로그인RHIANNA'S POV
Eksaktong alas-dose y medya nang huminto ang sinasakyan kong jeep sa tapat ng Del Santiago Corporation. Bahagya akong napatingala at muling namamgha dahil sa laki ng gusaling nakatayo sa harapan ko. Sa harapan nito ay nakaukit ang pangalan ng kumpanya sa malalaking stainless steel letters. DEL SANTIAGO CORPORATION Isa ito sa pinakamalalaking kumpanya sa bansa pagdating sa construction materials at industrial equipment. Sila ang pangunahing supplier ng iba't ibang uri ng semento, structural steel, rebars, ready-mix concrete, roofing materials, industrial pipes, aggregates, at iba pang mahahalagang materyales para sa malalaking construction projects. Bukod pa roon, kilala rin sila sa pag-aangkat at pagbebenta ng iba't ibang heavy equipment gaya ng excavators, bulldozers, tower cranes, wheel loaders, forklifts, dump trucks, at concrete batching plants. Kaya naman ilan sa pinakamalalaking contractors, real estate developers, at infrastructure companies sa bansa ay kliyente ng Del Santiago Corporation. Huminga ako nang malalim. "Kayang-kaya mo 'to, Rhianna..." Pagpasok ko sa lobby ay namangha ulit ako sa linis at well organized ang buong area. At halos lahat ng empleyado ay abala sa kani-kanilang trabaho. Lumapit ako sa reception. "Good afternoon, Ma'am." Ngumiti ang receptionist. "Yes?" "Nandito po ako for my employment processing." "May I have your name, please?" "Rhianna Aguilar po," nakangiti kong bigkas ng aking pangalan. Ilang segundo siyang may chineck sa computer bago muling ngumiti. "Welcome to Del Santiago Corporation, Miss Aguilar," Hindi ko mapigilang mapangiti. "Thank you." "Please proceed to the Human Resources Department on the twelfth floor." "Okay po." ~~~~~~ Paglabas ko ng elevator, ay agad akong sinalubong ng isang babaeng nasa trenta anyos na yata. "Ikaw ba si Miss Aguilar?" "Opo." Ngumiti siya at iniabot ang kamay. "Hi. I'm Denise from Human Resources." Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. "I'm glad you made it." "Thank you po." Matapos kong pirmahan ang ilang dokumento at mabigyan ng maikling orientation tungkol sa kumpanya... Napabuntong-hininga ako dahil akala ko ay tapos na pero biglang nagsalita si Ma'am Denise. "Actually..." ani Denise habang isinasara ang folder. "There's one last step." Napatingin ako sa kanya. "Since you applied as the Executive Secretary of the President, Mr. Del Santiago personally conducts the final assessment of every shortlisted applicant." Bahagya akong napakunot-noo. "Akala ko po... tapos na ang interview?" "It is." Ngumiti siya. "This isn't another interview." "Then... ano po?" "A brief meeting with the president himself," aniya. Napakurap ako. "Mr. Del Santiago believes that his Executive Secretary should be someone he can trust. That's why he always takes the time to personally meet the applicant before giving his final approval." Hindi ko namalayang napalunok ako. Hindi pa pala talaga tapos. "Come with me," usal niya at nagsimulang maglakad, sumunod naman ako kaagad. Lumabas kami ng Human Resources Department. Habang naglalakad sa malawak na hallway ay hindi ko maiwasang mapansin ang halos lahat ng empleyado na nadadaanan namin. "Nakakakaba ba?" tanong ni Denise. Kaunti akong tumawa. "Medyo po." "Normal lang 'yan... ganyan din ako noong first time ko rito," usal niya. Pumasok kami sa isa pang elevator patungo sa floor kung saan naghihintay si Mr Del Santiago. Hindi iyon nagtagal, dahil makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang elevator at humakbang na kami palabas. Kumpara sa ibang floors nitong building ay hindi maikakaila ma mas doble ang katahimikan rito sa executive floor. Napayuko ako sa sahig at napansin kong isang makapal na carpet ang aming inaapakan. Modernong interior. At iilan lamang ang mga tao rito. Parang bawat pintong madaanan namin ay may sariling awtoridad. Habang naglalakad ay may ilang empleyadong magalang na bumati kay Denise. Napansin kong halos lahat sila ay seryoso ang ekspresyon. "Ma'am Denise..." mahina kong tawag. "Hm?" "Mabait po ba si Mr. Del Santiago?" Napatawa siya nang mahina. "Mabait naman." Saglit siyang tumigil. "...kapag nasa magandang mood." "Lagi po ba siyang nasa magandang mood?" Napangiti siya. "Let's just say...hindi mo gugustuhing makita siyang galit." Napangiwi ako. Parang lalo yata akong natakot sa narinig ko. Ilang hakbang pa ay huminto kami sa pinakamalaking opisina sa pinakadulo ng hallway. Naka-ukit sa brushed stainless steel nameplate ang mga salitang... OFFICE OF THE PRESIDENT CAIUS DEL SANTIAGO President & Chief Executive Officer Hindi ko alam kung bakit...pero parang mas bumilis ang tibok ng puso ko. "Sir..." Bahagyang binuksan ni Denise ang p***o. "Miss Rhianna Aguilar is here for her final assessment." Mula sa loob... Isang mababa, kalmado, at awtoridad na boses ang sumagot. "Send her in."RHIANNA'S POV Hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas. Ang alam ko lang... Nang maramdaman ko ang labi niya sa akin, parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Ang dagat. Ang musika mula sa resort. Pati ang mga taong nagkakagulo ilang metro lamang mula sa amin. Wala akong marinig. Pero ilang segundo lang iyon. Dahil agad kong napagtanto ang ginagawa niya. Mabilis kong itinulak ang dibdib niya. "Stop!" Napaatras ako, halos matisod sa buhanginan. Huminga ako nang malalim habang nanginginig ang mga kamay ko. "Anong ginagawa mo?" Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. Ang mukha niya ay hindi ko pa rin mabasa, pero kitang-kita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya. "Sinabi ko bang pwede mo akong halikan?" bahagyang tumaas ang boses ko. Nang hindi siya sumagot ay bigla akong nakaramdam ng inis. "Grabe ka..." Umiling ako bago mabilis na tumalikod. Hindi ko na siya hinintay magsalita. Naglakad ako palayo. Mabilis. Ay
RHIANNA'S POV "Actually... excuse me lang po." Pilít akong ngumiti habang bahagyang itinataas ang cellphone ko. "May tumatawag kasi." Agad namang napatingin ang lalaking kausap ko sa screen ng cellphone ko. "Ah, sure. I'll wait." "Thank you." Bahagya akong yumuko bilang paggalang bago mabilis na tumalikod. Hindi naman talaga tumutunog ang cellphone ko. Nagkunwari lang ako. Napabuntong-hininga ako nang makalayo. "Salamat, imaginary caller..." Mahina akong natawa sa sarili. Hindi ko alam kung bakit, pero simula nang magsimula kaming mag-usap ay pakiramdam ko ay naiipit ako. Mabait naman siya. Magalang. Pero... Masyado siyang malapit. Masyado rin siyang madaldal. At sa bawat pagtatangka niyang ilapit ang mukha niya sa akin habang nagsasalita ay lalo lang akong naiilang. Hindi ko talaga kaya. Napailing ako habang naglalakad. "Nasaan na kaya sina Trish at Nico?" Luminga ako sa paligid. Punong-puno ng tao ang resort. May nagsasayaw sa harap ng DJ. May mga nag-iinum
CAIUS'S POV Malakas ang bass ng musika. At kasabay ng bawat pagtibok nito ay ang hiyawan ng mga tao sa paligid. Makukulay na ilaw ang umiikot sa dance floor habang ang DJ ay patuloy na nagpapatugtog ng sunod-sunod na party songs. Nasa VIP lounge kami, ilang metro lamang ang layo sa DJ booth. Tahimik akong nakasandal sa couch habang hawak ang isang bote ng beer. Nakasuot lang ako ng puting linen polo na nakabukas ang unang apat na butones, knee-length khaki shorts, at simpleng tsinelas. Hindi ko kailangan magbihis nang sobra. Nagpunta lang naman ako rito dahil pinilit ako ng mga kaibigan ko. At dahil kaibigan rin ang may-ari nitong resort. "Caius." Tinapik ako ni Larkin sa balikat. "Hindi ka pa rin ngumingiti." Hindi ko siya nilingon. "Do I have to?" Napahalakhak siya. "Ang boring mo talaga," ang pinsan kong si Maverick habang sumasayaw. Umiling lang ako bago muling uminom ng beer. Sa kabilang couch ay nagtatawanan sina Zaire, Damian, at Rowan habang abala sa paglalaro n
RHIANNA'S POV"Holiday"Pagkatapos ng sunod-sunod na overtime, tambak na papeles, at... araw-araw na lunch kasama si Sir Caius, sa wakas ay nakahinga rin ako nang maluwag.Nakaupo ako sa sofa habang hinihintay sina Trish at Nico. Nakasuot lang ako ng simpleng white sundress na hanggang tuhod, flat sandals, at isang maliit na sling bag.Hindi ko balak magbihis nang bongga. Simpleng beach party lang naman ang pupuntahan kaya gorabels lang.Ilang sandali pa ay tumunog ang doorbell. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad agad ang dalawang pamilyar na mukha."Good evening, beautiful people!" masiglang bati ni Nico habang nakabuka pa ang mga braso niya.Napailing ako."Ikaw lang ang nagsabing beautiful ka," kontra ni Trish."Aba, inggit ka lang," tugon naman nito at bahagyang itinulak si Trish papalayo sa kanya."Pwede ba? Malilate na tayo," reklamo ko.Lumabas na ako ng bahay at agad kaming sumakay sa kotse ni Trish."Excited na ako," sabi ni Nico habang nakatingin sa bintana. "Libre raw ang b
RHIANNA'S POV Eksaktong alas singko nang tumunog ang telepono sa mesa ko. Napatingin ako sa screen ng cellphone. At nang makita ko kung sino iyon ay agad kong sinagot ang tawag. "Hello?" "Baba ka." Napakunot-noo ako. "Baba saan?" "Sa lobby. Nandito kami ni Nico." Napakurap ako. "Ha? Bakit?" "Kasi miss ka na namin. Bilisan mo na!" Hindi na niya ako pinagsalita. Binabaan niya agad ako ng tawag. Napailing na lang ako bago mabilis na inayos ang mga dokumentong nasa mesa ko. Nagpaalam muna ako sa receptionist na bababa lang sandali bago sumakay ng elevator. Pagbukas pa lang ng elevator sa lobby... "Rhian!" Agad akong sinalubong ng malakas na boses ni Nico. Nakasuot pa siya ng malaking sunglasses kahit gabi na halos. "Anong ginagawa mo riyan?" natatawa kong tanong. "Sinundo ka namin." "Tama," sabat ni Trish. "Hindi ka na kasi sumasabay sa'min mag-lunch nitong mga nakaraang araw. Nagtatampo na kami sa'yo," Napakamot ako sa batok. "Busy lang..." "Ay.
RHIANNA'S POV Magkatapat kaming nakaupo sa maliit na dining table. Si Caius ay kalmado lang na kumakain, habang ako naman ay halos pigilan ang bawat galaw ko. Maingat kong iniangat ang kutsara. Dahan-dahan. Pati ang paglapag ko ng kubyertos sa plato ay halos wala nang tunog. Ayokong makagawa ng kahit anong ingay. Nakakahiya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kaba ko. Siguro dahil kahit na ilang beses na namin 'tong ginawa ay hindi pa rin ako sanay. Lalo pa at kaming dalawa lang talaga, tapos ganito pa kalapit ang distansya namin sa isa't-isa. Huminga ako nang malalim at tahimik kong isinubo ang kutsarang may kanin. Hindi man lang ako lumingon sa kaniya. Pakiramdam ko kasi, kapag nagtagpo ang mga mata namin, lalo lang akong maiilang. Maya-maya pa ay dahan-dahan kong inabot ang baso ng tubig. Sobrang maingat. Ni hindi ko hinayaang tumunog ang yelo sa loob ng baso. Hanggang sa... "Rhianna." Napahinto ako at dahan-dahan kong iniangat ang tingin sa kanya. "







