Mag-log inCAIUS' POV
Alas-siyete na ng gabi nang tuluyan kong maisara ang huling folder sa ibabaw ng mesa ko. Tahimik ang buong executive floor. Karamihan sa mga empleyado ay kanina pa nakauwi, ngunit gaya ng nakasanayan ko, ako na naman ang isa sa mga huling aalis ng gusali dahil sinisiguro kong tapos na ang trabaho ko. Inayos ko muna ang nga gamit ko at pagkatapos ay kinuha ko ang coat ko at tuluyang lumabas ng opisina. Pagdating ko sa lobby, agad akong sinalubong ng malamig na hangin ng gabi. At pagtingin ko sa labas ay nakita ko si Rhianna. Nakatayo siya sa gilid ng driveway ng Del Santiago Corporation. Hawak niya ang bag niya habang panay ang tingin sa kalsada, halatang naghihintay ng masasakyan. Hindi pa pala siya nakakaalis. Bahagyang kumunot ang noo ko. Bakit hindi pa siya umuuwi sa ganitong oras? Napatingin ako sa relo ko. Lampas alas-siyete na. Masyadong gabi para maghintay siya roon nang mag-isa. Bago ko pa napag-isipan nang maayos ang ginagawa ko ay dire-diretso akong naglakad papunta sa kotse ko. I unlocked the driver's door, at agad na pumasok sa loob. Ihahatid ko na lang siya. Isang simpleng desisyon. Walang ibang ibig sabihin. Hinawakan ko ang manibela at akmang paandarin ang makina nang may isa pang sasakyang biglang huminto sa harap niya. Isang itim na BMW. Hindi ko muna pinaandar ang kotse ko. At tahimik na nakatingin sa direksyon nila. Bumukas ang driver's door. At doon lumabas ang isang lalaki. Matangkad. Maayos ang pananamit at halatang may kaya sa buhay. Habang pinagmamasdan ko sila ay sumagi bigla sa isipan ko na baka ito ang asawa niya. Nakita kong lumapit siya kay Rhianna at bahagyang yumuko na para bang may sinabi rito. At ang lalong nagpahigpit sa pagkakakuyom ko sa manibela nang makita ko siyang ngumiti nang malawak sa lalaki. Hindi iyong pilit na ngiti na ilang araw ko nang nakikita sa opisina. Kundi isang tunay na ngiti. Yung ngiting matagal ko nang hindi nakita. Unti-unting tumigas ang panga ko. Hindi ko alam kung bakit. Wala akong dahilan para mairita. Wala akong karapatang mairita. Siya ang umalis noon. Siya ang piniling iwan ako at ipagpalit sa iba. Kaya bakit parang may kung anong kumikirot sa sikmura ko habang pinapanood silang mag-usap? Nakita kong binuksan ng lalaki ang passenger door para sa kanya. At walang pag-aalinlangang sumakay si Rhianna. Iyon lang ang hinintay ko. Hindi ko na hinayaang umalis pa ang BMW bago ko mariing pinaharurot ang sarili kong sasakyan palabas ng driveway. Napasingit ako sa kalsada nang mas mabilis kaysa sa karaniwan. Mabilis ang takbo ng kotse ko habang papunta sa restaurant kung saan naghihintay si Elise. Pero kahit nakatutok ang mga mata ko sa daan, hindi ang reservation namin ang nasa isip ko. Kundi ang eksenang kakakita ko lang. Mahigpit kong hinawakan ang manibela. Then I forced myself to take a slow breath. It doesn't matter. Dapat wala na akong pakialam. ********** *A few hours later....* "So..." basag ni Elise sa katahimikan. "I met with the wedding planner this afternoon." Tahimik akong nagpatuloy sa pagkain. "Hm." "May pinapili siyang tatlong venue sa akin and I told them that I'll ask for your opinion first," "That's good," sagot ko at tumango-tango. "At kailangan na rin daw nating mag-finalize ng guest list." Tumango ako. "Ikaw na ang bahala." Napanguso siya. "Caius." Ibinaba ko ang kubyertos. "Yes?" "Hindi pwedeng ako lang lagi ang nagde-decide dahil tayong dalawa naman ang ikakasal," aniya. Tahimik akong tumingin sa kanya. "We should decide for it. The two of us," "But you are the bride. Gusto kong magustuhan mo ang kasal kaya gusto kong ikaw ang magdesisyon at pumili sa lahat," dipensa ko. Kumiling lamang ang kaniyang ulo at unti-unting ibinaba ang tingin sa kaniyang pinggan. "Tinanong din ako ni Mommy tungkol sa honeymoon." "Choose qhatever you think is best." Napabuntong-hininga siya. "You're doing it again." "What?" "You're physically here..." saglit siyang tumigil. "But your mind isn't." Tahimik akong napatingin sa kanya. Hindi ko agad itinanggi. Dahil tama siya. Mula pa nang umalis ako sa opisina. Hindi ko maialis sa isip ko ang nakita ko sa harap ng kumpanya. "Caius...." Bahagya akong natigilan nang tawagin ako ni Elise. "What?" Napangiti siya nang bahagya. "I've been calling your name three times." Doon ako natauhan at agad na ngumiti kahit pilit. "Sorry." Nanatili siyang nakatingin sa akin. "Is there something bothering you?" "Wala naman," "Are you sure?" "Yes." Ilang segundo siyang nanahimik. Pagkatapos ay marahan niyang inabot ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. "Pagod ka lang siguro." Hindi ako umimik. Hindi ko rin inalis ang kamay ko. Pero hindi ko rin ito ginantihan. "After the wedding..." nakangiti niyang saad. "...baka kailangan mo nang magbakasyon." Tahimik akong tumango. "Maybe." O baka nagbago na talaga ang isip ko at ngayon na muli kong nakita si Rhianna ay ayaw ko ng magpakasal?RHIANNA'S POV Hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas. Ang alam ko lang... Nang maramdaman ko ang labi niya sa akin, parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Ang dagat. Ang musika mula sa resort. Pati ang mga taong nagkakagulo ilang metro lamang mula sa amin. Wala akong marinig. Pero ilang segundo lang iyon. Dahil agad kong napagtanto ang ginagawa niya. Mabilis kong itinulak ang dibdib niya. "Stop!" Napaatras ako, halos matisod sa buhanginan. Huminga ako nang malalim habang nanginginig ang mga kamay ko. "Anong ginagawa mo?" Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. Ang mukha niya ay hindi ko pa rin mabasa, pero kitang-kita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya. "Sinabi ko bang pwede mo akong halikan?" bahagyang tumaas ang boses ko. Nang hindi siya sumagot ay bigla akong nakaramdam ng inis. "Grabe ka..." Umiling ako bago mabilis na tumalikod. Hindi ko na siya hinintay magsalita. Naglakad ako palayo. Mabilis. Ay
RHIANNA'S POV "Actually... excuse me lang po." Pilít akong ngumiti habang bahagyang itinataas ang cellphone ko. "May tumatawag kasi." Agad namang napatingin ang lalaking kausap ko sa screen ng cellphone ko. "Ah, sure. I'll wait." "Thank you." Bahagya akong yumuko bilang paggalang bago mabilis na tumalikod. Hindi naman talaga tumutunog ang cellphone ko. Nagkunwari lang ako. Napabuntong-hininga ako nang makalayo. "Salamat, imaginary caller..." Mahina akong natawa sa sarili. Hindi ko alam kung bakit, pero simula nang magsimula kaming mag-usap ay pakiramdam ko ay naiipit ako. Mabait naman siya. Magalang. Pero... Masyado siyang malapit. Masyado rin siyang madaldal. At sa bawat pagtatangka niyang ilapit ang mukha niya sa akin habang nagsasalita ay lalo lang akong naiilang. Hindi ko talaga kaya. Napailing ako habang naglalakad. "Nasaan na kaya sina Trish at Nico?" Luminga ako sa paligid. Punong-puno ng tao ang resort. May nagsasayaw sa harap ng DJ. May mga nag-iinum
CAIUS'S POV Malakas ang bass ng musika. At kasabay ng bawat pagtibok nito ay ang hiyawan ng mga tao sa paligid. Makukulay na ilaw ang umiikot sa dance floor habang ang DJ ay patuloy na nagpapatugtog ng sunod-sunod na party songs. Nasa VIP lounge kami, ilang metro lamang ang layo sa DJ booth. Tahimik akong nakasandal sa couch habang hawak ang isang bote ng beer. Nakasuot lang ako ng puting linen polo na nakabukas ang unang apat na butones, knee-length khaki shorts, at simpleng tsinelas. Hindi ko kailangan magbihis nang sobra. Nagpunta lang naman ako rito dahil pinilit ako ng mga kaibigan ko. At dahil kaibigan rin ang may-ari nitong resort. "Caius." Tinapik ako ni Larkin sa balikat. "Hindi ka pa rin ngumingiti." Hindi ko siya nilingon. "Do I have to?" Napahalakhak siya. "Ang boring mo talaga," ang pinsan kong si Maverick habang sumasayaw. Umiling lang ako bago muling uminom ng beer. Sa kabilang couch ay nagtatawanan sina Zaire, Damian, at Rowan habang abala sa paglalaro n
RHIANNA'S POV"Holiday"Pagkatapos ng sunod-sunod na overtime, tambak na papeles, at... araw-araw na lunch kasama si Sir Caius, sa wakas ay nakahinga rin ako nang maluwag.Nakaupo ako sa sofa habang hinihintay sina Trish at Nico. Nakasuot lang ako ng simpleng white sundress na hanggang tuhod, flat sandals, at isang maliit na sling bag.Hindi ko balak magbihis nang bongga. Simpleng beach party lang naman ang pupuntahan kaya gorabels lang.Ilang sandali pa ay tumunog ang doorbell. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad agad ang dalawang pamilyar na mukha."Good evening, beautiful people!" masiglang bati ni Nico habang nakabuka pa ang mga braso niya.Napailing ako."Ikaw lang ang nagsabing beautiful ka," kontra ni Trish."Aba, inggit ka lang," tugon naman nito at bahagyang itinulak si Trish papalayo sa kanya."Pwede ba? Malilate na tayo," reklamo ko.Lumabas na ako ng bahay at agad kaming sumakay sa kotse ni Trish."Excited na ako," sabi ni Nico habang nakatingin sa bintana. "Libre raw ang b
RHIANNA'S POV Eksaktong alas singko nang tumunog ang telepono sa mesa ko. Napatingin ako sa screen ng cellphone. At nang makita ko kung sino iyon ay agad kong sinagot ang tawag. "Hello?" "Baba ka." Napakunot-noo ako. "Baba saan?" "Sa lobby. Nandito kami ni Nico." Napakurap ako. "Ha? Bakit?" "Kasi miss ka na namin. Bilisan mo na!" Hindi na niya ako pinagsalita. Binabaan niya agad ako ng tawag. Napailing na lang ako bago mabilis na inayos ang mga dokumentong nasa mesa ko. Nagpaalam muna ako sa receptionist na bababa lang sandali bago sumakay ng elevator. Pagbukas pa lang ng elevator sa lobby... "Rhian!" Agad akong sinalubong ng malakas na boses ni Nico. Nakasuot pa siya ng malaking sunglasses kahit gabi na halos. "Anong ginagawa mo riyan?" natatawa kong tanong. "Sinundo ka namin." "Tama," sabat ni Trish. "Hindi ka na kasi sumasabay sa'min mag-lunch nitong mga nakaraang araw. Nagtatampo na kami sa'yo," Napakamot ako sa batok. "Busy lang..." "Ay.
RHIANNA'S POV Magkatapat kaming nakaupo sa maliit na dining table. Si Caius ay kalmado lang na kumakain, habang ako naman ay halos pigilan ang bawat galaw ko. Maingat kong iniangat ang kutsara. Dahan-dahan. Pati ang paglapag ko ng kubyertos sa plato ay halos wala nang tunog. Ayokong makagawa ng kahit anong ingay. Nakakahiya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kaba ko. Siguro dahil kahit na ilang beses na namin 'tong ginawa ay hindi pa rin ako sanay. Lalo pa at kaming dalawa lang talaga, tapos ganito pa kalapit ang distansya namin sa isa't-isa. Huminga ako nang malalim at tahimik kong isinubo ang kutsarang may kanin. Hindi man lang ako lumingon sa kaniya. Pakiramdam ko kasi, kapag nagtagpo ang mga mata namin, lalo lang akong maiilang. Maya-maya pa ay dahan-dahan kong inabot ang baso ng tubig. Sobrang maingat. Ni hindi ko hinayaang tumunog ang yelo sa loob ng baso. Hanggang sa... "Rhianna." Napahinto ako at dahan-dahan kong iniangat ang tingin sa kanya. "







