LOGIN“Mama… bakit mo pinagsasama-sama ang mga clothes mo?”
Napahinto ako sa pagtupi nang marinig ko ang malambing na boses na iyon. Lumingon ako at nakita si Aiden na nakasandal sa hamba ng p***o. Nakahawak ang maliliit niyang kamay roon habang ang malalaki niyang mga mata ay nagtatakang nakatingin sa mga gamit na inilalagay ko sa loob ng lumang maleta. Hindi ko mapigilang mapangiti nang bahagya habang pinagmamasdan siya. Kahit apat na taong gulang pa lang ay kitang-kita na ang kagandahan ng kaniyang mukha. Ang maputi niyang balat na parang hindi nasusunog kahit laging nasa labas ng bahay. Ang matambok at mapupulang pisngi niya na gustong-gusto kong pisilin tuwing tumatawa siya. Ang kaniyang mga mata ay bilog at maiitim, na lalong nagiging kaakit-akit dahil sa mahahaba niyang pilikmata at makapal na kilay na nagbibigay ng napakainosenteng tingin. Matangos din ang kaniyang ilong at may maliliit ngunit magandang labi na madalas nakakurba sa ngiti. Sa tuwing tinititigan ko siya ay lagi akong napapaisip kung saan niya ba namana ang mga katangiang iyon, pero agad ko ring itinulak ang kaisipang iyon palayo dahil hindi ito ang tamang oras para isipin ang mga ganoong bagay. Lumapit ako sa kanya at yumuko para pantayan ang kanyang tangkad. “Wala lang, baby. Nag-aayos lang si Mama ng ilang gamit.” Umungot siya nang bahagya at humakbang palapit, nakayuko nang kaunti na parang nahihiya. “Aalis ka po ba, Mama? Iiwan mo na ba ako? Nagpapasaway po ba ako kaya ka aalis? Promise po, magiging good boy na lang po ako palagi. Hindi na po ako magtatapon ng pagkain, hindi na po ako tatakbo sa putikan, makikinig na po ako sa lahat ng sasabihin mo… huwag mo lang po akong iwan dito, ha?” Naramdaman ko ang bigat sa dibdib ko at parang may humigpit sa lalamunan ko nang marinig ang mga salitang iyon. Agad ko siyang binuhat at pinaupo sa aking hita, niyakap nang mahigpit habang nagsisimulang mamuo ang mga luha sa aking mga mata. Hinaplos ko ang kaniyang malambot na buhok at hinalikan ang tuktok ng kaniyang ulo bago sumagot para pakalmahin siya. “Huwag kang mag-isip ng ganyan, baby. Hindi ka naman nagpapasaway at higit sa lahat ay hindi ka iiwan ni Mama, naiintindihan mo?” Pinalis ko ang munting luha na tumulo mula sa gilid ng kanyang mata gamit ang dulo ng aking daliri. “Kailangan lang umalis ni Mama sandali para magtrabaho. Malaki ang kailangan nating gawin para hindi satin kunin yung bahay at para may pambili tayo ng mga gusto mo, di ba?” Umangat ang tingin niya sa akin, ang mga labi ay nanginginig pa rin habang pinipigilan ang pag-iyak. “Bakit po kailangan mo umalis? Bakit hindi ka na lang dito lang mag-work? Sama na lang po ako sa’yo, Mama. Tutulong ako sa’yo. Kaya ko naman po magligpit ng mga toys ko, tsaka magpapunas ng lamesa… huwag mo na lang akong iwan dito, please?” Napabuntong-hininga ako nang malalim, habang ang puso ko ay tila ba pinipiga nang dahan-dahan. Ang hirap ipaliwanag sa isang batang kasing-edad niya kung bakit kailangan kong lumayo para magtrabaho. Paano ko sasabihin sa kaniya na pupunta ako sa lugar ng taong dati kong minahal at may kondisyong pumasok sa buhay niya ulit kapalit ng aming kabuhayan? “Pasensya ka na, anak… pero bawal ang mga bata sa lugar kung saan ako magtatrabaho,” paliwanag ko nang dahan-dahan. “Ang amo ko kasi doon ay masungit, mahigpit, at ayaw ng maingay. Kapag may kasama akong bata, baka magalit siya at baka paalisin pa ako agad. Ayaw naman nating mawalan ng trabaho si Mama, 'di ba? Kapag nawalan ako ng trabaho, mawawala rin sa atin ang bahay natin.” Sa halip na tumigil ay lalo lang bumuhos ang kaniyang mga luha at isinubsob niya ang kaniyang mukha sa dibdib ko habang humahagulgol nang mahina. “Ayoko po… gusto ko laging katabi si Mama. Baka malungkot ka doon, baka may mang-away sa’yo… Sama na lang ako, Mama, please?” Niyakap ko siya nang mas mahigpit, ramdam ko ang panginginig ng kaniyang maliit na katawan habang umiiyak. “Shhh… huwag kang umiyak, baby. Hindi ako magtatagal, promise. Kada Sabado at Linggo uuwi ako agad dito para makasama ka. At may dagdag pa akong pangako—kapag nakaipon na nang kaunti si Mama, dadalhin kita sa malaking amusement park sa bayan. Doon sa maraming rides, maraming sasakyan, at pwede tayong kumain ng maraming ice cream at chocolate. Gusto mo ba ‘yon?” Unti-unting humina ang kaniyang pag-iyak. Dahan-dahan niyang inalis ang mukha sa dibdib ko at pinunasan ang luha gamit ang likod ng kaniyang palad habang nakatingin sa akin. Ang kaniyang mga bilog na mata ay namumula na ngayon, pero tila nagniningning muli nang marinig ang sinabi ko. “Talaga po, Mama? Dadalhin mo ako doon? Hindi mo makakalimutan ang promise mo? Ngumiti ako sa kaniya at madiin kong hinalikan ang kaniyang noo, ang kaniyang pisngi, at maging ang dulo ng kaniyang ilong. “Pangako, anak. Hindi makakalimutan ni Mama. Huwag kang magpapasaway dito kasama nina Lolo at Lola, ha?” Tumango siya nang dahan-dahan, kahit may bakas pa ng lungkot sa kaniyang mukha. “Sige po… magwa-wait po ako. Pero uuwi ka talaga sa Sabado, Mama, ha?” “Oo naman,” sagot ko nang panatag. “Hinding-hindi iyon makakalimutan ni Mama.” Makalipas ang halos isang oras ay narinig ko ang yabag ng mga paa sa labas ng aming maliit na bahay. Lumabas ako bitbit ang aking maleta, habang si Aiden ay mahigpit na nakahawak sa laylayan ng aking damit. Doon ay naghihintay na sina Mama Ester at Papa Alvin, ang aking mga magulang. Lumapit agad si Mama at tinulungan akong buhatin ang isang bagahe ng gamit ko, ngunit sa kaniyang mga mata ay nababasa ko ang pag-aalala at lungkot. “Anak… sigurado ka na ba talaga rito? Wala na ba talaga tayong ibang paraan? Mabigat ang kondisyong ibinigay niya at kilala mo naman ang mga ganiyang tao, hindi magiging madali ang pupuntahan mo.” Hinawakan ko ang isang kamay niya at pinisil ito nang mahigpit bilang pagpapakalma sa kaniya. “Wala na po tayong ibang pagpipilian, Ma. Kung tatanggi ako, siguradong kukunin niya agad ang lupa sa atin. Huwag po kayong mag-alala, kaya ko naman po ito. At tinitiyak ko sa inyo na hinding-hindi ko hahayaang mawala ang lupang ito sa pamilya natin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maibalik din ito sa atin balang araw." Sumunod naman si Papa at ang kaniyang balikat ay nakalaylay nang kaunti at puno ng hiya ang kaniyang mukha. “Pasensya ka na, anak, ha? Dapat ako ang gumagawa ng paraan bilang padre de pamilya, dapat ako ang humaharap sa ganitong pagsubok, hindi ikaw. Pakiramdam ko ay nabigo kita bilang ama.” Umiling ako agad at lumapit sa kaniya para yakapin siya. “Huwag ninyong isipin iyan, Pa. Pamilya tayo rito, 'di ba? Sa oras ng pangangailangan, kailangang magtulungan at magbuhat ng problema nang sabay-sabay. Huwag ninyong isiping may pagkukulang kayo. Ang mahalaga, ginawa natin ang lahat para manatiling buo ang bahay natin.” Nang bumitaw ako kay Papa ay naramdaman ko ang muling paghila sa aking damit. Si Aiden na naman na muling nangingilid ang luha habang nakatingin sa akin. Lumuhod ako sa harap niya upang magkapantay kami at pinunasan ang kaniyang pisngi gamit ang aking palad. “Naku, huwag ka na namang umiyak ulit, baby. Sabi ko naman sa’yo, uuwi si Mama agad pagdating ng Sabado. Bibilhan pa kita ng paborito mong kendi at kwento tayo bago ka matulog, di ba?” Tumingin siya sa akin at nanginginig pa rin ang boses. “Mama, huwag ka pong magtatagal, ha? Hihintayin po kita sa may gate tuwing hapon.” “Promise, uuwi si Mama,” sagot ko nang malambing. Niyakap ko pa si Aiden nang matagal at mahigpit bago ko hinarap ang aking mga magulang at hinawakan ang kanilang kamay. Bahagya akong ngumiti kahit mabigat ang loob. “Sige na po, Ma, Pa… aalis na ako. Ingat po kayo rito at bantayan ninyo nang mabuti si Aiden para sa akin.” “Mag-iingat ka rin diyan, anak. Huwag kang matakot, nandito lang kami palagi,” paalala ni Mama habang pinupunasan ang sarili niyang luha. Binitawan ko ang pagkahawak ko sa kamay nila upang kunin ang mga gamit ngunit bago ko pa man makuha ang aking maleta, ay bigla kong narinig ang isang pamilyar na boses na tumawag sa akin mula sa kalsada. “Atasha.” Nanlaki ang aking mga mata at biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa isang iglap. Mabilis akong lumingon at doon ay nakita ko si Ethan na nakasandal sa gilid ng isang mamahaling itim na sasakyan, nakatitig nang diretso sa akin na parang kanina pa naghihintay. Hindi ko inaasahang siya pa ang pupunta mismo rito para sunduin ako. Pero bago pa man ako makabawi sa gulat o makasagot sa kaniya ay narinig ko ang malakas at malinaw na tanong na lumabas mula sa malambing na bibig ng aking anak habang nakatingin nang matagal kay Ethan na may halong pagkamangha at kuryosidad sa kaniyang mukha. “Mama… siya po ba ang Papa ko?”Isang taon at kalahating buwan lang ang mabilis na lumipas mula noong ibalita ko kay Ethan ang pagbubuntis ko. Kakapanganak ko lang kay Baby Asher na limang buwang gulang pa lang ngayon, habang si Aiden naman ay Grade 4 na at si Althea ay papasok na sa Daycare. Abala ako sa pagpapadede kay Baby Asher sa loob ng kwarto nang biglang pumasok si Ethan na kamot-kamot ang kaniyang batok. "Oh, love, nakapagbihis na ba si Althea?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. "She's crying downstairs. She doesn't want to go to school unless she brings her Barbie doll," frustrated na sagot ni Ethan habang napapailing. "Naku, ang batang 'yon talaga," natatawang sabi ko sabay ingat sa paglipat kay Baby Asher. "Kargahin mo muna si Asher, ako na ang kakausap doon.” "Careful, my little boy," malambing na sabi ni Ethan habang maingat na kinuha ang baby sa akin. Bumaba ako sa sala at nakitang nakaupo sa sahig si Althea habang nakanguso at umiiyak. "Ayaw ko po mag-school! I want Barbie with me po!" sig
Totoo nga talagang mabilis lumipas ang panahaon. Apat na taon na ang nakakalipas at mas lalo pang naging masaya at makulay ang buhay namin.Dahil iyon ay nadagdagan pa kami ng isa. Kung dati ay masaya at makulay ang mundo ay mas lalo pang naging makulay at masaya ang mundo namin.Si Aiden ay pitong taong gulang na ngayon at napakabait na bata. Habang ang aming tatlong taong gulang na si Althea naman ay ubod ng likot at walang tigil sa kadaldalan.Walong taong gulang na ngayon si Aiden na kasalukuyang nasa ikatlong baitang na. Habang ang tatlong gulang naman ay ang ang anak naming babae na si Althea, sobrang kulit at madaldal ang bunso namin.Kitang ko agad mula rito sa kusina kung gaano sila kalapit na magkapatid. Kahit madalas silang mag-asaran, alam kong mahal na mahal ni Aiden ang kaniyang bunsong kapatid."Kuya, 'yan! 'Yan akin!" bulol na sigaw ni Althea habang pilit na inaabot ang hawak na laruan ni Aiden sa sala."No, Althea. That's mine! I am playing with this robot first," tan
Isang buwan na ang nakakalipas simula nang magising si Aiden. Masasabi ko na payapa na sa wakas ang sitwasyon ng buong pamilya namin ngayon. Dahan-dahan naming binubuo muli ni Ethan ang aming relasyon. Lalo pa silang naging malapit at magkasundo ng kaniyang anak. Ngayong araw ay ipinagdiriwang namin ang kaarawan ni Papa. Nagtipon-tipon kaming lahat para sa isang simpleng salu-salo sa garden sa likod ng mansion. "Aiden, huwag masyadong mabilis tumakbo baka madapa ka," paalala ko habang pinapanood silang mag-ama na tumatakbo sa garden. "Opo, Mama! Hinahabol po ako ni Papa oh!" masayang sigaw ni Aiden habang tumatakbo sila ni Ethan sa damuhan. Inilapag ko ang malaking birthday cake sa mismong gitna ng lamesa. Lumapit naman agad si Mama na may dalang mga plato habang nakangiti nang malawak. "Salamat sa Diyos at kumpleto tayo ngayon," malambing na sabi ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko. "Ang sarap sa pakiramdam na makita kayong ganyan." "Oo nga, Ma. Matagal ko ring hinin
Habang nagpapagaling ang anak ko, mas lalo namang lumalamig at bumibigat ang pakitungo sa akin ni Ethan. Isang gabi ay habang mahimbing na natutulog si Aiden ay lumabas muna si Papa para samahan si Mama na maglakad-lakad. Hinarap ako ni Ethan. Nakatayo siya malapit sa bintana, pormal ang suot, at seryosong-seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin. "We need to talk, Atasha," malamig na panimula niya. Huminga ako nang malalim at lumapit nang bahagya. "Tungkol saan, Ethan? Kung tungkol ito sa bayad sa ospital, unti-unti kong babayaran sa'yo—" "I don't care about the money," putol niya sa sasabihin ko, mas lalong umigting ang kaniyang panga. "This is about my son. This is about Aiden." Napakunot ang noo ko, nakakaramdam ng kaunting kaba sa dibdib. "Ano ang tungkol sa kaniya?" "I want to formally acknowledge him," diretsong sagot ni Ethan habang nakatitig nang marubdob sa aking mga mata. "Gusto kong kilalanin si Aiden bilang legal kong anak. My lawyers will be here tomorrow
Hindi pa rin ako kinakausap nang maayos ni Ethan kapag kaming dalawa lang, pero hindi niya kami iniwan. Nanatili siya rito upang bantayan si Aiden at Mama. Isang umaga ay habang nag-aayos ako ng gamit ay narinig namin ang mahinang daing mula sa kabilang kama. "A-Aiden..." pabulong na tawag ng aking ina habang dahan-dahang idinilat ang kaniyang mga mata. "Mama! Salamat sa Diyos, gising ka na po!" umiiyak na lumapit ako at hinawakan ang kaniyang kamay. "Kamusta po ang pakiramdam mo? May masakit po ba sa'yo?" "Si Aiden... ang apo ko... nasaan si Aiden, Atasha?" tanong ni Mama habang sinusubukang igalaw ang kaniyang katawan. "Ligtas po si Aiden, Ma. Huwag po kayong mag-alala." sagot ko habang pinupunasan ang aking mga luha. Lumapit si Ethan sa gilid ng kama at pormal na tumango. "Magpahinga po kayo, Tita. I’ll make sure everything is taken care of. Huwag niyo na pong isipin ang gastos o anuman rito." "Salamat, Ethan... Maraming salamat sa'yo," mahinang sagot ni Mama bago mul
"H-his father...?" nauutal na ulit ni Ethan. "What do you mean, Atasha?" Hindi ko na siya nagawang sagutin pa kundi ang tumango nang mariin habang patuloy na humahagulgol sa tapat ng kaniyang mga paa.Nang makita ang aking pagtango, tila biglang nagising si Ethan sa isang panaginip at mabilis akong hinila patayo. "Damn it, Atasha! Let’s go! We need to go to the hospital right now!" sigaw niya habang binubuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan.Pagkarating na pagkarating namin sa ospital, mabilis kaming dinaluhan ng mga staff patungo sa Blood Bank. Dahil kritikal ang lagay ni Aiden sa loob ng Operating Room dahil sa internal bleeding sa tiyan at kulang ang supply ng kaniyang blood type sa ospital ay agad na sumailalim si Ethan sa mabilisang screening at cross-matching. Nang makitang perpektong tugma ang kaniyang dugo, mabilis siyang kinuhaan ng dugo para maiproseso at agad na maisalin sa aming anak.Habang hinihintay matapos ang operasyon







