BLYTHE JULIANNA (ACE)....
"Oh that's good! Si Luke pala ang nag-ayos sa sasakyan mo. I'm sure pulido ang pagkakaayos n'ya at sigurado na naayos na ng mabuti ang nasirang parti. Luke is one of our top mechanic here. Hindi lamang dito kundi pati na rin sa ibang branches ng La Car's sa ibang bansa. He is in demand at swerte mong nandito s'ya ngayon sa Pilipinas," kwento ni Raffish sa kan'ya. Tumango-tango s'ya bilang tugon sa mga sinabi nito at lihim na humanga sa galing ng lalaki pagdating sa sasakyan. Ngunit ang paghanga sa galing na nararamdaman n'ya para rito ay may kakaibang pakiramdam na dala sa kan'ya. Looking at Luke ay may kakaiba s'yang nararamdaman sa pagkatao nito na hindi n'ya pa matukoy sa ngayon na kung ano. "Acey?" pukaw sa kan'ya ni Raffish ng makita nito na nakatulala lang s'ya at hindi sumasagot. "So..., this hot and gorgeous man's name is Luke at isang nternational car mechanic. That's cool,"hirit pa ng isip n'ya bago binigyan ng ngiti si Raffish na ngayon ay nakakunot na ang noo habang nakatingin sa kan'ya. "What can I say, Raffish? I am lucky today," pilyang sagot n'ya rito sabay kindat sa lalaki na mas lalong ikinabuhay ng pagnanasa sa mga mata nito na mariin na nakatingin sa kan'ya. Kung hindi dahil sa kan'yang trabaho ay baka kanina n'ya pa nadukot ang mga eyeballs ng kaharap na manyak. "Luke buddy, how's everything?" tanong ni Raffish kay Luke. Doon lang at binalingan n'ya ito ng tingin katulad ng ginawa ni Raffish na ngayon ay nasa lalaki na ang atensyon. Nagtama ang kanilang mga mata ni Luke at biglang kumalabog ng malakas ang kan'yang dibdib ng makita ang madilim na anyo nito ngunit agad ding nawala at napalitan ang malamig na emosyon ng ilipat kay Raffish ang tingin. "All good Mr. Batista. Naayos ko na ang lahat ng sira at sigurado na wala ng palya yang sasakyan ni Ms—," "Ace..., her name is Ace, Luke. Isn't it lovely just like here?" si Raffish dito na ipinakilala ang kan'yang pangalan sa binata. Ilang segundo na hindi sumagot ang lalaki at s'ya naman ay halos hindi na makahinga sa paghihintay sa magiging sagot nito sa tanong ni Raffish. "Sounds like a poker to me," sagot ni Luke na ikinaawang ng kan'yang labi. Nakaramdam s'ya ng inis dito dahil sa panlalait sa kan'yang pangalan. No one dares to mock her precious name na binigay ng kan'yang mga magulang sa kan'ya. "So rude!" hindi napigilan na bulalas n'ya rito. Hindi n'ya alam na may pagkabastos din pala itong lalaki na kaharap n'ya. Gwapo sana at hot ngunit bastos ng ugali. Nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang malakas na pagtawa ni Raffish sa sinabi ni Luke. Nanlilisik ang mga mata at namumula sa galit na binalingan n'ya ng tingin si Luke na nakatingin din pala sa kan'ya ng mga oras na iyon. "What?" inis na sita n'ya rito na hindi na napigilan ang paglabas ng kan'yang pagiging dragon ng mga El Frio. "I am just telling the truth, Ms.Ace and I don't sugarcoat my words just to please and make other people feel better. Excuse me!" malamig na sabi nito sa kan'ya sabay alis at iniwan silang dalawa ni Raffish na tawang-tawa pa rin hanggang ngayon. "Raffish stop laughing," sikmat n'ya sa binata. "What? Eh sa hindi ko mapigilan eh. He is so cool, right?" tatawa-tawang dagdag pa nito. Inirapan n'ya ito at hinablot ang susi ng sasakyan at padabog na pumasok sa kan'yang kotse na natapos ng ayusin ng bastos na lalaki. "Hey ang bayad mo!" sigaw pa ni Raffish sa kan'ya ng makita ang pagpasok n'ya sa sasakyan. "Send me the bill and I'll wire you the payment. Adios!" inis na sagot n'ya rito sabay maniubra ng sasakyan paalis ng lugar. Nagngitngit ang kan'yang kalooban dahil kay Luke at sa sinabi nito. Ito ang kauna-unahang lalaki na nakakuha ng kan'yang atensyon at ito din ang kauna-unahang lalaki na nilait ang kan'yang pangalan at hindi man lang nakitaan ng kahit na katiting na paghanga sa kan'yang ganda. "Akala mo naman kung sinong gwapo!" inis na sabi n'ya at mariin na inapakan ang gas pedal ng sasakyan na s'yang dahilan ng pagharurot nito ng takbo at paglikha ng kakaibang ingay. "Gwapo naman talaga ah!" sagot ng isip n'ya. Nahampas n'ya tuloy ang manibela dahil sa inis. Hindi n'ya rin maintindihan kung bakit s'ya nakaramdam ng inis ng mga oras na iyon. Siguro ay dahil sa kan'yang ego na nasagi ng lalaki. Nasanay kasi s'ya na pinagbibigyan ng lahat dahil nag-iisang babae s'ya sa kanilang pamilya at spoiled s'ya sa mga kapatid at mga pinsan lalo na sa kan'yang ama. Hindi lang uubra ang pagiging m*****a n'ya sa kanilang nanay. Sa kanilang mga magulang ang ina ang terror at dito silang magkakapatid takot. Sa penthouse s'ya umuwi pagkagaling sa La Car's. Gustohin n'ya man na sa mansyon ng mga magulang umuwi ngunit hindi n'ya ginawa at pinigilan n'ya ang kan'yang sarili dahil kapag nakita ng kan'yang mga magulang ang kan'yang hitsura ay panigurado na hindi s'ya tatantanan ng mga ito sa kakatanong. Kaya para makaiwas sa interrogation lalo na sa ina ay dito na s'ya sa kan'yang penthouse dumiretso. Lahat silang magkakapatid ay may kan'ya-kan'yang building na pag-aari at ang penthouse ang s'yang ginawa nilang extension ng kanilang bahay sa Cassandra Village. Pagpasok n'ya ay pahilata s'yang nahiga sa sofa at parang pagod na pagod. Hindi maalis sa kan'yang isip ang gwapong mukha ng lalaki ngunit agad ding sisimangot kapag sumagi sa isip n'ya ang salbahing ugali nito. Wala sa sarili na napasabunot s'ya sa kan'yang buhok dahil sa frustration. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagulo ang kan'yang isip at nag-asal bata s'ya dahil sa isang damuhong lalaki. "Shit! May asawa na kaya s'ya?" parang tanga namang tanong n'ya sa sarili. Maya-maya pa ay tumunog ang kan'yang cellphone. Sinilip n'ya ito at nakita n'ya na isa itong statement of account from La' Carera Wheels para sa kan'yang bills. "Ang bilis maningil ah!" wala sa sarili na sabi n'ya. Binuksan n'ya agad ang naturang statement para makapagbayad na s'ya ngunit napatda s'ya ng makita ang amount na sinisingil ng mga ito sa kan'ya. "What the fvck!" malakas na bulalas n'ya ng makita ang sampong milyong peso na charge for her car overhaul service charge. Napabalikwas pa s'ya ng bangon dahil sa pagkagulat. Ilang beses din s'yang pumikit sabay dilat ulit para masiguro na hindi s'ya namamalikmata sa halaga na nakasulat sa bill. At hindi s'ya nagkakamali sa nakita. Totoong milyones ang singil sa kan'ya ng La Car's. Binasa n'ya ang iba pang nakasaad dito at ng makita ang numero na nakasulat ay nakabuo s'ya ng desisyon. "Magtutuos tayo ngayon, Raffish," igting ang mga panga habang dinadayal ang numero na nakalagay sa statement. Agad n'yang tinawagan ang numero ng nagsend ng bills para murahin ito. Saan ka makakakita ng sampong milyon na bill para lang sa overhaul ng isang sasakyan. "Luke Friedrich Muller speaking," baritonong boses ng lalaki ang sumagot sa kan'ya. Natigilan s'ya dahil kilala n'ya ang boses nito. Ilang segundo s'yang hindi nakahuma ngunit ng maalala ang amount na sinisingil nito sa kan'ya ay agad n'yang hinamig ang sarili bago nagsalita. "Mr. Muller, this is Ace El Frio, ang nagpagawa ng sasakyan sayo kanina, I think you mistakenly type the amount of the service charge sa bill na pinasa mo sa akin," kalmadong sabi n'ya rito. Natahimik ito ng ilang segundo at parang nakikiramdam bago nagsalita. Tinatanya pa siguro nito ang kan'yang galit kung kakayanin ba nito o hindi. "That's your bill Ms. Ace, walang mali d'yan," malamig na sagot ng binata pagkalipas ng ilang segundo. Nagsimulang umaso ang kan'yang bombonan sa sagot ng lalaki sa kan'ya. "Seriously? Like what the fvck Mr. Muller, saan ka nakakakita ng sampong milyong peso na bill para sa overhaul ng isang sasakyan?" galit na singhal n'ya sa lalaki. Wala na s'yang pakialam kung namura n'ya ito dahil sa mga oras na iyon ay galit ang nangingibabaw sa kan'ya. "Sa akin lang Ms. Ace. At bakit ka pa magtataka? You own an almost twenty million dollar car. What do you think the costs of service and parts of your car? Palibhasa ang problema sa inyong mga mayayaman ay masyado kayong naaliw sa mamahaling bagay na hindi n'yo na naisip ang consequences of having an expensive things," sermon nito sa kan'ya. Napanganga s'ya dahil sa walang preno at habas na bibig ng lalaki. "Fvck you!" inis na singhal n'ya rito at mabilis na pinatay ang tawag. Wala sa sarili na napahawak s'ya sa kan'yang dibdib habang habol ang kan'yang paghinga dahil sa inis rito. Ngunit agad ding natigilan ng biglang tumunog ulit ang kan'yang cellphone at sa pagkakataong ito ay ang lalaki na ang tumawag sa kan'yang numero. Nagdadalawang isip s'ya kung sasagutin n'ya ba o hindi ang tawag nito ngunit parang may sariling isip ang kan'yang mga daliri na kusang gumalaw at pinindot ang answer button ng tawag. "What?" gusto n'yang palakpakan ang kan'yang sarili dahil nakuha n'yang sumagot ng hindi nauutal. "Wire the money now and we're done with our business!" matigas na sagot nito sa kan'ya. Naikuyom n'ya ang kan'yang mga kamao. "I'm not gonna pay!" galit na sagot n'ya rito. "It's fine! See you in court then," malamig na sagot ng lalaki sa kan'ya sabay patay ng tawag na mas lalong ikinausok ng kan'yang ilong. "The more you hate, the more you crave," parang naririnig n'ya ang pagkantyaw sa kan'ya ng kan'yang isip ng mga oras na iyon na ikinainit ng kan'yang pisngi. "Damn you Blyth Julianna! Stop your nonsense!" kastigo n'ya sa sarili na parang timang na nakikipag-away sa kan'yang sarili.BLYTHE JULIANNA…“You damn sc-,” hindi niya na ito pinatapos pa sa gusto nitong sabihin sa kaniya. She cupped, Luke’s face with both palm ang kiss her man. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at siya na mismo ang humalik kayb Luke at dahil siguro nagulat ito ay hindi agad ito nakahuma at natuod lamang sa pagkakatayo habang sinisiil niya ito ng halik sa labi.Ngunit ang pagkagulat ni Luke ay saglit lang dahil pagkalipas ng ilang segundo ay hinapit siya nito sa beywang at hinatak palapit sa katawan nito. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang nagulat ngunit saglit lang dahil agad din siyang nataohan ng maramdaman ang marahas na halik ni Luke sa kaniya.Ngunit imbes na itulak ang lalaki ay ikinawit niya pa ang kaniyang dalawang braso sa batok nito at mas lalo pang idinikit ang kaniyang katawan kay Luke. She missed him so much at alam niya na gan’on din ito sa kaniya. Ramdam niya sa mga halik ni Luke ang pagkasabik kaya naman ay ginantihan niya din ito ng may kaparehong kapusokan.Napaung
BLYTHE JULIANNA…“Ms. Stuart?” natigilan siya ng may nagsalita mula sa kaniyang likuran at ng harapin niya ito ay ganon na lang ang pag-awang ng kaniyang bibig ng makilala ang taong iyon.“K-Kuya Dos?” mahina at nauutal ang boses na tawag niya sa kapatid. It was her kuya Dos at ngayon lang sila muling nagkita simula ng magising siya mula sa mahabang comatose.Hindi niya din ito nakausap noong nalaman niya na isa ito sa mga nagbenta sa kaniya sa mga Russian. Hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na makaharap muli ng kapatid at ngayon ay nasa harapan niya ito at sa ganitong pagkakataon niya pa itong nakaharap.“Let’s talk somewhere, Ace,” mahina ang boses na aya nito sa kaniya at hinawakan siya sa siko at hinila. Doon lang siya at nahimasmasan at agad na binaklas ang kamay ng kapatid na nakahawak sa kaniyang braso.“Let me go, kuya Dos. May kailangan akong gawin at hindi ako pwedeng sumama sayo,” awat niya sa kapatid at pilit na binabaklas ang kamay nito ngunit hindi siya nito binigyan
BLYTHE JULIANNA…“What are you planning, Ace?” tanong ng kapatid sa kaniya. Mababanaag sa boses nito ang pag-aalala at naintindihan niya kung bakit.“Hawak nila si Luke, kuya. What do you expect me to do?”“Hawak nila si Muller? At ayos lang sa kaniya na makuha ng Triad?”“I don’t know, kuya pero ayon sa taohan niya na nakausap ko ay hawak ng Triad ang mga magulang ni Luke kung kaya ay wala itong magagawa sa mga pinapagawa ng mga taong iyon,” kwento niya sa kapatid.“Nahhhh! Basic! Do you need help other than what you asked just now?”“For now, ay iyan lang muna. Just give me an access to that triad at ako na ang bahala sa sarili ko.”“May I remind you that you are not well, Ace and still recovering. You can’t do this alone,” ang kapatid sa kaniya. Alam niya naman ang tungkol sa bagay na iyon ngunit hindi iyon hadlang para pigilan niya ang kaniyang sarili sa pagligtas kay Luke.“Don’t worry about me, kuya. Magaling na ako at kaya ko na ang sarili ko,” sagot niya rito.“Alright! But d
BLYTHE JULIANNA…“Bakit mo ginagawa sa akin ang mga bagay na ito, Muller? Ano ang tinatago mo?” pabulong na tanong niya sa kaniyang sarili ngunit wala naman siyang may nakuha na sagot.Nanatili muna siyang nakatayo sa labas ng pinto ng ilang segundo bago siya nagpasyang pihitin ang seradura para tuloyan ng buksan ang pintoan. Sinalubong siya ng amoy ni Luke kaya wala sa sarili na napapikit siya ng kaniyang mga mata at sinamyo ang amoy ng lalaki.Ilang segundo siyaang nanatili sa pagkakatayo at ng magsawa ay nagmulat siya ng kaniyang mga mata at iginala ang kaniyang tingin sa buong paligid. Doon niya lang napansin ang hitsura ng silid na iyon. At tama nga siya ng kaniyang hinala. Luke has a private room for his work, and no one knows about this.Katulad niya ay may ganito din siya at kahit sino sa kanila na nasa ganitong uri ng trabaho ay hindi basta-basta nag-iiwan ng mga bakas lalo na pagdating sa kanilang trabaho. Pinagsawa niya ang kaniyang sarili sa kakatingin sa paligid bago niya
BLYRTHE JULIANNA…“Do you like it, Ace?” nakataas ang kilay na tanong ng ina sa kaniya. Mahina siyang natawa habang napailing.“What do you think, nay? Hindi ba kita sa mukha ko? Damn! All this time ay nandito lang pala ‘to dito. Kung alam ko lang eh di sana ay noon ko pa ginamit ang sasakyan na ito,” sagot niya sa ina. Mahina itong tumawa at lumapit sa kaniya. Tumigil ito sa kaniyang mismong harapan at hinawakan siya sa magkabilang balikat.“I’m afraid you can’t. Alam mo ba na may espesyal na gamit ang sasakyan na ito at sa mga gamit na nandito.”“Special use? Para saan? Eh sa gyera lang naman ginagamit ang mga ganitong gamit,” nagtataka na tanong niya sa nanay niya na ikinatawa nito ng malakas.“Sa gyera nga pero hind isa mga kalaban na halang ang mga bituka. Para ito sa mga babae na gustong lumandi sa tatay niyo noon. Kaya kung may babaeng gustong landiin si Luke, use this car and send her to hell. You are an El Frio at idagdag mo pa ang dugo ng lola Eliana mo at ang dugo ng daddyl
BLYTHE JULIANNA…Pagkatapos ng lahat ng nalaman niya mula sa taohan ni Luke ay isang bagay ang kaniyang napagpasyahan. Walang pagdadalawang-isip na tinawagan niya agad ang kaniyang mga magulang.“Ace, anak! Napatawag ka? Hindi ka na ba galit sa amin?” bungad ng kaniyang ina ng sagutin nito ang tawag.“I need your help, nay,” sagot niya rito.“Anong tulong anak? Alam mo naman na nakahanda kaming pamilya mo na tulongan ka sa lahat ng oras.”“Nay, pwede bang sunduin niyo dito si Leon? Sa inyo muna siya pansamantala. Kukunin ko lang siya sa inyo kapag maayos na ang lahat. Kayo lang ang pwede kong pagkatiwalaan kay Leon, nay,” pakiusap niya sa ina. Alam niya na tama ang kaniyang desisyon na iwan muna si Leon sa mga ito. Kapag nasa mag magulang niya ang kaniyang anak ay panatag ang loob niya na at sigurado siya na ligtas si Leon sa pangangalaga ng mga ito.“Off course naman, Ace. Masaya kami ng tatay mo kapag nandito ang apo namin. Bukas na bukas din ay lilipad kami papunta diyan,” masayang
BLYTHE JULIANNA…“Luke! Nandito ka na pala pero hindi ka man lang nagsabi sa akin? And what is this bitch doing here, huh?” hindi niya naituloy ang kaniyang gustong sabihin ng bigla na lamang may dumating na asungot na nanlilisik ang mga mata sa galit ng makita siya na kasama ni Luke.Napairap siya sa kawalan at agad na tumalikod sa mga ito habang karag-karga si Leon na mukhang aburido din ng marinig ang boses ng babae.“Inid! Kakarating ko lang kagabi,” paliwanag ni Luke sa fiancée nito.“Kakarating mo lang at kagabi pa pero hindi mo man lang ako tinawagan? And what is this bitch doing here?” nangangalaiti sa galit na tanong nito at tinawag pa siyang bitch.“Stop calling her bitch, Inid. Her name is Ace at hindi bitch!” saway ni Luke dito na mas lalo pang ikinagalit ng babae.“I don’t care what her name is. I will call her whatever name I want at wala siyang magagawa doon!”“Alam mo mas bagay sayo ang pangalan mo. Alam mo ba ‘yong isda na inid? Kasingpangit mo at ng ugali mo!” siya s
BLYTHE JULIANNA…“Natuwa sa kahanginan ng ama niya,” nakairap na sagot niya rito.“What did you just say?”“Nothing and can you please let me go? Feeling close ka, Muller!” sita niya sa lalaki at binigyan ito ng mahinang pagsiko sa tagiliran.“Aw! Mommy, you are hurting daddy,” reklamo nito na animo’y batang paslit. Lihim siyang napairap dahil hindi niya lubos maisip na may ganitong side din pala si Luke.“Did Leon eat already?” maya-maya ay tanong niya rito.“Yup! He has his breakfast earlier and he already took a shower. Daddy showered him and then feed him before bringing him out to see the sun,” proud na sagot nito sa kaniya. Natuwa siya at lihim na napahanga ngunit sa kabilang banda ay hindi niya rin mapigilan ang magtaka.“You showered Leon? And feed?” salubong ang mga kilay na tanong niya rito.“Yeah! Why? Hindi ka naniniwala?” balik tanong ng lalaki sa kaniya.“it’s not like tha-,”“Kapag nandio ako ay ako ang personal na nag-aalaga kay Leon. Ako lahat dahil gusto ko na maramd
BLYTHE JULIANNA…Nagising siya kinabukasan na magaan ang pakiramdam. Hindi niya alam kung bakit magaan ang pakiramdam niya ng araw na iyon. Ibang-iba ito sa mga araw na nagigising siya na ang daming iniisip. Siguro ay dahil magkasama na sila ng kaniyang anak at sa bahay ni Luke.Nang maalala ang anak ay napabalikwas siya ng bangon at sinilip ang kinaroronan ng analk ngunit wala na ito sa sariling kama. Inilibot niya ang kaniyang tingin sa paligid para hanapin si Leon ngunit hindi niya nakita ang anak kaya naman ay dali-dali siyang bumaba sa kama at nagtungo sa banyo.Alam niya na dumating kagabi si Luke kaya sigurado siya na nasa lalaki ang kanilang anak. Mabilisan siyang naligo at agad din na lumabas. Dumiretso siya sa walk-in closet at nagbihis.Isang simpleng cotton short na may kaiksian ang kaniyang suot at isang malaking t-shirt. Tamang-tama lang ang suot niya sa klima sa labas na medyo mainit na. pagkatapos magbihis ay tinuyo niya ang kaniyang buhok gamit ang blower.Pagkatapos