LOGIN
SNOW ANTONIO
PANAY ang hinga ko ng malalim. Sino ba naman ang hindi mamangha sa ganitong mamahaling university. Kahit sobrang hirap ni Ate Kath, dugo't pawis niyang itinaguyod ang pag-aaral ko. Kasalukuyan kumukuha ako ng kursong Nursing. "Gosh! Sobrang ganda," mahinang saad ko. Laking pasasalamat ko na nakapasa ako sa exam para sa scholarship. Pinapansin ko kay Ate Kath na mag-aaral ako nga mabuti. Gusto ko ibalik sa kan'ya ang lahat ng kan'yang sakripisyo. "Hi. Ako pala si Yolly. Scholar ka rin ba?" Nakangiting tanong sa akin ng isang babaeng nakasalamin. Maganda siya. Actually maganda ang mga mata niya na nakatago sa makapal na salamin. "Oo. Ikaw?" Nakangiting tanong ko rin kay Yolly. "Oo. Nagkataon rin na nagtatrabaho ang parents ko sa pamilya ng Alcantara, kaya ayun, tinulungan nila ako paaralin," kagat-labing saad ni Yolly. "Totoo? 'Di ba si Sir Kenjie Alcantara ang may-ari ng Crimson University?!" namamanghang tanong ko. "Oo. Siya nga," nakangiting sagot sa akin ni Yolly. Napag-alaman ko rin na magkapareho kami ng kurso ni Yolly. At may balak din ito maging medisina. Napakabait ni Yolly. Mahinhin rin ito. Katulad ko, labing-pitong taon lang ito Kaming dalawa lagi ang magkasama. Kahit kumain sa canteen. Halos araw-araw, hindi talaga kami naghihiwalay. "Ang yaman nila no? Tayo kaya, kailan kaya maging mayaman?" saad ko naman. Nasa canteen kami ngayon at kumakain ng tanghalian. "Syempre, dapat mag-aaral muna tayo ng mabuti. At kapag nakatapos na tayo, magtatrabaho na tayo. Mag-iipon ng pera. Walang imposible basta, think positive lang tayo," nakangiting sagot naman ni Yolly. "Yes! Think positive dapat!" Natatawang saad ko at nakipag-apir rito. TUWING uwian, iisang traysikel ang sinasakyan namin ni Yolly. Mas nauna akong bumaba rito dahil nasa kabilang kanto pa ang kan'yang bahay. "Bye, Yolly!" "Bye, Snow. Bukas ulit," natatawang saad niya sa akin. Mahina naman akong napatawa. Pagpasok ko sa loob ng bahay, nadatnan ko si Ate Kath na nagkukwenta na naman ng bayarin. "Ate, nandito na po ako." "Magbihis ka at kumain na. May binili akong pansit at tinapay," aniya ni hindi man lang sumulyap sa akin. "Ate, may bibilhin po akong project bukas," mahinang saad ko rito. Nakanguso naman itong napatingin sa akin. "Bwesit talaga si Aling Bebang, ayaw pumayag na kalahati muna ang babayaran natin sa apartment. Ang pangit-pangit na nga, masama pa ang ugali!" Napangiti naman ako. Literal na mapanglait talaga si Ate Kath. "Iyong alkansya ko na lang po ang buksan ko para makabili ako ng project. Bayaran niyo lang po si Aling Bebang." "Hayaan mo kapag mayaman na tayo, ipa-demolish natin ang pangit niyang apartment!" gigil na saad ni Ate Kath. Napapailing naman ako. Iniwan ko muna ito at nagbihis. Kinain ko na rin ang pansit na binili ni Ate Kath. Ang swerte ko na nagkaroon ako ng napakabait na ate. Si ate Kath ang tumatayong nanay at tatay ko. Parehong namatay sa sakit na komplikasyon sina nanay at tatay. Kahit hirap na hirap si Ate, binigay niya pa rin ang mga gusto ko. "Matulog ka ng maaga, Snow. Sumabay ka na bukas sa akin sa traysikel para makatipid ng pamasahe!" "Opo, ate." Minsan nag-wi-wish din ako na sana paggising ko mayaman na kami. Or puwede rin na makapag-asawa si Ate Kath ng Amerikano. Kaso sabi ni ate malaki daw ang ahas nila, at baka iyan daw ang ikamatay niya. KINABUKASAN, ang aga-aga, abot na sa kabilang baranggay ang boses ni Ate Kath. "Snow?! Ano ba, ang bagal-bagal kumilos!" Napasimangot naman ako. "Sandali po!" Mabilisan lagi ang pagligo ko dahil lagi nagmamadali si Ate Kath. "Ang bagal mo talaga! Ma-late na ako sa trabaho ko." "Ate naman eh, naliligo pa lang ako!" nakangusong sagot ko naman. Inirapan naman ako ni Ate. Sinukbit ko naman ang bag ko at lumabas na kami. "Kath Antonio?" tanong ng malaking lalaki na marami itong tattoo. Bigla naman akong kinabahan. "Ate, ikaw ang hinahanap," mahinang bulong ko naman. "Y-Yes. Bakit po?" sagot nama ni Ate na parang kinakabahan. "Sumama ka sa amin." maawtoridad na saad ng lalaking may tattoo. "B-Bakit naman ako sasama!" galit na sagot ni Ate. Nanlalaki naman ang mga mata ko nang bumunot ito ng baril. "A-Ate." Napakapit naman ako sa braso ni Ate Kath. "H-Huwag! S-Sasama na ako. P-Pero ang kapatid ko, huwag niyo idamay." nanginginig na saad ni Ate. "Ate!" Mangiyak-ngiyak naman ako. Natatakot ako, baka kung anong gawin nila sa ate ko. Humarap naman si Ate Kath sa akin. "Sige na, pumasok ka na. Hindi naman nila ako sasaktan. Baka isa ito sa mga tauhan na inutangan ko." "B-Basta Ate, umuwi ka ha." Pinasakay naman ako ni Ate sa taxi. Maghapon na blangko ang isip ko. Iniisip ko si Ate Kath. "Nag-aalala ako sa ate ko," mangiyak-ngiyak na saad ko kay Yolly. "Pray ka lang na ilayo sa kapahamakan ang ate mo," naaawang saad ni Yolly. Nawalan na rin ako ng gana kumain ng tanghalian. Nagpaalam na lang ako kay Yolly na uuwi na lang ako. Naglalakad-lakad na lang ako pauwi. Napatigil naman ako na nakatingin sa kotse sa gilid ng daan. Napansin ko ang matipunong katawan ng isang lalaki na nagpapalit ng gulong. Sa sobrang kuryusidad, nilapitan ko ito. Nakatayo lang ako sa kan'yang likuran. Ang tangkad niya sobra. Ang puti rin niya. Talaga naman humihitik ang muscle sa katawan. Nagulat naman ako ng humarap ito sa akin. "A…-.. H-Hi po," nahihiyang saad ko. Sobrang guwapo! Agad ko napansin ang kulay luntian niyang mga mata. Sobrang tangos ng ilong at ang pula sobra ng labi. Ang mukha niya na namumula ito at ang kinis sobra. "Yes? What can I do for you?" aniya na nakakunot ang kan'yang noo. Ay inglesiro! Foreigner pala ito. Baka ito na ang binigay sa akin ni Lord para umangat ang buhay namin ni Ate Kath. Napangibit naman ako sa aking iniisip. "Ahm...n-napadaan lang po. Naglalakad kasi ako, a-at nakita kita,"nahihiyang sagot ko naman. "Yeah. Nasiraan ako ng gulong." Napakagat-labi naman ako. Sobrang pormal niya magsalita at talaga naman sobrang yaman ang kilos at pananalita niya. "G-Ganoon po ba," nahihiyang saad ko naman. Kapag malaman ni Ate na may kinakausap ako na lalaki, papagalitan niya ako. Ayaw na ayaw ni ate na kumikiringking ako. Study first daw muna. "What's your name?" nakangiting tanong niya sa akin. "Ahhmm...S-Snow po." "Wow. Hi, Snow. I'm Tucker. May I know your age?" "H-Ha...a..eh ...se-... twenty five! I-Ikaw?!" natatarantang saad ko kay Tucker. Mahina naman itong napatawa. "Thirty four. So, may pupuntahan ka ba? Oh, by the way. Nag-aaral ka ba? Or nagtatrabaho na?" "I'm working! Yes, nagwowork na ako!" Ate ko, patawad! Buti na lang hindi ako nakasuot ng uniporme. "Sakay ka na, Snow. Hatid na kita sa inyo. Or you want na sumama ka sa akin sa bar ng kapatid ko," aniya na kumindat pa ito sa akin. Wala sa sariling tumango naman ako. Basta nabura had sa isip ko ang nangyari kay Ate Kath. Dinala ako ni Tucker sa Casa bar. Iyong kasi ang nakalagay na pangalan sa harap. Hindi ko akalain, kahit tanghaling tapat, maraming tao sa loob ng bar. Hawak-hawak naman ni Tucker ang kamay ko at doon kami umupo sa sulok. "Umiinom ka ba ng alak?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako. Ilang kasinungalingan pa ang gagawin ko?! Bahala na! Inabutan naman ako ni Tucker ng alak. Inaamoy-amoy ko muna ito. Napangibit naman ako sa tapang ng alcohol na nalanghap ko. "So, do you have a boyfriend?" seryosong tanong niya sa akin. "W-Wala." "Oh. You're so pretty." Napangibit na naman ako. Paano ba naman ako magkakaroon ng boyfriend, kung lagi na lang hinahabol ni ate ng itak ang mga manliligaw ko.l "I-Ikaw? May girlfriend ka ba?" balik tanong ko naman. "Nope. I preferred to be single." Agad ko naman nilagok ang alak na binigay sa akin ni Tucker. Medyo nadismaya lang ako sa sagot niya. Halos sunod-sunod ang pagtungga ko at nahihilo na rin ako. "B-Ba-Ba-kit umiikot ang p-paligid?" tanong ko. "Lasing ka na. Nasaan ang bahay niyo? Or sa condo ko muna ikaw matulog,"aniya at inalalayan ako patayo. "S-Sir, b-bata pa...A-Ako…-," saad ko na lalo ako nahilo kakasalita. "Hindi ko alam ang bahay mo. Sa condo ko muna kita dadalhin, okay?" aniya at binuhat na niya ako. Unti-unti pinikit ko ang aking mga mata. Langhap na langhap ko ang mabangong amoy ni Tucker. Ate, patawad po! Nagsisigaw ang utak ko. Bahala na! "Snow……?" Ang huling narinig ko bago nilamon na ako ng kadiliman.NINA“TELL ME EVERY TERRIBLE YOU DID.”HUMARAP naman ang babaeng kasama ko ngayon dito sa isang mamahaling restaurant.“Ako? I killed many people. Sa palagay mo ba magiging masaya pa ba ako?” sagot niya.Huminga naman ako. “Andy. Lahat naman puwede magbago at magsimula. Tingnan mo ako. Kung hindi ko pinursigi na ayusin sa amin ni Kenzo, siguro may kanya-kanya na kaming buhay.”“Iba ka, Nina. Dahil hindi na ako matatanggap ng lalaking mahal ko,” malungkot na saad ni Andy.Si Andy Mondragon. Hindi man siya malapit sa grupo pero sobrang matulungin niya at maaasahan sa anumang tulong.Tumango naman ako. Hinawakan ko naman ang kamay niya. “Nandito lang ako. Kaming mga kaibigan mo.”“Thanks. By the way, si Kaleb Alcantara ‘yan di ba?”Napatingin naman ako sa direksyon na itinuro ni Andy.“Yeah.” “Hiwalay na ba siya sa asawa niya? Seems he’s dating that model celebrity,” aniya naman ng kaibigan ko na napapailing.“Tresh is not here in Philippines. But Kenzo told me that Tresh choose her wor
KENZO"DADDY Kulas?"Napakamot naman ako sa aking ulo dahil sa pagtawag sa akin ni Cody."Ahm, son. It's Daddy Kenzo na lang.""Okay po."Napatingin naman ako kay Nina na abala ito sa paghahanda ng meryenda. Ako na kasi ang pumupunta sa bahay niya para dalawin si Cody, at syempre kasama na ang mommy ng anak ko.Well, wala pa ring nagbago sa asawa ko, napakaganda niya pa rin."Cody, come here!" Sigaw naman ni Nina.Tumayo naman ako at lumapit na rin."Bakit hindi mo ako tinawag?" Nakasimangot na turan ko rito."Eh lumapit ka na eh! Bakit pa kita tataagin?" mataray na sagot sa akin.Tssk! Kailan kaya ito huminahon magsalita?"Wow, my favorite monay!" aniya ng anak ko na pumalakpak pa ito."Me too, favorite ko rin ang monay ng mommy mo," nakangising saad ko naman.Naniningkit naman ang mga mata ni Nina na nakatingin sa akin."Really, Daddy? Is it tasty?" "Huh...yeah.. it's yummy."Pasimple naman ako umusod palapit sa anak ko, umuusok na ang ilong Nina sa galit.Habang abala naman kami s
KENZO "DADDY Kulas?" Napabuga naman ako ng hangin. Naiinis talaga ako kay Nina. Sa dami-dami ng pangalan, ito pa talaga ang itinuro sa anak ko. Nandito kasi ngayon si Cody sa bahay ko. Hinatid siya kaninang umaga ng kan'yang mommy. "Baby, can you call me Daddy Craig. Instead Daddy Kulas?" Ngumiti naman ito sa akin. "Yes, Daddy Craig." Marami pa akong isumbat kay Nina, pero wala rin ako mapapala. Alam ko sobrang tigas na ng kan'yang puso. At aminado naman ako na ako rin may kagagawan. "Cody, can I ask you something?" Tumango naman ang anak ko. "When you're in America, where have you stayed? "In UNDERGROUND." Nakakunot naman ang noo ko. Underground? "What do you mean?" "In UNDERGROUND, there's a lot of children there. They taught them about martial arts and everything." Napatango na lang ako. Ibig sabihin, mga assassin's ang nagpalaki sa anak ko. "Okay. I'll cook your lunch, okay?" Turan ko naman. Pumunta naman ako sa kusina at ginayak ang tanghalian namin. Habang aba
NINAPAGDATING namin sa Pilipinas, nanibago pa sa klema ang anak ko. Panay ang reklamo na sobrang init.Alam na ng ibang mga kaibigan ko na dala-dala ko na si Cody pabalik sa Pilipinas."Mommy, can we stay here in our house?" aniya sa akin ni Cody.Tinatamad na kasi itong lumabas sa bahay dahil naiirita ito sa sobrang init. "Okay, ayaw mo naman na lumabas tayo, I'll cook our lunch na lang," sagot ko naman.Lumalaki ang anak ko at naging mailap na rin ito. He doesn't like crowded places. At ayaw na rin niya na pumupunta sa party. Before kasi, niyaya ito ni Dove na isama sa children's party sa US pero mas gusto niya lang magbasa ng maghapon sa kan'yang silid.HABANG abala ako sa kusina, ang anak ko naman nasa sala ito at nanonood ng telebisyon."Mommy!""Yes, just open it!" Sunod-sunod kasi ang pag-doorbell at inutusan ko na itong buksan ang pinto.Dali-dali ko munang inilipat sa plato ang pagkain na niluto ko. "Who is he?"Napalingon naman ako bigla dahil sa baritonong boses sa akin
NINA"CODY?""MOM?! MOMMY!!!"Agad naman itong tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit."I missed you so much, mom!" "I missed you too, son. Kamusta ka dito?" "I'm okay here. Masaya po dito," aniya na halata nga na masaya ito.Dito nakatira si Cody sa underground to protect him. Pero never ko pinag-ensayo ito upang maging katulad ko. Gusto ko iparanas kay Cody ang simple at masayang buhay. Gusto ko siya ang pipili o masusunod kung ako man ang gusto niya balang-araw."Cody, meet your Aunt Jenny and Aunt Ziena."Palipat-lipat naman ang tingin ng anak ko sa dalawa kong kaibigan."Hi blue eyes, you're so handsome," Turan ni Jenny." T-Thank you po," nahihiyang sagot naman ng anak ko.Napangisi naman ako. Dumikit naman si Cody at bumulong sa akin."Mom, They are so beautiful," aniya ng anak ko pero narinig pa rin ito ng dalawa."Oh, thank you, darling. And you're so handsome too," kinindatan naman ito ni Ziena.Namula naman ang buong mukha ni Cody."Jenny, baka si Cody at HJ m
NINA SANCHO"NINA!""NINA!"F*CK! Umagang-umaga may nanggugulo na agad sa akin. Inis na hinila ko ang roba at sinuot ito. Agad ko rin binuksan ang pinto. Gulat na bumungad sa akin ang aking pinsan, si Becket Velasquez. "Asshole!" Inis na binatukan ko ito.Napakamot naman ito sa kanyang ulo."What do you need?!" "Gusto ko magpahanap sa'yo ng isang napakagaling na attorney," aniya na basta lang ito pumasok sa loob ng bahay ko."Attorney? Para saan?" Ni-hindi man lang niya ako nilingon."Asshole! Para saan nga?!"He look at me. "Dami mo tanong. Basta nga," anito na dumiretso ito na ito sa kusina.Abnormal talaga! Akmang susundan ko ang binata sa kusina, may kumatok na naman.Pagbukas ko ng pinto, ang nakangising mukha nina Jenny Rivas at Z, ang bumungad sa akin."Ano na naman kailangan niyo?""Si ex-hubby mo, pumunta kagabi sa bahay at iyak ng iyak," natatawang saad ni Z.I sighed. " Hayaan niyo siya."Si Jenny naman, dumiretso na ito sa kusina at sumunod naman kami ni Z."Ohh..la
SNOW ANTONIO “BYE, YOLLY!” Iniwan ko na ang kaibigan ko sa library dahil may group activity pa daw ito. Paglabas ko sa gate may sumalubong agad sa akin na isang napakaguwapong nilalang. Parang may kamukha ito. Pero nawaglit ito sa isipan ko kung sino ang kamukha niya dahil mabilis itong nakalap
SNOW ANTONIO MAAGA akong gumising at gumayak. Nagluto ako ng almusal at sinobrahan ko pa ito para kay Ate Kath. Kahit hindi ako sigurado na uuwi ito. Tapos na ako magbihis at naghanda na ako ng pagkain ko para baunin sa school nang may kumatok ng napakalakas.“Sandali!” patakbong pumunta ako sa pi
SNOW ANTONIO OH MY GOD! Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakapasok sa ganitong napakalaking bahay. Hindi naman talaga bahay, it's a mansion! Napakaganda. Napaka-elegante. As in, masasabing bilyonaryo ang may-ari.“We're here,” anito na inalalayan pa ako papasok sa loob. Lalo ako namangha sa law
SNOW ANTONIO “INHALE. EXHALE,” panay naman ang salita ko habang naglalakad. Kagabi pa ako hindi mapakali. Halos hindi ako makatulog dahil nga sa offer na binibigay sa akin ni Tucker. Bakit naman hindi ko tatanggapin? Imagine that, fifty thousand monthly ko tapos may bonus pa daw. Wala akong gagawi







