Beranda / Romance / DESTINED TO BE HIS BRIDE / CHAPTER 2 – Heartless Agreement

Share

CHAPTER 2 – Heartless Agreement

Penulis: Kxjnha Inks
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-25 16:51:19

Tahimik ang paligid nang umagang sumunod sa gabing iyon.

Subalit sa loob ng mansyon ng Villarreal, tila may bagyong paparating.

Mula sa bintana ng kanyang silid, pinagmamasdan ni Ayesha ang pag-ikot ng mga hardinero,

ang mga katulong na nagmamadaling nag-aayos ng mga bulaklak, at ang ilang tauhan ng pamilya Santos na pabalik-balik sa harapan ng bahay.

Ang bawat galaw nila ay may dahilan.

Ang bawat bulaklak ay may layunin.

At ang bawat ngiti ay may tinatago.

Mamayang gabi, opisyal nang ipapahayag ang kasunduan ng Villarreal at Santos — isang kasunduan na,

ayon sa mga matatanda, ay magbubuklod ng dalawang makapangyarihang pamilya.

Ngunit para kay Ayesha,

iyon ay tanikala.

Hawak niya ang lumang polaroid sa kamay — ang larawan nila ni Rohan, noong bata pa sila.

Kanina pa niya iyon pinagmamasdan, pilit iniintindi kung paano posibleng mamatay ang batang nasa litrato,

kung buhay naman ang lalaking kaharap niya kagabi.

Ang mga salitang narinig niya mula sa usapan ng kanyang mga magulang ay patuloy na bumabalik sa isip niya.

"Ang pagkamatay ng batang Rohan..."

Ngunit paano? Sino ‘yung taong nagpakilala bilang Rohan Santos?

Pasado alas-diyes nang bumaba siya sa hapag.

Doña Salvacion ay nakaupo na roon, inaasikaso ang mga papeles.

Sa tabi nito ay isang makintab na sobre, may selyo ng pamilya Santos.

“Anak, mabuti at gising ka na,” bati ng ina, walang lingon, patuloy sa pagsusuri ng dokumento.

“Ito na ang kontrata. Pirmahan mo bago magtanghali.”

Hindi agad kumilos si Ayesha.

“Kontrata?”

Tumango ang ina.

“Kasunduan ng Villarreal at Santos. Business merger, engagement contract, lahat na. Legal na ito. Mula sa araw na ‘to, ikaw na ang magiging fiancée ni Rohan Santos.”

“Ma…” mahinang sambit niya, “wala man lang akong pagkakataong pumili?”

Sa unang pagkakataon, tumigil sa pagsusulat ang ina.

Dahan-dahan nitong tinaas ang tingin, malamig at matalim.

“Ang pagpili, Ayesha, ay pribilehiyo ng mga may sariling pangalan. Hindi mo ito karapatan hangga’t dala mo ang Villarreal sa apelyido mo.”

Naramdaman ni Ayesha ang bigat ng bawat salita. Parang baga na pinipilit niyang lunukin.

Tahimik siyang umalis sa mesa, hindi na kumain, at tumungo sa lumang silid-aklatan ng kanilang bahay — ang tanging lugar na tahimik at walang utos.

Doon, sa gitna ng mga alikabok at lumang libro, naglakad siya paikot, tila may hinahanap.

Sa isang sulok, may nakita siyang lumang lalagyan ng dokumento, may tatak na “Santos Holdings, 2003.”

Dahan-dahan niyang binuksan.

Ang unang pahina — isang lumang artikulo mula sa dyaryo.

“Tragic Fire Kills Businessman and Son.”

Sa ilalim ng headline, nakalagay ang pangalan:

Federico Santos and his son, Rohan.

Nanginig ang kamay ni Ayesha.

Kung totoo ito… sino ang lalaking nakilala niya kagabi?

Lumipas ang tanghali.

Sa kabilang panig ng lungsod, sa isang opisina ng Santos Group of Companies, nakaupo si Rohan sa harap ng malaking bintana.

Suot niya ang itim na suit, ngunit sa ilalim ng maayos na anyo ay may mga matang pagod at pusong puno ng bigat.

Sa kanyang kamay, hawak din niya ang parehong polaroid.

“Rohan,” wika ng sekretarya niya,

“nakahanda na po ang sasakyan. Mamayang gabi po ang engagement announcement.”

Tahimik lang siya.

Walang sagot.

Sa halip, ibinaba niya ang litrato sa mesa at tumingin sa labas ng bintana.

“Hindi niya pa rin alam,” mahinang bulong niya.

“At ayokong malaman niya… hindi pa ngayon.”

Sa salamin ng bintana, nakita niya ang sarili — isang lalaking halos hindi na niya makilala. Matagal na niyang nilibing ang pangalang Rohan Santos.

Ngayon, isa siyang taong may bagong mukha, bagong buhay, at bagong dahilan.

Pero may isang bagay na hindi nagbago:

ang panata niyang babalikan si Ayesha.

Pagsapit ng gabi, nagliwanag ang mansyon ng Villarreal.

May mga ilaw, mga bulaklak, mga mamahaling alak, at mga taong nagbubulungan ng tungkol sa “pinakamalaking business alliance ng taon.”

Sa gitna ng lahat, nakatayo si Ayesha, suot ang mapusyaw na asul na gown.

Para siyang prinsesa sa paningin ng mga bisita, ngunit sa loob-loob niya, siya ay bihag.

Nang marinig niya ang pagdating ni Rohan, kusa siyang napalingon.

Ang bawat hakbang nito papasok sa bulwagan ay tila pumapalo sa dibdib niya.

Ngunit nang magtagpo ang kanilang mga mata, may kakaibang lamig sa titig nito — parang may gustong sabihin, pero pinipigilan ng takot.

Lumapit si Don Federico, dala ang mikropono.

“Mga ginoo’t ginang,” anunsiyo nito, “ngayong gabi, opisyal naming ipapahayag ang pagsasanib ng Villarreal Group at Santos Holdings. At upang ipakita ang pagkakaisang ito, narito ang dalawang pusong itinadhana ng panahon — si Rohan at si Ayesha.”

Nagpalakpakan ang mga tao.

Ngunit sa gitna ng sigawan at ngiti, nakaramdam si Ayesha ng kakaibang panginginig.

Tila may malamig na hangin na dumaan sa pagitan nila ni Rohan, at sa kabila ng mga ilaw, napansin niya ang anino sa likuran ng binata — isang lalaking hindi niya kilala, nakatayo, nakamasid.

Lumapit si Rohan sa kanya, iniabot ang kamay.

Ngunit bago pa man niya ito tanggapin, narinig niya ang pabulong nitong tinig.

“Ayesha… kung may mangyaring kakaiba ngayong gabi, huwag kang matakot. Magtiwala ka sa akin.”

Napakunot ang noo niya. “Anong ibig mong sabihin—”

Ngunit bago niya matapos ang tanong, biglang nagdilim ang ilang ilaw sa bulwagan.

Nagkagulo ang mga tao; may sumigaw, may mga basong nabasag, at sa gitna ng kaguluhan, nakita ni Ayesha na may mga lalaking nakaitim na pumasok sa paligid.

“Security breach!” sigaw ng isang guwardiya.

Hinila siya ni Rohan, mabilis, papunta sa likod ng bulwagan.

Sa likod ng ingay at takot, naririnig niya ang tibok ng puso niya — mabilis, magulo, at puno ng tanong.

“Rohan, anong nangyayari?!” sigaw niya.

“Hindi ko maipaliwanag ngayon,” sagot ni Rohan, habol-hininga.

“Pero kailangan kitang mailigtas.”

“Mailigtas? Mula kanino?”

Tumigil si Rohan, tinitigan siya, seryoso ang mga mata.

“Sa mga taong akala mo’y kakampi ng pamilya mo.”

Sa sandaling iyon, narinig nila ang sigaw mula sa labas — ang boses ni Doña Salvacion.

“Ayesha! Ayesha, bumalik ka rito!”

Ngunit bago siya makagalaw, biglang may pumutok.

Isang putok ng baril.

Sumigaw ang mga tao.

Tumakbo si Rohan, itinulak siya pababa upang iligtas.

At nang dumampi sa sahig ang dugo, nakita ni Ayesha ang piraso ng papel na nahulog mula sa bulsa ni Rohan — isang lumang dokumento, may pangalan na nakasulat sa ibaba:

“Project Rebirth – Villarreal Confidential”

Bago pa niya ito mapulot, hinawakan siya ni Rohan at hinila palabas ng pintuan.

“Ayesha, ngayon mo lang ako kailangang pakinggan. Hindi ako ang iniisip mong ako.”

“Anong ibig mong—”

Ngunit bago niya matapos, sumabog ang isa pang putok.

Nagkalat ang mga bubog, at ang mga ilaw ay tuluyang nagpatay-sindi hanggang sa tul

uyang magdilim.

At sa gitna ng dilim, narinig ni Ayesha ang tinig ni Rohan—

paos, mahina, ngunit puno ng katotohanan.

“Hindi ako si Rohan Santos…”

Kasabay noon, bumagsak ang katawan nito sa braso niya, duguan.

Itutuloy…

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   Chapter 54 – “Building Trust and a New Beginning”

    Umagang-umaga, bumangon si Ayesha sa malambot na kama. Ramdam pa rin niya ang init ng katawan ni Rohan sa tabi niya, at sa bawat galaw niya, halatang maayos na ang kanilang sleeping arrangement—walang tensyon, walang agam-agam. Huminga siya ng malalim, tinitingnan ang liwanag ng araw na tumatama sa bintana. “Rohan… handa ka na ba sa bagong araw natin?” bulong niya, medyo nahihiya pero may halong excitement. Ngumiti si Rohan, hinaplos ang buhok niya. “Ayesha… handa na. At gusto kong simulan natin ang araw na ito with a promise: lahat ng gagawin natin, magkakasama tayo.” Sa dining area, habang kumakain sila ng simpleng breakfast, napansin ni Ayesha ang seriousness ni Rohan. “Ano’ng iniisip mo?” tanong niya. Tumigil si Rohan at tumingin sa kanya, malalim ang mata. “Ayesha… kailangan nating ayusin ang business. I know na sa nakaraan, nakaramdam ka ng pressure, pero I want you to be part of everything. Decision-making, plans… lahat.” Napangiti si Ayesha. “Rohan… gusto ko rin. I want t

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   Chapter 53 – Pag-usbong ng Bagong Bukas

    Pagmulat ni Ayesha ng mata kinabukasan, ramdam niya agad ang init ng katawan ni Rohan sa tabi niya. Nakahiga silang magkatabi sa kama, ang mga unan medyo magulo, ang kumot bahagyang nakalayo sa kanila, pero ramdam niya sa bawat galaw ni Rohan ang katiyakan: hindi siya nag-iisa, at hindi siya iiwan.Dahan-dahan siyang umupo, at tinapik ang braso ni Rohan. “Rohan… gising na?” mahina niyang tanong, parang nag-aalangan.Ngumiti si Rohan, at bahagyang umangat ang ulo niya. “Gising na ako… at mukhang ikaw din.” Hinaplos niya ang buhok ni Ayesha, sabay hawak sa kamay. “Kumusta ang tulog mo?”Tumango si Ayesha, ramdam ang init ng katawan niya sa bawat haplos. “Okay… just okay. Pero… Rohan…” huminto siya, parang nahihirapang ilabas ang nararamdaman. “Ang dami nating pinagdaanan… pero parang ngayon lang ako nakaka-relax ng ganito sa tabi mo.”Ngumiti si Rohan, malambing. “Ayesha… alam mo, kahit gaano kahirap, kahit gaano kalalim ang gulo ng mundo natin… kapag nandito ka sa tabi ko, parang lahat

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   Chapter 52 – Between Touches and Promises

    Tahimik ang kwarto ng Villarreal penthouse. Malambot ang ilaw mula sa bedside lamp, at ang malamig na simoy ng hangin mula sa bintana ay nagdadala ng kakaibang kuryente sa hangin. Nasa tabi ni Ayesha si Rohan, nakaupo sa sofa, hawak-hawak ang mga kamay niya. “Alam mo, Rohan…” simula ni Ayesha, humihinga siya ng malalim, “grabe pa rin… kahit tapos na lahat, parang hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa mansion.” Ngumiti si Rohan, bahagyang napalingon sa kanya. “I know… pero andito na tayo ngayon. Wala na ‘yung lahat ng gulo, ‘yung… confusion, at ‘yung takot mo.” Nanlaki ang mga mata ni Ayesha habang tinitingnan siya. “Pero… paano ka na lang nakabalik sa akin? Para bang…” “Para bang ang dami nating pinagdaanan, pero sa dulo, tayo pa rin,” sagot ni Rohan, dahan-dahang pinisil ang kamay niya. “At sa totoo lang… I don’t want to waste another moment away from you.” Dahan-dahan, lumapit si Ayesha. Ang puso niya ay mabilis ang pintig, at ramdam ang init ng bawat galaw ni Rohan. Nap

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   CHAPTER 51: Secrets in the Spotlight

    Tahimik ang gabi sa Villarreal residence, pero hindi ito tahimik sa kalooban ni Ayesha. Nakaupo siya sa sofa, hawak ang baso ng malamig na tubig, pilit pinapakalma ang racing thoughts niya. Rohan ay nakatayo sa tabi ng bintana, nakatingin sa city lights na parang hinahanap ang sagot sa kung saan man nagmumula ang gulo. “Alam mo, minsan naiisip ko,” mahina niyang bulong, “baka lahat ng nangyayari, sinadya na lang ng pamilya mo.” Tumawa si Rohan, ngunit hindi talaga natatawa. “Kung iisipin mo ang Villarreal legacy, tama ka. May mga desisyon na ginawa nang hindi ko alam, at ngayon, nahuhulog sa atin ang epekto.” Tiningnan siya ni Ayesha. “And what about Rowan? He’s… dangerous.” Tumigil si Rohan. Malalim ang hinga. “Yes, but dangerous because he feels he has nothing to lose. He’s been in shadows too long. Pero hindi niya alam—he still underestimates you.” Huminga si Ayesha. “Maybe. But sometimes, I feel like… the world is watching, and hindi ko alam kung handa na akong ma-expose.”

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   CHAPTER 50: When the World Starts Watching

    Hindi palaging dumarating ang gulo na may kasamang sigawan o gulo sa lansangan. Minsan, dumarating ito sa anyo ng isang headline. Tahimik ang umaga sa Villarreal residence. Ang sikat ng araw ay pumasok sa pagitan ng kurtina, pero hindi nito napawi ang bigat sa dibdib ni Ayesha habang nakatitig siya sa screen ng phone niya. “VILLARREAL GROUP LINKED TO OLD CONTROVERSY — SOURCE CLAIMS INTERNAL POWER STRUGGLE” Hindi pa diretsong pangalan ni Rowan. Hindi pa lantaran. Pero sapat para magtanim ng duda. Lumabas si Rohan mula sa banyo, inaayos ang cufflinks niya. Napansin niya agad ang expression ni Ayesha. “It’s out,” sabi niya. Lumapit si Rohan at tiningnan ang screen. Hindi siya nagmura. Hindi siya nagulat. “Expected,” sagot niya. “He’s warming them up.” “Rowan?” tanong niya, kahit alam na niya ang sagot. Tumango si Rohan. “He wants the public involved. Kasi kapag may mata ang mundo, mas mahirap gumalaw nang tahimik.” Huminga nang malalim si Ayesha. “And mas mahirap ding magsinun

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   CHAPTER 49: What the Silence Reveals

    Tahimik ang bahay. Hindi ‘yung klaseng katahimikan na payapa—kundi ‘yung mabigat, parang may mga salitang gustong kumawala pero walang gustong mauna. Nakatayo si Ayesha sa harap ng bintana ng sala, nakatanaw sa labas pero hindi talaga tumitingin. Nasa isip pa rin niya ang mukha ni Rowan sa café—ang paraan ng pagsasalita niya, ang kontroladong emosyon sa likod ng mga mata nito. Hindi siya galit. Hindi rin siya desperado. Mas delikado iyon. Sa likod niya, nakaupo si Rohan sa sofa. Hindi siya gumagalaw. Hindi rin siya nagsasalita. Pero ramdam ni Ayesha ang tensyon sa bawat segundo. “She met you alone,” biglang sabi ni Rohan, mababa ang boses. Hindi tanong—isang pahayag. Lumingon si Ayesha. “Yes.” Tumango siya nang dahan-dahan. “You should’ve told me.” “I know,” sagot niya. “But if I did, you would’ve stopped me.” “Because it was dangerous,” mariing sabi ni Rohan. “Because you’re trying to protect me,” balik niya. “And I understand that. But protection without trust be

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status