로그인RHIANNA'S POV
"Pasok kana," nakangiting saad ni Ma'am Denise habang iminuwestro sa akin ang nakabukas ma pintuan. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang humakbang papasok sa loob ng opisina. At unang sumalubong sa akin ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon. Iginala ko ang aking paningin sa paligid at napagtanto na sobrang lawak nito. Parang mas malaki pa ito kaysa sa bahay na tinitirhan ko. Mula sa kisame hanggang sahig ay puro salamin ang isang bahagi ng dingding, dahilan upang kitang-kita ang buong lungsod sa labas. Sa kabilang panig ay nakahanay ang mga bookshelf na puno ng business books, architectural magazines, at mga miniature models ng iba't ibang gusali at tulay. Sa gitna naman ay matatagpuan ang isang napakalaking desk ang nakapuwesto. At sa likod nito ay isang itim na swivel chair na nakaharap sa malawak na bintana. Hindi ko makita ang taong nakaupo roon. Tanging likuran lamang nito ang nakaharap sa akin. Marahan kong isinara ang p***o at lalo pang lumalim ang katahimikan. "Good afternoon, Sir," magalang kong yumuko nang kaunti. Nanatili akong nakatayo. Ilang segundo ang lumipas. Walang sumagot. Naririnig ko lamang ang mahinang ugong ng air conditioner. At ang sarili kong tibok ng puso. Napakabagal ng pag-ikot ng swivel chair. Unti-unti. Parang sinasadya nitong pahabain ang paghihintay ko. At sa mga sandaling tuluyan na itong nakaharap sa akin ay agad na nawala ang ngiti sa labi ko. Halos mawalan ako ng hininga dahil hindi ko inaasahan ang mukha ng lalaki na nakaupo ngayon sa swivel chair at blangko ang mga matang nakatingin sa akin. Mas matured ang itsura niya kaysa sa huli naming pagkikita. Mas matalas ang panga. Mas malamig ang ekspresyon. Suot niya ang isang mamahaling charcoal gray suit. Ang itim na kurbata ay maayos na nakahigpit sa kuwelyo ng puti niyang polo. Isang mamahaling relo ang nakayakap sa kaliwa niyang pulsuhan habang nakapatong ang isang kamay sa armrest ng upuan. Napalunok ako. Hindi... Hindi maaari. Siya ang CEO? Hindi ko namalayang napaatras ako ng isang hakbang. Biglang bumalik ang bawat alaala na matagal ko nang ibinabaon. Hindi ko napansing nagsisimula nang manginig ang mga daliri ko. Samantalang siya at tahimik lang akong tinitigan. "Cain--" "Have a seat," malamig niyang putol sa akin at muling ibinalik ang tingin sa papeles ko na hawak-hawak niya. Mahigpit kong kinuyom ang mga kamay ko bago dahan-dahang umupo sa upuang nasa harap ng mesa niya. Pakiramdam ko ay may mabigat na batong nakadagan sa dibdib ko. Pinilit kong kontrolin ang paghinga ko. Hindi ito ang tamang oras para magpadala sa emosyon. Kailangan ko ang trabahong ito. Kahit pa ang taong nasa harapan ko ang huling taong gusto kong makita. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Parang isa lang akong ordinaryong aplikante na hindi niya kilala. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nagsalita. "So..." malamig niyang panimula. At walang kahit katiting na emosyon ang boses niya. "Miss Rhianna Aguilar." Bahagya akong napapikit. Matagal na panahon na rin mula nang huli niyang banggitin ang pangalan ko. "You graduated with Latin honors." "Yes, sir," maikling sagot ko. "And you also completed three internships before graduation." "Opo." Tahimik siyang tumango habang binabasa ang résumé ko. "Wala ka pang previous full-time employment." "Wala pa po." "Why?" Huminga ako nang marahan. "After graduation... I had personal matters that needed my attention." "Hm." Iyon lang ang naging tugon niya. Parang wala siyang interes sa dahilan. Nagpatuloy siya sa pagbabasa. "Your professors described you as organized... efficient... and dependable." Tahimik akong tumango. "Can you work under pressure?" "Yes, sir." "Can you handle confidential documents?" "Yes." "Can you separate your personal issues from your job?" he asked which startled me. Para kasing iba ang dating niyon sa akin. O baka naman ay ako lang ang nag a-assume na may kahulugan iyon kahit wala naman. Pinilit kong panatilihing kalmado ang mukha ko. "Yes, sir." Nanatili siyang tahimik. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Para bang ang résumé ko lang ang kausap niya. "Executive Secretaries spend more time with me than most department heads," Ilang segundo siyang tumigil. "The workload is demanding." "I understand." "You'll be expected to answer calls at any hour if necessary." "I understand." "You may have to cancel personal plans." "That's fine with me." "You'll accompany me to meetings and you'll travel whenever the company requires." "Opo." Tahimik na naman pagkatapos niyon. Ramdam ko ang bawat segundo ng katahimikan. Mas nakakapagod pa ito kaysa sa mismong interview. Pagkatapos ay isinara niya ang folder. Ngunit hindi pa rin siya tumingin sa akin. "One final question." Napalunok ako. "If you're given this position..." bahagya niyang iniikot ang mamahaling fountain pen sa pagitan ng mga daliri niya. "...what is your priority?" Pinag-isipan ko ang bawat salitang lalabas sa bibig ko. "To do my job properly and to earn the trust of the company," tugon ko. "Walang iba?" Huminga ako nang malalim bago siya diretsong sinagot. "My personal life stays outside the office, Sir." Sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang huminto sa kaniyang paggalaw. Nanatiling ilang segundo ang katahimikan sa pagitan namin. At saka... unti-unti niyang ibinaba ang hawak na panulat. "Good." Iyon lang ang sinabi niya. Pagkatapos ay muling ibinaba ang tingin sa mesa. "You may leave," mariin kong pinagdikit ang labi ko bago tumayo mula sa aking pagkakaupo. "Thank you for your time, Sir..." saad ko at akmang tatalikod na at handa ng umalis nang bigla siyang magsalita. "Since you are hired as my secretary..." aniya kaya napatingin ulit ako sa kaniya pero agad din lumipat ang tingin ko sa maliit na card na kaniuang ipinatong sa ibabaw ng desk. "I was hoping if you could buy this flower for me, just use this card for payment and after that..." he paused for a bit, "...deliver it directly to my girlfriend," aniya at naramdaman ko na parang unti-unting tinusok ng matulis na bagay ang dibdib ko. In order to hide my emotions and avoid him from noticing that I'm still affected by him... I forced a smile ony lips and took the small paper and the ATM card beside if. "Okay, Sir. I'll do it," usal ko at kaagad na tumalikod bago niya pa man makita ang namumuong luha sa mga mata ko. Pagkalabas ko nang opisina ay binilisan ko ang aking hakbang patungo sa elevator. Pagkapasok ko sa elevator ay tuluyan ng bumigay ang emosyon na kanina ko pa pilit na pinipigilan. Mahigpit kong kinagat ang ibabang labi ko. Unti-unting lumabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan nang tumulo ang unang luha. Napayuko ako. Mahigpit kong ikinuyom ang ATM card at maliit na papel na naglalaman ng pangalan at address ng babaeng pagbibigyan ng bulaklak. Girlfriend... Isang simpleng salita pero parang iyon ang pinakamabigat na salitang narinig ko sa buong araw. Napahawak ako sa dibdib ko. Masakit. Sobrang sakit. Hindi dahil may girlfriend na siya...kundi dahil napagtanto kong habang ako ay pilit na bumabangon mula sa nakaraan, siya naman ay matagal na akong kinalimutan. Napasinghap ako nang mahina at mabilis kong pinunasan ang mga luha gamit ang likod ng kamay ko, ngunit mas lalo lang silang dumami. "Ang t-tanga mo..." mahinang bulong ko sa sarili ko. "B-Bakit ka pa nasasaktan? You were the one who left him and now you're crying?" dagdag ko at mapaklang natawa sa sarili. You have to suffer the consequences of your decision, Rhianna. You left him.RHIANNA'S POV "LET ME GO! I'M JUST TALKING TO MY WIFE WHEN THAT MAN BARGE INTO OUR HOUSE!!" Iyon ang paulit-ulit na sigaw ni Michael habang kinakaladkad siya ng mga pulis papasok sa loob ng patrol car. "ANO BA! HINDI NIYO BA AKO NARIRINIG?! NANDITO AKO PARA KAUSAPIN ANG ASAWA KO--" "Sa estasyon na lang po kayo magpaliwanag," kalmadong sambit ng pulis at tuluyang isinara ang pinto. Lumipat ang tingin ko kay Cain... kasalukuyan siyang may kinakausap na lalaki. Wala akong ideya kung sino ako pero base sa tindig niya ay may kaya rin siya sa buhay at mukhang magkakilala lang din sila ni Cain. Makalipas ang ilang sandali ay tuluyan ng umalis ang patrol car at kasabay niyon ang paglakad ni Cain patungo sa direksyon ko. Habang nass malayo pa siya ay nakatingin na ako sa kamay niyang nasugatan. Ngayon ko lang napansin na may benda ng nakabalot doon at naigalaw na niya iyon nang maayos. Ngunit may bakas pa rin ng dugo sa puting gauze.Dahil doon... ay mas lalo akong nakonsensya.Tuloy-tu
RHIANNA'S POV Nanginginig ang buong katawan ko habang nakatingin kay Cain. Pero hindi siya tumingin sa akin. Dahil nanatili ang malamig niyang mga mata kay Michael. Unti-unti siyang humakbang palapit. "Cain..." muli kong tawag, mas malakas na ngayon. "Pakiusap... huwag mo siyang lapitan." Hindi siya huminto. Para bang wala siyang narinig. Naramdaman kong unti-unting nanlamig ang mga kamay ko. Kilala ko si Michael. Alam ko kung gaano siya kabilis magbago. Kapag may naramdaman siyang banta...kapag may sumalungat sa gusto niya... Hindi na niya kayang kontrolin ang sarili niya. "Michael..." maingat kong tawag. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Ngumiti. Ngiting alam kong hindi magandang senyales. "He's coming," mahina niyang bulong. "Good." Muli siyang humarap kay Cain. At tulad ni Cain... Isa-isa rin siyang humakbang palapit. Nakahawak pa rin siya sa basag na leeg ng bote. "Michael!" sigaw ko. "Stop!" Wala ni isa sa kanilang dalawa ay walang balak umatras. Parang da
CAIUS'S POVHalos alas-onse y medya na ng gabi. Tahimik na ang buong executive floor. Nasa harapan ko ang laptop, nakabukas ang quarterly reports, ngunit ni isang salita ay wala akong maintindihan.Hindi ko maalis sa isip ko ang nangyari noong nakaraang araw.Ang mga luha niya.Ang sampal niya.At ang paraan ng pagtitig niya sa akin na para bang ako ang pinakamasamang taong nakilala niya.Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.D*mn it!Muli kong naalala ang sinabi ko."All you wanted is money."Napamura ako nang mahina.Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon. Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon ay galit pa rin ako. Maya-maya pa ay natauhan ako nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.Umangat ang tingin ko roon at kumunod ang noo ko nang mabasa ko ang pangalan ni Rhianna sa scren nito.Bakit siya tumatawag?Nakasandal lang ako sa upuan habang nakatitig sa screen.Makalipas ang ilang segundo... ay muli itong tumunog.Humigpit ang panga ko."What now?"Bahag
RHIANNA'S POV "I missed you. I missed you so much and I'm here because I wanted to see you." Tumigil ang paghinga ko. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Michael habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin. Gusot ang suot niyang polo, magulo ang buhok, at namumula ang mga mata niya na para bang ilang araw nang walang tulog. Pero ang pinakanagpanginig sa akin ay ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Katulad na katulad ito noong mga huling araw ng pagsasama namin. Obsessive. Empty. Unpredictable. And terrifying. "Michael..." halos pabulong kong saad. "Paano ka nakapasok dito?" Hindi niya sinagot ang tanong ko. Huminto siya ilang hakbang lang ang layo sa akin saka marahang ikiniling ang ulo. "You changed your shampoo." Napakurap ako. "What?" "I can smell it." Napapikit pa siya habang humihinga nang malalim. "It's vanilla now... hindi na lavender." "Stop right there." Huminto siya. Ngumiti. Tapos marahan niyang ikiniling ang ulo niya. "You've chan
RHIANNA'S POV "Mabuti naman at naalala mo pa kami..." bungad sa akin ni Trish sabay upo sa silyang sa tapat ko. Maya-maya pa ay agad na sumulpot ang bakla. Awrang-awra kahit dito lang naman kami sa tambayan nami. "Hoy bakla, bilisan mo nga d'yan!" pasigaw na reklamo ni Trish at hinila si Nico paupo sa tabi niya. "Ano kaba naman, Te? Nakita mong umaawra ang maganda mong kaibigan sinisira mo!" angal niya at inilapag sa ibabaw ng mesa ang bag niya. Sandali ko silang tinitigan. Hindi ko maitatanggi na nami-miss ko sila dahil mahigit tatlong buwan ein kaming hindi nagkita mula ng magkaroon na ako ng trabaho. "Libre mo, te? Ikaw umaya laya libre mo ha?" ani Nico at agad na tumayo patungo sa counter para mamili ng order niya. "Tsk! Itong bading na'to talaga," nakapikit na saad ni Trisha, para bang pati siya ay hindi na alam kung ano ang gagawin kay Nico. "Kung gapangin mo kaya...malay mo kaya pa 'yan i-reset?" banat ko. Mabilis niyang iminulat ang mga mata niya at binigyan ako ng
RHIANNA'S POV Nang marinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto ay malakas ko siyang itinulak. Agad kong inayos ang sarili ko at umatras papalayo sa kaniyang mesa. "Babe," saad ni fiancée niya sabay lapit sa kanya at hinalikan siya sa pisnge. "Akala ko ba may lakad tayo ngayon? Bakit nandito ka pa rin sa office mo?" Napalunok ako nang bumaling sa akin ang kaniuang fiancée. "You must be the new Secretary?" she asked me and there was a smile on her lips as she looks at me. Mukha siyang mabait. At sa tingin ko ay iyon ang dahilan kung bakit siya nagustuhan ni Cain. "Yes po, Ma'am. Ako po ang bagong secretary ni Mr Del Santiago," sambit ko.Ngumiti siya at maya-maya ay bigla niyang inilahad sa akin ang palad niya."I'm Elise, your boss's fiancée," pagpapakilala niya. Humakbang ako nang isang beses papalapit sa kanya upang tanggapin ang kamay niya."Rhianna po," tipid kong tugon at tumango siya.Mula sa akin ay muli siyang tumingin kay Cain na ngayon ay tahimik lang at nakatingin sa ku







