LOGINLumipas ang isang buong linggo mula noong pumirma ako sa kontrata. Pitong araw na pananatili sa loob ng mansyon, pitong araw na pagsunod sa mga utos ni Ethan at pitong gabing pagnanais na makauwi na lang ulit. Ngayong Sabado, sa wakas ay pwede na akong umuwi gaya ng pangako ko kay Aiden na dadalhin ko siya sa amusement park na matagal na niyang hinihiling.
Habang papalapit ako sa aming bahay, hindi ko mapigilang mapangiti sa isiping makikita ko na agad ang anak ko. Pero nang buksan ko ang p***o at pumasok, tila tumigil ang ikot ng mundo ko. Ang bagay na inaasahan kong hindi mangyari, iyon pa ang sumalubong sa paningin ko. Nakaupo si Ethan sa aming wooden sofa at sa kanyang kandungan ay nakaupo at masayang-masaya si Aiden. Naririnig ko pa ang mahinang tawa ng dalawa habang may hawak na laruan ang bata na tila ibinigay pa ng lalaking iyon. Agad na napalingon sa akin si Ethan. Ang kislap ng saya sa kaniyang mga mata habang kausap ang bata ay dahan-dahang napalitan ng seryosong titig, pero nanatili siyang nakaupo. Sa kabilang banda, nang makita naman ako ni Aiden ay bakas ang labis na tuwa sa kaniyang mukha. Mabilis siyang bumaba mula sa kandungan ni Ethan at tumakbo palapit sa akin para yakapin nang mahigpit ang aking mga binti. “Mama! Mama!” masayang sigaw niya habang namumula ang mga pisngi sa excitement. “Namiss po kita nang sobra! Ang tagal mo po nawala, akala ko hindi ka na uuwi! Kanina pa po ako naghihintay sa labas, sabi nina Lolo darating ka na raw!” Lumuhod ako para yakapin siya nang mahigpit at hinalikan ko ang kaniyang noo. Pero pag-angat ng tingin ko ay muli kong nasalubong ang malalim na titig ni Ethan na nanatili lang na nakaupo. Bahagya kong binitawan si Aiden nang muli itong magsalita na parang nagniningning ang mga mata sa saya. “Mama… sabi po ni Papa Ethan, pupunta raw po tayo sa malaking amusement park ngayon! Totoo po ba ang sinabi niya? Pwede na ba tayong umalis?” Ngumiti ako sa bata kahit ang loob ko ay puno ng pagtataka at inis. “Oo naman, anak. Bakit hindi ka muna mag-ayos ng sarili mo at magsuot ng magandang damit? Bilisan mo ha, baka maabutan tayo ng ulan.” Tumango siya nang mabilis at tumakbo papasok sa kanyang kwarto habang sumisigaw sa tuwa. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ay agad akong humarap kay Ethan. Tumayo siya nang dahan-dahan, nakasuot ng plain polo shirt na tila handa na rin sa paglabas. Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa amin bago ako mabilis na lumapit sa kaniya. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo rito? Sino ang nagsabing pwede kang pumunta dito nang walang paalam? Hindi mo ba alam kung paano magtanong?” Nanatiling kalmado si Ethan kahit halatang ramdam niya ang galit sa boses ko. “Atasha, you must have forgotten something. Who gave me permission to come here? I don’t need your permission, because I own this land and everything around it.” Isang mapang-asar na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi nang sabihin niya iyon. "Wala akong pak-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang p***o ng kwarto at lumabas si Aiden na nakasuot na ng kanyang paboritong damit at hawak hawak pa ang kanyang maliit na sombrero. “Papa Ethan! Tapos na po ako! Pwede na ba tayong umalis?” sigaw niya sabay takbo ulit palapit sa lalaki. Walang pag-aalinlangang binuhat siya ni Ethan nang mataas dahilan upang tumawa nang malakas ang bata. “Of course, baby. Well… if your mother permits us, that is.” Sabay nilang ibinaling ang tingin sa akin. Nakanguso si Aiden habang nakatingin nang may pagmamakaawa sa kanyang mga bilugang mata. “Mama, please po? Payag ka na po, ha? Gusto ko na pong mag-ride sa sasakyan at kabayo, eh!” Wala na akong ibang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga at pilit na ngumiti. “Sige na, sige na. Tara na.” Sa loob ng sasakyan ay tahimik lang ako habang ang dalawa ay magkausap. Pagdating namin sa amusement park ay lila lalong sumigla si Aiden. Halos lahat ng makikita niyang rides ay gusto niyang sakyan. Habang naglalakad kami ay nakamasid lang ako sa kanila, kitang-kita ko kung paano hawakan ni Ethan ang kamay ng bata, kung paano niya ito alalayan, at kung paano sila magtatawanan nang sabay. Una nilang sinakyan ang Carousel kung saan ay masayang kumakaway si Aiden habang umiikot. Sumunod naman ay ang Bumper Cars kung saan nagtutulakan pa sila nang mahina habang tumatawa nang malakas. Sinubukan din nila ang Mini Viking Ship, Kiddie Ferris Wheel, at ang Frosty Train na umiikot sa buong park. Pumasok pa sila sa malawak na Kids Playland kung saan maraming slide at malalambot na bola. Kitang-kita ko sa mukha ni Aiden ang labis na kasiyahan, isang bagay na bihira kong makita nang ganito noong kami lang dalawa. Nang mapagod na sila sa paglalaro ay dumiretso kami sa isang restaurant para kumain. Masayang ikinuwento ni Aiden ang lahat ng kaniyang naranasan habang kumakain. Pagkatapos ng tanghalian ay lumipat naman kami sa sikat na ice cream parlor kung saan bumili si Ethan ng malalaking baso ng ice cream na punong-puno ng toppings. “Happy ka ba, anak?” tanong ko habang pinupunasan ang gilid ng labi niyang nabahiran ng tsokolate. Tumango siya nang mabilis habang sumusubo. “Opo, Mama! Sobrang saya! Marami po kaming sinakyan, lalo na 'yung umiikot nang mabilis! Pwede pa po ba akong maglaro ulit bago tayo umuwi?” “Oo naman, basta huwag ka lang masyadong magpagod—” Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay biglang lumingon si Aiden kay Ethan na nakaupo sa kabilang tabi niya. Tumingala siya nang may matamis na ngiti at naglambing sa kaniya. “Papa Ethan… pwede po ba kayo na lang ang maging tunay kong Papa? Gusto ko po makasama ko kayo palagi!” Natigilan ako sa kinauupuan ko. Halos mabitawan ko ang hawak kong kutsara sa tindi ng gulat. Mabilis akong tumingin kay Ethan upang makita ang kaniyang reaksyon. Sa halip na magulat o tumanggi, ngumiti lang siya nang malawak at marahang kinurot ang matambok na pisngi ng bata. “Of course, baby. If that’s what you want, then I’ll be your Papa.” “Yehey! Salamat po, Papa!” masayang sigaw ni Aiden sabay yakap sa braso ni Ethan. Sa sandaling iyon, nagkatitigan kaming dalawa ni Ethan. May kakaibang kislap sa kaniyang mga mata, isang bagay na hindi ko maintindihan kung nagbibiro lang ba o may ibang ibig sabihin. Mabilis ko namang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon at pilit na pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko. Marami pa kaming sinakyan at pinuntahan. Hanggang sa lumubog ang araw at sumindi ang mga ilaw sa buong park ay nanatili kaming tatlo. Nang huli na ang gabi at pagod na talaga si Aiden ay nagpasya na kaming umuwi ngunit hindi sa aming bahay, kundi sa mansyon ni Ethan. “You’re staying here tonight,” seryoso niyang sabi noong iminungkahi ko na iuwi na lang namin ang bata sa bahay namin. “He’s already exhausted. I don’t want him being disturbed on a long drive back to your place. Just let him rest comfortably here.” Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag. Pagdating sa mansyon, dinala namin si Aiden sa mismong kwarto ko. Marahang inihiga ni Ethan ang bata sa malambot na kama, habang ako naman ay tinatakpan ito ng kumot. Pagkatapos asikasuhin ang anak ay tiningnan ko siya habang nag-aalangan. “S-salamat nga pala sa araw na ito. At saka… pasensya ka na ulit sa sinabi ni Aiden sa ice cream parlor. Huwag mo na lang sanang seryosohin 'yon. Alam mo naman ang mga bata kung ano-ano lang ang nasasabi. Kakausapin ko na lang siya bukas para hindi na niya ulitin.” Agad na umiling si Ethan sa malamig na boses. “No need to do that, Atasha.” Kumunot ang noo ko. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “I mean, you don’t have to correct him. Can’t you see how happy the kid is when he calls me his father? He’s been smiling and laughing more today than I’ve ever seen him in just a few hours. Why take that away from him?” Natameme ako sandali. Hindi ko agad makasagot. Tama naman siya, nakita ko rin ang tuwa sa mukha ni Aiden, pero paano ko ipapaliwanag ang katotohanan sa hinaharap? Tumalikod ako sa kaniya para itago ang gulo ng isip ko na siguradong bakas sa aking mukha. “G-ganoon ba? Good night, Ethan.” Bago ko pa man balikan ulit si Aiden ay tinawag niya ang pangalan ko. “Atasha.” Mabilis akong lumingon sa kaniya, ngunit sa halip na salita ay ang kaniyang mga labi ang marahang dumampi sa akin. Nanigas ako sa gulat at hindi agad nakagalaw. Nanlaki ang aking mga mata, ngunit ilang sandali ang lumipas ay dahan-dahan ko ring ipinikit ang mga ito at nagsimula akong tumugon sa kaniyang halik. Kusang kumapit ang aking mga kamay sa kaniyang mga balikat, habang ang kaniyang mga braso naman ay marahang pumulupot sa aking bewang at hinila ako palapit sa kaniya. Parang tumigil ang oras sa paligid namin. Nakalimutan ko ang gulo ng isip ko kanina at maging ang lugar kung nasaan kami, tanging ang kaniyang labi lang ang nararamdaman ko. Ngunit bago pa man tuluyang lumalim ang sandaling iyon ay agad kaming natigilan nang marinig ang mahina at inaantok na boses ni Aiden mula sa kama. “Mama… Papa… bakit po kayo nagki-kiss?”Isang taon at kalahating buwan lang ang mabilis na lumipas mula noong ibalita ko kay Ethan ang pagbubuntis ko. Kakapanganak ko lang kay Baby Asher na limang buwang gulang pa lang ngayon, habang si Aiden naman ay Grade 4 na at si Althea ay papasok na sa Daycare. Abala ako sa pagpapadede kay Baby Asher sa loob ng kwarto nang biglang pumasok si Ethan na kamot-kamot ang kaniyang batok. "Oh, love, nakapagbihis na ba si Althea?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. "She's crying downstairs. She doesn't want to go to school unless she brings her Barbie doll," frustrated na sagot ni Ethan habang napapailing. "Naku, ang batang 'yon talaga," natatawang sabi ko sabay ingat sa paglipat kay Baby Asher. "Kargahin mo muna si Asher, ako na ang kakausap doon.” "Careful, my little boy," malambing na sabi ni Ethan habang maingat na kinuha ang baby sa akin. Bumaba ako sa sala at nakitang nakaupo sa sahig si Althea habang nakanguso at umiiyak. "Ayaw ko po mag-school! I want Barbie with me po!" sig
Totoo nga talagang mabilis lumipas ang panahaon. Apat na taon na ang nakakalipas at mas lalo pang naging masaya at makulay ang buhay namin.Dahil iyon ay nadagdagan pa kami ng isa. Kung dati ay masaya at makulay ang mundo ay mas lalo pang naging makulay at masaya ang mundo namin.Si Aiden ay pitong taong gulang na ngayon at napakabait na bata. Habang ang aming tatlong taong gulang na si Althea naman ay ubod ng likot at walang tigil sa kadaldalan.Walong taong gulang na ngayon si Aiden na kasalukuyang nasa ikatlong baitang na. Habang ang tatlong gulang naman ay ang ang anak naming babae na si Althea, sobrang kulit at madaldal ang bunso namin.Kitang ko agad mula rito sa kusina kung gaano sila kalapit na magkapatid. Kahit madalas silang mag-asaran, alam kong mahal na mahal ni Aiden ang kaniyang bunsong kapatid."Kuya, 'yan! 'Yan akin!" bulol na sigaw ni Althea habang pilit na inaabot ang hawak na laruan ni Aiden sa sala."No, Althea. That's mine! I am playing with this robot first," tan
Isang buwan na ang nakakalipas simula nang magising si Aiden. Masasabi ko na payapa na sa wakas ang sitwasyon ng buong pamilya namin ngayon. Dahan-dahan naming binubuo muli ni Ethan ang aming relasyon. Lalo pa silang naging malapit at magkasundo ng kaniyang anak. Ngayong araw ay ipinagdiriwang namin ang kaarawan ni Papa. Nagtipon-tipon kaming lahat para sa isang simpleng salu-salo sa garden sa likod ng mansion. "Aiden, huwag masyadong mabilis tumakbo baka madapa ka," paalala ko habang pinapanood silang mag-ama na tumatakbo sa garden. "Opo, Mama! Hinahabol po ako ni Papa oh!" masayang sigaw ni Aiden habang tumatakbo sila ni Ethan sa damuhan. Inilapag ko ang malaking birthday cake sa mismong gitna ng lamesa. Lumapit naman agad si Mama na may dalang mga plato habang nakangiti nang malawak. "Salamat sa Diyos at kumpleto tayo ngayon," malambing na sabi ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko. "Ang sarap sa pakiramdam na makita kayong ganyan." "Oo nga, Ma. Matagal ko ring hinin
Habang nagpapagaling ang anak ko, mas lalo namang lumalamig at bumibigat ang pakitungo sa akin ni Ethan. Isang gabi ay habang mahimbing na natutulog si Aiden ay lumabas muna si Papa para samahan si Mama na maglakad-lakad. Hinarap ako ni Ethan. Nakatayo siya malapit sa bintana, pormal ang suot, at seryosong-seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin. "We need to talk, Atasha," malamig na panimula niya. Huminga ako nang malalim at lumapit nang bahagya. "Tungkol saan, Ethan? Kung tungkol ito sa bayad sa ospital, unti-unti kong babayaran sa'yo—" "I don't care about the money," putol niya sa sasabihin ko, mas lalong umigting ang kaniyang panga. "This is about my son. This is about Aiden." Napakunot ang noo ko, nakakaramdam ng kaunting kaba sa dibdib. "Ano ang tungkol sa kaniya?" "I want to formally acknowledge him," diretsong sagot ni Ethan habang nakatitig nang marubdob sa aking mga mata. "Gusto kong kilalanin si Aiden bilang legal kong anak. My lawyers will be here tomorrow
Hindi pa rin ako kinakausap nang maayos ni Ethan kapag kaming dalawa lang, pero hindi niya kami iniwan. Nanatili siya rito upang bantayan si Aiden at Mama. Isang umaga ay habang nag-aayos ako ng gamit ay narinig namin ang mahinang daing mula sa kabilang kama. "A-Aiden..." pabulong na tawag ng aking ina habang dahan-dahang idinilat ang kaniyang mga mata. "Mama! Salamat sa Diyos, gising ka na po!" umiiyak na lumapit ako at hinawakan ang kaniyang kamay. "Kamusta po ang pakiramdam mo? May masakit po ba sa'yo?" "Si Aiden... ang apo ko... nasaan si Aiden, Atasha?" tanong ni Mama habang sinusubukang igalaw ang kaniyang katawan. "Ligtas po si Aiden, Ma. Huwag po kayong mag-alala." sagot ko habang pinupunasan ang aking mga luha. Lumapit si Ethan sa gilid ng kama at pormal na tumango. "Magpahinga po kayo, Tita. I’ll make sure everything is taken care of. Huwag niyo na pong isipin ang gastos o anuman rito." "Salamat, Ethan... Maraming salamat sa'yo," mahinang sagot ni Mama bago mul
"H-his father...?" nauutal na ulit ni Ethan. "What do you mean, Atasha?" Hindi ko na siya nagawang sagutin pa kundi ang tumango nang mariin habang patuloy na humahagulgol sa tapat ng kaniyang mga paa.Nang makita ang aking pagtango, tila biglang nagising si Ethan sa isang panaginip at mabilis akong hinila patayo. "Damn it, Atasha! Let’s go! We need to go to the hospital right now!" sigaw niya habang binubuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan.Pagkarating na pagkarating namin sa ospital, mabilis kaming dinaluhan ng mga staff patungo sa Blood Bank. Dahil kritikal ang lagay ni Aiden sa loob ng Operating Room dahil sa internal bleeding sa tiyan at kulang ang supply ng kaniyang blood type sa ospital ay agad na sumailalim si Ethan sa mabilisang screening at cross-matching. Nang makitang perpektong tugma ang kaniyang dugo, mabilis siyang kinuhaan ng dugo para maiproseso at agad na maisalin sa aming anak.Habang hinihintay matapos ang operasyon







