เข้าสู่ระบบBLYTHE JULIANNA (ACE)....
So..., do you find me charming, huh? hmmmmm!" seryoso na sabi nito ngunit mababanaag sa mga mata nito ang isang emosyon na hindi n'ya kayang pangalan. Hindi n'ya mabilang kung ilang beses s'yang napalunok ng laway at pilit na pinapakalma ang sarili habang magkasalubong ang kanilang mga mata na dalawa ng lalaki. "Fvck! Get your senses back to your body, Ace!" lihim na kastigo n'ya sa sarili dahil pakiramdam n'ya ay namanhid ang kan'yang buong katawan ng mga oras na iyon lalo pa at magkadikit ang kanilang mga balat na dalawa ni Luke. "Sweety?" ipinilig n'ya ang kan'yang ulo ng marinig ang malambing na boses ni Luke at ang itinawag nito sa kan'ya. "Back off, Muller and stay away from me! Kahit landiin mo pa ako ng landiin ay hindi pa rin ako magbabayad sa isiningil mo sa akin! Scammer ka! Scammer!" nanlilisik ang kan'yang mga mata habang pinagduduro ang lalaki. Mabuti na lang at nakabawi s'ya mula sa kan'yang pagkatulala dahil sa lalaking kaharap. Sumilay ang isang ngiti sa labi nito at napalunok s'ya ng laway ng makita ang dalawang biloy sa pisngi ng lalaki na nagpadagdag sa taglay nitong karisma at kagwapohan. "Damn it! Talagang malandi ang lalaking ito. Ayaw talaga akong tantanan," lihim na sabi n'ya habang kuyom ang mga kamao. "At nagpalandi ka naman? Aminin mo, Ace na apektado ka rin sa kagwapohan ng kaharap mo!" sabat naman ng kan'yang kabilang isip na ikinainit ng kan'yang pisngi. At para makaiwas sa lalaki ay inipon n'ya ang lahat ng natitirang lakas ng loob at mabilis na tinungo ang pinto kung saan sila pumasok kanina. Nilagpasan n'ya si Luke ngunit hindi pa s'ya nakakarating sa pinto ay mabilis nitong hinablot ang kan'yang braso at sa isang iglap ay natagpuan n'ya na lamang na magkahinang na ang kanilang labi. At ito ang ikalawang pagkakataon na hinalikan s'ya ng lalaki at katulad sa una ay ganon pa rin ang epekto nito sa kan'ya. Mapusok ang pagkakahalik sa kan'ya ni Luke ngunit hindi s'ya nagpadala rito. Ayaw n'ya ng maging alipin ulit sa karismang taglay at sarap ng halik ng binata. Inipon n'ya ang natitirang lakas at itinulak ito. Dahil hindi nito inaasahan ang kan'yang ginawa ay nagawa n'yang alisin ang labi nito sa kan'ya. Hindi na s'ya nag-aksaya pa ng oras at hindi n'ya na rin binigyan pa ng pagkakataon ang lalaki na makagawa ulit ng bagay na hindi dapat. Tinalikuran n'ya ang binata at malalaki ang mga hakbang na tinungo ang pinto para lumabas. Naiwang mag-isa ang lalaki sa emergency exit ng bar ni Graciella. Kung kanina ay gusto n'yang magbanyo ngunit dahil sa nangyari ay nagpasya na lamang s'yang umuwi. Sa kabilang bahagi s'ya dumaan para hindi na s'ya makita pa ng mga kaibigan. Deritso s'yang lumabas at tinungo ang car park kung saan nakaparada ang kan'yang sasakyan. Walang lingon-lingon na pumasok s'ya sa kan'yang kotse at pinaharurot ito paalis. Nakahinga lang s'ya ng maluwag ng nasa highway na s'ya. Hindi n'ya maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto sa kan'ya ng damuhong si Luke. Wala s'yang ideya dahil ni minsan ay hindi n'ya pa naman naranasan ang ma attract sa isang lalaki. Luke is the first man na nakakuha ng kan'yang atensyon kaya naguguluhan s'ya kung simpleng paghanga pa ba ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon o may iba pang kahulogan. Dahil sa kan'yang mga naiisip ay hindi n'ya na namalayan pa na nakarating na pala s'ya sa building na tinitirhan n'ya. Deritso s'ya sa kan'yang sariling car park kung saan naroon ang iba n'ya pang sasakyan at mga big bikes. Babae s'ya pero mahilig s'yang magkolekta ng mga sasakyan at mga bikes. Mas marami pa nga s'yang koleksyon kaysa mga kapatid n'ya. At dahil nag-iisang babae lang s'ya ay madalas na napagbigyan s'ya ng kan'yang mga gusto. Kung hindi s'ya makakalusot sa kan'yang mga magulang ay sa kuya Uno at Dos s'ya nanghihingi. Kay Tres lang s'ya medyo dehado dahil pareho silang bunso na dalawa at madalas ay ayaw nitong mag giveway sa kan'ya. Pero hindi naman sila magkagalit ng kapatid. Close pa rin naman sila at magkakampi sa lahat ng bagay. Matapos iparada ang sasakyan ay pinatay n'ya na ang makina at lumabas. Deritso s'yang naglakad sa elevator at pumasok sa loob. Pinindot n'ya ang penthouse at maya-maya pa ay nagsimula ng gumalaw ang naturang elevator. Habang paakyat ang elevator ay wala sa sarili na naipikit n'ya ang kan'yang mga mata ngunit agad ding napadilat ulit ng biglang lumitaw sa kan'yang balintataw ang gwapong mukha ni Luke. "Fvck!" malutong na mura n'ya at wala sa sarili na naihilamos ang palad sa mukha. Kahit anong gawin n'ya ay mukhang sinusundan pa rin s'ya ng imahe ng lalaki. Natigil lamang s'ya sa mga iniisip ng tumunog ang elevator, hudyat na nasa penthouse na s'ya. Bumukas ang pinto at agad s'yang lumabas para lamang matigilan ng makita ang kapatid na si Dos na nakahandusay sa harapan ng pinto ng kan'yang bahay. "Kuya Dos! Damn it!" natatarantang tawag n'ya rito na may kasamang mura. Agad na nilapitan ang kapatid at dinaluhan ito para lang mapamura ulit ng maamoy ang amoy ng alak sa bibig nito. He is drunk at dahil sa kalasingan ay nawalan ng malay sa pintoan ng kan'yang bahay. "Fvck you, kuya! Pinakaba mo ako! Akala ko kung ano na ang nangyari sayo!" kastigo na sabi n'ya sa kapatid na walang malay. Matapang s'ya at malakas ang loob ngunit pagdating sa mga mahal n'ya sa buhay ay hindi n'ya mapigilan ang panghinaan ng loob lalo na kapag nakikita n'ya na nasasaktan ang mga ito. Nagbuga s'ya ng hangin at nagpasyang ipasok sa loob ang kapatid. Akmang aalalayan n'ya na ito na itayo nang biglang bumukas ang elevator at iniluwa ang lalaki na s'yang laman ng isip n'ya simula pa kanina. Nagtama ang kanilang paningin na dalawa at agad na nag react ang kan'yang puso sa pamamagitan ng malakas na pagkalabog ng makita ang matiim na tingin ng lalaki. Ngunit nagsalubong ang kilay nito at kita n'ya ang biglang paglamig ng awra ng makita nito ang lalaki na nakahandusay sa sahig at hawak n'ya ang kamay. "He is my brother!" mabilis na sabi n'ya rito ng mapunta sa magkahawak nilang kamay ni Dos ang mga mata ni Luke. Huli na ng maisip n'ya kung bakit s'ya nagpapaliwanag dito. Wala naman s'yang ginagawa na masama at wala s'yang obligasyon para magpaliwanag kay Luke. At ng marinig nito ang kan'yang sinabi ay nakita n'ya agad na nagbago ang hitsura nito. Nawala rin ang pag-igting ng mga panga na ikinahinga n'ya ng maluwag. "Let me help you with him," boluntaryo na sabi ng lalaki na ikinabalik n'ya sa kan'yang sarili.BLYTHE JULIANNA..."Ace, anak..!" sinalubong sila ng kaniyang pamilya at kita ang tuwa sa mga mata ng mga ito lalong-lalo na ang kaniyang ina. Matamis siyang ngumiti sa mga ito at agad na sinalubong ng isang mainit at mahigpit na yakap ang kaniyang nanay na patakbo na sumalubong sa kanila ng makita sila nito.Pagkagaling sa airport ay sa bahay sila ng kaniyang mga magulang dumiretso dahil nandoon ang kanilang anak na si Leon."Nay! I miss you," natatawang sabi niya rito habang mahigpit na yakap ang ina. Ramdam niya ang panggigil sa pagyakap nito sa kaniya tanda ng pangungulila sa anak."I miss you too swertheart. Salamat sa itaas na ligtas kayong nakauwi ni Luke." "Welcome back, princess," nabaling ang kaniyang atensyon sa nagsasalita. Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang kaniyang ama kaya naman ay agad siyang kumalas sa pagkakayakap ng kaniyang nanay at inilang hakbang ang pagitan nilang dalawa ni Joshua El Frio— ang kaniyang mapagmahal na ama."Tay..!" mangiyak-ngiyak na tawa
BLYTHE JULIANNA... “Ohhhhhh..!!” malakas na ungol niya ng isagad ng asawa ang matigas na pagkalalaki nito sa kaniya. Naramdaman niya ang pagdikit ng kaniyang likod sa pader dahil sa marahas na pag-ulos ni Luke ngunit wala doon ang kaniyang atensyon kundi sa sarap at kiliti na hatid ng ginagawa ni Luke sa kaniyang katawan. Halos hindi niya na makilala ang kaniyang sarili ng mga oras na iyon. Basta ang alam niya lang ay hawak ni Luke ang kaniyang buong pagkatao ng mga oras na iyon at willing naman siyang ipaubaya sa asawa ang lahat. "Leon needs a sibling," paanas na sabi ni Luke sa gitna ng kanilang pag-iisa. "W-What do you mean?" hinahapo na tanong niya rito. "Bubuntisin ulit kita baby and this time alam mo na na buntis ka at nasa tabi mo na ako." "I know you won't leave me, Luke. I know you are a good father to our kids and because of that ay mas lalo pa kitang minahal. Mahal na mahal kita asawa ko. Ohhhhhh..!!" sagot niya at sinundan ng isang ungol ng marahas na isinagad
BLYTHE JULIANNA…Pagdating nila sa airport ay agad silang sinalubong ng mga taohan ni Luke. Nakahanda na ang lahat at sila na lang ang hinihintay ng mga ito. Agad siyang iginiya ni Luke paakyat sa eroplano. May sariling piloto si Luke at may ilang mga taohan din ng asawa ang sumama sa kanilang biyahe.May private room ang naturang eroplano at agad siyang pinapasok ni Luke doon para makapagpahinga siya. Ilang oras din ang kanilang babiyahiin bago makarating sa Pilipinas.“Do you want to rest baby?” masuyong tanong ng asawa sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin at agad na sinalubong ang mga mata ng lalaki. Ngunit ng makita ang gwapong mukha nito ay agad na may pumasok na kalokohan sa kaniyang isip.Mabilis na gumalaw ang kaniyang kamay at hinawakan sa leeg ang asawa. Hinila niya ito palapit sa kaniya hanggang sa halos magdikit na ang kanilang mukha. Nakita niyang nagulat si Luke ngunit saglit lang iyon dahil agad na napalitan ng isang pilyong ngiti at kakaibang kislap ang mga mata nito ng
BLYTHE JULIANNA...Pagkatapos ng lahat ng kaniyang nalaman mula kay Luke ay naliwanagan siya at parang nabunotan ng tinik. Naging malinaw na sa kaniya ang lahat at nawala na ang lahat ng kaniyang agam-agam.Ngayon niya napagtanto kung gaano siya kamahal ni Luke. Na lumipas man ang panahon at maraming unos ang dumaan sa buhay nila ay hindi siya iniwan ng lalaki bagkus ay pinroktahan siya nito at ang pamilya nila.Lumipas ang tatlong araw at napagkasundoan nila ni Luke na umuwi sa Pilipinas para sundan si Leon. Nasa pangangalaga ng kaniyang mga magulang ang kanilang anak ni Luke. Ang mga magulang naman nito ay ligtas na at nasa pangangalaga ng kaniyang kapatid na si Uno.Ito muna ang nagbabantay sa mga magulang ni Luke habang hindi pa lubosan na naging tahimik ang lahat. Ayon kay Luke ay hindi na nakita pang muli si Inid. Nawala ito na parang bula at dahil dito ay walang tiwala si Luke na tuloyan na silang matatahimik.Ganon din ang naisip niya. Anak si Inid ng taong kumidnap sa mga mag
BLYTHE JULIANNA..."Who says na hindi pa tayo kasal?" anang lalaki sa kaniya na ikinaawang ng kaniyang bibig. "W-What?"Awang ang mga labi at nanlalaki ang kaniyang mga mata dahil sa gulat ng marinig ang sinabi ng lalaki. Pinisil nito ng may panggigigil ang kaniyang baba at ginawaran siya ng halik sa noo."I said, who says that we are not married? We are baby. You are my wife and I am your husband. We are legally married, hmmmm," sagot nito sa kaniya. Awang pa rin ang kaniyang labi dahil sa gulat at hindi pa rin nakakabawi.Parang ang bagal mag sink in ng mga sinabi nito sa kaniyang isip. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa sinabi ng lalaki. Wala naman siyang naalala na ikinasal silang dalawa, unless kung nagka amnesia siya ng dahil sa nangyari sa kaniya."Hey! Are you okay?" nag-aalala ang boses na tawag nito sa kaniya. Ipinilig niya ang kaniyang ulo ng mahimasmasan at mapakla na ngumiti."Binibiro mo lang ako, hindi ba?" tanong niya rito at napalunok ng laway ngunit umiling i
BLYTHE JULIANNA.... Sino ang mag-aakala na sa lahat ng mga pinagdaanan nila ni Luke ay mayroon pa palang pag-asa na magkasama sila at mabuo ang kanilang pamilya. Alam ng nasa taas na inaasam-asam niya na mangyari ang bagay na ito ngunit dahil sa mga unos na dumaan sa buhay nila at sa mga pagsubok na ibinigay sa kanila ay minsan na siyang nawalan ng pag-asa. Ngunit kahit ganon pa man ay hindi pa rin sila pinabayaan ng nasa itaas. Hindi nito pinabayaan na hindi magkaroon ng buong pamilya si Leon. Kaya naman ay ganon na lang ang kaniyang pasasalamat. "What are you thinking baby?" napapitlag siya at nagulat ng biglang may mainit na braso ang pumulupot sa kaniyang bewang. Agad niyang inihilig ang kaniyang ulo sa matipunong dibdib ni Luke. Naramdaman niya ang mainit na labi ng lalaki na dumampi sa kaniyang balat. Kahit pa siguro paulit-ulit siyang ma comatose ay hindi niya pa rin makakalimutan ang pamilyar na init na hatid ng kasintahan sa kaniya. "Nothing! Naisip ko lang na maswer







