LOGINNakaupo ako sa passenger seat ng mamahaling sasakyan ni Ethan, katabi ko siya na tahimik na nagmamaneho. Sa unang ilang minuto ng biyahe ay balot na balot kami ng katahimikan at tanging ang sarili ko na lang na paghinga ang naririnig ko sa loob. Sobrang bigat ng pakiramdam sa pagitan naming dalawa. Kahit sa kalsada lang siya nakatingin, hindi ko pa rin mapigilang mabalisa.
Huminga ako nang malalim at pinipilit na pakalmahin ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko matanggal sa isip ko ang tanong ni Aiden kanina bago kami umalis. Ang inosenteng boses ng aking anak na tinanong kung si Ethan ba ang kaniyang ama. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba at hiya sa harap ng lalaking kasama ko ngayon. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya para kausapin siya. "Ethan..." panimula ko at nakita kong bahagya siyang sumulyap sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. "Pasensya ka na sa sinabi ni Aiden kanina... alam mo na bata, uh madalas magtanong ng kung ano-ano. Huwag mo na lang sanang masamain, ha?" Ilang segundo muna ang lumipas bago siya sumagot. "It's okay. I understand. There's nothing wrong with a child asking questions," diretso lang ang tingin niya sa kalsada habang nagsasalita. Pakiramdam ko ay gumaan nang kaunti ang dibdib ko sa narinig ko. Pero habang nakatingin ako sa labas ng bintana at pinapanood ang mga puno at bahay na mabilis naming nalalagpasan, iba naman ang tumatakbo sa isip ko. Okay lang talaga sa kaniya? Sana hindi siya mag-isip ng kung ano-ano ngayon. Kahit ang totoo, malayo naman talaga sa katotohanan ang hinala ng anak ko, dahil hindi naman talaga siya ang ama ni Aiden. Muli kaming nabalot ng katahimikan, akala ko ay magpapatuloy ito hanggang sa makarating kami sa mansyon, pero bigla siyang nagsalita ulit na parang may naalala siya. “By the way,” seryoso niyang tanong habang nananatili ang tingin sa kalsada. “Since nabanggit mo na ang tungkol doon… where is Aiden’s father? Why isn't he with you in that house?” Nagulat ako sa biglaan niyang tanong kaya napalingon ako sa kaniya. Sa bilis ng tibok ng puso ko ay agad akong napaayos ng upo, pilit na itinatago ang biglaang pagkabalisa. “It’s none of your business,” mabilis kong sagot, sinusubukang panatilihing matatag ang aking boses. Bahagya siyang ngumisi at tumango nang tipid nang hindi ako nililingon. “Fine. I was just curious.” Umiling ako sa naging reaction niya at pilit na bumuo ng kwentong madalas kong sabihin sa iba kapag tinatanong tungkol sa ama ng anak ko. “Iniwan niya kami noong nalaman niyang buntis ako. Sabi niya hindi pa siya ready at masyado pang maaga para magkaroon ng pamilya. Kaya umalis siya at hindi na nagpakita hanggang ngayon. Ayos na ba ‘yan sa iyo?” Tumango siya nang dahan-dahan at bago pa man siya makapagtanong ulit ng iba ay mabilis akong nagsalita para putulin siya. “Ethan, pwede bang huwag na ulit natin ito pag-usapan? Hindi ako komportable pagdating sa usapang ganyan.” Bahagya siyang sumulyap sa akin, tila sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo. Sa huli, ibinalik niya ang tingin sa kalsada at tumango. “Fine. I won't ask you about it anymore. But remember, under our contract, you're not supposed to hide anything from me.” Hindi na ako sumagot pa at nanatili na lang akong nakatingin sa labas hanggang sa marating namin ang mansyon. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad akong dinala sa kwartong nakalaan para sa akin. Malawak ito, maaliwalas, at malinis, malayo sa munting kwarto na nakasanayan ko sa bahay. Inilapag ko ang aking maleta sa gilid ng malaking kama at nagsimulang mag-ayos ng mga gamit ko, inilalagay ang mga damit sa loob ng kabinet habang iniisip kung paano ko haharapin ang mga susunod na araw. Ilang sandali pa ay may mahinang katok akong narinig mula sa p***o. “Pasok,” tawag ko. Dahan-dahang bumukas ang p***o at pumasok ang isang dalagang mukhang disiotso pa lang. Nakasuot siya ng maayos na uniporme ng mga kasambahay, may magandang ngiti sa kaniyang mga labi habang yumuyuko nang bahagya bilang pagbati. “Magandang hapon po, Ma’am. Ako po si Annie, isa sa mga katulong dito. Sinabi po ni Sir Ethan na pinapatawag kayo ngayon. Naghihintay po siya sa opisina niya,” magalang niyang sabi. Tumango ako at ngumiti nang bahagya. “Sige, salamat. Mag-aayos lang muna ako sandali, susunod na ako.” Umiling siya agad at lumapit nang kaunti. “Huwag na po kayong mag-abala, Ma’am. Ako na pong bahala mag-ayos ng mga gamit niyo habang wala kayo. Mas mabilis ko pong matatapos ito, huwag kayong mag-alala.” Nagulat ako sa alok niya. “Sigurado ka ba? Kaya ko naman, salamat. Ako na lang ang gagawa nito.” “Oo naman po, Ma’am. Sanay na po ako sa ganito. Kaya hayaan niyo na po sa akin,” paninindigan niya habang abot ang ngiti. Habang inilalagay ko ang ilang natitirang gamit sa ibabaw ng mesa, bigla siyang nagsalita na parang may kuryosidad sa isip niya. “Ma’am… pwede po bang magtanong?” “Oo naman, ano ‘yon?” sagot ko nang magiliw. Nagkamot siya nang bahagya sa likod ng kanyang tenga, medyo nahihiya. “Si Sir Ethan po… boyfriend niyo po ba? Kasi noong una ko kayong nakita kanina, gulat na gulat po kami ng ibang mga katulong.” Napatawa ako nang mahina sa tanong niya. “No, hindi ko siya boyfriend, ano! Saan mo naman nakuha ‘yang ideyang ‘yan? Bakit mo natanong?” “Wala po… kasi wala naman pong dinadala rito si Sir. Kaya nagulat kami na may dinala o pinapasok siya rito sa loob ng bahay. Lalo na po kung babae. Ilang taon na po kaming nagtatrabaho rito, pero kayo lang po ang nakapasok at pinahintulutan niyang manatili rito. Kaya naisip namin na baka espesyal kayo sa kaniya,” nakangiti niyang paliwanag. Napatigil ako saglit tila may kakaibang pakiramdam na gumapang sa dibdib ko. “Talaga lang ha? Akala ko palagi siyang nagdadala ng babae rito.” “Hindi po, Ma’am. Seryoso po ako. At alam niyo pa po ba? Simula noong dumating kayo, parang nagbago ang timpla niya. Kahit kaunti lang, nabawasan ang pagiging masungit niya. Nitong nakaraan ko lang po siya nakitang ngumiti. Kahit papaano ay natapos din ang mahabang panahon na laging seryoso at galit ang mukha ni Sir,” dagdag pa niya. Sa sinabi niyang iyon ay naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng aking puso. Parang may maliliit na paru-parong lumipad sa loob ng tiyan ko at agad ko ring ipinilig ang ulo para mawala ang kakaibang emosyong iyon. Huwag kang mag-assume, Atasha, paalala ko sa sarili ko. Nandito ka lang dahil sa kasunduan, wala nang iba pa. “Ah… ganoon ba?” ang tanging nasagot ko habang pilit na itinatago ang pagkailang sa aking mukha. “Sige, mauna na ako. Salamat ulit, Annie.” Umakyat ako sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kaniyang opisina. Huminto ako sa harap ng p***o, huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili at kumatok nang tatlong beses. “Come in,” seryoso niyang sagot mula sa loob. Dahan-dahan kong binuksan ang p***o at pumasok. Doon ko nakita si Ethan na nakaupo sa kaniyang swivel chair habang may binabasang ang mga papeles sa ibabaw ng desk. Pagkakita niya sa akin ay itinaas niya ang kaniyang tingin at bahagyang itinuro ang bakanteng upuan sa kaniyang harap. “Have a seat,” utos niya. Sumunod ako at umupo nang maayos, inilagay ang aking mga kamay sa ibabaw ng aking tuhod habang hinihintay ang kaniyang sasabihin. “Bakit mo ako pinatawag? Magsisimula na ba ang trabaho ko?” tanong ko nang diretso at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Tumayo siya para kinuha ang isang folder sa kabinet at inilapag niya iyon sa ibabaw ng desk sa tapat ko. “Not yet,” sagot niya habang nakatingin sa akin nang seryoso. “We are here to discuss the contract. All the conditions, rules, or responsibilities must be clear to you before you sign. Once you put your signature on it, there's no turning back.” Kinuha ko ang papel at binasa nang mabuti ang bawat nakasulat. Habang binabasa ko ang mga rules doon ay napakunot ang aking noo sa ilan sa mga nakalagay. Seryoso ba siya rito? “Here are the primary terms and conditions,” panimula niya habang isa-isang tinuro iyon gamit ang kaniyang daliri. 1. Absolute Obedience: You must follow all my instructions without objection, provided they do not violate the law or compromise your dignity. 2. Mandatory Compliance: Should you fail to execute a task, you must provide a valid and justifiable reason. Fatigue or personal reluctance will not be accepted as excuses. 3. Property Title Hold: The land title shall remain under my name and will not be returned or transferred to your family until the designated contract period of one year is fully completed. 4. Full Transparency: There shall be no secrets kept from me under any circumstances. 5. Professional Conduct: You are prohibited from engaging in unnecessary arguments. You must maintain respectful and proper conduct toward me and all the estate staff at all times. Respect is a must. 6. Restriction on Male Association: No unauthorized male guests are allowed on the premises. You are prohibited from entertaining, calling, or having prolonged communications with other men, unless it is strictly for work or family matters. Napatingin ako sa kaniya matapos basahin ang lahat. “Ano naman ang mga ito? Parang sobra naman, lalo na 'yung huli.” Ngumiti siya nang bahagya, isang ngiting may halong pang-aasar habang dinampot ang titulo ng aming lupa at itinaas ito sa harap ko. “Why? Do you have a problem with the rules? Kung ayaw mo, pwede nating hindi ituloy ang usapan and the land stays with me.” Agad akong natameme at umiling nang mabilis. “No! No problem at all… tinatanong ko lang kung bakit ganyan ang mga nakasulat diyan.” Ibinaba niya ang titulo at sumandal sa gilid ng kaniyang desk, nananatiling nakatitig sa akin na tila ba hinihintay akong umatras. “Good. At tungkol sa no male allowed… I don’t want any distractions. Kapag may ibang lalaking pumapalibot sa iyo, how can you focus on what I ask you to do? Baka lalo ka lang maging pasaway o hindi makapagtrabaho nang maayos.” Isang mapaklang tawa ang kumawala sa akin bago ako tumayo, hindi makapaniwala sa sinabi niya. “Ano ako sa tingin mo, bata? O baka naman akala mo kung sinong babae ako na basta-basta na lang sumasama sa kung sino-sino? Huwag mo akong itulad sa iba. At saka… alisin mo ang rules na 'yan. Masyadong unfair at walang kuwenta.” Tumayo rin siya agad mula sa pagkakaupo. Dahil mas matangkad siya, kailangan ko pa siyang tingalain para lang matitigan ang kaniyang mukha. “Why would I do that?” seryoso niyang tanong, habang unti-unting bumababa ang kaniyang tingin mula sa aking mga mata papunta sa aking labi. “These are my terms. If you want that land back, you have to follow them. Unless… you can do something to change my mind.” Unti-unti niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin habang nananatiling nakatitig nang diretso sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, parang napako ako sa sahig at hindi kayang umatras. Ang tibok ng puso ko ay bumibilis nang husto, at tila kinakapos ako ng hininga sa tindi ng kaba habang dahan-dahan siyang lumalapit. Ilang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga mukha, halos maramdaman ko na ang kaniyang hininga. Nakalimutan ko na ang rules, nakalimutan ko ang lahat at sa sandaling iyon siya na lang ang tanging nasa isip ko. Pero bago pa man mangyari ang anumang susunod na dapat mangyayari ay biglang bumukas ang p***o nang dahan-dahan at pumasok si Annie na may dalang tray na puno ng meryenda at inumin. “Ma’am, Sir… dala ko na po ang…” napahinto siya sa pagsasalita nang makita ang aming pwesto. Nanlaki ang kanyang mga mata at natigilan sa kinatatayuan niya, tila nakalimutan kung ano ang gagawin. “Ma’am, Sir… dala ko na po ang…” napahinto siya sa pagsasalita nang makita ang aming pwesto. Nanlaki ang kaniyang mga mata at natigilan sa kinatatayuan niya, tila nakalimutan kung ano ang gagawin. Mabilis kaming napalingon ni Ethan sa kaniya. Agad ding lumayo si Ethan habang nagkukunwaring nag-aayos ng kaniyang kwelyo. Ako naman ay naramdaman ko ang pag-init ng buong mukha ko hanggang sa mga tainga, kaya agad kong kinuha ang ballpen sa ibabaw ng desk nang walang pag-aalinlangan. “I agree with all your conditions and terms,” mabilis kong sabi habang nanginginig nang bahagya ang kamay ko sa paghawak ng ballpen. Isang iglap lang ay pinirmahan ko ang contract bago pa man magbago ang isip ko o muling lumapit si Ethan. Agad akong tumayo at inayos ang aking damit, sadyang umiiwas sa tingin niya. Bago tuluyang makalampas sa gilid ni Annie na nakatayo pa rin nang tulala, lumingon ako sandali at nagsalita nang mabilis habang pilit na tinatakpan ang hiya. “Dalhin mo na lang sa kwarto ko ang mga dala mo. Doon na lang ako kakain… maraming salamat!” Dali-dali akong lumabas ng opisina. Bago pa man makalayo ay nadinig ko ang halakhak na kumawala mula kay Ethan sa loob ng kuwarto, habang naiwan silang dalawa ni Annie roon.Isang taon at kalahating buwan lang ang mabilis na lumipas mula noong ibalita ko kay Ethan ang pagbubuntis ko. Kakapanganak ko lang kay Baby Asher na limang buwang gulang pa lang ngayon, habang si Aiden naman ay Grade 4 na at si Althea ay papasok na sa Daycare. Abala ako sa pagpapadede kay Baby Asher sa loob ng kwarto nang biglang pumasok si Ethan na kamot-kamot ang kaniyang batok. "Oh, love, nakapagbihis na ba si Althea?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. "She's crying downstairs. She doesn't want to go to school unless she brings her Barbie doll," frustrated na sagot ni Ethan habang napapailing. "Naku, ang batang 'yon talaga," natatawang sabi ko sabay ingat sa paglipat kay Baby Asher. "Kargahin mo muna si Asher, ako na ang kakausap doon.” "Careful, my little boy," malambing na sabi ni Ethan habang maingat na kinuha ang baby sa akin. Bumaba ako sa sala at nakitang nakaupo sa sahig si Althea habang nakanguso at umiiyak. "Ayaw ko po mag-school! I want Barbie with me po!" sig
Totoo nga talagang mabilis lumipas ang panahaon. Apat na taon na ang nakakalipas at mas lalo pang naging masaya at makulay ang buhay namin.Dahil iyon ay nadagdagan pa kami ng isa. Kung dati ay masaya at makulay ang mundo ay mas lalo pang naging makulay at masaya ang mundo namin.Si Aiden ay pitong taong gulang na ngayon at napakabait na bata. Habang ang aming tatlong taong gulang na si Althea naman ay ubod ng likot at walang tigil sa kadaldalan.Walong taong gulang na ngayon si Aiden na kasalukuyang nasa ikatlong baitang na. Habang ang tatlong gulang naman ay ang ang anak naming babae na si Althea, sobrang kulit at madaldal ang bunso namin.Kitang ko agad mula rito sa kusina kung gaano sila kalapit na magkapatid. Kahit madalas silang mag-asaran, alam kong mahal na mahal ni Aiden ang kaniyang bunsong kapatid."Kuya, 'yan! 'Yan akin!" bulol na sigaw ni Althea habang pilit na inaabot ang hawak na laruan ni Aiden sa sala."No, Althea. That's mine! I am playing with this robot first," tan
Isang buwan na ang nakakalipas simula nang magising si Aiden. Masasabi ko na payapa na sa wakas ang sitwasyon ng buong pamilya namin ngayon. Dahan-dahan naming binubuo muli ni Ethan ang aming relasyon. Lalo pa silang naging malapit at magkasundo ng kaniyang anak. Ngayong araw ay ipinagdiriwang namin ang kaarawan ni Papa. Nagtipon-tipon kaming lahat para sa isang simpleng salu-salo sa garden sa likod ng mansion. "Aiden, huwag masyadong mabilis tumakbo baka madapa ka," paalala ko habang pinapanood silang mag-ama na tumatakbo sa garden. "Opo, Mama! Hinahabol po ako ni Papa oh!" masayang sigaw ni Aiden habang tumatakbo sila ni Ethan sa damuhan. Inilapag ko ang malaking birthday cake sa mismong gitna ng lamesa. Lumapit naman agad si Mama na may dalang mga plato habang nakangiti nang malawak. "Salamat sa Diyos at kumpleto tayo ngayon," malambing na sabi ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko. "Ang sarap sa pakiramdam na makita kayong ganyan." "Oo nga, Ma. Matagal ko ring hinin
Habang nagpapagaling ang anak ko, mas lalo namang lumalamig at bumibigat ang pakitungo sa akin ni Ethan. Isang gabi ay habang mahimbing na natutulog si Aiden ay lumabas muna si Papa para samahan si Mama na maglakad-lakad. Hinarap ako ni Ethan. Nakatayo siya malapit sa bintana, pormal ang suot, at seryosong-seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin. "We need to talk, Atasha," malamig na panimula niya. Huminga ako nang malalim at lumapit nang bahagya. "Tungkol saan, Ethan? Kung tungkol ito sa bayad sa ospital, unti-unti kong babayaran sa'yo—" "I don't care about the money," putol niya sa sasabihin ko, mas lalong umigting ang kaniyang panga. "This is about my son. This is about Aiden." Napakunot ang noo ko, nakakaramdam ng kaunting kaba sa dibdib. "Ano ang tungkol sa kaniya?" "I want to formally acknowledge him," diretsong sagot ni Ethan habang nakatitig nang marubdob sa aking mga mata. "Gusto kong kilalanin si Aiden bilang legal kong anak. My lawyers will be here tomorrow
Hindi pa rin ako kinakausap nang maayos ni Ethan kapag kaming dalawa lang, pero hindi niya kami iniwan. Nanatili siya rito upang bantayan si Aiden at Mama. Isang umaga ay habang nag-aayos ako ng gamit ay narinig namin ang mahinang daing mula sa kabilang kama. "A-Aiden..." pabulong na tawag ng aking ina habang dahan-dahang idinilat ang kaniyang mga mata. "Mama! Salamat sa Diyos, gising ka na po!" umiiyak na lumapit ako at hinawakan ang kaniyang kamay. "Kamusta po ang pakiramdam mo? May masakit po ba sa'yo?" "Si Aiden... ang apo ko... nasaan si Aiden, Atasha?" tanong ni Mama habang sinusubukang igalaw ang kaniyang katawan. "Ligtas po si Aiden, Ma. Huwag po kayong mag-alala." sagot ko habang pinupunasan ang aking mga luha. Lumapit si Ethan sa gilid ng kama at pormal na tumango. "Magpahinga po kayo, Tita. I’ll make sure everything is taken care of. Huwag niyo na pong isipin ang gastos o anuman rito." "Salamat, Ethan... Maraming salamat sa'yo," mahinang sagot ni Mama bago mul
"H-his father...?" nauutal na ulit ni Ethan. "What do you mean, Atasha?" Hindi ko na siya nagawang sagutin pa kundi ang tumango nang mariin habang patuloy na humahagulgol sa tapat ng kaniyang mga paa.Nang makita ang aking pagtango, tila biglang nagising si Ethan sa isang panaginip at mabilis akong hinila patayo. "Damn it, Atasha! Let’s go! We need to go to the hospital right now!" sigaw niya habang binubuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan.Pagkarating na pagkarating namin sa ospital, mabilis kaming dinaluhan ng mga staff patungo sa Blood Bank. Dahil kritikal ang lagay ni Aiden sa loob ng Operating Room dahil sa internal bleeding sa tiyan at kulang ang supply ng kaniyang blood type sa ospital ay agad na sumailalim si Ethan sa mabilisang screening at cross-matching. Nang makitang perpektong tugma ang kaniyang dugo, mabilis siyang kinuhaan ng dugo para maiproseso at agad na maisalin sa aming anak.Habang hinihintay matapos ang operasyon







