Share

CHAPTER 4:

last update publish date: 2026-07-15 18:14:17

RHIANNA'S POV

One week later...

"Good morning, Ma'am Rhianna!"

Napangiti ako nang bahagya habang tumatango sa empleyadong bumati sa akin.

"Good morning."

Eksaktong alas-siyete pa lang ng umaga ngunit nagsisimula nang maging abala ang buong executive floor.

Pitong araw ko nang pilit sinasanay ang sarili kong makatrabaho si Caius Del Santiago. At sa loob ng pitong araw na iyon...wala siyang ginawa kundi tratuhin ako bilang empleyado.

Wala siyang binanggit tungkol sa nakaraan.

Hindi niya ako tinawag sa dati kong palayaw. Hindi rin siya nagtanong kung kumusta na ako.

Para bang wala kaming pinagsamahan.

At sa totoo lang ay mas mabuti na siguro iyon.

Dahil kung kaya niyang kalimutan ang lahat...dapat kaya ko rin.

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa opisina niya.

Tatlong marahang katok.

"Come in."

Binuksan ko ang p***o at agad ko siyang nakita.

Nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window habang nakatanaw sa lungsod. Suot niya ang isang navy blue suit na perpektong nakabagay sa seryoso niyang aura.

Hindi man lang siya lumingon nang marinig akong pumasok.

"Good morning, Sir."

"Morning," tipid niyang sagot.

Lumapit ako sa mesa niya at inilapag ang tablet na hawak ko.

"I've prepared your schedule for today."

Naglakad siya pabalik sa desk niya at tahimik na umupo sa swivel chair at binuksan ang laptop.

"Proceed."

Tumango ako.

"At eight-thirty, you'll have a board meeting with the directors.

Tahimik lang siyang nakikinig habang may tinitingnan sa screen.

"Ten o'clock, site inspection at the North Harbor Project."

"Okay,"

"One-thirty this afternoon, lunch meeting with the representatives from KMS Infrastructure."

"Move it to two."

Agad kong itinala ang pagbabago. "Noted, Sir."

"Continue."

"Four o'clock, contract signing with the Japanese investors."

Tumango lang siya.

"And at six-thirty, dinner with--"

Biglang nag-vibrate ang cellphone niyang nakapatong sa mesa.bHindi man lang niya ito agad pinansin.

Nagpatuloy muna akong magsalita.

"...the legal--"

Nag-angat siya ng isang kamay bilang hudyat na huminto na muna ako sa pagsasalita.

"Yes, Sir."

Kinuha niya ang cellphone at sinulyapan ang screen. Hindi ko sinasadyang mapadako ang tingin ko roon.

Isang pangalan lamang ang nakita ko bago niya tuluyang maiangat ang telepono.

My Love...

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. Muli kong ibinaba ang tingin.

Hindi ko dapat pinapansin iyon. Personal na buhay niya iyon. At wala na akong karapatan.

"Yes..." panimula niya at puno ng lambing ang kaniyang boses.

...

"I'm in the office."

...

"I know."

Bahagyang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.

Napakurap ako.

Sa loob ng isang linggo ay ngayon ko lang siya nakitang ganoon. Hindi man siya ngumiti... Ngunit nawala ang matigas na anyo ng kaniyang mga mata.

At sapat na iyon para mas lalong kumirot ang dibdib ko.

"I'll see you tonight."

...

"Take care."

.....

"I like you too,"

Maikli niyang ibinaba ang tawag at muling ibinalik ang cellphone sa mesa na parang walang nangyari.

Tumingin siya sa akin. "Continue."

"Y-Yes, Sir."

Bahagya akong nag-clear ng lalamunan bago muling tumingin sa tablet.

"At six-thirty this evening, dinner meeting with the legal consultants regarding the new acquisition."

Bigla siyang nanahimik na para bang may iniisip.

"Sir--"

"Cancel it. I have another commitment tonight."

Napalunok ako.

Hindi ko na kailangang itanong kung ano iyon.

Alam ko na ang sagot.

"I'll inform them immediately."

"Okay," tugon niya ng walang gana.

Tinapos ko ang natitira niyang schedule. Pagkatapos kong mag-report ay isinara ko ang tablet.

"Is there anything else you need, Sir?"

Ilang segundo niya akong tinitigan.

"Wala na."

Tumango ako. "Then, I'll excuse myself."

Tahimik akong lumabas ng opisina.

Pagkasara ng p***o sa likuran ko, saka lamang ako napabuntong-hininga.

~~~~~~~

Pagsapit ng tanghalian ay tuluyan na ring sumakit ang batok ko kakatingin sa monitor. Napabuntong-hininga ako bago isinara ang laptop.

"Madam Rhianna!"

Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses.

Si Bianca iyon, isa sa mga Accounting Staff na una kong naging malapit sa loob lamang ng isang linggo. Kasama niya ang dalawa pa naming katrabaho, si Marco mula sa Purchasing Department at si Ethan na kabilang naman sa Legal Department.

"Sabay ka na sa'min mag-lunch," nakangiting aya ni Bianca.

Ngumiti rin ako. "Sige."

Hindi nagtagal ay nasa cafeteria na kaming apat.

Hindi gaanong matao dahil maaga pa para sa lunch break ng ibang departamento.

Habang kumakain ay napunta ang usapan sa trabaho.

"Kumusta ka na sa Executive Floor?" tanong ni Marco habang sinusubo ang pagkain.

Napatawa ako nang mahina. "Buhay pa naman ako kaya sa tingin ko ay ayos lang,"

Natawa silang tatlo.

"Sabi ko na nga ba." Umiling si Ethan. "Hindi biro maging secretary ni Sir Caius."

"Totoo ba talagang sobrang strict niya?" usisa ko.

Nagkatinginan silang tatlo.

"Sobra sa sobra," dagdag ni Bianca.

"Pero fair naman siya," ani Marco. "Kapag nagkamali ka, pagsasabihan ka niya. Kapag mahusay ang trabaho mo, wala kang maririnig na kahit ano."

"At ang katahimikan na iyon ay papuri na niya sa'yo," natatawang sabi ni Ethan.

"Actually..." Bianca ang muling nagsalita. "Ikaw nga ang pinakamatagal na secretary niya."

Napakurap ako. "Ha? Totoo?"

Tumango siya. "Seven days ka na."

Napakunot-noo ako.

"Ibig sabihin?"

"Ang previous secretary niya..." sabat ni Marco. "Tatlong araw lang, nag-resign na."

"Yung sumunod naman..." nakangising dagdag ni Ethan. "Five days."

"Tapos iyong isa..." nakangisi ring ani Bianca. "Umiiyak araw-araw kasi hindi niya kaya ang temper ni Bossing,"

Napatawa ako. "Grabe naman.... totoo ba talaga?"

"Hindi kami nagbibiro, Rhianna.."

Natawa ulit ako.

"Ganito ba talaga siya noon pa?"

"Noon pa. Tahimik, cold, masungit, workaholic...at hindi pwedeng titigan kasi lalabas si anger," si Marco at agad naman siyang siniko ni Ethan.

"Halos wala kang makikitang emosyon sa mukha."

Tahimik akong nakinig.

"Hindi ko nga alam kung marunong bang ngumiti 'yon," biro ni Marco.

"Marunong na..." sabi ni Bianca habang nakangiti.

"Talaga?"

"Oo."

"Kailan lang? Baka hindi si Sie Caius iyon at namalikmata ka lang--"

"Totoo nga!" asik ni Bianca. "Ngumingiti na siya lalo na kapag kasama niya si Ma'am Elise,"

Elise? Siya ba iyong girlfriend niya?"

"Sino si Ma'am Elise?" tanong ko, pilit na pinananatiling normal ang boses.

"Ha?" Napatingin sa akin si Bianca. "Hindi mo pa siya kilala?"

Narinig ko siyang may kausap sa phone at nautusan din ako na magbigay daw ng flowers sa girlfriend niya...pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang pangalan niya," paliwanag ko.

"Si Ma'am Elise Monteverde.... Fiancée ni Sir Caius. At ang dahilan sa likod ng bawat ngiti niya," si Marco na ang nagpaliwanag.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"...Fiancée?"

Tumango si Ethan.

"Actually..." ani Marco habang umiinom ng tubig. "Open secret na rito sa kumpanya."

"Nag-propose si Sir mga two months ago... at huwag ka te, sobrang bongga raw ng proposal," dagdag ni Bianca. "Hindi nga lang nila pinost sa social media dahil parehong private ang dalawa."

"May date na rin yata ang kasal nila," sabi ni Ethan.

"Narinig ko rin 'yan."

"Next month ba?"

"Hindi. Basta sa pagkakaalam ko, bago matapos ang taon."

Tahimik akong nakatitig sa tray ng pagkain ko.

Hindi ko na halos marinig ang mga sumunod nilang sinabi. Parang unti-unting humina ang lahat ng ingay sa paligid.

Hindi lang pala girlfriend. Kundi fiancée na.

May tao na siyang pinili para makasama habang buhay.

"...Rhianna?"

Napakurap ako.

Napatingin silang tatlo sa akin.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Bianca.

Mabilis akong ngumiti. "Ah... oo."

"Parang namutla ka."

"Medyo kulang lang siguro ako sa tulog."

"Sabi na nga ba." Natatawang umiling si Marco. "Huwag mong gayahin si Sir Caius. Baka pati ikaw maging workaholic at maging cold na rin bigla,"

Pinilit ko ang sarili kong matawa sa kanila habang nginunguya ang pagkain na halos hindi kona malasahan dahil sa sobrang pait na nararamdaman ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • D.S.S #1: Make Me Want You Again, My Lovely Secretary    CHAPTER 22:

    RHIANNA'S POV Hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas. Ang alam ko lang... Nang maramdaman ko ang labi niya sa akin, parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Ang dagat. Ang musika mula sa resort. Pati ang mga taong nagkakagulo ilang metro lamang mula sa amin. Wala akong marinig. Pero ilang segundo lang iyon. Dahil agad kong napagtanto ang ginagawa niya. Mabilis kong itinulak ang dibdib niya. "Stop!" Napaatras ako, halos matisod sa buhanginan. Huminga ako nang malalim habang nanginginig ang mga kamay ko. "Anong ginagawa mo?" Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. Ang mukha niya ay hindi ko pa rin mabasa, pero kitang-kita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya. "Sinabi ko bang pwede mo akong halikan?" bahagyang tumaas ang boses ko. Nang hindi siya sumagot ay bigla akong nakaramdam ng inis. "Grabe ka..." Umiling ako bago mabilis na tumalikod. Hindi ko na siya hinintay magsalita. Naglakad ako palayo. Mabilis. Ay

  • D.S.S #1: Make Me Want You Again, My Lovely Secretary    CHAPTER 21:

    RHIANNA'S POV "Actually... excuse me lang po." Pilít akong ngumiti habang bahagyang itinataas ang cellphone ko. "May tumatawag kasi." Agad namang napatingin ang lalaking kausap ko sa screen ng cellphone ko. "Ah, sure. I'll wait." "Thank you." Bahagya akong yumuko bilang paggalang bago mabilis na tumalikod. Hindi naman talaga tumutunog ang cellphone ko. Nagkunwari lang ako. Napabuntong-hininga ako nang makalayo. "Salamat, imaginary caller..." Mahina akong natawa sa sarili. Hindi ko alam kung bakit, pero simula nang magsimula kaming mag-usap ay pakiramdam ko ay naiipit ako. Mabait naman siya. Magalang. Pero... Masyado siyang malapit. Masyado rin siyang madaldal. At sa bawat pagtatangka niyang ilapit ang mukha niya sa akin habang nagsasalita ay lalo lang akong naiilang. Hindi ko talaga kaya. Napailing ako habang naglalakad. "Nasaan na kaya sina Trish at Nico?" Luminga ako sa paligid. Punong-puno ng tao ang resort. May nagsasayaw sa harap ng DJ. May mga nag-iinum

  • D.S.S #1: Make Me Want You Again, My Lovely Secretary    CHAPTER 20:

    CAIUS'S POV Malakas ang bass ng musika. At kasabay ng bawat pagtibok nito ay ang hiyawan ng mga tao sa paligid. Makukulay na ilaw ang umiikot sa dance floor habang ang DJ ay patuloy na nagpapatugtog ng sunod-sunod na party songs. Nasa VIP lounge kami, ilang metro lamang ang layo sa DJ booth. Tahimik akong nakasandal sa couch habang hawak ang isang bote ng beer. Nakasuot lang ako ng puting linen polo na nakabukas ang unang apat na butones, knee-length khaki shorts, at simpleng tsinelas. Hindi ko kailangan magbihis nang sobra. Nagpunta lang naman ako rito dahil pinilit ako ng mga kaibigan ko. At dahil kaibigan rin ang may-ari nitong resort. "Caius." Tinapik ako ni Larkin sa balikat. "Hindi ka pa rin ngumingiti." Hindi ko siya nilingon. "Do I have to?" Napahalakhak siya. "Ang boring mo talaga," ang pinsan kong si Maverick habang sumasayaw. Umiling lang ako bago muling uminom ng beer. Sa kabilang couch ay nagtatawanan sina Zaire, Damian, at Rowan habang abala sa paglalaro n

  • D.S.S #1: Make Me Want You Again, My Lovely Secretary    CHAPTER 19:

    RHIANNA'S POV"Holiday"Pagkatapos ng sunod-sunod na overtime, tambak na papeles, at... araw-araw na lunch kasama si Sir Caius, sa wakas ay nakahinga rin ako nang maluwag.Nakaupo ako sa sofa habang hinihintay sina Trish at Nico. Nakasuot lang ako ng simpleng white sundress na hanggang tuhod, flat sandals, at isang maliit na sling bag.Hindi ko balak magbihis nang bongga. Simpleng beach party lang naman ang pupuntahan kaya gorabels lang.Ilang sandali pa ay tumunog ang doorbell. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad agad ang dalawang pamilyar na mukha."Good evening, beautiful people!" masiglang bati ni Nico habang nakabuka pa ang mga braso niya.Napailing ako."Ikaw lang ang nagsabing beautiful ka," kontra ni Trish."Aba, inggit ka lang," tugon naman nito at bahagyang itinulak si Trish papalayo sa kanya."Pwede ba? Malilate na tayo," reklamo ko.Lumabas na ako ng bahay at agad kaming sumakay sa kotse ni Trish."Excited na ako," sabi ni Nico habang nakatingin sa bintana. "Libre raw ang b

  • D.S.S #1: Make Me Want You Again, My Lovely Secretary    CHAPTER 18:

    RHIANNA'S POV Eksaktong alas singko nang tumunog ang telepono sa mesa ko. Napatingin ako sa screen ng cellphone. At nang makita ko kung sino iyon ay agad kong sinagot ang tawag. "Hello?" "Baba ka." Napakunot-noo ako. "Baba saan?" "Sa lobby. Nandito kami ni Nico." Napakurap ako. "Ha? Bakit?" "Kasi miss ka na namin. Bilisan mo na!" Hindi na niya ako pinagsalita. Binabaan niya agad ako ng tawag. Napailing na lang ako bago mabilis na inayos ang mga dokumentong nasa mesa ko. Nagpaalam muna ako sa receptionist na bababa lang sandali bago sumakay ng elevator. Pagbukas pa lang ng elevator sa lobby... "Rhian!" Agad akong sinalubong ng malakas na boses ni Nico. Nakasuot pa siya ng malaking sunglasses kahit gabi na halos. "Anong ginagawa mo riyan?" natatawa kong tanong. "Sinundo ka namin." "Tama," sabat ni Trish. "Hindi ka na kasi sumasabay sa'min mag-lunch nitong mga nakaraang araw. Nagtatampo na kami sa'yo," Napakamot ako sa batok. "Busy lang..." "Ay.

  • D.S.S #1: Make Me Want You Again, My Lovely Secretary    CHAPTER 17:

    RHIANNA'S POV Magkatapat kaming nakaupo sa maliit na dining table. Si Caius ay kalmado lang na kumakain, habang ako naman ay halos pigilan ang bawat galaw ko. Maingat kong iniangat ang kutsara. Dahan-dahan. Pati ang paglapag ko ng kubyertos sa plato ay halos wala nang tunog. Ayokong makagawa ng kahit anong ingay. Nakakahiya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kaba ko. Siguro dahil kahit na ilang beses na namin 'tong ginawa ay hindi pa rin ako sanay. Lalo pa at kaming dalawa lang talaga, tapos ganito pa kalapit ang distansya namin sa isa't-isa. Huminga ako nang malalim at tahimik kong isinubo ang kutsarang may kanin. Hindi man lang ako lumingon sa kaniya. Pakiramdam ko kasi, kapag nagtagpo ang mga mata namin, lalo lang akong maiilang. Maya-maya pa ay dahan-dahan kong inabot ang baso ng tubig. Sobrang maingat. Ni hindi ko hinayaang tumunog ang yelo sa loob ng baso. Hanggang sa... "Rhianna." Napahinto ako at dahan-dahan kong iniangat ang tingin sa kanya. "

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status