Rhea..." Tinapik ako ni Nico. "Ikaw na lang ang hinihintay naming magkaroon ng trabaho."

Napangiti ako. "Hinihintay ko pa rin ang tawag."

"Kailan ka ba nag-apply?"

"Noong isang linggo."

"Saan ulit?"

"Del Santiago Corporation."

Halos sabay na napalingon sa akin ang dalawa.

"Hoy!" napalakas ang boses ni Trish. "Iyong Del Santiago? Iyong top company?"

Tumango ako. "Nagbabakasakali lang malay natin di'ba? Baka matanggap,"

"Nagbabakasakali raw." Umirap si Nico. "Cum laude ka. Ang dami mong internship. Ang ganda ng credentials mo. Kung hindi ka pa matatanggap, ewan ko na lang talaga."

Ngumiti lang ako.

Hindi ko rin kasi gustong umasa kasi baka mas lalo lang sumakit puso ko.

Marami akong kasabay na nag-apply. Sigurado akong mas magagaling pa sa akin ang karamihan.

At saka...hindi lang naman ako ang may pangarap.

"Pero alam mo..." sambit ni Trish habang s********p ng kape. "Feeling ko talaga matatanggap ka."

"Sana."

"Sana?" ulit ni Nico. "Hindi. Dapat i-manifest mo 'yan!"

Sabay niyang ipinikit ang mga mata.

"Universe..."

Napahagalpak kami ni Trish.

"Dear universe," dagdag pa niya habang nakataas ang dalawang kamay. "Bigyan mo na ng trabaho ang babaeng ito dahil sawa na akong ilibre siya."

"Aba!" reklamo ko.

"Ano?"

"Ako lagi ang taya ng fries."

"Oo nga. Fries lang. Ang mahal ng kape ko."

"Ikaw nga ang umorder ng pinakamahal!"

"Dahil deserve ko 'to," banat niya.

"Lol," asik ni Trish, "Kaka-deserve mo naubusan ka ng allowance. Sa unang sahod mo baka pwede mo ng mabayaran iyong utang mo sa 'kin, Nicoco.." pang-aasar niya.

"Isang Nicoco pa at bibigwasan kita!" banta niya.

Napailing na lang ako.

Hindi ko alam kung saan kumukuha ng kapal ng mukha ang kaibigan kong ito. Di ko rin maintindihan kung ano talaga trip nila sa buhay.

"Nico."

"Hmm?"

"Bakit hindi mo na lang ligawan si Rhea?"

Halos mabilaukan ako sa iniinom kong kape.

"Ha?!"

Si Nico naman ay dahan-dahang lumingon kay Trish.

"Girl..."

"Ano?"

"Una sa lahat, bakla ako."

"Edi?"

"Pangalawa..." tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. "Napakaganda ni Rhea."

"Salamat?" hindi sigurado kong saad.

"Pangatlo..." Umiling siya. "Hindi ko kayang sirain ang friendship namin. At kaka-divorced lang ng kasal niya sa pangit na lalaking iyon. Ayaw ko nga!" aniya na para bang diring-diri siya.

"Tingnan mo nga." Tinuro ako ni Trish. "Twenty-five years old na 'yan."

"Hoy! Bakit ba napunta sa 'kin ang usapan tapos ganito pa talaga? Wala na bang iba?!" reklamo ko.

"Kailan ka ba magmamahal ulit? Bakit? Hindi kapa ba maka-move on sa ex-husband mo--"

"Wala pa akong panahon sa ganyan. At gaya ng sinabi mo kanina ay kaka-divorced lang namin. Ayaw ko munang magkaroon ng lovelife, ang kailangan ko trabaho kasi walang magpapakain sa'kin..." banat ko.

"Wala namang masama kung magkajowa ka," mahinang sabi ni Trish.

"Oo nga," sang-ayon ni Nico. "Hindi mo kailangang isuko ang pangarap mo para lang magmahal ulit,"

Napangiti ako.

"Next time nalang..."

"Kailan?" nakangusong tanong ni Trish.

"Hindi ko alam."

"Kapag trenta ka na?"

"Tigilan mo nga ako."

Tumawa silang pareho.

Pagkatapos ay biglang tumayo si Nico.

"Sige na nga alis muna ako," aniya at nakapilantik pa talaga ang mga daliri.

"Saan ka pupunta?"

"CR."

"Bilisan mo akala mo naman gaganda ka kaka-retouch mo," wika ni Trisha habang nginunguya ang fries niya.

"Excuse me!" sabay irap niya. "May image akong pinoprotektahan. At malamang hindi na ako gaganda kasi sobrang ganda kona kaya ganoon. Kasi kapag lalo akong gaganda ay lalo ka ring papangit,"

"Wow... nakakahiya naman sa'yo," si Trish at hindi na maitago ang pagkapikon.

Kung wala ang dalawang ito...

Siguro mas mabigat ang lahat.

Minsan naiisip ko, masuwerte pa rin ako dahil may kaibigan pa rin ako kahit na wala na sa akin ang lahat ng meron ako dati.

~~~~~~~

Nakauwi na ako ng bahay at kasalukuyang nagbabasa ng libro nang mag-vibrate ang cellphone ko.

*Unknown number*

Bahagya akong napakunot-noo bago iyon sinagot.

"Hello?"

"Good morning. May I speak with Miss Rhianna Aguilar?" mahinhin na boses ng isang babae ang narinig ko.

Napatuwid ako ng upo.

"Speaking."

"This is from Del Santiago Corporation's Human Resources Department."

Halos tumigil ang paghinga ko.

Napalunok ako.

"We're pleased to inform you that you've successfully passed the final screening for the Executive Secretary position."

Hindi ko agad naproseso ang sinabi niya.

Parang ilang segundo ring nablangko ang utak ko.

"...Miss Rhianna?"

"Ah... yes! Yes, I'm here."

Narinig ko ang mahinang tawa ng babae sa kabilang linya.

"Congratulations. We'd like you to report tomorrow for your employment documents and final assessment if you're available."

"O-opo! Available po ako!"

"Wonderful. Please be here before one o'clock in the afternoon," dagdag niya.

"I'll be there. Thank you so much!"

Pagkababa ko ng tawag ay napatili ako at paulit-ulit na tumalon sa sobrang saya. At buong gabi ay hindi ako nakatulog nang maayos sa sobrang excitement na nararamdaman ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Madam Ursula
ang ganda...recommended po. Pasupport si Miss Author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • D.S.S #1: Make Me Want You Again, My Lovely Secretary    CHAPTER 24:

    RHIANNA'S POV "Finally..." Napangiti ako habang inilalagay ang huling folder sa ibabaw ng maliit na mesa sa sala. Ilang araw lang ang lumipas mula nang mag-resign ako, pero pakiramdam ko ay napakatagal na ng lahat. Hindi ko pinagsisisihan ang desisyon ko. Masakit. Nakakatakot. At hindi ko alam kung tama ba talaga ang ginawa ko. Pero kailangan ko. Kailangan kong lumayo kay Caius. Kailangan kong putulin ang anumang bagay na unti-unting muling nabubuo sa pagitan namin. Dahil lung mananatili pa ako sa kompanya niya, alam kong lalo lamang magiging mahirap ang sitwasyon naming dalawa...lalo na para sa 'kin. Kaya nang matanggap ako agad sa isang kumpanyang inapply-an ko, halos hindi ako makapaniwala. Hindi man kasing laki ng kompanya ni Caius, sapat na iyon para magsimula ulit ako. May bagong trabaho. Bagong environment. Bagong buhay. At higit sa lahat...malayo sa mga posibleng problema. Napangiti ako habang tinitingnan ang email na naka-open sa cellphone ko. "At least... m

  • D.S.S #1: Make Me Want You Again, My Lovely Secretary    CHAPTER 23: Resignation letter

    CAIUS's POV Kinabukasan.Eksaktong alas-nuwebe ng umaga nang mapansin kong wala pa rin si Rhianna sa opisina.Nakatitig ako sa relo ko habang tahimik na nakaupo sa likod ng mesa.Karaniwan, nasa desk na siya bago pa ako makarating. Napatingin ako sa pintuan ng opisina, naghintay ng ilang minuto ngunit walang pumasok na Rhianna.Muli kong ibinalik ang tingin sa laptop, at sinubukang ituon ang atensyon sa trabaho. Pero lumipas ang mahigit kalahating oras ay napamura ako nang mariin."Sh*t..." i hissed because i couldn't focus on my job.Kinuha ko ang cellphone ko. Hinahanap ko ang pangalan niya sa contacts. Pinindot ko ang call botton. Ngunit walang sumagot. Huminga ako nang malalim at muli itong tinawagan pero ganoon pa rin ang resulta. Gusto kong isipin na baka tulog pa siya, pero alam ko na imposible, dahil kahit day-off niya ay sumasagot siya sa tawag ng HR...at kahit na sino pang empleyado.Naramdaman kong unti-unting sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero may ku

  • D.S.S #1: Make Me Want You Again, My Lovely Secretary    CHAPTER 22:

    RHIANNA'S POV Hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas. Ang alam ko lang... Nang maramdaman ko ang labi niya sa akin, parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Ang dagat. Ang musika mula sa resort. Pati ang mga taong nagkakagulo ilang metro lamang mula sa amin. Wala akong marinig. Pero ilang segundo lang iyon. Dahil agad kong napagtanto ang ginagawa niya. Mabilis kong itinulak ang dibdib niya. "Stop!" Napaatras ako, halos matisod sa buhanginan. Huminga ako nang malalim habang nanginginig ang mga kamay ko. "Anong ginagawa mo?" Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. Ang mukha niya ay hindi ko pa rin mabasa, pero kitang-kita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya. "Sinabi ko bang pwede mo akong halikan?" bahagyang tumaas ang boses ko. Nang hindi siya sumagot ay bigla akong nakaramdam ng inis. "Grabe ka..." Umiling ako bago mabilis na tumalikod. Hindi ko na siya hinintay magsalita. Naglakad ako palayo. Mabilis. Ay

  • D.S.S #1: Make Me Want You Again, My Lovely Secretary    CHAPTER 21:

    RHIANNA'S POV "Actually... excuse me lang po." Pilít akong ngumiti habang bahagyang itinataas ang cellphone ko. "May tumatawag kasi." Agad namang napatingin ang lalaking kausap ko sa screen ng cellphone ko. "Ah, sure. I'll wait." "Thank you." Bahagya akong yumuko bilang paggalang bago mabilis na tumalikod. Hindi naman talaga tumutunog ang cellphone ko. Nagkunwari lang ako. Napabuntong-hininga ako nang makalayo. "Salamat, imaginary caller..." Mahina akong natawa sa sarili. Hindi ko alam kung bakit, pero simula nang magsimula kaming mag-usap ay pakiramdam ko ay naiipit ako. Mabait naman siya. Magalang. Pero... Masyado siyang malapit. Masyado rin siyang madaldal. At sa bawat pagtatangka niyang ilapit ang mukha niya sa akin habang nagsasalita ay lalo lang akong naiilang. Hindi ko talaga kaya. Napailing ako habang naglalakad. "Nasaan na kaya sina Trish at Nico?" Luminga ako sa paligid. Punong-puno ng tao ang resort. May nagsasayaw sa harap ng DJ. May mga nag-iinum

  • D.S.S #1: Make Me Want You Again, My Lovely Secretary    CHAPTER 20:

    CAIUS'S POV Malakas ang bass ng musika. At kasabay ng bawat pagtibok nito ay ang hiyawan ng mga tao sa paligid. Makukulay na ilaw ang umiikot sa dance floor habang ang DJ ay patuloy na nagpapatugtog ng sunod-sunod na party songs. Nasa VIP lounge kami, ilang metro lamang ang layo sa DJ booth. Tahimik akong nakasandal sa couch habang hawak ang isang bote ng beer. Nakasuot lang ako ng puting linen polo na nakabukas ang unang apat na butones, knee-length khaki shorts, at simpleng tsinelas. Hindi ko kailangan magbihis nang sobra. Nagpunta lang naman ako rito dahil pinilit ako ng mga kaibigan ko. At dahil kaibigan rin ang may-ari nitong resort. "Caius." Tinapik ako ni Larkin sa balikat. "Hindi ka pa rin ngumingiti." Hindi ko siya nilingon. "Do I have to?" Napahalakhak siya. "Ang boring mo talaga," ang pinsan kong si Maverick habang sumasayaw. Umiling lang ako bago muling uminom ng beer. Sa kabilang couch ay nagtatawanan sina Zaire, Damian, at Rowan habang abala sa paglalaro n

  • D.S.S #1: Make Me Want You Again, My Lovely Secretary    CHAPTER 19:

    RHIANNA'S POV"Holiday"Pagkatapos ng sunod-sunod na overtime, tambak na papeles, at... araw-araw na lunch kasama si Sir Caius, sa wakas ay nakahinga rin ako nang maluwag.Nakaupo ako sa sofa habang hinihintay sina Trish at Nico. Nakasuot lang ako ng simpleng white sundress na hanggang tuhod, flat sandals, at isang maliit na sling bag.Hindi ko balak magbihis nang bongga. Simpleng beach party lang naman ang pupuntahan kaya gorabels lang.Ilang sandali pa ay tumunog ang doorbell. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad agad ang dalawang pamilyar na mukha."Good evening, beautiful people!" masiglang bati ni Nico habang nakabuka pa ang mga braso niya.Napailing ako."Ikaw lang ang nagsabing beautiful ka," kontra ni Trish."Aba, inggit ka lang," tugon naman nito at bahagyang itinulak si Trish papalayo sa kanya."Pwede ba? Malilate na tayo," reklamo ko.Lumabas na ako ng bahay at agad kaming sumakay sa kotse ni Trish."Excited na ako," sabi ni Nico habang nakatingin sa bintana. "Libre raw ang b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status