LOGINSa loob ng marangyang sasakyan sa underground parking lot, mabigat ang hangin, parang may anong galit at tensyon na kumakapit sa bawat sulok.Nasa driver’s seat si Alden, bahagyang nanginginig ang mga kamay habang mahigpit ang kapit sa manibela. Ramdam niya ang pawis sa palad, hindi dahil sa init, kundi dahil sa kaba.Sa rearview mirror, pasulyap-sulyap niyang tinitingnan ang lalaking nakaupo sa likuran.... Si Xavier Valerio.Mula nang sumakay ito sa sasakyan, wala itong sinasabi. Tahimik lang, walang galaw, walang emosyon na mababasa sa mukha.At iyon ang mas nakakatakot. Mas gugustuhin pa ni Alden na sumigaw ito, magwala, o maglabas ng galit kaysa sa ganitong katahimikan na parang bagyong naghihintay lang sumabog anumang oras.Narinig na niya ang nangyari sa banquet. Sa harap ng lahat, hayagang inihayag ni Mayumi ang diborsyo nito sa kanyang boss na si Xavier. At hindi lang iyon, agad din nitong ipinakilala ang bago nitong kasintahan.At higit sa lahat… Ibinigay ng lola ang shares n
SAGER RESIDENCE:Ang atmosphere sa Sager mansion ay mabigat, parang may nakabitin na unos sa bawat sulok ng bahay. Tahimik, ngunit nakakasakal.Sa labas ng malalaking pinto, nakahanay ang ilang bodyguard na naka-itim na suit. Walang nagsasalita, ngunit kitang-kita sa mga mata nila ang tensyon. Para bang kahit isang maling galaw lang ay maaaring magpasabog ng galit sa loob.Dahan-dahang itinulak ni Christian ang pinto. Pagbukas pa lang, agad siyang sinalubong ng presensya ng kanayng ate na si Miranda. Nakatayo ito sa gitna ng sala... elegante, at nakakatakot. Ang kanyang mukha ay kasinglamig ng yelo, at sa kamay niya ay mahigpit na hawak ang isang mahabang itim na latigo.Bigla itong humampas sa hangin, at kasunod noon ay ang malakas na pagbasag ng salaming coffee table sa harap ni Christian.Nagkalat ang mga bubog sa sahig. Saglit na napaatras si Christian, ngunit agad din siyang tumuwid. Kilala niya ang kapatid. Alam niyang hindi iyon para saktan siya, isa lamang iyong malinaw na bab
“Mayumi, kailangan nating mag-usap.”Isang sulyap lang ang ibinigay ni Mayumi kay Ysabel, sapat na para mabasa ang lahat, ang pagpapanggap, ang pilit na kabaitan, at ang nakatagong intensyon sa likod nito.“Wala tayong dapat pag-usapan,” malamig niyang sagot.Hindi siya huminto at dire-diretsong nilagpasan si Ysabel. Ngunit hindi nagpatinag si Ysabel. Sumunod ito ng ilang hakbang, tila hindi naaapektuhan sa pagiging malamig ni Mayumi.“Narinig ko kay Andra na pumunta ka raw sa Valerio Ancestal Mansion kanina,” wika nito, parang kaswal lamang ang tono, pero matalas ang bawat salita. “So alam mo na palang ibibigay ni Grandma sa’yo ang shares, ‘di ba?”Bahagya itong ngumiti, ngunit may halong panlilibak.“Limang taon kang nagtiis, nagpanggap na mahal mo si Xavier. Pero ang totoo, para lang iyon sa kayamanan ng Valerio family, tama ba?”Naningkit ang mga mata nito, puno ng paghamak. Isa itong bitag, alam iyon ni Mayumi. Isang maling salita lang... isang maling kumpirmasyon, at magagamit i
Hindi nagtagal matapos umalis si Grandma. Sabay na ring lumabas ng banquet hall sina Mayumi at Christian.Tahimik ang pasilyo kumpara sa loob, wala na ang ingay ng mga bulungan, halakhakan, at palakpakan. Tanging marahang tunog ng kanilang mga hakbang at ang malamig na hangin mula sa air conditioning ang kasama nila. Para bang sa paglabas nilang iyon, naiwan din sa loob ang bigat ng mga mata at mapanghusgang tingin ng lahat.Itinaas ni Christian ang isang kilay, may bahid ng pang-aasar ang ngiti. “Congratulations,” wika nito, mababa ang boses ngunit malinaw ang biro. “Malapit ka nang maging pinakamayamang babae sa Maynila.”Hindi agad sumagot si Mayumi. Bahagya lamang siyang napangiti, ngunit may halong pagod at pag-aalinlangan ang kanyang mga mata. Hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa kanya ang lahat ng nangyari.Bigla na lamang hinawakan ni Christian ang kanyang kamay, dahan-dahan itong iniangat at idiniin sa kanyang pisngi. Marahan niyang ikinikiskis ang mukha sa palad nito. Baha
Sa huling salitang iyon, Parang sumabog ang buong bulwagan sa ingay. Hindi makapaniwalang ang lahat.“Half ng shares?”“Imposible…”“Kay Mayumi mapupunta?”Hindi na mapigilan ang kaguluhan. Agad kumilos si Estrella Valerio. Mabilis niyang kinuha ang mikropono mula kay Grandma.“Pagod na si Grandma, medyo napapagod na siya at kung anu-ano na ang nasasabi. Samahan na muna natin siya para makapagpahinga.” pilit nitong pinakalma ang sitwasyon. Ngunit hindi gumalaw si Grandma. Sa halip, dahan-dahan itong ibinaling ang tingin sa pintuan. At sa mismong sandaling iyon, isang lalaking nakaayos nang pormal, isang abogado, ang mabilis na pumasok. Bitbit nito ang isang dokumentong tila matagal nang inihanda.Lumapit ito kay Mayumi at iniabot ang papeles.“Miss Mayumi Santillan, ito po ang share transfer agreement.” magalang nitong saadParang napako si Mayumi sa kinatatayuan. Hindi niya inaasahan ito, hindi ganito. Ang shares na hawak ni Grandma halos kalahati ng buong Valerio Corporation. Ibig
Napalingon ang buong bulwagan sa direksyon ng boses.Unti-unting lumitaw si Christian... matikas ang tindig, kumpiyansa ang hakbang, at may bahagyang ngiti sa labi na tila walang bahid ng kaba.“Donya Corazon, nais ko po kayong batiin ng mahabang buhay at mabuting kalusugan,” magalang nitong saad sabay bahagyang yuko. Pagkatapos, dahan-dahan ibinaling ang tingin kay Ysabel.Hindi ito nakapagsalita. Sa unang pagkakataon, nawalan siya ng lakas ng loob. Naalala niya kung paano siya pinatahimik ni Christian noon... at ngayon, mas lalong hindi niya kayang sumagot.Ngunit sa kabila nito, hindi maiwasan ni Ysabel na makaramdam ng kakaibang tuwa. Perfect! May video na, may testigo pa.At ang lalaking iyon ay mula pa sa pamilyang Sager.Sa lahat ng aspeto, tapós na ang relasyon nina Mayumi at Xavier. Kahit pa peke lamang ang kanilang paghihiwalay noon… Ngayon, wala nang atrasan.Napangiti nang bahagya si Ysabel at sumulyap kay Patrick. Itinaas nito ang kamay at bahagyang kumindat... i
Hindi nagtagal, muling ipinamahagi ang mga meryenda. Kinuha ni Kiel ang huling piraso na para sana kay Peter at naglakad patungo sa opisina nito. Bago pumasok, lumingon muna siya kay Mayumi at nagbigay ng panatag na tingin.Nakita na ni Peter ang kaguluhan sa labas sa pagitan ng mga blinds ng kanya
Kung naging mas matapang lang sana siya noon at sinabi kay Mayumi ang tunay niyang nararamdaman, maiiwasan kaya ang pagpapakasal nito kay Xavier Valerio? Kung naging mas mapilit siya, mag-iiba kaya ang takbo ng mga pangyayari?“May problema ba? Mahirap bang ayusin?” tanong ni Mayumi.Nang marinig i
Kakababa pa lang niya ng telepono ay muli itong tumunog. Dalawang notification message ang natanggap niya.Ang isa ay galing kay Estrella… “Pumunta ka rito sa loob ng tatlumpung minuto, kung hindi ay lalamig ang sabaw.”Napahugot na lang siya ng malalim na hininga sa nabasa.Ang isa pang notificati
Sandaling natahimik si Ysabel. Kahit pa may kaunting progreso na ang relasyon nila ni Xavier, hindi pa rin siya lubos na kampante. Hindi pa rin dini-divorce ni Xavier si Mayumi, kaya hindi pa siya tuluyang nakakapasok sa pamilyang Valerio.Hindi niya maintindihan si Xavier. Kung hindi nito mahal si







