Share

DEAL WITH THE BILLIONAIRE
DEAL WITH THE BILLIONAIRE
Author: Jenniexhan

CHAPTER 1

Author: Jenniexhan
last update publish date: 2026-07-11 16:05:34

Hindi ko na namalayan kung ilang oras akong nakasakay sa siksikan na jeep at sumakay pa ng tricycle papunta sa lugar na kailanman ay hindi ko pa napuntahan. Alam kong malaki ang problema na haharapin ko ngayon, pero wala na akong iba pang pagpipilian. Ang lupang iyon ang tanging buhay namin ang tanging pinagkukunan ng pagkain, gamot, at pangangailangan ng pamilya ko. Kapag nawala ito sa amin ay wala na kaming matatakbuhan pa. Kaya kahit nanginginig ang tuhod at kinakabahan ay ipinagpatuloy ko ang paghakbang papasok sa malaking gate ng mansyon na tila humaharang sa akin.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay may dalawang malalaking lalaki agad ang humarang sa daanan ko. Nakasuot sila ng maayos na uniporme at seryoso ang mga mukha, halatang handang itaboy ang sinumang hindi inaasahan na dadating.

“Teka lang po, Miss. Sino po kayo at anong sadya ninyo rito?” tanong ng isa sa kanila sa matigas ang boses.aa

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko, kahit na sa loob-loob ko ay parang sasabog na ako sa halo-halong takot, kaba, at galit. “I’m Atasha Gonzales. Kailangan kong makausap yung may-ari ng lupa, iyong bagong bumili ng sakahan na dating sa amin. Mahalaga po ang sasabihin ko, kaya naman pakiusap, papasukin niyo ako.”

Umiling agad ang kausap ko. “Pasensya na po, Miss. Walang paanyaya, walang pagpasok. Sabihin niyo na lang po kung ano ang gusto niyo at kami na ang bahalang magsabi.”

“Masyadong mahalaga ito para lang ipaabot ito sa inyo!” tumaas nang tuluyan ang boses ko, hindi na napigilan ang galit. “Ang lupang iyon ang kabuhayan namin! Kung kukunin iyon nang walang babala, mawawalan kami ng tirahan at pagkain. Kaya pakiusap, hayaan niyo na akong makausap siya nang personal!”

Lumapit pa nang kaunti ang isa pang guwardiya, nakakunot ang noo. “Pasensya na talaga, pero hindi pwede. Bumalik na lang po kayo kung pinapapapunta kayo. Sa ngayon ay umalis na lang po kayo bago pa kaming mapilitin na isama kayo palabas nang hindi maganda.”

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko, hindi lang dahil sa init ng araw kundi dahil sa bigat ng sitwasyon. Ilang linggo na kaming nababalisa. Noong nalaman namin na nabenta na pala ang lupang ginagamit namin nang mahigit dalawang henerasyon, parang gumuho ang mundo namin. Sinubukan naming makipag-ugnayan sa dating naghawak, pero sinabi nilang wala na silang kapangyarihan dahil naisalin na ang titulo sa bagong may-ari. Kaya ito na ang huling pagkakataon ko, ang huling pag-asa ko. Kung itataboy nila ako ngayon, wala na kaming matitirang pagkakataon pa.

“Hindi ako aalis hangga’t hindi ko nakakausap ang may-ari!” sigaw ko, at naramdaman kong nagsisimula nang mamuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. “Ang lupang iyon ay bahagi ng pagkatao ng pamilya ko! Kung may puso man ang may-ari dito, makikinig siya sa kwento namin!”

Dahil sa tindi ng aking paninindigan at sigaw, napatingin ang mga tauhan sa isa’t isa, tila nag-aalinlangan kung ano ang gagawin. Ilang sandali pa ay may isang babae na mukhang tagapamahala ang lumabas mula sa loob ng gate at lumapit sa amin. Tahimik niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa bago nagsalita nang mas mahinahon.

“Pumasok ka na. Sasamahan ko kayo sa opisina ni Sir, pero huwag kang maingay o gumawa ng gulo, naiintindihan mo ba?”

Nakangiting tumango agad ako, kahit na ang kaba sa dibdib ko ay lalong lumakas. “Salamat. Maraming salamat po.”

Habang tinatahak namin ang malawak na daan papasok sa loob ng mansion ay halos hindi ko maigalaw ang aking mga mata sa paligid. Napakalaki ng lugar na ito, maayos ang mga halaman, pulido ang mga sementadong daanan, at ang mismong bahay ay parang palasyo kumpara sa maliit na bahay na tinitirhan namin sa sakahan. Dito ko lalong naramdaman ang malaking agwat ng aming mga buhay. Ang taong bumili ng lupa namin ay mayaman, makapangyarihan, at siguradong hindi mararamdaman ang bigat ng kahirapang dinaranas namin. Pero kailangan kong ipaglaban ang karapatan namin kahit sa huling pagkakataon.

Pagdating sa p***o ng malaking kwarto sa ikalawang palapag ng mansion ay kumatok nang mahina ang kasama ko at binuksan ito pagkatapos marinig ang sagot mula sa loob. “Sir, may bisita po na nais makausap kayo.”

Nang umalis ang babae ay dahan-dahan akong pumasok at sinira ang p***o. Pagkaharap ko ay nagtagpo ang mga mata namin ng lalaking nakaupo sa harap ng kaniyang desk, natigilan ako. Parang saglit lang ay tumigil ang ikot ng mundo ko at tila bumigat ang dibdib ko sa nakita.

Hindi ito pwedeng mangyari. Imposible ito.

Nandoon siya, nakasuot ng maayos na puting polo na nakabukas ang unang dalawang butones, nakasandal nang komportable sa kaniyang swivel chair at may hawak na baso ng alak habang diretso ang tingin sa akin. Ang mukhang iyon, ang tindig, at ang kulay ng mga mata na minsan ay puno ng pagmamahal para sa akin noon ay siya pa rin. Walang ibang maaaring tao na maging siya kung hindi si Ethan Morris lang. Ang lalaking minahal ko nang buong-buo at ang lalaking iniwan ko limang taon na ang nakakaraan.

Sa pagtatagpo ng mga mata namin ay gulat ang unang nabasa ko sa mga nata niya ngunit mabilis itong napalitan ng galit at puot. Ibinaba niya ang baso at umayos ng upo. Tumitig ito sa akin na parang isang estranghero na hinding-hindi niya gugustuhing makita.

“Atasha…” seryoso niyang pagtawag sa pangalan ko. “What are you doing here? And how did you know where I was?”

Kinailangan ko pang kumapit sa gilid ng p***o para lang hindi ako matumba. Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak, pero pinigilan ko ang sarili ko. Dito ko naintindihan kung bakit bigla na lang nabenta ang lupa. Kung siya ang may-ari ngayon ay maliwanag na para sa akin kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.

“Kaya pala...” bulong ko. Ramdam ko ang panginginig ng sarili kong boses habang nakakapit sa gilid ng p***o. “Ikaw ang bumili ng lupa namin. Ikaw ang dahilan kung bakit ngayon ay malapit nang mawala ang kabuhayan ng pamilya ko. Bakit, Ethan? Bakit mo binili ang lupang iyon?”

Tinaasan niya ako ng kilay, walang bakas ng kahit anong emosyon ang mukha niya maliban sa parang wala siyang pakialam. “Simple lang ang sagot. It was offered to me, I had the money, so I bought it. That’s business, Atasha. Pure business.”

Isang mapaklang tawa ang kumawala sa aking mga labi dahil sa galit. “Pure business lang ba talaga ‘yan? O baka naman binili mo para maghiganti ka sakin? Para ipakita sa akin na ano? Na mas mataas ka na ngayon, na kontrolado mo na ang buhay ko matapos ang lahat ng nangyari noon? Alam kong galit ka pa rin sa akin, kaya ba ito iyong paraan mo para saktan ako pabalik, ‘di ba?”

Tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair at dahan-dahang lumapit sa akin. Sa bawat hakbang niya ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Sobrang pamilyar ng amoy niya at sa halip na kumalma ay lalo lang akong kinabahan. Tumigil siya nang ilang hakbang na lang ang layo sa akin at diretsong tumingin sa aking mga mata na parang minamaliit ako sa titig na iyon.

“Revenge? Why would I waste my time and money just to get back at someone who cheated on me years ago?” mapang-asar niyang binalik ang tanong sa akin. “Sa tingin mo ba ay ganoon ka pa rin kahalaga sa akin para paglaanan ko ng ganitong kalaking atensyon? Huwag mong masyadong bilhin ang sarili mo, Atasha. Kung nandito ka lang para makipagtalo at magbintang, better leave now. Wala kang mapapala sa pagpunta mo rito.”

Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, gusto kong sabihin sa kaniya ang buong katotohanan, pero alam kong hindi ito ang tamang oras dahil siguradong hindi naman siya maniniwala sa akin. Kung magagalit siya lalo, baka lalo lang niyang ipagkait sa amin ang lupang kailangan namin. Pumasok agad sa isipan ko ang anak ko, ang munting mukha niya na umaasa sa akin. Kaya kahit nakakababa ng dignidad at kahit masakit sa puso ko ay ibinaba ko ang aking tingin at unti-unting yumuko.

Hindi ko alintana ang luha na tuluyang pumatak mula sa aking mga mata. “Tama ka… wala akong karapatang magbintang nang ganoon. Pero pakiusap, Ethan… hinihiling ko sa’yo. Huwag mo namang kunin sa amin ang lupang iyon. Iyon lang ang tanging pag-asa namin. Kung aalisin mo iyon, wala na kaming matitirang mapagkukunan ng kabuhayan. Magmakaawa ako sa’yo—gagawin ko ang kahit ano, basta huwag lang mawala ang lupa sa amin.”

Bumalot ang matinding katahimikan sa loob ng opisina niya at tanging ang mahina kong paghikbi lang ang naririnig. Nang lakasan ko ang loob kong itaas ang aking tingin ay nakita kong pinagmamasdan niya ako na para bang pinag-aaralan niya kung hanggang saan ang kaya kong gawin. May mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi na tila ba nag-e-enjoy siyang makita akong nagmamakaawa sa harap niya.

“Anything?” ulit niya habang nakatitig nang diretso sa akin. “Are you sure you can do everything just to keep that land? Kahit ano? Walang kang reklamo kahit ano pang ipagawa ko sa’yo?”

Tumango ako nang mariin at pinunasan ang luha gamit ang likod ng aking palad. “Y-yes. Kahit anong hilingin mo ay gagawin ko. Basta ba ay hindi iyon lalabag sa pagkatao ko. Wala na akong iba pang hihilingin sa iyo.”

Ilang segundo muna siyang natahimik bago muling nagsalita. Naroon pa rin ang mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi, ang ngiting alam kong ibig sabihin ay hawak niya ako at iyon ang gumuhit ng matinding kaba sa buong pagkatao ko. Lumapit pa siya nang kaunti hanggang sa halos magka-dikit na lang kami, sapat na para mas lalo akong mabalisa sa lapit niya.

“Very well then. I agree with your request. You can keep using the land… but on one condition.”

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya, kahit alam ko namang may mabigat na kapalit ang lahat ng iyon. “Ano ang kondisyon mo? Sabihin mo lang at gagawin ko.”

Tumingin siya nang diretso sa aking mga mata, walang pag-aalinlangan at diretsong sinabi ang mga salitang tumigil sa pag-ikot ng mundo ko sa sandaling iyon.

“The condition… is you, Atasha. You will be the one to stay here, with me.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   SPECIAL CHAPTER

    Isang taon at kalahating buwan lang ang mabilis na lumipas mula noong ibalita ko kay Ethan ang pagbubuntis ko. Kakapanganak ko lang kay Baby Asher na limang buwang gulang pa lang ngayon, habang si Aiden naman ay Grade 4 na at si Althea ay papasok na sa Daycare. Abala ako sa pagpapadede kay Baby Asher sa loob ng kwarto nang biglang pumasok si Ethan na kamot-kamot ang kaniyang batok. "Oh, love, nakapagbihis na ba si Althea?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. "She's crying downstairs. She doesn't want to go to school unless she brings her Barbie doll," frustrated na sagot ni Ethan habang napapailing. "Naku, ang batang 'yon talaga," natatawang sabi ko sabay ingat sa paglipat kay Baby Asher. "Kargahin mo muna si Asher, ako na ang kakausap doon.” "Careful, my little boy," malambing na sabi ni Ethan habang maingat na kinuha ang baby sa akin. Bumaba ako sa sala at nakitang nakaupo sa sahig si Althea habang nakanguso at umiiyak. "Ayaw ko po mag-school! I want Barbie with me po!" sig

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   LAST CHAPTER

    Totoo nga talagang mabilis lumipas ang panahaon. Apat na taon na ang nakakalipas at mas lalo pang naging masaya at makulay ang buhay namin.Dahil iyon ay nadagdagan pa kami ng isa. Kung dati ay masaya at makulay ang mundo ay mas lalo pang naging makulay at masaya ang mundo namin.Si Aiden ay pitong taong gulang na ngayon at napakabait na bata. Habang ang aming tatlong taong gulang na si Althea naman ay ubod ng likot at walang tigil sa kadaldalan.Walong taong gulang na ngayon si Aiden na kasalukuyang nasa ikatlong baitang na. Habang ang tatlong gulang naman ay ang ang anak naming babae na si Althea, sobrang kulit at madaldal ang bunso namin.Kitang ko agad mula rito sa kusina kung gaano sila kalapit na magkapatid. Kahit madalas silang mag-asaran, alam kong mahal na mahal ni Aiden ang kaniyang bunsong kapatid."Kuya, 'yan! 'Yan akin!" bulol na sigaw ni Althea habang pilit na inaabot ang hawak na laruan ni Aiden sa sala."No, Althea. That's mine! I am playing with this robot first," tan

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 40

    Isang buwan na ang nakakalipas simula nang magising si Aiden. Masasabi ko na payapa na sa wakas ang sitwasyon ng buong pamilya namin ngayon. Dahan-dahan naming binubuo muli ni Ethan ang aming relasyon. Lalo pa silang naging malapit at magkasundo ng kaniyang anak. Ngayong araw ay ipinagdiriwang namin ang kaarawan ni Papa. Nagtipon-tipon kaming lahat para sa isang simpleng salu-salo sa garden sa likod ng mansion. "Aiden, huwag masyadong mabilis tumakbo baka madapa ka," paalala ko habang pinapanood silang mag-ama na tumatakbo sa garden. "Opo, Mama! Hinahabol po ako ni Papa oh!" masayang sigaw ni Aiden habang tumatakbo sila ni Ethan sa damuhan. Inilapag ko ang malaking birthday cake sa mismong gitna ng lamesa. Lumapit naman agad si Mama na may dalang mga plato habang nakangiti nang malawak. "Salamat sa Diyos at kumpleto tayo ngayon," malambing na sabi ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko. "Ang sarap sa pakiramdam na makita kayong ganyan." "Oo nga, Ma. Matagal ko ring hinin

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 39

    Habang nagpapagaling ang anak ko, mas lalo namang lumalamig at bumibigat ang pakitungo sa akin ni Ethan. Isang gabi ay habang mahimbing na natutulog si Aiden ay lumabas muna si Papa para samahan si Mama na maglakad-lakad. Hinarap ako ni Ethan. Nakatayo siya malapit sa bintana, pormal ang suot, at seryosong-seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin. "We need to talk, Atasha," malamig na panimula niya. Huminga ako nang malalim at lumapit nang bahagya. "Tungkol saan, Ethan? Kung tungkol ito sa bayad sa ospital, unti-unti kong babayaran sa'yo—" "I don't care about the money," putol niya sa sasabihin ko, mas lalong umigting ang kaniyang panga. "This is about my son. This is about Aiden." Napakunot ang noo ko, nakakaramdam ng kaunting kaba sa dibdib. "Ano ang tungkol sa kaniya?" "I want to formally acknowledge him," diretsong sagot ni Ethan habang nakatitig nang marubdob sa aking mga mata. "Gusto kong kilalanin si Aiden bilang legal kong anak. My lawyers will be here tomorrow

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 38

    Hindi pa rin ako kinakausap nang maayos ni Ethan kapag kaming dalawa lang, pero hindi niya kami iniwan. Nanatili siya rito upang bantayan si Aiden at Mama. Isang umaga ay habang nag-aayos ako ng gamit ay narinig namin ang mahinang daing mula sa kabilang kama. "A-Aiden..." pabulong na tawag ng aking ina habang dahan-dahang idinilat ang kaniyang mga mata. "Mama! Salamat sa Diyos, gising ka na po!" umiiyak na lumapit ako at hinawakan ang kaniyang kamay. "Kamusta po ang pakiramdam mo? May masakit po ba sa'yo?" "Si Aiden... ang apo ko... nasaan si Aiden, Atasha?" tanong ni Mama habang sinusubukang igalaw ang kaniyang katawan. "Ligtas po si Aiden, Ma. Huwag po kayong mag-alala." sagot ko habang pinupunasan ang aking mga luha. Lumapit si Ethan sa gilid ng kama at pormal na tumango. "Magpahinga po kayo, Tita. I’ll make sure everything is taken care of. Huwag niyo na pong isipin ang gastos o anuman rito." "Salamat, Ethan... Maraming salamat sa'yo," mahinang sagot ni Mama bago mul

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 37

    "H-his father...?" nauutal na ulit ni Ethan. "What do you mean, Atasha?" Hindi ko na siya nagawang sagutin pa kundi ang tumango nang mariin habang patuloy na humahagulgol sa tapat ng kaniyang mga paa.Nang makita ang aking pagtango, tila biglang nagising si Ethan sa isang panaginip at mabilis akong hinila patayo. "Damn it, Atasha! Let’s go! We need to go to the hospital right now!" sigaw niya habang binubuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan.Pagkarating na pagkarating namin sa ospital, mabilis kaming dinaluhan ng mga staff patungo sa Blood Bank. Dahil kritikal ang lagay ni Aiden sa loob ng Operating Room dahil sa internal bleeding sa tiyan at kulang ang supply ng kaniyang blood type sa ospital ay agad na sumailalim si Ethan sa mabilisang screening at cross-matching. Nang makitang perpektong tugma ang kaniyang dugo, mabilis siyang kinuhaan ng dugo para maiproseso at agad na maisalin sa aming anak.Habang hinihintay matapos ang operasyon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status